Share

Chapter 26

Halu-halong kaba, takot at tuwa ang nararamdaman ni Rizza habang papalapit sila sa private plane na pagmamay-ari ni Drake. Sa wakas ay makakasakay na rin siya sa eroplano. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakasakay sa eroplano. Silang dalawa ang unang pumasok sa loob ng eroplano. Sumunod naman sa kanilang dalawa sina Dan at Diego. Kanina pa nasa loob ang mga gamit nila.

Makaraan ang ilang minuto ay gumalaw na ang eroplano para mag-take off. Tahimik lang si Rizza na nakaupo habang pinagmamasdan siya ni Drake.

"Kinakabahan ka ba?" malumanay na tanong nito sa kanya. Dahan-dahan na tumango si Rizza kay Drake at nagsalita, "Oo. Kinakabahan ako. First time ko 'to na sumakay ng eroplano. Hindi ko pa naman ma-experience ang ganito. Hindi ko alam kung ano ang feeling 'pag nasa himpapawid ka na. Nakakatakot ba?"

Ngumiti si Drake pagkasabi niya ng totoong nararamdaman niya. Hindi siya nagsinungaling kay Drake. Sinabi niya kung ano ang totoo dito.

"Hindi naman nakakatakot, eh. Hindi mo naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status