Share

Chapter 4: Ang Sukdulan

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2024-08-20 15:27:29

Mabilis at malalaking hakbang na sinalubong ni Yuna ang dalawang walang kamalay-malay  na naroon siya. Nataranta namang sumunod ang katulong na kasama niya.  Pero napako ang mga paa ni Yuna na isang dipa na lang layo sa dalawa. Nakita kasi ni Yuna  na malambing na inaakay ng kanyang asawa ang babae. Parang sinaksak ang puso niya. Dahil sa pagkatulala ay nakatawag iyon ng pansin kay Felix na napatingin sa direksyon niya. Kumunot pa ang noo nito. 

“Bakit, Felix? Kilala mo ba ang babaeng iyon?” tanong ng babaeng inaalalayan ni Felix. Hindi kumibo si Felix pero inakay ang babae papasok ng kotse pero hinarang sila ni Yuna na  nagawa kumilos mula sa pagkatulala saka nakipagtitigan sa asawa. 

“Felix, sino ba ang babaeng ito?” sabi ng babaeng kasama ni Felix.

“Ako sino ako? Hah! Sino nga ba ako, Felix? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ng malanding  babaeng kasama mo?” sabi in Yuna.

“Stop it, Yuna. Nakakahiya ka!” Hasik ni Felix.

“Sino ka bang mahadera ka. Parang laking eskwater! Sino ba siya, Felix?” sabi ng  babae.

“Siya ang asawa ko. Sige na, pumasok ka muna sa kotse,” utos ni Felix.

“Teka bakit ako papasok ng kotse at ano naman kung siya ang asawa mo? Siya pala ang  madalas mong ikuwento sa akin!" sabi ng babae.

“Please get inside the car,” giit ni Felix at saka hinila si Yuna sa ‘di kalayuan.

“Ano ba? Bakit mo ba ako kinaladkad? Sino ang babaeng ‘yon?!” tanong ni  Yuna na nilalabanan ang pag-iyak at sakit ng kalooban.

“Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako ha?!” galing na tanong ni  Felix.

“Ah, Sir Felix kasi…” Hindi na nagawang tapusin ni Manang Azun ang sasabihin kung bakit  sila naroon dahil pinutol iyon nang malakas na boses ni Yuna.

“Sino siya? Sagutin mo ang tanong ko. Sino siya?!” Histerikal na si Yuna. “Bakit ikaw ang kasama niya? Anong kinalaman mo sa kanya?”  Nagtagis ang bagang ni Felix at tumingin sa malayo bago sumagot.

“Huwag kang magtanong ng mga bagay na wala kang kinalaman! Lalong-lalo nang  huwag mong itanong ang mga bagay na alam mong masasaktan ka sa sagot!"

“So, babae mo siya? Siya ba ang inuuwian mo sa tuwing hindi ka umuuwi sa akin ha?"  pasinghal na tanong niya. “Matagal mo na ba akong niloloko?”

"Niloloko? Sino ka para ungkatin ang salitang panloloko? Sino sa ating dalawa ang naunang  nanloko ha?  Baka nakakalimutan mo kung paano tayo ikinasal! Sa araw pa lamang ng kasal natin, sinabi ko na sayo na wala akong pagtingin sayo kaya anong pinagpuputok ng butsi mo ngayon?  Stop this nonsenseat umuwi ka na!” Masama ang pakiramdam ni Yuna at halos nanlalagkit na ang pawis niya pero sinisikap  niyang tiisin.

“Ano ako sa buhay mo ngayon? Parausan? Uuwian mo lang kung kailan kailangan o kung n*********n ka lang gano’n ba?” Tumiim lalo ang bagang ni Felix pero hindi ito nagsalita. Bagkus ay tumalikod ito, pahakbang na sana palayo nang muling nagsalita si Yuna.

“Siya ba ang nakaraan mo? Ang babaeng hindi mo makalimutan? Ang babaeng iniyakan mo?  Ngayon na nagbalik na siya, anong balak mong gawin sa akin? Isa na lamang ba akong laruan na babalikan mo kung kailan mo gustong malibang? Ituturing na  parang basahan at gagamitin na lang kung kailangan?"

Tumalim ang tingin ni Felix sa kanya bago ito nagmartsa palayo. Tuluyan ng naglandas ang mga luha sa mga mata ni Yuna kasabay nang tuluyan ng pagbitaw ng kanyang pagtitiis sa sakit ng tiyan. Napasigaw siya dahil sa matinding sakit ng kanyang sikmura hanggang sa mawalan ng malay.

“Ay senyorita! Tulong! Sir Felix!” sigaw ni Manang Asun. Agad namang lumingon si Felix at nakitang nakahandusay sa lupa ang asawa. Bumalik siya at tinakbo sa ospital si Yuna. Pero hindi na nagawang manatili pa nito dahil tinawag na siya ng babae at walang tigil  ang businang ginagawa sa kanyang sasakyan.

Sa nalilitong isipan ay nilisan ni Felix ang ospital at hinatid ang babaeng kasama.

__

Init ng sikat ng araw mula na nakabukas na bintana ang gumising kay Yuna. Masasakit ang katawan niya at parang tuyong tuyo ang kanyang lalamunan. Pero ramdam niyang kahit papaano ay hindi na parang iniinat ang kanyang  bituka.

“Nasan ako manang?” tanong niya pagdilat ng mga mata. Naabutan niya s Manang Azun sa tabi niya.

“Narito ka na sa silid niyo. Groggy ka kasi dahil sa painkiller kaya halos hindi mo namalayan na nakabalik ka na rito.  Ayos ka na ba?" tanong ng matanda.

“Opo, medyo hindi na po masakit ang sikmura ko, Manang”

“Gastroenteritis ang sakit mo, hija. Dahil sa stress at sa hindi magandang pagkain na nakain mo. Iwasan mo daw ang mag-isip at ma-stress. Mag-iingat ka rin sa pagkain ng kung ano. Ang  hilig-hilig mo kasing tawagin ang magtataho at magf-fish ball sa labas, e!” sabi ni Manang Asun.

“Nasaan ho si Felix? Alam niya na ba ang nangyari sa akin?” tanong ni Yuna sa matanda pero agad din pinangsisihan kung bakit pa nga ba niya naitanong

"Naku magdamang kang tulog kaya walang laman yang sikmura mo. Aba eh sabi ng doctor huwag ang mamgpalipas ng gutom Heto o pinanglugaw kita" sabi in Manang Azun na iniwasan ang tanogn ng among babae.

Gumala ang mga mata ni Yuna  sa paligid. Wala siyang nakitang bakas ng pinaghubaran ng asawa kaya alam niyang wala  ito doon. Maging si Manang Asun ay hindi agad nakasagot kaya alam niyang tama ang hinala niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya. ISa siyang tangan kong iisipin niyang  nanatili ito sa tabi inya at inalagaan siya . Isa iyong kahibangan. Hindi naman natiis ni manang Azun ang lungkot na nakita sa mata ng amo.

"Matapos akong tulungang ipasok ka sa ospital ay tinatawag na ng babae kaya umalis na agad at hindi pa bumabalik,” kuwento ng matanda na hindi malaman kung tama bang sinabi  nito ang totoo o sana naglihim na lang ito.

Alam kasi nitong masasaktan na naman ang amo  niyang babae. Bagamat isa lamang siyang mayordoma ay mulat ang mga mata niya sa nangyayari. Alam ni mang azun ang dahilan ng kasalan pero mabait at maalaga si Yuna at hindi naman ito mahirap mahalin.Yung nga lamang hindi inya maintindihan ang amo kung bakit ito ganito.

Pagkarinig niyang ni hindi man lamang siya inasikaso at sinamahan ng asawa ay labis na  nasaktan si Yuna. Umiyak siya nang umiyak. Ang sakit ng kapalaran niya at ang  lupit ng tadhana niya. Nasasaktan siya dahil sa loob ng dalawang taon ay ni kaunting pagmamahal ay hindi siya nito maambunan. Para siyang sinaksak sa dibdib nang paulit-ulit.

“Ganito ba talaga ako kawalang-kwentang babae? Hindi pa ba ako sapat? Ginawa ko naman ang lahat sa loob ng dalawang taon naming pagsasama…” naaawa sa sarilign sabi ni Yuna. Kapilign ang lahaht ng hinanakit sa asawang tila kahit gasinulid na pagmamahal ay wala para sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Kent Russel
Ang sakit...
goodnovel comment avatar
Che Mai Mai
same story xa dun sa kabila
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
Ang gandang story nito sana lng tapos
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 613 : Walang Saysay Kung wala ka

    Ginawa ni Jessica ang manahimik para may makatulong sa kanya para makalabas ng kulungan. Guilty si Jessica dahil naging mabait si Yuna sa kanya at tinulungan pa siya nina Felix na makalabas sa bilangguan. Kaya bilang kapalit ng kabutihan ng mag-asawa, inamin ni Jessica ang lahat. Ngunit may planong sarili si Yuna kaya't kinausap niya si Jessica na manatiling tahimik at magkunwaring may alam upang mahuli sa sarili niyang bitag si Rowena.Sumangayon si Jessica na makipagtulungan kay Yuna, hindi nga lamang nila inaasahan ang mangyayaring aksidente. Doon lalong napagtanto ni Jessica ang kasamaan ni Rowena.Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ng maaksidente si Jessica, at nahuli pa niya ang pagpapamanman ni Rowena gamit ang tauhan nito, lalong lumakas ang loob ni Yuna na ituloy ang nasimulang plano.Kaya ura_ urada ay gumawa ng lihim na hakbang si Yuna habang wala pang malay si Jessica.Bagamat delikado, Ito na lang ang tanging paraan na naiisip ni Yuna upang mahuli sa sarilng bibig ai Rowen

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 612: Ang Plano ni Yuna

    Kung hindi siya kikilos, tiyak na babaon ang balang iyon sa kanyang dibdib. Sa bisa ng dasal at sa bingit na iyon ng kamatayan ay binanggit ni Yuna ang pangalan ni Felix.Nagawa ni Yuna na ikilos ang katawan at umiwas sa paparating na kamatayan, ngunit ang bala ay kasing bilis ng kidlat at tinamaan pa rin si Yuna sa gilid ng kanyang braso.Napaiktad sa hapdi at sakit si Yuna na halos bumulagta sa tindi ng impact ng tama ng bala. Matapos mapasalampak sa sahig, bagamat duguan ay naging alerto si Yuna dahil nakita niyang humakbang palapit ang galit na di Rowena. Pagapang siyang umusad at nagtago siya sa likod ng isang drum. Niyakap niya ang kanyang braso na may balang nakabaon habang masaganang umaagos ang dugo. Sumandal siya sa drum, bumubuhos ang malamig na pawis sa kanyang noo at nanginig sa takot ng marinig ang mga yabag ni Rowena."Sh*t! nakailag ka pa talagang babae ka. Pwes, sige maglaro tay9 ng baril barilan, hide and seek at kapag nakita kita Yuna ibabaon ko ang suianod na bala

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 611: Ang Putok Ng Baril

    "Hindi, hindi sapat ang magmakawa ka lamang Yuna. Kapag patay ka na, doon pa lang ako makakahinga at makakatulog ng mapayapa." Muling hinigpitan ni Rowena ang hawak sa barili at inilagay ang daliri sa gatilyo. nagaapoy ang galit sa mga mata nito.Nanginig na ang buong katawan ni Yuna sa takot na halos manlambot na ang tuhod niya at mapaluhod. Walang katao tao sa lugar na iyon at wala siyang maaaring hingan ng tulong, Nasa ilalawang palapa sila a kahit tumakbo siya ay tiyak na tatamaan siya ng baril. Ang kanyang mukha ay maputla, tumingin siya kay Rowena na may pagmamakaawa sa kanyang mga mata, "Rowena, bago ako mamatay, maaari mo bang sabihin sa akin ang totoo tungkol sa aking ama na nahulog sa hagdanan?" sa huling sandali, sa kabila ng takot ay nais pa rin ni Yuna na baunin sa kabilang buhay ang katotohanan.Sandaling katahimikan ang namayani. Noong una ay nagplano si Rowena na hindi na sabihin ang sikretong ito, ngunit hindi niya maisip na hayaan si Yuna na magdusa pa bago siya

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 610: Ang Huling Alas

    Nang mga sandaling iyon, ay para naman nagkatotoo ang imbentong kuwneto ni Susan dahil matapos siyang paalisin ni Yuna ay dumilat na nga si Jesica. kasalukuyang nakikipagusap noon si Yuna kay Lino para sa mga bagay na inihanda niyang plano kung salaking babalik si Rowena. Nang mabalitaan ang pagbabago kay Jessica nagmamadaling nangtungo si Yuna sa ICU, ng makarating sa silid ay nagmamadaling lumapit si Yuna at tinanong ang doktor na nakatayo sa labas, "Doktor, gising na ba siya?""She's awake," magalang na sagot ng doktor.Napangiti si Yuna, natuwa, at napabulalas, "Mabuti naman! Naaawa sa atin ang langit."Nang mga oras na iyon si Rowena naman ay nasa hospital na at nakakubli sa sulok ng hallway. Derederetso sana siya sa ICU habang nagdidilim ang paningin sa galit ng makita niyang nakatayo ang doktor at si Yuna sa labas ng pinto kaya sandali muna siyang nagkubli. Ruowan, kaya narinig nito mula sa sulok ng hallway, ang katotohanan at namutla ito at agad na sinundan si Yuna ng puma

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 609 : Ang Planong Bitag

    Nang mga sandaling iyon ay malalim na nag-isip si Susan at natahimik. Lalo lamang siyang natakot. Lalong nanginnig. Pero may punto ang kausap, kilala niya si Rowena at paano nga kun g pabayaan na siya nito at hinid pa tuparin ang usapan nila. Pagkatapos ay dumaloy ang masagana niyang luha. Tumingala at saka umamin kay Yuna."Miss Yuna, inutusan ako ni Miss Rowena na gawin ito, inutos niyang patayin ko si Jessica pagkatapos ay aalis siya at pupunta sa ibang bansa!" u,iiyak na ami nni Susan. "May iba pa ba?" tanong ni Yuna. Umiling si Susan, "Yun lang ang alam ko. Matagal ko nang hindi nakikita si Miss Rowena. Nakipag-ugnayan siya sa akin sa pagkakataong ito dahil may utang ang tatay ko sa sugal. Wala na akong ibang mapupuntahan. Hiniling niya sa akin na tulungan siya sa bagay na ito. Pagkatapos nito, bibigyan niya ako ng tatlong milyon.""Tatlong milyon?" Sumilay ang pagkalito sa mga mata ni Yuna. "Susan alam mong nabangkarote si Rowena at ang kanyang bank card ay na-freeze ng kortKa

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 608

    Ang sikretong nais sabihin ni Rowena kay Lilian ay ang sikreto tungkol sa pagpatay ng ama ni Yuna ang ama ni Felix? Ngunit ang sikretong ito ay ang tanging nalalaman at baraha ni Rowena at hindi niya ito maibibigay sa sinuman nang basta-basta. Paano kung ibinigay na niya ito kay Lilian pagkatapos ay itigil na nito ang pagtulong sa kanya ng pinansiyal? Eh di wala na siyang laban. Si Rowena ay hindi tanga at lalong hindi madaling isahan. Ang tanging kailangang mangyari ngayon ay ang makalabas siya ng bansa at mamuhay nang tahimik dahil kapag nalaman ni Yuna ang lahat at malaman ito ni Felix ay tiyak ipapapatay siya nito.Biglang dumilim ang mukha ni Lilian. Tila namis-calculate niya ang katusuhan ni Rowena. "Rowena, napagkasunduan natin sa simula na sa halagang tatlumpung milyon ay bibilhin ko ang sikretong 'yan. Hindi ba wala sa usapan natin na ang pagtulong ko sa'yo ay habang buhay? Oh, may nakatakdang araw." "Tama ka nga diyan, Miss Lilian. Pero sinabi mo rin sa akin na tutulungan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status