Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 80 - Nagbabalik!

Share

Chapter 80 - Nagbabalik!

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-07-20 19:16:28

Bilang isang kaluluwa ay inakala kong hindi ko magagawang makalapit sa isang banal na lugar. Inakala kong itataboy ako ng liwanag kagaya ng napapanood sa mga palabas sa telebisyon.

Pero hindi pala totoo ang mga iyon. Walang pumigil sa akin.

Naglakad ako nang nakayapak sa hagdan at ang aking mahaba at manipis na damit ay tinatangay ng malamig na hangin. Pero hindi ko maramdaman ang ginaw.

Nang makita ko si Denver na nakaluhod sa puting karpet papunta sa lumang tempong nasa tuktok ay hindi ko napigilan ang sarili kong lumuhod din.

Hindi ko alam kung may Diyos nga ba talagang nakikinig sa ating mga dasal. Hindi ko alam kung may himala sa mundong ito. Pero ngayon ay hindi na para sa iba ang panalangin ko.

Ito ang unang pagkakataon na ipagdarasal ko ang sarili ko.

Hinawakan ko ang laylayan ng aking suot at yumuko. Sa kabila ng lahat, ako ay taimtim at buong pusong nagdasal.

Samantalang si Denver ay nanatili sa kanyang posisyon. Ang kanyang buhok at pilikmata ay may maninipis na guhit ng pu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Mukang “Reborn & chose my cheating ex’s uncle” yata tayo papunta para magkaroon ng tunay na kaligayan ang ating Ria :)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 109 - Sa Salita Muna

    Kumuha ako ng tatlong piraso ng bulaklak at dahan-dahang lumapit sa altar. Ang babaeng nasa larawan ay ako noon pero pakiramdam ko ay sobrang layo na ng mundong ginagalawan ko ngayon. Higit sa lahat, hindi na parehas ang mga mata namin dahil ngayon ay puno na ng galit at tanging paghihiganti na lang ang nangingibabaw sa akin.Yumuko ako ipinatong sa harap ng portrait ang tatlong piraso ng bulaklak. Walang kabaong dahil wala namang katawan— nadurog na ang katawan ko nang ihalo iyon sa estatwa. Napakasahol ng may gawa. Sisiguraduhin kong mananagot ang lumapastangan sa katawan ko!Napansin kong biglang napatingin sa akin si Denver."R-Ria ko…" mahina niyang usal pero sapat na para marinig ko. Nakakaawa.Nakita ko ang takot at pagkalito sa kanyang mga mata. Maputla ang mukha niya habang nakaluhod sa malamig na sahig na parang nawalan na ng dignidad. Kulang pa iyan kung tutuusin.Bahagya akong yumuko lumingon at lihim siyang sinipat ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya marahil ay nakita ni

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 108 - Kalma Lang Tayo Self

    Dati ay sobrang masunurin ako sa kanya. Pero mula nang mamatay ako ay nawala na rin ang respeto ko.Napansin ko rin si Mama Diana sa gitna ng mga tao. Kahit nakasuot siya ng itim na coat ay hindi pa rin niya kayang itago ang pagiging banayad at mabait na tao.Bumaling ako kay Vicento at bumulong. "Pupunta lang ako kay Mama."Tumango lang siya na medyo wala yata sa sarili niya. "S-Sige."Marahan akong lumapit kay Mama Diana at hinawakan ang braso niya. "Mama, anong tinitingnan mo?"Lumingon siya sa akin. Namumula ang kanyang mga mata at halatang galing sa pag-iyak."Napansin ko si Mrs. De Leon. Ang sakit makita siyang umiiyak nang ganoon. Isa rin akong ina at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.""Ang bait mo talaga, Mama."Lumapit ako kay Mrs. De Leon na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Inabot ko ang panyo ko sa kanya. "Mrs. De Leon, nakikiramay po ako."Kinuha niya ang panyo at tiningnan ako nang punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. Nang makita niya nang buo ang mukha ko ay

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 107 - Ang Aking Burol

    Nang marinig ni Vicento ang salitang libing at panalangin ay bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ilang saglit siyang nanatiling tahimik at para bang ginamit ang lahat ng kanyang lakas para lang sabihing pupunta siya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay parang babagsak siya anumang sandali. Wala pa kaya siyang tulog?Humawak siya sa armrest ng kanyang wheelchair at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang isang lalaking dati ay puno ng dignidad at parang isang pader na hindi basta-basta natitibag, pero ngayon ay mukhang walang magawa.Tumalikod siya sa akin at nagsalita. "Pwede ka na ring mag-ayos.""Sige."Mabilis akong lumapit upang tulungan siyang bumalik sa kanyang wheelchair pero itinaas niya ang kamay bilang pagtutol. "No need."Naunawaan kong maaaring dahil ito sa kanyang pagiging lalaki at hindi ko na ipinilit pa."Mag-ingat ka," sabi ko sa kanya. "Ipapalinis ko na rin mamaya ang kwarto.""Salamat."Ang lungkot niya. Siguro ayaw niyang maistorbo kaya nagpasya ak

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 106 - Huling Paalam

    Kakaiba talaga. Isang araw ko pa lang kaming nagkasama pero bakit parang sobra siyang nasabik sa pagbabalik ko?Siguro dahil lang sa alak. Hindi ko na masyadong inisip pa.Dahan-dahan kong tinapik ang likod niya at mahinang sinabi. "Vicento, tungkol sa nangyari kahapon..."Bigla siyang napaangat ng tingin sa akin. Tinukod niya ang mga braso niya para makaharap ako. Tinitigan niya ako ng seryoso at sa huli ay dumapo ang mga mata niya sa mga kilay ko. Sa isang iglap ay nawala ang saya sa kanyang mga mata at kaagad din iyong napalitan ng lamig at may bahid ng pagkadismaya."Pasensya na," malamig niyang sabi sabay alis sa ibabaw ko na parang wala lang.Umupo siya sa sahig habang diretso ang mahahaba niyang mga binti. Malayo sa dating makapangyarihan at matatag na Vicento na kilala ko. Ngayon ay parang anino na lang siya ng dating siya, puno ng kalungkutan at pangungulila. Bakit siya nagkakaganito?Sa aking alaala kahit na naaksidente siya at naparalisa, si Vicento ay nanatiling parang isa

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 105 - Para Sa Iyo, Vicento

    Nanlaki ang mga mata ni Lola nang marinig niya ang sinabi ko. Kitang-kita ko kung paano lumawak ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin. Halatang sinusuri kung tao ba ako o isang ligaw na kaluluwa pa rin gaya noong una niya akong makita.Kumindat ako sa kanya at ngumiti, "Lola, nabuhay ulit ako sa ibang katawan. Tao na ulit ako." Sabay nilagay ko ang daliri ko sa labi ko. "Secret lang natin ito, ha?"Sapat na iyon para maintindihan ni Lola ang lahat. Kilala ko si Lola. Matalino siya. Alam niya na ang pinakamalaking hangarin ko ay makapaghiganti.Hindi ko man alam kung paano ako nabuhay ulit pero ngayong nakatayo na ako sa harap niya ay wala nang dapat pag-isipan pa. Basta’t buhay ako sapat na iyon kay Lola kahit wala akong ipaliwanag sa kanya.Naluha si Lola sa sobrang tuwang nararamdaman niya. Namumula ang kanyang mga mata at kahit pilit niyang pinipigilan ay tuluyan pa ring pumatak ang kanyang mga luha.Sakto namang dumating si Aling Sita at dala ang mangkok ng prutas. "A

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 104 - Ako Ito, Lola

    Nakita ko ang buong buhay ni Ria Canlas— mula pagkabata hanggang sa kanyang pagkamatay. Sobrang bigat sa dibdib na parang hindi ko na kayang dalhin.Habang umiiyak si Mama Diana sa tabi ko ay mas lalo kong naramdaman ang hapdi at sakit ng mundong iniwan ni Ria. Dahan-dahan akong bumangon at marahan kong inabot ang pisngi ni Mama Diana gamit ang nanghihina kong kamay para punasan ang mga luha niya. Nginitian ko siya nang mahina. "Mama, ayos lang ako."Sa mga alaala ni Ria ay nakita ko kung gaano kahirap ang naging buhay ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Si Mama Diana, isang ina na nakulong sa piling ng maling lalaki.Habang si Ria Canlas ay dahan-dahang nilamon ng kalungkutan, si Mama Diana naman ay patuloy na nabubuhay sa anino ng nakaraan. Ang kahinaan ni Mama Diana ang naging dahilan kung bakit lumakas ang loob ng mga demonyo lalo na ni Molina!At sa huli ay si Ria ang naging biktima sa lahat. Pero paano ko masisisi ang isang taong nasaktan, pinagkaisahan at inapi ng paulit-ulit?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status