Share

Chapter 3: Pagibig na Walang Sukat

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2024-08-20 15:22:14

Tahimik na lamang na lumuha si Yuna. Inaamin niyang crush niya noon si Felix kahit pa nga sampung taon ang tanda nito sa kanya  noon. Sixteen pa lamang siya nang una niya itong makita at si Felix ay bente-otso na noon. Pinakabatang milyonaryo sa kanilang lugar. Sa loob ng isang taon ay mga apat na beses  niyang nakita ang binata na kausap ng ama. Kaarawan niya nang muli itong makita at isinayaw pa nga siya. Doon muling nabuhay ang  paghanga ni Yuna sa binata at inalagaan na niya iyon sa kanyang puso.

Oo, mahal niya si Felix. Masaya siyang inadya ng kapalaran na maikasal sila. Ramdam  naman niyang pinakialaman siya ni Felix nang gabing iyon kaya hindi na siya tumutol  kahit pa nga mukhang shotgun wedding ang nangyari. Sa kanyang puso ay hindi na magiging mahirap ang mahalin ito kaya naman ipinangako niyang gagawin ang lahat upang matutunan siyang mahalin ng lalaki. 

Naniniwala kasi siya na kung nagawa naman siyang galawin ni Felix ay baka magawa  din siyang mahalin nito.  Ngunit sa paglipas ng mga buwan at taon ay napatunayan ni Yuna na baka ang nangyari sa  kanila ni Felix noon ay dahil lang sa kalasingan nito. Ang mga pagninig nila ni Felix  ngayon ay walang kahulugan at tanging tawag lamang ng laman ng lalaki.

Pagdilat ng mga mata ni Yuna, katulad ng inaasahang ay wala na nga ang asawa sa tabi niya at ilang araw na naman ang lilipas bago siya muling uuwian  nito.  Dalawang taon nang ganito ang routine ng buhay niya sa asawa. Nasasanay na siyang umuuwi lamang si Felix kapag naisipan o kaya naman ay naghahanap  ang katawan sa pangangailangan bilang lalaki. 

Bagamat umaasang sa tagal ng panahon ay may pag-ibig na sa puso ni Felix para sa kanya,  nawawasak ang bawat pag-asa ni Yuna sa tuwing matatapos ang umaga. Isang linggo ang lumipas nang muling makaramdam ng pananakit ng tiyan at sikmura si Yuna. Ito na ang pang limang ulit na sumakit tiyan ni Yuna. Noong mga unang beses ay nagagawa pa niyang tiisin o kung minsan ay itulog na lang pero ngayon ay kakaiba na ito. Uminom na siya ng Buscopan pero hindi halos nawala ang masakit. Kinabukasan ay nagpasya na si Yuna.

“Manang Azun, pwede nyo ho ba akong samahan? Masama ho ang pakiramdam ko. Mahapdi po ang sikmura ko," sabi ni Yuna sa mayordoma sa  mansyon ni Felix.

“Sige hija, naku baka kung ano na yan ha. Kailan ho ba ang huling dalaw ninyo?" tanong ng  matandang nanunukso ang ngiti.

“Naku, Manang Azun, huwag na ho ninyo akong tuksuhin. Malulungkot lang ulit ako," sabi ni  Yuna.

"Bakit wala pa rin ba? Aba bakit natatagalan eh ki-bata-bata mo pa. Sinusunod mo bang inumin ang mga herbal na gamot na pinapainom sayo ng biyenan mo?" tanong nito.

"Opo naman, kahit ho sukang-suka na ako sa panlasa pero wala pa din.”

“Hindi naman kaya sa edad na ni Sir Felix yan kaya mahirap makabuo?” tanong pa ng matanda. “Ay siya! dagdagan mo na lamang ang dasal, hija, at saka gawin mo iyong mga senearch  natin sa internet!” sabi in Manang Azun.

“Manang, ano ba? Hindi ko kaya yun. Saka kas...” Hindi na natuloy ni Yuna ang sasabihin.  Hindi niya masabi na madalas ay mabilisan at brutal ang pagniniig nila ni Felix kaya  madalas ‘yun ang marahil na dahilan kung bakit hindi nagsasalubong at nagtatagpo ang kanilang semilya. ‘Yun ang eksplinasyun na napanuod niya sa internet.

Hindi niya iyon masabi sa matanda kahit pa nga close siya dito na para na rin niyang ina.  Ulila si Yuna sa ina kaya naman napalapit siya sa matandang tagapangasiwa ng bagay ni  Felix.

“Magbibihis na po ako Manang Azun ha, Alis na po tayo agad habang hindi pa makulimlim,” aniya.

Habang nasa biyahe ay naisipan ni Yuna na mag-usisa tungkol sa asawa. Marami na siyang naitanong dito tulad ng paboritong pagkain, ayaw na pagkain, pabango at kulay pati ang mga  hilig at mga maliit na detalye tungkol rito. Pero may nasagap siyang tsismis noon na binalewala niya pero nais ni Yuna na tanungin ang  matanda kung totoo iyon.

“Manang may naging kasintahan ba si Felix noon na nakilala ninyo? ‘Yun ho ba ang dahilan  kung bakit matagal bago nag-asawa si Felix?” tanong ni Yuna sa matanda. Napansin ni Yuna na naging malikot ang mga mata ng matanda at tila naaligaga sa  kinauupuan.

"Manang please, sabihin nyo sa akin. Kailangan kong malaman kung may dahilan ba kaya hanggang  ngayon ay nahihirapan akong kunin ang loob ni Felix,” sabi ni Yuna. Hindi lingid sa matanda ang  sitwasyon nilang mag-asawa. Ito rin kasi ang naging sumbungan niya.

“Alam mo hija, ang pagkakaalam ko ay may kasintahan si Felix noon. Nakilala niya iyon sa Amerika. Kaya nga noon madalas halos dalawang beses sa  isang buwan iyon bumiyahe si Felix para lamang puntahan ang babae. Nakilala ito ni Felix sa Amerika. Napilitan lang umuwi si Felix dahil sa mga negosyo ng pamilya at naiwan doon ang  babae,” kuwento ng matanda.

“Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta isang araw na lang umuwi si Sir Felix na lango sa alak at  galit na galit, pinagbabasag ang mga baso at alak sa silid niya habang sinisigaw ang  pangalan ng babae. Galit na galit siya kay Raquel na ayon sa kanya ay ayaw magpakita sa  kanya. Ginawa ni Felix noon ang lahat para lamang kausapin siya ng babae at pinahanap pa niya  ito.”

“Tapos nagulat na lang kami matapos ang isang taon inuwi ka ni Felix at sinabing alagaan ka bilang kanyang asawa…”

Tumango-tango si Yuna sa kuwento ng matanda pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay  nasasaktan siya. Sa kwento ng matanda ay parang mahal na mahal ni Felix ang babae sa  nakaraan nito. Kaya ba ganito ito sa kanya ay dahil sa sapilitan ang kasal nila at hindi na siya nagkaroon ng panahon mahanap ang babaeng mahal nito? Kaya ba ganito ang trato nito sa kanya ay dahil mahal pa  nito ang dating kasintahan?

Pinigilan ni Yuna ang maluha dahil nahihiya siyang makita ng matandang kasama ang lahat. Saka para saan ba ang mga luhang iyon. Simulat simula pa lamang sa unang gabi pa lamang niya bilang lihim na asawa ni Felix  inalisan na siya nito ng karapatang lumigaya.

Pababa sila ng kotse ng makita ni Yuna si Felix na may kasamang babae.  Noong una ay akala niya ay hawig lamang dahil ang paalam nito ay luluwas ng ibang bansa  para sa isang conference.

Sumiklab ang galit ni Yuna kahit pa nga halos mamaluktot na sa sakit ng sikmura. Hindi niya  kilala kung sino ang babae pero ang katotohanan na nagsisinungaling si Felix na luluwas ng bansa at hindi man lang umuwi sa kanya ay sapat na para  maghurumintado siya sa galit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Kent Russel
mga ganito masarap basahin nabubuhay dugo ko sa gigil ......
goodnovel comment avatar
Armilita Rico
sana tuloy tuloy ang update into kc karamuhan sa mga story wlang ending
goodnovel comment avatar
BABY JANE GUAVES
grabe na ito.. kung ako ang nasa posisyon mo Yuna, magagalit din ako..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 544 : Sa Akin Ay Hindi Ka Tatawaging Mistress

    Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay nagsalita si Felix. "Maaari bang huwag mo ng ituloy ang plano mo kay Robert?""Kay Robert? Bakit?""Nakita mo ang nangyari diba? Kung mananatili ka sa kanya, maituturing kang mistress, at mapapasabak ka lang sa gulo." Sabi ni Felix."Hindi mo ba narinig?" Tumingin sa kanya si Yuna, "Si Rowena at Robert at nanghiwalay na, naputol na ang kanilang ugnayan." Katwiran ni Yuna.Bahagyang dumilim ang mukha ni Felix ngunit nag-aatubili siyang magalit sa kay Yuna. Hinawakan niya ang balingkinitan nitong kamay at sinabing,"Ayoko lang na malagay ka sa panganib. Walang ibang babae sa paligid ko. Magiging ligtas ka sa piling ko." Giit ni Felix.Ngumiti si Yuna saka sumubo ng pagkain, "Saka na nating pagusapan yan, kapag naayos na ang tungkol kay Jessica." Saway ni Yuna.Kinaumagahan.Nakatanggap si Yuna ng kakaibang tawag sa studio. "Hoy Kabit! Umalis ka sa designer industry. Ang mga damit na idinisenyo mo ay isinusuot lamang ng mga mistress na tulad mo. W

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 543 : Nakagawiang Pagaalala

    Ang katawan ni Yuna ay hindi niya napigilan kaya napasandal talaga siya sa upuan, bigla niyang itinaas ang kanyang kamay para tapikin ang balikat nito, "Felix, bitawan mo ako..."Pero hindi siya pinansin ni Felix?Hinawakan lalo ni Felix ang dalawang payat na pulso ni Yuna at hinalikan pa ito ng mas malalim. Hindi makawala si Yuna, at ang kanyang harapang damit ay napunit na lamang sa pagmamadali ni Felix na buksan ang botones ng kanyang blusa.Pakiramdam ni Felix ay tila nagbago siya. Dati, hindi siya magiging bastos kahit balisa siya, pero ngayon para siyang mabangis na mananalakay dahil sa selos. "Felix ano ba?" Humihingal si Yuna at tinawag ang kanyang pangalan, "Hkdi mo ako dapat puwersahin ng ganito hindi ba?ang sabi mo hindi mo ako pipilitin.."paalala ni Yuna."Kung gayon bakit mo siya hinanap?" Ang boses ni Felix ay puno ng lamig, at gusto niyang kagatin si Yuna sa sobrang selos niya. Kanina pa lang sa sasakyan habang ptungo sa restaurant ay nagpupuyos na siya sa galit dahil

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 542: Ang Pagtatagpo-Tagpo

    Napatingin ang lahat sa gawing iyon ng pintuan, isang gwapong lalaki na may mukhang nakakintimadate, marangal at kagalang galang na lalaki ang nakatayo sa pintuan ng restaurant, nakasandal at nakatingin sa lahat, na may malakas na aura.Tila ito isang aristokratong isang pitik lamang ng kamay ay luluhod ang lahat.Nataranta ang ilang mga costumer pati na ang ilang staff at ang may ari ng restaurant."Sino ka?" Sita ng isang babaeng may kayabangan ang hitsura."Ako lang naman ang lalaki sa buhay ng babaeng ginigisa ninyo ng harapan." Sagot nito.Ang lalaki ay walang iba kundi si Felix Altamirano.Naglakad si Felix palapit sa kinatatayuan ni Yuna at ikinalawit ang kanyang kamay para hawakan ang baywang nito. Nanlamig ang katawan ni Yuna, naningas at hindi agad nakagawa ng kahit anong kilos.Nagulat naman ang mga nanonood. Ang ilang ay tahasang nagtanong. "Ganoon ba kakomplikado ang relasyon ng babaeng yan?" Hindi nila napigilang sabihin. "Alam mo bang nang aagaw ng nobyo ng iba ang k

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 541: Ang Mata Ng Bagyo

    Sumakay si Feilx sa kanyang sasakyan at mabilis na umalis, tiyak ang lugar na patutunguhan.Samantala sa restaurant, Umupo si Robert sa tapat ni Yuna. Medyo kumplikado ang mga mata ni Yuna ng sandaling iyon.Upang makapaghiganti kay Rowena, gusto niyang akitin si Robert, ngunit nang marinig niya na sinira na nito ang pakikipag-ugnayan kay Rowena, nakaramdam siya ng saya pero meron ding pagkakonsensya. Si Rowena lamang ang nais niyang parusahan at si Rowena lamang ang may atraso sa kanya. Nang makitang iniwan siya ng taong nagmamahal sa kanya, nabuhayan ng loob si Yuna.Sa wakas ay natikman na rin ni Rowena kung paano masaktan at matraidor.Ngunit nakaramdam siya ng kaunting guilty sa pakikitungo kay Robert.Wlaa itong kasalanan sa kanya. Bagama't sa palagay niya ay tinulungan niya ang binata na malayo kay Rowena na hindi karapat dapat sa tulad ni Robert, nababagabag pa rin siya dahil ang kanyang intensiyon kay Robert ay huwag lamang."Anong nangyari at para kang natulala?" Umupo si

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 540 : Ang Piliin Ang Nais Niyang Manatili.

    "Gusto mo pumunta ako sa ibang bansa? Sigurado ka?""Oo, Dahil tungkol ito kay Yuna." gusto pa rin ni Myca na tumulong si Sandro sa kaibigan kaya seryosong niya sinabi, "Tulungan mo na lang si Yuna. Malaki na ang tiyan ko, at wala akong magawang tulong para sa kaibigan ko. Siya lang ang nagiisa kung kaibigan Sandro." Pakiusap ni Myca.Napatingin si Sandro kay Myca. Ang mahaba niyang itim na buhok ay nakasabit sa kanyang balikat, at puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. Inaamin ni Sandro na hindi siya makatanggi sa ganitong pakiusap ni Myca."Nag-aalala lang ako na maiiwan kita, baka kung anong mangyari habang wala pa ako." Ang guwapong mukha ni Sandro ay lumapit sa kanya, ang kanyang mga mata ay kasing lalim at kasing kaakit-akit ng karagatan.Dahil sa hitsurang ito, nadudurog ang puso ni Myca, naging napaka maalalahanin at napakabuti ni Sandro sa kanya mula pa ng magkasundo silang buhayin ang bata. Kinusot niya ang kanyang mga mata at bumulong, "Okay lang ako, Hindi ako masyadong

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 539: Mananatili Ka Na Ba Sa Akin

    Si Yuna ay nagulat sa lambing na iyon ni Felix ngunit hindi nagpahalata at hindi rin siya tumanggi."Hindi ba sinabi mo iyon? Kung hindi ko alam kung ano ang makakabuti para sa akin, mahihirapan ako diba? Ngumiti si Felix, Pasensya na pinahihirapan ba kita?ikaw naman kase" sabi ni Felix."Grabe ka talaga, Itinaboy mo si Kuya Patrick.""Ayoko lang na may ibang lalaki sa paligid mo." Ipinatong ni Felix ang kanyang baba sa kanyang balikat, na mukhang nasisiyahan.Maaari mong itaboy ang mga tao, pero dahil ngayon na wala ng sinuman sa paligid ko na pwede kogn nahingian ng tulong, kailangan mo akong tulungan." Pasakalye ni Yuna."Tutulungan kita magsabi ka lang?""Tulungan mo akong makapaglabas ng isang tao sa bilangguan ng Amerika." Sabi ni Yuna, Sinusubukan niya ito, kung handa ba itong saktan si Rowena para sa kanya.Nagsalita si Felix nang hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon,"Si Jessica ba?" Seryoso ang tono ni Felix."Nasuri mo na pala ang bagay na ito? Kung sabagay wala nga p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status