Share

Chapter 393 : Parang Kawawang Tuta

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2025-03-02 19:30:30

"Bumalik ka kay Felix at hanapin mo ang dokumento ng proyekto ng fh221 at ibigay mo sa akin" sabi nito sa mensahe.

Nanginginig na hawak ni Yuna ang telepono sa kanyang kamay nang dumating ang isa pang mensahe.

"Bibigyan lang kita ng isang linggo" halos manlamig si Yuna at napaupo na lamang at humagolhol ng iyak.

Umihip ang malamig na hangin, at nanginginig si Yuna na parang na-freeze.Wala siyang magawa. Tulala lamang habang umaagos ang masaganang luha.

Sa isang malalim na gabi ng taglamig, bumaba siya sa taxi at pumasok sa lumang Villa ng balisa at walang ekspresyon ang mukha.

Ibinalibag lang niya ang hawak na bag at uumpo sa sofa na parang lutang. Hindi niya gustong manakit ng sinuman lalong lalo na, hindi niya kayang traidorin si Felix. Pero may mga taong masasama na ayaw siyang lubayan.

​Ipinikit ni Yuna ang kanyang mga mata habang iniisip ang mga problema. Sa wakas ay may naisip si Yuna kaya idinilat niya ang kanyang mga mata.Anuman ang sitwasyun, hindi siya maaaring sumuko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Antiporta Valdoz Mhonz
anu klase kwento 2,subrang tang ng karaktet ni Yuna,sayang ung Oras sa oagbabasa neto
goodnovel comment avatar
Budgetarian Cooking Ng Ina Mo
miss Author pabalikin mna si kay felix at magpakasal silang dalawa sabihin mna ang totoo buntis sya para maalagaan ang pagbubuntis nya kawawa ang baby gawin mo na syang matalino palitan mna mind set nya bigyan mo ng matalas na pakiramdam puro pig hati nlang ni yuna ang mababasa pakiligin mo kmi
goodnovel comment avatar
Apple Amirah
sakit sa bangs , sobrang tamga ma ni Yuna! nakalimotan na ata nia na buntis sya nakakainis na sya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 541: Ang Mata Ng Bagyo

    Sumakay si Feilx sa kanyang sasakyan at mabilis na umalis, tiyak ang lugar na patutunguhan.Samantala sa restaurant, Umupo si Robert sa tapat ni Yuna. Medyo kumplikado ang mga mata ni Yuna ng sandaling iyon.Upang makapaghiganti kay Rowena, gusto niyang akitin si Robert, ngunit nang marinig niya na sinira na nito ang pakikipag-ugnayan kay Rowena, nakaramdam siya ng saya pero meron ding pagkakonsensya. Si Rowena lamang ang nais niyang parusahan at si Rowena lamang ang may atraso sa kanya. Nang makitang iniwan siya ng taong nagmamahal sa kanya, nabuhayan ng loob si Yuna.Sa wakas ay natikman na rin ni Rowena kung paano masaktan at matraidor.Ngunit nakaramdam siya ng kaunting guilty sa pakikitungo kay Robert.Wlaa itong kasalanan sa kanya. Bagama't sa palagay niya ay tinulungan niya ang binata na malayo kay Rowena na hindi karapat dapat sa tulad ni Robert, nababagabag pa rin siya dahil ang kanyang intensiyon kay Robert ay huwag lamang."Anong nangyari at para kang natulala?" Umupo si

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 540 : Ang Piliin Ang Nais Niyang Manatili.

    "Gusto mo pumunta ako sa ibang bansa? Sigurado ka?""Oo, Dahil tungkol ito kay Yuna." gusto pa rin ni Myca na tumulong si Sandro sa kaibigan kaya seryosong niya sinabi, "Tulungan mo na lang si Yuna. Malaki na ang tiyan ko, at wala akong magawang tulong para sa kaibigan ko. Siya lang ang nagiisa kung kaibigan Sandro." Pakiusap ni Myca.Napatingin si Sandro kay Myca. Ang mahaba niyang itim na buhok ay nakasabit sa kanyang balikat, at puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. Inaamin ni Sandro na hindi siya makatanggi sa ganitong pakiusap ni Myca."Nag-aalala lang ako na maiiwan kita, baka kung anong mangyari habang wala pa ako." Ang guwapong mukha ni Sandro ay lumapit sa kanya, ang kanyang mga mata ay kasing lalim at kasing kaakit-akit ng karagatan.Dahil sa hitsurang ito, nadudurog ang puso ni Myca, naging napaka maalalahanin at napakabuti ni Sandro sa kanya mula pa ng magkasundo silang buhayin ang bata. Kinusot niya ang kanyang mga mata at bumulong, "Okay lang ako, Hindi ako masyadong

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 539: Mananatili Ka Na Ba Sa Akin

    Si Yuna ay nagulat sa lambing na iyon ni Felix ngunit hindi nagpahalata at hindi rin siya tumanggi."Hindi ba sinabi mo iyon? Kung hindi ko alam kung ano ang makakabuti para sa akin, mahihirapan ako diba? Ngumiti si Felix, Pasensya na pinahihirapan ba kita?ikaw naman kase" sabi ni Felix."Grabe ka talaga, Itinaboy mo si Kuya Patrick.""Ayoko lang na may ibang lalaki sa paligid mo." Ipinatong ni Felix ang kanyang baba sa kanyang balikat, na mukhang nasisiyahan.Maaari mong itaboy ang mga tao, pero dahil ngayon na wala ng sinuman sa paligid ko na pwede kogn nahingian ng tulong, kailangan mo akong tulungan." Pasakalye ni Yuna."Tutulungan kita magsabi ka lang?""Tulungan mo akong makapaglabas ng isang tao sa bilangguan ng Amerika." Sabi ni Yuna, Sinusubukan niya ito, kung handa ba itong saktan si Rowena para sa kanya.Nagsalita si Felix nang hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon,"Si Jessica ba?" Seryoso ang tono ni Felix."Nasuri mo na pala ang bagay na ito? Kung sabagay wala nga p

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 538: Ang Pagtaboy Sa Langaw

    Sa buong mundo, si Patrick lang ang handang tumulong sa kanya para mapalapit kay Robert, at imbestigahan si Rowena, at ginagawa ito ni Patrick ng walang kapalit. Ngunit ngayon ay pinalayas pa ni Felix ang taong ito.Ano ng gagawin niya?Sa kasong ito, maaari pa ba niyang ipagpatuloy ang pagiimbestigahan ng kaso ni Rowena? Ang puso ni Yuna ay puno ng kalungkutan.Nang sumunod na araw, ang pagkatiwangwang ng kaso ay tumagal hanggang sa sumunod pang mga araw, at nagsimula na itong lumala.Ang abogado na namamahala sa kaso ni Jessica ay tumawag sa kanya at sinabing si nawalan na sila ng kontak, kay Patrick at si Jessica ay inilipat na sa mas mahigpit na Prison, at ang mga bagay ay naging mas mahirap lutasin ngayon kaysa dati.Nawalan sila ng contact si Patrick, malamang dahil nangibang bansa ito at hindi pa naka roaming, kaya't hindi ito matawagan ng abogado kaya siya ang tinawagan niito.At ang sabi ay inilipat na si Jessica saas mahihput na kulungan? Sino kaya ang gumawa noon?Nalama

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 537 : Ang lihim Ni Rowena.

    "Totoo ba iyon?" Paniniguro ni Yuna."Oo, Nakalaya na pala si Jesica ng mga panahong iyon. At saktong kababalik lang sa amerika, sakto ding bumalik naman si Rowena para maghiganti kay Jessica. Mukhang hindi nga simple at mahinang babae lamang si Rowena dahil kung hindi, paano siya bumalik para maghiganti lamang kay Jessica?Lumingon si Yuna kay Patrick at tinanong ito, "Maaari ko bang makita si Jessica ngayon?""Noong nagkakilala kami ay nasa bilangguan na siya sa Amerika. Pero nangako siya sa akin na kaya niyang sabihin kung ano ang ginawa sa kanya ni Rowena, pwede daw siyang tumestigo, ngunit kailangan muna natin siyang mailabas sa kulungan bago daw siya tetistigo, Iyon ang kondisyun niya."sabi ni Patrick."Kung mayroon tayong testimonya ni Jessica, maaari nating ipakita ang totoong mukha ni Rowena diba? Sabi ni Yuna.Ngunit ang pagpapalabas ng isang Amerikano mula sa isang bilangguan sa Amerika ay hindi isang madaling gawain. Sabi ni Yuna. Nag-isip sandali si Yuna at nagtanong, "K

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 536: Mga Palatandaan

    "Sa tingin mo nanalo ka na dahil lang sa naakit mo na nga si Robert? Yuna, malayo pa ang larong ito." sa wakas ay Tumigil na rin si Rowena sa pagpapanggap na mabait at inosent at malamig na tumingin kay Yuna.Ngumiti si Yuna, "Siyempre, alam kong malayo pa endong ng labang ito.Ilaw pa ba? Saka alam ko din na malayo ang mararating mo dahil alam kong hindi mo matatanggap ito.vHuwag kang mag alala wala pa ako sa kalahati, Hindi mo pa nararanasan ang lahat ng sakit na naranasan ko noon dahil sayo. Ano?masakit ba? nakakabaliw ba? Hindi rin ako papayag na matatapos lang ang mga bagay ng ganito lang, kaya mahintay ka lang?"Hindi siya kumikilos laban kay Rowena ng harapan noon hanggang ngayon ngunit nagpadala siya ng mga tao upang imbestigahan si Rowena.Kung walang ebidensya, wala siyang magagawa sa kanya, kaya maghinlhintay pa saglit si Yuna.Ngumisi si Rowena at sinabing, "Sa sitwasyun mo ngayon na wala ng Felix na kakampi mo dati, sa tingin mo ba matatalo mo ako?""Eh' di tingnan nati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status