LOGINPasensya na kung may mga pangalang nahahalo hahahha, maraming sinusulat si Author nyu, hahahaha, salamat sa lahat ng nagbabasa at special shout out sa reader ko na cii Hikab, aliw na aliw ako sa mga comment mo be, at noong matagal akong nakapag-update, sa lahat ng galit na hindi ako nag-update, iyong comment mo ang nagpatuwa sa akin, sabi mo nandito pa rin kayo naghihintay, kaya salamat sa iyo, wabyuuuu all
Isang buong araw nang pinagpiyestahan ng publiko ang isyu, at sa halip na humupa, lalo pa itong naging mainit.Pati si Sofia ay dumating para manlait. “Ria, pumasok ka sa pamilya Victorillo dahil sa kasunduang pangkasal. Sabihin mo nga, ano bang ginawa mo at agad kang binatikos ng ganito? Nakakahiya, pareho pa tayo ng apelyido.”Si Edmund naman ay nakasimangot. “Matagal ko nang sinabi na aayusin ko ang opinyon ng publiko. Asawa ka na ngayon ni Vicento, paano ka nababatikos nang ganito? Hindi ka naman kasali sa kompetisyon, bakit ka pa nakikialam?”“Papa, naiintindihan mo ba ako? Paano mong nalaman na hindi ako sasali?” tanong ko nang makahulugan.Ang unang naging reaksyon ni Edmund ay hindi pagtitiwala, kundi panunumbat. “Marunong ka ngang magpinta, pero huwag kang lalabas para ipahiya ang sarili mo. Noon, pinahiya mo na ang pamilya Canlas, at ngayon na may asawa ka na, pinapahiya mo rin pati ang pamilya ng asawa mo.”Nakataas ang kilay ni Sofia, nakahalukipkip at puno ng pang-aasar.
Ang mga sinabi ko ay lalo pang nagpagalit kay Mama Sandy. Matapos siyang mapahiya sa akin noon, sa wakas ay nakakita siya ng pagkakataon para maipakita ni Nica ang kanyang galing.Nagkaroon ng kumpiyansa ang boses ni Mama Sandy. “Mukhang hindi ka nasisiyahan sa anak ko. Kung may pagdududa ka, bakit hindi ka sumali?”Siyempre, sa mga mata niya, kahit sinong reyna pa ng mga kaharian ay hindi maihahambing sa kanyang pinakamamahal na anak.Makahulugan akong ngumisi. “Mukhang nagkakamali ng intindi si Mrs. De Leon. Nagtataka lang ako, si Miss De Leon ba talaga si RS? Baka may hindi lang pagkakaintindihan?”Biglang tumingin sa akin si Nica, ang mga mata’y may halong pagkabigla. “Anong ibig mong sabihin?”May bahid ng takot sa kanyang mga mata. Ang lihim ni Nica ay siya lamang ang nakakaalam, at ngayon na tinanong ko iyon nang harap-harapan, tiyak na kabado siya dahil sa kanyang pagkakasala at pagsisinungaling.Mula nang ako’y muling isinilang, nawala na sa kanya ang kontrol sa lahat. Unti-u
Uminit ang aking mukha hanggang sa leeg ko at nang mapagtanto ko kung ano ang ginagawa ni Vicento ay nanigas ang na lamang ang buong katawan ko.Ang lakas niya ay mas matindi pa kaysa kay Denver at bahagyang kumirot ang leeg ko. Hindi ko napigilang kapitan nang mahigpit ang makinis na tela ng kanyang suot at mahina kong tinawag ang pangalan niya. “V-Vicento...”Sa wakas ay binitiwan niya ako at marahang dumaan ang kanyang mga daliri sa bahaging tinatakan niya, halatang nasiyahan. “Ang lambot ng balat mo. Sa susunod, baka talagang hindi na ako makapagpigil at buo kitang kakainiin.”Nag-init ang mukha ko sa hiya dahil sa sinabi niya. “V-Vicento n-naman...”“Bakit ka nahihiya? Wala pa bang gumawa nito sa’yo dati?” banayad niyang kinurot ang pisngi ko.Tiyak na ang tinutukoy niya ay si Marvin. Siyempre, wala namang nangyari kina Ria Canlas at Marvin. Noong panahon ng nag-aaral pa ako ay hanggang yakap lang ang nagawa namin ni Denver at bihira pa ang halik. Maginoo siya noon, sinasabi niya
Nang marinig ko iyon, parang biro ang mahigit sampung taong pagkakakilala ko kay Denver. Kung hindi ako nabuhay muli, hindi ko sana nakita ang tunay niyang mukha. Nakakadiri siya at may intensiyong gawin sa akin ang isang bagay na malaswa.Sinipa ko siya sa tiyan. Bago pa siya maka-react, sumugod ako at sinampal siya nang kaliwa't kanan. Hindi niya inakala na magagamit ko laban sa kanya ang mga kasanayan sa pagtatanggol sa sarili na itinuro sa akin noong nakaraang buhay.Hindi man ako nagtagumpay na protekatahan ang sarili ko noon sa taong pumatay sa akin, pero ngayon ay hindi ko hahayaang may manakit na naman sa akin, lalo na sa tulad ni Denver na isang manyakis.Pinindot ko ang switch ng harang at kaagad na sumigaw. “Itigil mo ang sasakyan!”Nang makita ang kalagayan ni Denver na binugbog ko ng ganoon, hindi na naglakas-loob ang driver na magmaneho at agad siyang nagpreno.Bago ako bumaba ng kotse ay sinipa ko pa siya nang malakas. Lumalakas pa talaga ang ulan at medyo madilim na an
Naalala ko ang narinig na kwento noon. Noong nasa kolehiyo pa si Tita Matidla, ang nanay ni Denver ay napilitan siyang makipag-blind date kay Vicento. Mas matanda lang siya ng ilang taon kay Vicento.Posible kayang matagal nang may paghanga si Vicento sa kanya?Pumasok sa isip ko ang ideyang iyon, ngunit agad akong umiling-iling, pilit tinataboy ang di kapani-paniwalang iniisip. Isang punpon lang naman ng mga rosas iyon. Noong araw ng libing ko, naglagay din si Vicento ng punpon ng rosas sa libingan ko. Maaaring may gusto rin siya sa akin?Napatanong ako nang kusa kay Denver. “Magkalapit ba si Vicento at ng mama mo?”Mahinahon ang tinig ni Denver nang magsalita. “Naging baldado ang kanyang mga binti dahil sa nanay ko.”Bago pa ako makapagtanong muli, bumaba na si Denver sa sasakyan, may hawak na punpon ng mga krisantemo, at marahang lumapit sa lapida.Ang dalawa, isa ang nakaupo, isa ang nakatayo, parehong nakatunghay sa puntod— walang ni isang salita ang lumabas sa kanilang mga bibig
Nang pinag-isipan kong muli, naramdaman kong may kakaiba. Ang operasyon sa puso ay hindi kasing dali ng paggupit lang sa balat. Kinakailangan ang pahinga at obserbasyon bago at pagkatapos ng operasyon.Pagkatapos kong mamatay, nanatili akong nasa tabi ni Denver at pinapanood si Nica sa mga palabas niya.“Hindi siya mukhang nagpa-opera dati, at buntis siya ngayon, kaya hindi siya angkop para sa operasyon. Kahit tinanggal niya ang puso ni Ria De Leon, kung hindi iyon na-transplant noong panahong iyon, wala na ngayong silbi ang puso nito.” Tumitig nang diretso sa akin si Vicento at nagsalita pa ako. “Sa Taiwan, ilang taon na ang nakalipas, may medikal na literatura na nagsabing kung ilalagay mo ang tumitibok na microphysiological system ng puso sa isang lalagyan at selyuhin nang mahigpit na halos walang bula— maaari mong simulan ang isovolumetric supercooling. Malaki ang naitulong nito sa teknolohiya ng pagyeyelo, at hindi ko alam kung gaano na ito kaunlad ngayon.”“Bukod pa rito, naisip







