Share

CHAPTER 3

Author: TIAJ
last update Last Updated: 2023-05-29 22:43:51

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan ng makita ko ang papel na ibinigay niya sa akin. Blanko lang ang mukha ni Bryson at walang gana itong tumitig sa akin.

“A-ano ‘to?” my voice croaked habang tinatanong siya.

“Isn’t obvious? Divorce paper,” mariin niyang saad habang umiigting ang panga.

“Di-divorce, why?”

Hindi ko mapigilan ang panghihina ng tuhod ko. Pilit kong nilalabanan ang panghihinang ‘yon.

“Why?” He smirked. “Why are you asking if you already know the answer?” sarkastikong wika ni Bryson.

Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Lahat ng excitement na naramdaman ko kanina dahil sa iisa niyang message na sobra kong ikinagalak ay biglang naglaho at napalitan ng pagkadurog.

Lahat ng iyon ay maling akala ko lang pala. Akala ko pa naman, he is worried about me. Iyun pala ay hinahanap niya ako para mapirmahan ko na ang divorce papers.

Bakit ba ako nag expect, nagmukha na naman tuloy akong tanga.

Hindi, may pag-asa pa.

 Hindi ko ito matatanggap.

“Hi-indi pwede” utal kong wika.

“Hindi ikaw ang magdedesisyon sa buhay ko!” galit nitong sigaw saakin.

“Pe-pero asawa mo ako Bryson!”

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kaya naman tumaas na rin ang boses ko.

“Asawa? Nagpapatawa ka ba?” He laughed without humor habang nanlilisik ang mga mata nito.  “Tandaan mo Letitia asawa lang kita sa papel!”

Pilit kong nilalabanan ang mga luhang pabagsak na sa aking mga mata.

Ayokong umiyak sa harap niya.

Mas lalong ayokong ipakita na mahina ako.

“Oo! Asawa mo ako sa papel, pero pinangukuan mo ako sa harap ng Diyos na mamahalin mo ako habang buhay!” mangiyak-ngiyak kong saad.

Hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko. Gusto na nitong kumawala, konti nalang sasabog na ako.

“Mamahalin? Nagpapatawa ka ba?” Pagak na tawa ang pinakawalan nito habang nanunuya akong tinitingnan. “Hindi naman tayo hahantong dito diba kung hindi kita nakilala at higit sa lahat kung hindi nagkita ang mga lola’t lolo natin!”

“P-pero-“

Tumayo na siya sa kinauupuan nito habang nakahawak ang dalawang kamay sa lamesa.

“Hindi naman talaga ikaw ang mahal ko! At kailanman, hindi kita mamahalin. Bakit ba pilit ka pa rin nagsusumiksik.”

Mas lalong nadurog ang puso ko dahil sa mga lumabas sa bibig niya. Gusto ko nang tumakbo at lumayo sa kaniya ngunit parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Gusto ko siyang sampalin ngunit hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil saakin.

Naramdaman ko nalang ang sarili ko na nakahawak na sa braso niya kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha.

“P-please huwag mo ‘to gawin!” pagmamakaawa ko.

Hindi ko alam bakit ko ‘to ginagawa, siguro ayoko lang siya mawala.

“Mahal na mahal kita Bryson, please don’t do this to me,” saad ko.

Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya sabay tulak upang mapalayo ako sa kanya.

Oo, mukha na akong desperada sa ginagawa ko, pero wala na akong pake para lang hindi kami magkahiwalay ni Bryson. Hindi ko kayang mawala ang taong pinakamamahal ko.

“You’re crazy! Don’t you see I don’t love you! Stop begging!” iritado niyang sabi

Para akong bata na inabandona ng magulang at naghahanap ng pagmamahal.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang nagbabadyang luha ko ngunit hindi ko ito mapigilan.

“Bakit?” nanghihina kong tanong, “Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito. Ginawa ko naman lahat ah. Sa loob ng sampung taon wala akong ginawa kung hindi ang mahalin at alagaan ka.”

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha.

Tiningnan ko siya sa mga mata niya at napangiti ng mapait.

“Oo, alam kong nagpapakatanga ako sa’yo. Ilang ulit mo nang sinabi na hindi mo ako mahal,” saad ko, “Araw-araw mo ding pinapamukha sa akin na sa papel lang tayo mag asawa.”

Kumunot ang noo niya, pero sinuklian ko siya ng ngiti kahit patuloy na bumubuhos ang aking luha.

“Ang tanga ko no?” dagdag ko pa, “Ang mahal mo ay si Camille, pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko. Nagbabakasakaling isang araw ay mamahalin mo din ako.”

Napangisi ito sa akin.

“Oo, si Camille lang ang mahal ko at mamahalin ko. Okay na sana eh, pero dumating ka at sinira mo ang mga plano namin, “ sabi niya habang umiigting ang panga.

Parang kung may anong kumirot sa puso ko. Parang ako pa ang may kasalanan at sinisisi niya sa lahat.

Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Naguguluhan ang isip ko, gusto ko siyang pigilan pero may bumabagabag din sa isip ko na tama na, itigil mo na ang katangahan mo.

“Bakit hindi mo nalang pirmahan ang divorce paper?” malamig na sambit ni Bryson.

Hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil marami na ang pumapasok sa isipan ko.

Naglakad siya papunta sa akin.

“Aantayin ko ‘yang pirma mo, “ wika niya at umalis na ito sa harapan ko.

Naiwan akong nakatayo at nakatingin sa papel na nasa lamesa.

Pagod na pagod na ako, pero bakit hindi ko kayang pirmahan ito?

Oo martir na kung martir, tanga na kung tanga mahal ko pa rin siya kahit alam kong ayaw niya sa akin.

Ganun naman talaga pag nagmamahal diba? Hindi natin maiwasan ang  magpaka-martir at magpakatanga.

Umaasa pa rin ako sa dulo na mamahalin niya ako. Umaasa ako na kahit ilang porsyento may pagmamahal siyang nabuo para sa akin.

Pero sa tingin ko wala na talagang pag-asa dahil dumating na ang panahon na inilapag na niya sa akin ang papel.

Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero namalayan ko nalang na nasa sementeryo na ako at nasa harap ng puntod ng aking lolo.

Umupo ako sa tabi ng puntod at bumuhos na naman muli ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Lolo sana nandito ka pa para may kasama ako. Yung totoong nagmamahal sa akin, yung taong nandiyan parati para sa akin.

“Lolo bakit naman iniwan mo ako agad kahit sobrang tagal ang sakit pa rin talaga,” mahinang bulong ko sa hangin, “Lo, gusto kong sabihin sa’yo na napaka unfair mo dahil pinunta mo ako sa ganitong sitwasyon. Hirap na hirap na ako lo, bakit po ba kasi pinagkasundo mo ako doon. Wala naman siyang ginawa kung hindi ang saktan ako ng paulit-ulit.”

Humikbi ako habang dinadaing ang bigat sa dibdib. Tumingala ako sa nandidilim na kalangitan, kasabay ng pagbuhos ng ulan, ang pagbuhos ng pighati na aking nararamdaman.

 Dinama ko ang bawat patak ng ulan sa aking mukha habang inaalala muli kung bakit ko nga ba ginagawa itong lahat.

Hindi ko naman ‘to ginusto. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari.

“Lolo, nangako ako sa’yo na huwag na huwag kong iiwanan ang taong mahal ko at ang sabi mo rin huwag kong sukuan dahil may resultang magandang mangyayari,” wika ko sa kawalan, “Pero parang hindi ko na ata kaya, lo. Sobrang sakit na.”

Nangako ako sa lola ni Bry at sa lolo ko na hindi ko iiwan si Bryson at aalagaan ko siya kahit ano mang pagsubok ang kaharapin namin. At dahil din sa pangakong ‘yon kaya ako araw-araw umiiyak at nagdurusa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Remarried to CEO   Chapter 67

    Letitia's POV"What are you two doing?!" sigaw na nagpalingon sa amin ni Archer.It was Chloe. Her face was etched with shock, as if she had just seen a ghost. But a second later, her expression transformed into a wide grin."You're here, Chloe." Archer said, still holding my hand."Yes, at bakit bawal na ba ako umuwi. Pumunta lang kami sa Manila ni Leon. Ito na pala ang maabutan ko." aniya, nagbigay pa ito ng mapang-asar na ngiti. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng hiya ngayon, dahil ba naabutan kami ni Chloe o baka dahil hawak-hawak pa rin ni Archer ang kamay ko kahit nandito na ang pinsan niya."Hi, Letitia," Chloe said with a nod, crossing her arms.Archer's voice took on a menacing undertone as he warned, "Don't get any ideas about us being together now. She only helped me because I was ill last night."Walang lumalabas na salita sa bibig ko nakakainis. Bakit pakiramdam ko para kaming mag boyfriend-girlfriend na nahuli ng magulang."Wala akong iniisip no," sagot niya kay Ar

  • Remarried to CEO   Chapter 66

    Letitia's POVThe touch of his lips is like a sweet treat - I melt when I feel it. The scent of his breath is unforgettable; I just can't get it out of my mind!I'm crazy!Nababaliw na ako para hindi ko makalimutan ang mga halik na 'yon. Napakabilis ng pangyayari, hinila niya ako at namulat na lang ako magkadikit ang mga labi namin.Naiinis ako sa aking sarili. Talagang hinayaan mo lang talaga na halikan ka Letitia! Tinanggal ko ang unan na nakapatong sa aking mukha at tumayo sa pagkahiga.Nabaling ang tingin ko sa tunog mula sa aking cellphone. Kinuha ko ang cellphone mula sa gilid dahil nakapatong ito sa lamesa.From:+63992********Hey, I just want to say sorry for what happened yesterday...Taas ang kilay ko habang binabasa ang txt ng isang unknown number.Me: Who are you?Saan naman nito nakuha ang number ko. Baka scam pa 'to, iyong mahilig mag txt ng kung ano-ano. Muling tumunog ang cellphone ko, agad ko itong binasa.From:+63992********It's me.Hindi pa lumipas ang ilang segu

  • Remarried to CEO   Chapter 65

    Archer POVAs the light of my life dims, darkness creeps in. Pinanood ko lang siyang umalis sa harapan ko. Fvck! I hate myself, why did I hurt someone especially the one who's special to me? Hinawakan ko ang aking ulo gamit ang dalawa kong kamay at yumuko. Her eyes, tell me everything kung gaano ko siya nasaktan. I closed my eyes as tears began to fall.Nag-uumpisa ko ng maisip, am I still deserving of her love, tama ba talaga ang ginagawa ko na ginugulo ko pa ang buhay niya. Damn it! Maling mali lahat ang ginawa ko, I'm stupid to think that leaving her is the best way to do, but it's not. Hindi ako nag-isip! Hindi ako nag-isip ng tama, I let my feelings control me. Nagpalamon ako sa sakit na mga nakita ko, I thought, he chose Bryson over me. Akala ko magiging masaya siya pero hindi ko akalain leaving her and giving up on her will make her happy. Ang tanga ko! Hindi pala, dahil nang iniwan ko siya ay walang pinagkaiba sa ginawa sa kaniya ni Bryson! Doble ang sakit na ginawa ko k

  • Remarried to CEO   Chapter 64

    Letitia's POVParehas lumingon ang ulo namin ni Leon sa nagsalita."Leon!" "A-archer..." may panginginig pa sa aking boses.Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. "Daddy Archer!" maligayang saad ni Leon at agad lumapit kay Archer. "How's mommy?""She's fine now, don't worry," Archer said, glancing at me before turning back to Leon. "I'm sorry I left without you... I just had to rush your mom to the hospital." he added. "No, it's okay.. " he assured his uncle at tumingin sa akin. "Letitia's here," dagdag pa niya.Archer chuckled. "Ikaw talaga, It's Tita Letitia."Gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. Parang nakakatunaw ang mga nakikita ko. The way Archer talks to Leon, it feels like a family.Tumayo si Archer at lumapit sa akin. Sh!t bakit ako kinakabahan at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko."Letitia," he said, though I stepped back slightly. "I mean no harm, but I just wanted to thank you for keeping Leon safe.""I-.. It's okay.." talaga ba Letitia ngayon ka pa kakakabahan sa

  • Remarried to CEO   Chapter 63

    Letitia's POV"Oh, anong sinisimangot mo riyan?" taas kilay na tanong ni Krisha.Tumingin ako sa kaniya at tanging buntonghininga lamang ang sinagot ko."Alam mo girl? parang salo-salo mo nanaman ang mundo dahil diyan sa istura mo,' aniya at sinimangutan ako."Tigil-tigilan mo ako bes," ismid ko sa kaniya at muling tumulala sa malayo.I didn't get much sleep last night. Everything that's been happening has really been keeping me up. Hindi pa alam ng babaeng 'to na nagkita na kami ni Archer at paano ko naman sasabihin na may nangyari sa amin. "Bes! What's bothering you?" she asked with grave concern in her voice.I look at her and bite my lower lip. "I met Archer." "Shit!" sigaw niya. "Really?How? and Why?" sunod-sunod niyang tanong na parang naguguluhan sa sinabi ko."Bes, calm down!" sita ko sa kaniya at tumingin sa paligid.Nakakahiya dahil nasa coffee shop kami at maraming taon. Baka umagaw pa kami nga atensyon. Buti na lang at may sari-sariling mundo dito."How can I calm down?

  • Remarried to CEO   Chapter 62

    Letitia’s POV Dahan-dahan akong tumayo at binalot ang aking katawan sa kumot. Para akong tangang nakatingkayad na naglalakad papunta sa banyo para hindi magising si Archer. Ano na lang ang ihaharap ko sa lalaking ‘to. Wala man lang akong maalala sa mga nangyari, paano napunta si Archer sa kama ko at talagang wala pa kaming saplot na dalawa. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Ano bang itsura ito at ang gulo-gulo ng buhok nagkalat pa ang lipstick sa aking labi. “Tama ba ang iniisip ko?” usap ko sa aking sarili. “May nangyari sa aming dalawa?” Ginulo ko ang aking buhok sa inis at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Malamang may nangyari talaga, ano ‘to nag bato-bato pick sa kama. Ang mas nakakainis pa wala man lang akong maalala sa nangyari kagabi, sumasakit pa ang ulo ko at katawan. Oh! God! Gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ayoko munang lumabas doon at makita si Archer, hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko pagnakita siya. Mata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status