NAIKUYOM NI ROSCOE ang kanyang dalawang kamao sa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang tuhod dala ng matinding tensyon na kanyang nararamdaman habang nakaupo doon. Marami siyang nais na sabihin kay Everly. Tutulan ang lahat ng sinabi nito. Pabulaanan ang lumabas sa bibig ng asawa dahil nasanay siya ditong siya ang mahal, ngunit ni isang salita o kahit ibuka man lang ang kanyang bibig upang umalma ay hindi niya rin noon magawa. Tila may pumipigil sa kanyangn gawin ang bagay na iyon ngayon.“Tatlong taon ko siyang ikinulong sa aking tabi, na alam kong mahirap para sa kanya kaya ngayon palalayain ko na siya.” Pagkasabi noon ay uminom na si Everly ng kape niyang order upang tunawin ang bikig sa lalamunan niya. Kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon ay pihadong maiiyak siya. Hindi niya pwedeng gawin iyon sa harapan nilang tatlo. Kung sakali na iiyak siya, doon sa walang nakakakita. Hindi na siya mahina ngayon.“Everly, sigurado ka na ba talaga sa gusto mo?” ang ina naman iyon ni Rosc
SA LABAS NG opisina ay hindi magkamayaw ang pang-uusisa ng mga katrabaho nila kung ano ang ginagawa ng pamilya ni Mr. De Andrade doon. Hindi rin nila magawang makapag-meeting bago ang simula ng trabaho kung kaya naman itinaboy na lang sila ni Dorothy na pumunta na sa kanilang work station at huwag ng makiusisa kung anong dahilan bakit may bisita. Sinunod naman ito ng mga iyon.“Hija, pasensya ka na kung ang aga ay narito kami.” hingi ng paumanhin ni Donya Kurita na ginagap ang isang kamay ni Everly.“Ayos lang po, pero sana sinabihan niyo ako dahil oras po ito ng trabaho ko. Kung tungkol pa rin po sa pinag-usapan natin sa phone ang pinunta niyo dito, hindi na po magbabago ang isip ko Lola. Pasensya na po kayo…” Iniiling ni Donya Kurita ang kanyang ulo. Hindi siya naniniwala na basta na lang nitong mapapalitan ang apo. Saksi siya kung gaano iyon kamahal ng babaeng kaharap. Imposible na sa isang iglap ay basta na lang maglaho ang pag-ibig nito.“Hija—”Bago pa iyon tuluyan matapos ng m
BAGO PA MULING may makapagsalita kina Everly at Roscoe ay may babaeng nagsalita na sa kanilang gilid. “Anong ginagawa niyo ditong dalawa?” Sabay na napalingon ang mag-asawa upang tingnan kung sino iyon. Si Lizzy. Nakahalukipkip ang kanyang dalawang braso. Dismayado na ang mukha habang salitan silang tinitingnan. Kinagat pa nito ang labi na animo ay nagpipigil na mapahikbi. Sa loob ni Everly ay sobrang kaarte’han at drama talaga ng babae. “Kaya mo ba ako dinala dito Roscoe para maghapunan ay dahil alam mong si Everly at ang date niyang si Harvey?” Binitawan ni Roscoe si Everly at hinarap na si Lizzy na kung umasta noon ay akala mo siya ang legal nitong asawa. “No, it's just a coincidence, Lizzy.” Marahang hinimas ni Everly ang kanyang braso na mahigpit na hinawakan ng asawa. Sa higpit noon feeling pa niya ay papasa ito pagkaraan ng ilang sandali. Walang humor na tiningnan na niya ang dalawa. Dapat hindi nag-doctor ang babae, dapat nag-artista na lang ito dahil sa galing niyang
BATID NAMAN NI Roscoe na ginagawa lang ni Everly na makipagkita kay Harvey na nakikita niya dahil gusto siya nitong magselos siya. Iyon ang tinutukoy niyang tama na dahil panalo na ito. Sobrang nagseselos na siya sa lalaking palagi na lang kabuntot ng asawa. Kung pwede nga lang lumpuhin ito para hindi na iyon magawa aty ginawa niya na. Gets ito ni Everly, nagpapanggap lang na hindi. Roscoe looked into her almond-shaped eyes. Under the dim warm yellow light, her face was fair and beautiful. Those almond-shaped eyes seemed to carry an indescribable temptation. “Please lang hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo.” Hinarap na siya ni Everly. Siya ba natutuwa rin na pinapakialaman siya nito?“Ano ba kasing sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan. Pwede ba huwag mo akong paghulain? Umakto ka na lang kasing hindi mo ako kilala. Kailangan mo pa talagang lapitan ako?” angil ni Everly na ipinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay.“Alam ko namang pinagseselos mo ako—” “What? Ikaw? Pinagseselos ko? Ba
MAGKAHARAP NA NAKAUPO na sa kanilang table si Harvey at Everly habang hinihintay na dumating ang kanilang order. Abala si Everly sa pag-scroll online sa kanyang cellphone nang magsalita ang kanyang kaharap. Naagaaw na nito ang kanyang pansin ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kanyang cellphone. May hinahanap siyang articles mula kahapon.“Sabi ni Daddy, binisita mo raw siya sa ward niya kanina.” “Hmm, doon ako naka-duty sa floor na iyon at aksidenteng naalala ko siya na naroon nga pala sa palapag na iyon kaya sinaglit ko na.” magaang sagot ni Everly na hindi big deal sa kanya ang ginawa niyang pagbisita sa ama ng kaharap niya.“Alam mo ba Everly, gustong-gusto ka ni Daddy. May good impression siya sa’yo noong una ka pa lang niyang makita.”Iniligtas niya ang buhay nito kaya malamang ay maganda ang tingin sa kanya. Ano pa bang bago doon? Pero syempre, hindi niya iyon isinatinig at baka kung ano ang isipin ni Harvey. Mabuti na iyong sarilinin na lang niya ang lahat ng iyon.“Talaga
UMALIS NA RIN doon ang dalawa upang magtungo sa palapag nila. After lunch nang magkaroon si Everly ng pagkakataon na dalawin ang ama ni Harvey, wala doon ang lalaki dahil sa pagiging busy nito. Matapos ng maikling kumustahan ay nagpaalam na rin si Everly. Nag-iwan pa siya ng contact number sa matanda just in case na kailanganin niya ng tulong. “I work on this floor. Pwede niyo akong tawagan kapag may kailangan ka, as long as wala ako sa operating room ay darating ako.” bilin ni Everly sa matanda na tumango lang at malapad siyang nginitian, halatang gusto siya para sa anak.Pagkagaling sa silid ng ama ni Harvey ay bumaba si Everly upang may kunin. Nang dumaan siya sa may emergency room ay may nakita siyang pasyente na dinala doon, kasunod nito ang grupo ng mga prison guards at police officers. Bilang curious na doctor ay sumunod siya doon upang makibalita. Kausap na ng prison guards ang doctor on duty sa ER noon. “Doc, napaka-importante ng preso na ‘to kung kaya naman kailangan niyo