Share

Chapter 67.3: Panggap

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-02 03:06:42

MAGKAHARAP NA NAKAUPO na sa kanilang table si Harvey at Everly habang hinihintay na dumating ang kanilang order. Abala si Everly sa pag-scroll online sa kanyang cellphone nang magsalita ang kanyang kaharap. Naagaaw na nito ang kanyang pansin ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kanyang cellphone. May hinahanap siyang articles mula kahapon.

“Sabi ni Daddy, binisita mo raw siya sa ward niya kanina.”

“Hmm, doon ako naka-duty sa floor na iyon at aksidenteng naalala ko siya na naroon nga pala sa palapag na iyon kaya sinaglit ko na.” magaang sagot ni Everly na hindi big deal sa kanya ang ginawa niyang pagbisita sa ama ng kaharap niya.

“Alam mo ba Everly, gustong-gusto ka ni Daddy. May good impression siya sa’yo noong una ka pa lang niyang makita.”

Iniligtas niya ang buhay nito kaya malamang ay maganda ang tingin sa kanya. Ano pa bang bago doon? Pero syempre, hindi niya iyon isinatinig at baka kung ano ang isipin ni Harvey. Mabuti na iyong sarilinin na lang niya ang lahat ng iyon.

“Talaga
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 68.1: Bakas Ng Sugat

    BATID NAMAN NI Roscoe na ginagawa lang ni Everly na makipagkita kay Harvey na nakikita niya dahil gusto siya nitong magselos siya. Iyon ang tinutukoy niyang tama na dahil panalo na ito. Sobrang nagseselos na siya sa lalaking palagi na lang kabuntot ng asawa. Kung pwede nga lang lumpuhin ito para hindi na iyon magawa aty ginawa niya na. Gets ito ni Everly, nagpapanggap lang na hindi. Roscoe looked into her almond-shaped eyes. Under the dim warm yellow light, her face was fair and beautiful. Those almond-shaped eyes seemed to carry an indescribable temptation. “Please lang hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo.” Hinarap na siya ni Everly. Siya ba natutuwa rin na pinapakialaman siya nito?“Ano ba kasing sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan. Pwede ba huwag mo akong paghulain? Umakto ka na lang kasing hindi mo ako kilala. Kailangan mo pa talagang lapitan ako?” angil ni Everly na ipinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay.“Alam ko namang pinagseselos mo ako—” “What? Ikaw? Pinagseselos ko? Ba

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 67.3: Panggap

    MAGKAHARAP NA NAKAUPO na sa kanilang table si Harvey at Everly habang hinihintay na dumating ang kanilang order. Abala si Everly sa pag-scroll online sa kanyang cellphone nang magsalita ang kanyang kaharap. Naagaaw na nito ang kanyang pansin ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kanyang cellphone. May hinahanap siyang articles mula kahapon.“Sabi ni Daddy, binisita mo raw siya sa ward niya kanina.” “Hmm, doon ako naka-duty sa floor na iyon at aksidenteng naalala ko siya na naroon nga pala sa palapag na iyon kaya sinaglit ko na.” magaang sagot ni Everly na hindi big deal sa kanya ang ginawa niyang pagbisita sa ama ng kaharap niya.“Alam mo ba Everly, gustong-gusto ka ni Daddy. May good impression siya sa’yo noong una ka pa lang niyang makita.”Iniligtas niya ang buhay nito kaya malamang ay maganda ang tingin sa kanya. Ano pa bang bago doon? Pero syempre, hindi niya iyon isinatinig at baka kung ano ang isipin ni Harvey. Mabuti na iyong sarilinin na lang niya ang lahat ng iyon.“Talaga

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 67.2: Assuming

    UMALIS NA RIN doon ang dalawa upang magtungo sa palapag nila. After lunch nang magkaroon si Everly ng pagkakataon na dalawin ang ama ni Harvey, wala doon ang lalaki dahil sa pagiging busy nito. Matapos ng maikling kumustahan ay nagpaalam na rin si Everly. Nag-iwan pa siya ng contact number sa matanda just in case na kailanganin niya ng tulong. “I work on this floor. Pwede niyo akong tawagan kapag may kailangan ka, as long as wala ako sa operating room ay darating ako.” bilin ni Everly sa matanda na tumango lang at malapad siyang nginitian, halatang gusto siya para sa anak.Pagkagaling sa silid ng ama ni Harvey ay bumaba si Everly upang may kunin. Nang dumaan siya sa may emergency room ay may nakita siyang pasyente na dinala doon, kasunod nito ang grupo ng mga prison guards at police officers. Bilang curious na doctor ay sumunod siya doon upang makibalita. Kausap na ng prison guards ang doctor on duty sa ER noon. “Doc, napaka-importante ng preso na ‘to kung kaya naman kailangan niyo

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 67.1: Buntot

    MABIGAT ANG MGA paang bumaba ng hagdan si Everly matapos na ayusin ang kanyang sarili. Naabutan niya ang buo niyang pamilya na nasa hapagkainan at halatang hinihintay siya na bumaba. Nakalabas na ang kanyang Lolo Juanito sa hospital na sinundo ng kanyang ama, umaga ang araw na iyon. Pilit na napangiti si Everly nang makita niya sila sa table.“Kasama mo pala si Harvey kagabi, anak?” tanong agad ng kanyang ina upang umano ay kumpirmahin iyon. Tumango lang si Everly, malamang ay nakita na nila iyon online kaya naman ano pa ang itatago niya sa kanila?“Mukhang palagay na ang loob mo sa kanya ah? Siya na ba ang magiging future son-in-law ng ating pamilya?” “Mom?” ungot ni Everly na halatang inaasar lang siya ng kanyang ina at the same time ay prini-pressure about sa divorce. Taliwas naman ang naging reaction ng kanyang ama doon. Iniisip niya lubos ba talagang magiging maligaya ang kanyang anak kung hihiwalayan nito ang kanyang asawa? Iba kasi ang kanyang nakikita sa sinasabi ng bibig n

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 66.3: White Lies

    MAULAP AT MAHAMOG pa ang labas ng mansion nang maalimpungatan si Everly. Hindi pa rin noon sumisikat ang araw. Napaismid na si Everly nang makitang si Monel lang ang istorbo sa pagtulog niya. Hindi niya iyon sinagot. Mukhang aabalahin lang siya nito sa walang katuturang bagay. Muli niyang ibinalot ang katawan sa comforter at ipinikit ang mata. Hindi pa lumilipas ang ilang segundo noon nang muling mag-ring ang kanyang cellphone sa tawag na naman ni Monel. Napilitan na si Everly na sagutin iyon, mukhang may kailangan ito sa kanya dahil hindi ito tatawag muli kung alam nitong sinadya niyang hindi iyon sagutin. Nakapikit pa rin ang mga matang ipinatong niya iyon sa ibabaw ng tainga niya.“Anong kailangan mo? Parang hindi mo alam na natutulog pa ako ng ganitong oras ah?” “Gusto ko lang ibalita sa’yo na sikat na sikat ka na ngayon.” Napakunot pa ang noo ni Everly. Ano na naman bang ginawa niya? “Paano mo nasabi?” “Magbukas ka ng phone, makikita mo ang ibig kong sabihin. Trending ka. Vir

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 66.2: Buksan ang Puso

    NAGBULUNGAN NA ANG mga taong nasa likod nila upang magbigay ng opinyon ng kanilang pagsang-ayon sa sinabi ni Everly. Gusto nilang suportahan ang doctor sa pangungumbinsi niya. “Totoo iyan, iyong anak ko may cancer. Sabi ng doctor niya ay ilang araw na lang ang kanyang itatagal. Gustong-gusto ko pa siyang mabuhay at makasama ng matagal pero anong magagawa namin kung hanggang doon na lang siya? Isa siya sa best example na nakikipaglaban ng literal.” madamdaming sambit ng isang Ginang na may bahid ng inggit ang boses ng mga sandaling iyon. “Kaya ikaw, huwag mong sayangin ang buhay. Lumaban ka. Kaya mo pang gumaling. Kaya pa...” “Dinig mo? Huwag mong sayangin ang sarili mong buhay kung may chance pa na gumaling ka.” muli pang turan ni Everly na pilit inaarok ang lalim ng pang-unawa ng umiiyak pa ‘ring babae.“Tama, mas maraming tao ang may malaking mga problema sa’yo at hindi lang ikaw iyon.” “Bata ka pa, kayang-kaya mo pang malampasan iyan. Kung may sakit ka, magpagamot ka lang.” “Ha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status