LOGINIsang glass showcase ang naroon at sa loob nito nanggagaling ang maliwanag na ilaw. Sa loob ng glass showcase na iyon ay ang isang napakagandang babae na tila natutulog lamang. Tila buhay pa ito at natutulog lamang. Is this his mom?"What's the meaning of this? Bakit ganito?" Dinig kong sambit ni Sebastian. Nakita ko ang pagyuko niya sa glass showcase na tila tinitingnan nang mabuti ang nasa loob nito."We recently found out that after Tita Carmella died, Uncle Pantaleon ordered someone to freeze her body in order to keep her from decomposition. Kung anong itsura ng mom mo noong huli mo siyang makita noong bata ka pa, iyon pa rin ang itsura niya ngayon. We don't know the reason why Uncle Pantaleon did this but here she is..." Anthony explained to Sebastian.Napatingin ako sa reaksyon ni Sebastian. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya but I can tell he's slowly crashing from inside. Titig na titig siya kay Tita Carmella. Nang dumako ang tingin ko sa huli ay doon ko mas nakita ang
"You don't have an idea how much I love you," bulong niya sa 'kin. "I am every day thankful you came back to my life even if I made you doubt many times. Mahal na mahal kita, Celeste."Napangiti ako. Umikot ako paharap sa kaniya at pinakatitigan siya. Mugtong mugto ang mga mata niya at namumungay. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko iyon pareho. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya."I fell for you . . . And I am still falling, Sebastian," I uttered.Saglit pa kaming nagkatitigan bago tuluyang maglapat ang mga labi namin. Mapusok iyon ngunit magaan. Malalim ngunit marahan. Para akong nalulunod sa paraan ng paghalik niya sa 'kin. It's like an ocean that is deep and made me drowning. It's like a fiery fire that is wild and making me feel burning.The moon taught me there is beauty in darkness too. That even when I don't feel whole, I am enough. Sebastian made me feel it. He made me feel that I am more than enough.We rode half an hour to the main off
Tumawa ito. Tila musika iyon sa aking pandinig kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya."I know you don't like my long hair that much that's why I decided to cut it," sambit niya sa 'kin kaya humiwalay kaagad ako sa kaniya."It means... naaalala mo na ako?"Tumango ito kaya muli akong yumakap sa kaniya. Tahimik lang akong humikbi habang yakap-yakap siya. Nararamdaman ko ang marahan niyang paghalik sa ulo ko habang hinahagod ang likuran ko."That's also why I invited them here. I want you to be happy while celebrating this. I always want you to be happy," bulong niya sa 'kin.Ramdam ko ang pagkalma ng puso ko nang ilayo niya ako sa kaniya. He cupped my whole face and focused his gaze on me. Hindi ko na napigilang kagatin ang ibabang labi ko habang tinititigan siya."Ang gwapo mo," wala sa sariling sambit ko na ikinatawa niya.Bago pa man ito makapagsalita ay hinawakan ko na siya sa kaniyang batok at inilapit sa 'kin upang halikan. Mapusok iyon at malalim. Naramdaman ko
Hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ako sa kaniya. Umangat ang tingin ko sa kaniya. His eyes focused on me. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa mga labi ko. He gently licked his lower lip and bit it kaya halos matawa ako."Can I kiss you?" He suddenly asked, which made me laugh. Ngunit bago pa ako makasagot ay mabilis niyang ginagap ang mukha ko at marahang dinampian ng mainit na halik ang labi ko."I'll be quick. I have to tell you something," marahan niyang sinabi sa 'kin at malagkit pa akong tiningnan.Napailing na lamang ako at tumango sa kaniya. Damn that Sebastian. Hindi pa rin ito nagbabago ng paraan niya ng pag-akit sa akin. I still envy him. Hindi na mawawala iyon.Sumapit na ang gabi ngunit wala pa rin si Sebastian. Hindi na ako mapakali dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa kaniya gaya ng huling gabing umalis siya at hindi na nakabalik pa. I was about to call him when I suddenly heard a horn outside our house. Sa pag-aakalang si Sebastian na iyon ay nagmad
Patuloy pa rin sa pagwawala ito na tila nawawala na sa sarili. She was crying out loud. The overflowing emotions inside her heart is slowly eating her decent mind. Naghalo-halo sa kaniyang utak ang mga nangyari. Tila unti-unti siyang binabaliw nito."Celeste, calm down. We're done. Tapos na iyon. Ligtas ka na-""N-no! They are still chasing me! I can... I-I can still hear them kaya umalis na tayo rito! Please... a-ayoko na rito. Maniwala kayo sa 'kin! G-gusto nila akong patayin. A-ayoko! Ilayo niyo ako rito!" Humahagulhol na sigaw ng babae habang patuloy sa pagdurugo ang mga sugat nito.Lahat ay naalerto. Mabilis na nilapitan ito ni Basti at niyakap ngunit tinulak lamang siya nito at muling sumigaw at nagwala. Handa na muling tumakbo kung hindi niya lang ito nahawakan kaagad kaya nagdesisyon nang tumawag ng doctor si Gascon."She's calm... for now, pero sigurado akong mangyayari ulit ito sa oras na magising siya. She's traumatized. Palagay ko ay nangyari na ito sa kaniya but this time
Natigilan siya. Sinundan lamang niya ng tingin ang stretcher kung nasaan ang babaeng hindi niya maalala sa kaniyang isip ngunit ramdam niyang may malaking bahagi ito sa kaniyang puso.Tulala siyang naupo sa waiting area, iniisip kung bakit biglang nangyari ang barilan kanina lamang. May parte sa kaniyang utak na tila pamilyar na sa kaniya ang gano'ng senaryo ngunit hindi ito malinaw. At pinipilit niyang alalahanin ito ngunit patuloy lamang ang pagsakit ng kaniyang ulo."Mga hayop talaga ang mga 'yon! Sinasabi ko na nga ba, e, na mangyayari ito. Bakit kasi hindi na lang hinayaan na ang mga awtoridad ang kumilos? Bakit hinayaan niyo pang pumunta si Celeste sa presinto?" Nanggagalaiting buga ni Tristan sa tabi niya kaya napatingin siya roon.Bakas sa lalaki ang matinding galit at pag-aalala habang kausap si Hyacinth sa harapan nito. Hindi niya alam ang mga pangalan nito ngunit ramdam niya na pareho sila ng nararamdaman ngayon."Walang may alam na pupunta siya ro'n. Sinabihan na siya ni A







