Beranda / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 157 - Malamig Na Denver

Share

Chapter 157 - Malamig Na Denver

Penulis: Alshin07
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-24 23:11:13

Nalaman ko sa internet na ang art exhibition na ito ay inorganisa ng isang misteryosong foreigner businessman.

Hindi lamang nila inanyayahan ang limang pinakamayaman at pinakanangungunang mga art gallery sa buong bansa para maging mga judges kundi malawak din nilang inimbitahan ang mga artists mula pa sa iba't ibang bansa upang lumahok.

Sa ilalim ng anyo ng isang eksibisyon ng sining, ito ay isang kompetisyong pambansa at pandaigdig— at higit pa roon isa rin itong pagkakataon para sa mga negosyante na makasalamuha ang iba't ibang mga negosyante sa buong bansa.

Mahigpit ang mga kwalipikasyon, tanging mga nangungunang artists lamang ang pinapayagang lumahok. Karamihan sa mga artistang ito ay tanyag na at kinikilala na rin sa ibang bansa sa larangan ng sining.

Dahil napakaraming mahuhusay na kalahok, natural lamang na umakit ito ng mga mamimili at tagahanga ng sining mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang premyo na umaabot sa nakamamanghang twenty million ay isa lamang pain o palabas.

A
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 158 - Heart Transplant?

    Ang init ng kanyang katawan ay dumikit sa akin, at ang init na iyon ay para bang nanunuot sa buong katawan ko.Taliwas sa inaasahan ko. Tila ba may ginagawa siyang upper body workout sa pribado, dahil sa ilalim ng kanyang kamiseta, hindi siya payat o lumpuhin kung tingnan.Bagaman hindi kasing-laki ng katawan ng isang fitness trainer, malinaw ang hugis ng kanyang mga kalamnan— at sa kombinasyon ng maputla at malamig niyang balat, may kakaibang uri ng artistic beauty sa kanya.Isang sulyap lang ang ginawa ko bago ko agad ipinikit ang aking mga mata.Isang mahinang buntong-hininga ang dumampi sa aking tainga. “Ria, mag-asawa tayo.”Ang isang lalaking nagsa-sunbathing sa tabing-dagat na naka-shorts ay masasabing konserbatibo. Noon, nakapagpa-book na ako ng mga male model para sa nightclub events, pero sa totoo lang, isa akong konserbatibong tao— at ang tanging pagkakataon na nagkaroon ako ng ganoong karanasan ay noong nalasing ako.Noong nasa paaralan pa ako, pakiramdam ko ay masyado pa

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 157 - Malamig Na Denver

    Nalaman ko sa internet na ang art exhibition na ito ay inorganisa ng isang misteryosong foreigner businessman.Hindi lamang nila inanyayahan ang limang pinakamayaman at pinakanangungunang mga art gallery sa buong bansa para maging mga judges kundi malawak din nilang inimbitahan ang mga artists mula pa sa iba't ibang bansa upang lumahok.Sa ilalim ng anyo ng isang eksibisyon ng sining, ito ay isang kompetisyong pambansa at pandaigdig— at higit pa roon isa rin itong pagkakataon para sa mga negosyante na makasalamuha ang iba't ibang mga negosyante sa buong bansa.Mahigpit ang mga kwalipikasyon, tanging mga nangungunang artists lamang ang pinapayagang lumahok. Karamihan sa mga artistang ito ay tanyag na at kinikilala na rin sa ibang bansa sa larangan ng sining.Dahil napakaraming mahuhusay na kalahok, natural lamang na umakit ito ng mga mamimili at tagahanga ng sining mula sa iba’t ibang panig ng mundo.Ang premyo na umaabot sa nakamamanghang twenty million ay isa lamang pain o palabas.A

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 156 - Art Exhibition

    Paano ko naman hindi malalaman? Para akong nanonood sa harap ng kamera habang nangyayari ang lahat— alam ko pa nga kung gaano katagal iyon tumagal.Handa na ang paliwanag ko. Tumikhim ako bago nagsalita. Kasingbilis yata ng bibig ko ang utak ko.“Sa aking palagay lang naman iyon. Pero mukhang tinraydor ka ng sarili mong bibig. Iyong gabi ng kasal ninyo ni Ria De Leon ang pinili ninyong gabi para gawin iyon ni Nica. Siyempre ikakasal ka na, talagang susulitin ninyo ang pagkakataon. Sigurado akong sa bagong kama ninyo sa bagong bahay ninyo iyon nangyari.”Natahimik si Denver sa sinabi ko. Sa katunayan, lihim ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Habang patuloy akong nagsasalita nang tila walang pakialam, lalo pang dumilim ang mukha ni Denver.“Nangyari na rin lang naman, bakit mo pa kailangang mag-alala sa sasabihin ng mga tao? Sa panahon ngayon ay normal lang naman isang lalaki ang magkaroon ng ibang babae. Naiintindihan ko.”Sa kalmado kong mukha, tinitigan niya ako nang malamig. “

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 155 - Naloko Na!

    Malambing akong tinitigan ni Vicento, at sa kanyang mga mata ay puno ng walang katapusang pag-ibig. “Malalaman mo rin sa tamang panahon.”Hindi pa rin niya binigay ang sagot, kaya para akong nabitin—may puwang sa dibdib kong hindi ko maipaliwanag.Matapos ang isang araw ng pag-uusap, sa wakas ay nagkasundo na ang dalawang pamilya sa mga kundisyon.Bagama’t napagpasyahan na ang kasal nina Nica at Marvin, may tinatago pa ring pakana ang pamilya Ocampo.Sila ang magbqbayad para sa seremonya ng kasal, ngunit hindi pipirma ng marriage certificate. Malinaw na nagpapanggap lang sila para sa panlabas na anyo.Kapag wala nang silbi si Nica, maaari nila itong itapon anumang oras.Sa simula pa lang, itinuturing ng lahat na isang pag-angat para sa pamilya De Leon ang kasal na ito, ngunit tinitingnan pa rin sila ng pamilya Ocampo na parang mga magnanakaw. Dahil dito, labis na nainsulto ang pamilya De Leon.“Ano’ng ibig sabihin ng pagpapakasal nang walang marriage certificate? Ano bang tingin ninyo

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 154 - Tagapagmana

    Bigla akong napatingin kay Vicento. Sino ang 'siya' na tinutukoy niya? Ako ba iyon?Napabuntong-hininga si Lolo. “Nakikita kong naging mapagpakumbaba ka sa loob ng maraming taon. Kahit sila ang may mali ngayon, kailangan mong magbigay-galang. Pagkatapos ng lahat, ang batang nasa sinapupunan niya ay may dugong katulad ng sa iyo. Kapag may nangyaring masama, alam mong delikado na ang kalagayan ni Denver ngayon.”Mahinahon nagsalita si Vicento. “Hindi pa man buo ang bata, paano natin malalaman kung anak nga iyon ni Denver? Bukod pa riyan, ang tumor at kidney failure ni Denver ay hindi pa malala. Fertile pa rin siya. Kung makontrol ang tumor at hindi na kumalat, makakahanap tayo ng mga nangungunang eksperto para operahan siya. Pagkatapos ng isa o dalawang taon na pagpapahinga, magiging maayos din siya.”Tinitigan siya ni Lolo Arnulfo. “Vicento, dati hindi ka ganito kaagresibo.”“Dahil dati, palagi akong umaatras at nagpaparaya— at dahil doon, si Ria De Leon ay namatay nang napakasakit. Sa

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 153 - Ang Dalawang Hari Ng Kalamigan

    Habang papunta kami sa silid-aralan ng matandang don ay malakas ang kabog ng dibdib ko— parang noong bata pa ako at pinatawag ako ng guro sa opisina dahil may kasalanan ako. Ang bawat hakbang ay parang napakahaba.Si Vicento naman ay kalmado mula simula hanggang ngayon, walang kahit anong emosyon sa mukha, kaya walang makakahula kung ano ang nasa isip niya. Puno talaga ng misteryo ang lalakeng ito.Pagkapasok namin ay inilapag ng katiwala ang tsaa at mga meryenda bago tahimik na umalis saka isinara pa ang pinto nang makalabas siya.Itinuro ni Lolo Arnulfo ang sala habang nakatingin sa akin at nagsalita. “Umupo ka.”Hindi ako naglakas-loob umupo dahil medyo kinakabahan pa rin ako sa harap niya. Baka maihi pa ako. “Papa, tatayo na lang po ako.”Matagal niya akong tinitigan bago siya nagsalitang muli. “Wala pa akong sinasabi pero bakit parang may kasalanan ka?”Napalunok-laway pa ako. Namura ko pa tuloy ang sarili sa aking isipan. Sa kanya yata namana ni Vicento ang pagiging intimidating.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status