Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 103 - Muling Pagbabalik!

Share

Chapter 103 - Muling Pagbabalik!

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-09-15 17:25:02

Nang bumagsak ang estatwa sa harap ng lahat ay para bang huminto ang mundo.

Nanlaki ang mga mata ng mga pulis na matagal nang humahawak ng mga kasopero ngayon lang nakakita ng ganitong tagpo. Walang sinuman ang gumalaw. Ang lahat ay natulala.

Ang pulis na unang nagbutas sa estatwa ay nanginginig sa takot habang bumubulong. "Sir, sumunod naman ako sa protocol. Hindi ko kasalanan ito, hindi ako..."

Nakatitig lang si Officer Raamirez sa nagkapira-pirasong estatwa. Habang sumasagi sa isip niya ang kakaibang nakita niya kanina— si Denver na parang may kausap talaga na hindi nakikita ng iba.

"Multo..."

Isang salitang matagal nang umiikot sa mundo pero ngayon lang yata napagtanto ni Officer Ramirez na baka totoo nga ito.

Itinaas niya ang kamay para pigilan ang isa pang opisyal na magsalita. Wala nang dapat pag-usapan.

Samantala ay nakita ko kung paano bumagsak muli sa lupa si Mama sa harap ng basag na estatwa. Hawak-hawak niya ang mga piraso niyon habang umiiyak na parang bata. "My dear daug
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Salamat sa muling pagbabalik ni Ria de Leon bilang Ria Canlas.. sana hindi na sya magdalawang isip na sabihin kay Vicento ang lahat.
goodnovel comment avatar
LOVE
hi author..salamat po sa update...request po pa update ulit...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 105 - Para Sa Iyo, Vicento

    Nanlaki ang mga mata ni Lola nang marinig niya ang sinabi ko. Kitang-kita ko kung paano lumawak ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin. Halatang sinusuri kung tao ba ako o isang ligaw na kaluluwa pa rin gaya noong una niya akong makita.Kumindat ako sa kanya at ngumiti, "Lola, nabuhay ulit ako sa ibang katawan. Tao na ulit ako." Sabay nilagay ko ang daliri ko sa labi ko. "Secret lang natin ito, ha?"Sapat na iyon para maintindihan ni Lola ang lahat. Kilala ko si Lola. Matalino siya. Alam niya na ang pinakamalaking hangarin ko ay makapaghiganti.Hindi ko man alam kung paano ako nabuhay ulit pero ngayong nakatayo na ako sa harap niya ay wala nang dapat pag-isipan pa. Basta’t buhay ako sapat na iyon kay Lola kahit wala akong ipaliwanag sa kanya.Naluha si Lola sa sobrang tuwang nararamdaman niya. Namumula ang kanyang mga mata at kahit pilit niyang pinipigilan ay tuluyan pa ring pumatak ang kanyang mga luha.Sakto namang dumating si Aling Sita at dala ang mangkok ng prutas. "A

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 104 - Ako Ito, Lola

    Nakita ko ang buong buhay ni Ria Canlas— mula pagkabata hanggang sa kanyang pagkamatay. Sobrang bigat sa dibdib na parang hindi ko na kayang dalhin.Habang umiiyak si Mama Diana sa tabi ko ay mas lalo kong naramdaman ang hapdi at sakit ng mundong iniwan ni Ria. Dahan-dahan akong bumangon at marahan kong inabot ang pisngi ni Mama Diana gamit ang nanghihina kong kamay para punasan ang mga luha niya. Nginitian ko siya nang mahina. "Mama, ayos lang ako."Sa mga alaala ni Ria ay nakita ko kung gaano kahirap ang naging buhay ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Si Mama Diana, isang ina na nakulong sa piling ng maling lalaki.Habang si Ria Canlas ay dahan-dahang nilamon ng kalungkutan, si Mama Diana naman ay patuloy na nabubuhay sa anino ng nakaraan. Ang kahinaan ni Mama Diana ang naging dahilan kung bakit lumakas ang loob ng mga demonyo lalo na ni Molina!At sa huli ay si Ria ang naging biktima sa lahat. Pero paano ko masisisi ang isang taong nasaktan, pinagkaisahan at inapi ng paulit-ulit?

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 103 - Muling Pagbabalik!

    Nang bumagsak ang estatwa sa harap ng lahat ay para bang huminto ang mundo.Nanlaki ang mga mata ng mga pulis na matagal nang humahawak ng mga kasopero ngayon lang nakakita ng ganitong tagpo. Walang sinuman ang gumalaw. Ang lahat ay natulala.Ang pulis na unang nagbutas sa estatwa ay nanginginig sa takot habang bumubulong. "Sir, sumunod naman ako sa protocol. Hindi ko kasalanan ito, hindi ako..."Nakatitig lang si Officer Raamirez sa nagkapira-pirasong estatwa. Habang sumasagi sa isip niya ang kakaibang nakita niya kanina— si Denver na parang may kausap talaga na hindi nakikita ng iba."Multo..."Isang salitang matagal nang umiikot sa mundo pero ngayon lang yata napagtanto ni Officer Ramirez na baka totoo nga ito.Itinaas niya ang kamay para pigilan ang isa pang opisyal na magsalita. Wala nang dapat pag-usapan.Samantala ay nakita ko kung paano bumagsak muli sa lupa si Mama sa harap ng basag na estatwa. Hawak-hawak niya ang mga piraso niyon habang umiiyak na parang bata. "My dear daug

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 102 - Paalam Na Sa Lahat

    Habang mas pinipigilan ni Denver na mawala ako ay mas parang buhangin lang akong dumudulas sa kanyang mga daliri.Nakita niya kung paano naglalaho ang kaluluwa ko. Parang paputok sa kalangitan ng gabi at unti-unting naglalaho. Isang saglit na kagandahan, pero pagkatapos ay naiwan lang ang malamig na katahimikan at walang hanggang kalungkutan.Ang mga beads ng pulseras niya ay parang relasyon namin ni Denver— nagkawatak-watak.Kitang-kita ko kung paanong parang gumuho ang mundo niya. Tumakbo siya papunta sa estatwa at parang nawalan ng lakas ang katawan kaya bumagsak sa may paanan ng estatwa. Hindi niya alintana ang sakit ng kanyang katawan at patuloy pa rin sa pag-abot sa estatwa. "Ria, bumalik ka please. Huwag mo akong iwan!"Si Denver lang nakakita sa kaluluwa ko. Siya lang ang nakaramdam ng presensya ko. Kaya sa mata ng iba ay mukha siyang baliw— parang isang taong sinapian ng demonyo.Lumapit si Tito Danilo sa kanya. "Anong ginagawa mo? Nakakahiya kaya umayos ka diyan!""Papa! Nak

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 101 - Maglalaho Na Rin Ba Ang Pag-asa?

    Nagkatinginan sina Officer Ramirez at ang forensic doctor bago kumuha ng sample mula sa estatwa. Ang natitira na lang nilang gawin ay maghanap ng paraan para buksan iyon at alamin kung may bangkay ngang nakatago sa loob.Pero may isang malaking hadlang. Ang estatwa ay pagmamay-ari ni Denver. Kailangan nilang sundin ang tamang proseso bago ito galawin. Tinawagan nila ito at dahil sa kaguluhang ito ay kumalat na kaagad ang balita.Isa-isang dumating ang mga sasakyan.Nagulat ako nang makita kong bumaba si Denver mula sa isa sa mga kotse at halatang balisa. Hindi niya man lang pinansin si Lolo Arnulfo na nasa loob pa ng sasakyan. Sa halip ay nagmamadali siyang lumapit kay Officer Ramirez.Mula naman sa kabilang sasakyan ay bumaba sina Tito Danilo at Aurora habang inaakay si Lolo Arnulfo. May tungkod ito sa isang kamay at mabilis namang nilapitan ng kanyang assistant para isuot ang kanyang balabal at hinawakan ang payong saka samahan siyang dahan-dahang maglakad.Kasunod niyon ay bumukas

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 100 - Ang Estatwa

    Nais ko sanang gabayan si Vicento na alamin ang tungkol sa estatwa sa isang hindi direktang paraan.Pero ang pakiramdam na makita ang may-ari ng katawang mayroon ako ngayon at ang kawalan ng kontrol sa aking emosyon ay nakakapanindig-balahibo. Para akong hinihigop pabalik sa kadiliman at wala akong magawa.Marami pa akong kailangang gawin at marami pa akong gustong malaman pero parang hindi ko na hawak ang sarili kong kapalaran. Hindi ako ang may kontrol sa mundong ito at napakaliit lamang ng magagawa ko.Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong ipaalam kay Vicento ang katotohanan.Mabilis akong hinawakan ni Vicento sa magkabilang braso. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kaba at pag-aalala sa kanyang malamig na mukha. "Ria, sabihin mo nang malinaw. Anong n-nangyayari? Paano mo nasabi ang mga iyon?"Binuka ko ang aking bibig upang magsalita pero sa mismong sandali na naghiwalay ang aking kaluluwa at katawan ay parang pati ang hangin sa paligid ay nawala.Wala na akong oras upang mag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status