Madilim na ang paligid, tahimik na tinignan ni Astrid ang labas. Puro puno ang makikita sa labas, sa madaling salita kasalukuyang nasa gubat sila. Lihim na tinignan ni Astrid ang cellphone, sinisigurong nasa pinaka mababa na level ang brightness nito. '7 na pala. Mahigit dalawang oras nang bumabyahe. Baka naiihi na tong si Theo, mabuti na lang at nakatulog siya.' Tinignan niya itong si Theo, at hinaplos ang kanyang mukha. Tumingin ulit siya sa cellphone niya, at napasinghal siya ng malalim. Walang makuhang signal ang cellphone niya kaya hindi niya matatawagan o masendan ng text ang kanyang asawa. Tinago niya muli ito sa loob ng damit niya, isinilid niya ito sa loob ng bra niya, at nilagay sa tagiliran niya upang natatago ito ng braso niya. Kahit na kapahamakan na ang lumapit sa kanilaโsisiguraduhin niyang gagawin niya ang lahat, pprotektahan niya ito ng buong buhay niya. Niyakap niya muli ng mahigpit si Theo, at mabilis na tumingin sa harapan kung makikita na ba ang mukha
Matapos ang ilang tawag, na laging hindi sinasagot ng pinsan, hindi maipinta ang mukha ng kanilang boss. Nang makita ni Luigi ito, agad na pinalitan ito ang contact number na tinatawagan. "Why did you change the number? Whose contact is that?" Ang burner na cellphone ang ngayong tinatawagan ni Luigi, itinaas nito ang salamin na suot niya at mula sa screen ng laptop nakikita niya ang madilim na tingin ni Tristan. Kung ang mga tingin ay nakakapatay, matagal na siguro siyang namatay sa sama ng tingin ng kanyang boss. "Burner phone ng pinsan mo po." Ngumiti naman si Tristan, at inantay na sagutin ito ng magaling niyang pinsan. [Hello? Danilo? Are you here at the building? I'm already inside.] Lalong umigting panga ni Tristan nang marining ang sinabi ng pinsan. "Sorry, it's not Danilo. Anyway, how are you dear Cousin?" Ramdam ang galit sa boses nito, ni isa sa mga kasama niya ay nagawang umimik. At mukhang pati ang kausap nito ay hindi nakaimik nang marinig niya kung sino an
'๐๐ฐ๐ฎ, ๐๐ข๐ฅ! ๐๐ต'๐ด ๐ด๐ฐ ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ต๐ต๐บ ๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฆ, ๐ค๐ข๐ฏ ๐ธ๐ฆ ๐ด๐ต๐ข๐บ ๐ข ๐ฃ๐ช๐ต ๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ฆ ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ๐ฆ๐ณ!' ๐๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ข ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ถ๐ฑ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฆ๐ฅ๐จ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐ค๐ญ๐ช๐ง๐ง. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ด๐ฅ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฃ๐ฐ๐จ. ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐จ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข-๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐จ๐ช๐ต๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข. '๐๐ง ๐ค๐ฐ๐ถ๐ณ๐ด๐ฆ. ๐๐ฏ๐ญ๐บ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ข ๐ง๐ฆ๐ธ ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ถ๐ต๐ฆ๐ด ๐ต๐ฉ๐ฐ๐ถ๐จ๐ฉ, ๐ช๐ต'๐ญ๐ญ ๐ฃ๐ฆ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ฅ ๐ต๐ฐ ๐ฅ๐ณ๐ช๐ท๐ฆ ๐ฃ๐ข๐ค๐ฌ ๐ฅ๐ฐ๐ธ๐ฏ ๐ธ๐ฉ๐ฆ๐ฏ ๐ช๐ต ๐จ๐ฆ๐ต๐ด ๐ฅ๐ข๐ณ๐ฌ.' ๐๐ข๐จ-๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฎ๐ข, ๐ด๐ข ๐ต๐ถ๐ธ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ข ๐ต๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ต ๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ฐ๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ๐ช๐ต๐ช ๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ช๐จ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ฌ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ
"Anong kailangan mo samin? Siguraduhin mo na ready kang makulong pag nahanap na kami ng asawa ko." Pananakot ni Astrid dito, ngunit wala ito naging epekto. Ngumiti pa ito ng malaki at lumapit sa kanya. "Kung mahuhuli niya ako. Eh ikaw? Are you not afraid to be found out? That you're not the person who he thinks is?" Nagulat ito sa sinabi niya, tumingin ng masama dito. Literal ba ang sinasabi nito? O may iba pa itong ibig sabihin? O baka pananakot lang? "Of course mahuhuli ka. Sisiguraduhin kong mahuhuli ka." Napasipol ang lalaki at tumawa. "Siguraduhin mo ring hindi ka mahuhuli. Hindi mo ba naisip kung anong gagawin pag nalaman niya na.." Wala nang lalakaran palayo si Astrid, kaya nakadikit na likod niya sa bintana. Habang hawak-hawak niya si Theo, mabuti na lamang at nakatulog ito. "You're not Astria." Bulong nito sa tenga niya at lumayo upang tignan ang maging reaksyon ng babae."Who are you?"Parang binuhusan ng tubig na puno ng yelo si Astrid sa narinig niya. Hindi niya ala
Nang imulat ni Astrid ang mga mata niya, unang tumambad sa kanya ang isang puting kisame. Iniikot naman niya ang mga mata niya, nasa ospital pala siya. Buong akala niya bago siya mawalan ng malay ay iuuwi na sila. Agad niyang hinanap si Theo nang maaalala niya na kasama niya ito kanina, walang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya. Kinapkapan niya ang sarili kung nasaan ang cellphone niya dahil hindi naman siya pinalitan ng damit. Nang kapkapin niya ang kanyang bulsa, iba naman ang nakuha niya. Papel. Nagtaka si Astrid kung ano ito, at binuklat. Number at address lamang ang nakalagay dito, saka niya naaalala ang nangyari bago sila makalabas sa loob ng kwarto kung saan sila kinulong ng kung sino man ang kumidnap sa kanila ni Theo. Napatitig naman si Astrid dito. 'Kontakin ko ba siya? Paano kung nagpapanggap lamang siya? Wala naman akong nabasa na tungkol sa kanya sa mga isinulat ni Astria...' 'Ngunit, baka wala nang susunod pa na pagkakataon. Siya palang ang nakaka
"Kamusta pala si papa? Naoperahan na ba siya?" Mahinang bulong ni Astrid kay Tristan, katabi lang nila si Theo pero tulog ito. "His operation will start later once his doctor is finished with the first operation he's handling." Natawa naman si Astrid at bumulong din ito pabalik. "Okay." Bulong niya muli pabalik. "Why are we even whispering?" Takang tanong ni Tristan, ngumiti naman si Astrid at umikot ang mga mata nito. "Kasi, tulog si Theo. Ayan oh, sarap ng tulog niya." Tumingin naman ang asawa niya sa nakatalukbong ng kumot sa tabi. Dahang-dahan niyang binaba ang kumot, at ipinakita ang mahimbing na natutulog na bata. Mahina ang nga hilik nito, at ang isang kamay ay nakayakap sa tiyan ni Astrid. "He definitely likes sleeping with you." Komento ni Tristan, habang hinaplos ang buhok niya. Tumingin naman si Astrid sa kamay nito na sinusuklay ang buhok ng kapatid, at napataas ang kilay, "Talaga?" Mula sa peripheral vision ni Astrid, nakita niya itong tumango. "When we
"I thought she was already awake?" Tanong ni Tristan kay Doc Sanchez. Nagkibit balikat naman ito. "Ayun sabi ng mga nurse sakin kanina. Baka kanina yun." Sagot naman ni Doc Sanchez. Suminghal ng malalim ang lalaki, habang pinagkrus naman ni Doc Sanchez ang mga braso niya. "Anyway. Mr. Timothy's surgery went well. Right now he's resting, in his suite, and hopefully he'll wake up already." Narinig naman ni Tristan ito, ngunit parang hindi naintindihan ng utak niya. Nakatutok lamang ito sa babaeng natutulog, hindi alam kung malay na ba ito o wala pa. "What made you agree pala sa request ko? To help this patient?" Dagdag ni Doc Sanchez nang mapansin niya na malalim ang iniisip ni Tristan. Mabagal naman nitong binaling ang tingin niya kay Doc. Sanchez. "She was someone I knew, and she helped me before. I just wanted to return the favor." Nag-hum naman si Doc. Sanchez at tumango. "That's nice. Well, I must be on my way out, I still need to do my rounds." Hindi sumagot si Trista
" Saan niya naman nakuha ang impormasyon na yun? Paano siyang nakakasiguro?" Nagkibit-balikat naman si Lucas. Habang inaaantay ni Astrid ang sagot nito, marahan niyang hinahaplos lang ang buhok ng tulog pa rin na Theo sa tabi niya, gayong kinakabahan na siya kada ginagawa niya ito nakakatulong itong makapag pa kalma sa kanya. Tinignan saglit ni Lucas ang mahinang gawi ng dalaga pati ang batang tulog na katabi pala nito at umiwas na ng tingin. "Ewan ko rin. Kaya nga nung nakita niya nung araw na may pumasok na ibang tao sa kotse na sinakyan niyo, inutusan niya agad ako na sundan kayo." Kumunot naman ang kilay ni Astrid. 'Dahil lang sa tingin niya na ang kaluluwa ng anak niya ang nandito, pinagawa niya sayo yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Astrid, at tumango naman si Lucas. 'Eh hindi niya naman ako nakita nung araw na yun?' "Weird diba? Pero at some point parang maniniwala ka na lang din, since iba nga ang mothers insticts? Na gegets mo ba ako?" Wala sa sariling tumango s
Nang marinig ni Tristan na darating ang kanyang tatay, wala na siyang sinayang oras para abangan ito sa labas. At dahil nanggaling ang balita mula sa kanyang lola, may tiwala siya dito na totoo ang sinasabi nito, lalo na at nababasa naman niya ang mga susunod na maaaring mangyari. Ngunit may isang katagang nakatatak sa kanya na sinabi pa ng kanyang lola, "Keep in mind that it could be your father, your ally, or an enemy. The future constantly shifts, so I can't tell which one of the three would likely come." Kaya sinisigurado ni Tristan na alerto pa rin siya, limang bodyguard kasama na si Luigi sa limang yun. Nakapaikot silang lima kay Tristan habang inaaabangan nila kung sino man ang dadating sa gabing ito. Panay ang lakad niya pabalik-balik sa kaliwa't-kanan, habang tahimik na pinapanood lang siya ni Luigi at nang iba pa niyang bodyguard na kasama. "Baka sila Bandit ang dadating boss. Diba nag-missed call yung mag-kapatid sayo kanina?" Napahinto siya, at nag-kibit balika
Nang binaliktad na isa-isa ang mga card, hindi muna umimik ang nakakatanda. Matapos niyang makita ang mga ito, tumaas ang parehong kilay niya, at hindi alam ni Astrid kung dahil ba sa gulat, o intriga ba ito? Nang tignan ni Astrid ang mga card, ang unang napansin niya ay ang card na may demonyo, at isang tao na nakalambitin. Nanlamig siya at mabilis na kiniskis ang balat niya. 'Gabi na nga pala, kaya nilamig ako. Oo ganon nga, hindi dahil kinilabutan ako sa mga cards.' Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili dahil hindi pa naman niya alam kung ano ang ibig sabihin ng bawat card na lumabas. Inaboy mg humigit na tatlong minuto ang matanda sa pag-aanalyze ng card bago pinaliwanag kay Astrid ang ibig sabihin ng mga ito. Una niyang ginawa ay binanggit ito isa-isa. "The Devil" "The Hanged Man" "The Wheel of Fortune" "Queen of Wands" "7 of Swords" "These cards are interesting, and I already see why this happened to you." Tahimik na nakikinig si Astrid, gusto lamang
"Ano pong ibig mong sabihin?" Puno ng pag-tataka ang tono ng boses ni Astrid. Inaaantay ang susunod na sagot ng matanda. Nakita niyang tumango ito, at nilahad ang kamay niya sa isang bodyguard na papalapit sa kanila, may hawak-hawak upang ibigay dito. Agad na isinalansan at binalasa niya ng umabot na tatlong beses gaya ng mga typical na baraha. Pag-tapos na isalansan ng mabuti, pinag-hati niya na ito sa gitna at sprinead out niya ito ng pa u-shape sa lamesa, ang mga likuran ng mga bahara ang tanging nakikita. "Before I start, and answer you question, I'm if I didn't do any of my rituals today, or even did a proper cleansing, with where we are and the urgent situation. I thought it wouldn't be logical to do that." Tumango si Astrid bilang sagot, ayos lang sa kanya. Gusto lang din niya malaman na ang katotohanan, ayun lamang ang naiiisip niyang mahalaga sa kanya ngayon. "I thought you already knew the truth from the true Astria. Hasn't she told you anything?" Umiling si As
Agad na nag-iwas ng tingin ng lalaki, at umalis sa kanyang table. 'Hindi ako pwede mag-kamali. Siya nga yun! Ano nga ulit ang pangalan nung lalaking yun?' 'Kamag-anak pala sila ni Tristan? Pero bakit hindi siya kilala nito??' Maraming katanungan na naman ang pumasok sa maliit na kokote ni Astrid, at alam niyang ang makakasagot lang nito ay ang lalaki, kaya napag-isipan na niyang sundan ito at kausapin. Mula sa kanyang likuran, hindi pa niya napapansin ang nalalapit na lola ng kanyang asawa, kaya nung nakita nito na pag-tayo ng dalaga, binilisan ng matanda ang pag-lapit sa kanya. Bago pa makalayo si Astrid, kinalabit na agad niya ang dalaga, kaya napalingon ito sa likuran niya, at laking gulat niya nang makita ang lola pala ito ng lalaking kasama niya. "Hello, Mrs. Miller!" Agad na bati niya, at ngumiti ang matanda."Oh please, you can just call me however you want. Even mom is good. I'm sure you didn't have anyone to call one, so you can call me that." Matamis ang ngiti ng pinaki
Inangat agad ni Astrid ang sarili sa pagkakayuko, at inayos ang postura niya. "There. You look gorgeous, and a woman like you should be confident." At nginitian si Astrid, natutuwa na makitang paano nito iprisenta ang sarili. Kung kanina ay kabadong-kabado pa siya, tila nag-laho agad na parang bula yun. Dahil sa mga salitang nanggaling sa nakakatanda. 'Kailangan kong ipakita sa kanya ang gusto niya makita, kung gusto kong tumagal sa pag-papanggap ko bilang asawa nito. Lalo pa't ang iilang katanungan ko ay alam kong siya ang makakasagot.' "Thank you so much for the kind words. I almost forgot to show that I am confident due to the beautiful people I've met today." Mga bulungan ay biglang nag-bunga mula sa likod ng nakakatanda. Ngunit hindi siya nag-patinag, nanatili lang siyang tuwid ang likod, chin up, may ngiti sa mukha at nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito. Maging si Tristan ay nagulat sa mabilis na pag-babago nito, na gawa ng ilang salitang pag-pupuri na nan
"Of course, Tristan! Enjoy yourselves!" Malaking ngiti na sabi ng nakakatanda, at tumango si Tristan. Sinabit ni Tristan ang kamay ni Astrid sa elbow ni Tristan. Mabilis na tinalikuran nila ang dalawa, at tinungo ang side kung nasaan ang mga pagkain. "Are you okay?" Bulong ni Tristan sa kanya, tahimik na tumango si Astrid. "Oo, thank you. Hindi ko alam ano dapat sasabihin kanina." "It's fine. Hindi rin sila matatapos kakatanong kung ikaw yung mag-sasalita kanina." "Edi wag na lang ako mag-sasalita buong party?" Napabuntong hininga si Tristan sa sinabi nito. "Of course not. Pipi ka ba para di mag-salita?" "Hindi. Pero ang hirap naman kasi pakisamahan ng mga tao dito." Tumango si Tristan sa sinabi nito, "That I could agree with at least." "Edi-" Hindi natapos ang sinabi ni Astrid nang sumabat agad ang kanyang asawa. "But that doesn't mean you won't talk." Sumimangot si Astrid sa nakuha niyang sagot, kaya bumitaw na si Astrid sa pagkakahawak niya sa braso ni Tristan,
Nang makapasok na sila, napanganga si Astrid nang makita ang loob. Alam niyang party ito ng mga mayayaman, ngunit ito ang unang pagkakataon na ay magiging parte nito. Napakalawak ng loob ng dome, isang napakalaking chandelier ang nasa gitna, maliwanag na nag-niningning. At dahil isang pabilog ang venue, napakalaking espasyo ang mayroon. Sa itaas na parte ay mayroong iilang bintana na paikot sa chandelier. Sa isang gilid makikita ang catering ng mga pagkaing handa para sa party, sa kabilang gilid ay makikita ang isang bar, sa sumunod na gilid ay isang photobooth, na mayroong nang gumagamit, katabi nito ay ang naglalalakihang mga speaker na napakalakas ng volume ng party music ay maririnig, ang soundwaves nito ay vumivibrate sa buong dome at sa gitna ay ang isang malaking bilog na lamesa. 'Tas itong party na ito ay para sa isang welcome party na ginanap lang para sa sarili niya?' Hindi makapaniwalang isip ni Astrid habang diretso ang tingin sa pinsan ng kanyang asawa na busy
Maliksi niyang iniwasan ni Ban ang mga lumilipad na bala sa kanyang direksyon, habang mabilis na nagpaputok pabalik ng mga bala. Tatlo sa mga ito ay natamaan sa balikat, paa, at kamay. Tahimik na natawa si Ban sa nakuha niyang reaksyon galing sa mga ito, at ngumisi. "I'll make sure to return all of you to your master how she usually likes, bloodied." Matapos sabihin ang mga katagang ito, sumugod siya sa kanyang mga kalaban, puno ng masayang ningning sa mata nito, nakatutok ang baril sa kanila. Sa loob ng limang segundo, bumagsak ang tatlo sa lapag ng malakas, at gaya ng sinabi ni Ban kanina, lubhang nagdurugo ang mga natamo nilang sugat galing sa lalaki. Nanginginig ang kamay ng isa sa mga na baril ni Ban na may malay pa, pilit na inaaabot ang baril na hindi kalayuan sa kanya. Ngunit napahiyaw ito sa sakit ng naramdaman niya nang maaapakan ang kamay niya. Diniinan pa lalo ni Ban ang pagapak niya, "Sorry. We can't have you shooting aimlessly anymore, don't you know how
๐๐ข๐ต๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ช๐จ๐ถ๐ณ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ-๐ต๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐จ-๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฌ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐จ๐ช๐ต๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ญ๐ข๐บ๐จ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ. ๐๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐จ-๐ฌ๐ฌ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ต๐ข๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฉ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ญ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ค๐ฉ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ. โ๐ฉ๐ข!โ โ๐๐ข๐ฅ๐ข๐บ๐ข ๐ฌ๐ข! ๐๐ช๐ฎ๐ฆ ๐ง๐ช๐ณ๐ด๐ต ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฆ๐ฉ!โ โ๐๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฏ๐ข, ๐๐ถ๐ค๐ข๐ด. ๐๐ข๐ฌ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข ๐ฑ๐ข๐ถ๐ธ๐ช๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐บ๐ฐ.โ ๐๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ข๐ด๐ข๐ณ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ณ๐ช๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ญ๐ข๐บ๐จ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฅ๐ถ๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ญ๐ข๐บ๐จ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ, ๐ฎ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ต๐ญ๐ฐ. โ๐๐ช?