Share

CHAPTER 2

Penulis: TIAJ
last update Terakhir Diperbarui: 2023-05-29 22:43:19

“Ma’am! Puno na po ‘yung baso!”

Nagising ang diwa ko sa sigaw ng isang staff ko. Dali-dali akong kumuha ng basahan para punasan yung tubig na kumalat sa counter.

“Sorry!” taranta kong saad.

“Ma’am, okay ka lang po ba?” Pagaalalang tanong ng staff kong si Amy.

Tinignan ko lang siya at binigyan ng ngiti.

“Oo naman okay lang ako,” Pagsisinungaling ko, sa totoo lang hindi na maganda ang pakiramdam ko mula kaninang umaga.

“Ma’am wag ka ngang magsinungaling hindi ka okay, pero pumapasok ka pa rin at pilit tumutulong dito. Edi sana po hindi na kayo kumuha ng trabahador.” pabiro ni Amy.

Tumawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Lagi niya kasi ‘to sinasabi tuwing nandito ako sa café. Isa siya sa mga staff na matagal ng nagtatrabaho dito at pinakamalapit sa akin. Kaya sanay na ako sa ugali nito.

“Alam mo Amy, ikaw ang kailangan ng day off, you deserve it, ” sabi ko at hinawakan ang balikat niya.

Sa sobrang sipag ba naman ng batang ‘to kailangan niya rin ng bakasyon. Sa araw-araw na bukas ‘tong café ko hindi mo makikitaan ni isang absent si Amy.

“Nako ma’am! Kung pwede lang ginawa ko na kaso kailangan, kasi ako lang naman ang bumubuhay sa mga kapatid ko,” saad niya.

Kitang kita ko sa mukha niya ang lungkot, ngunit hindi ito mahahalata dahil nahaharangan ito ng mga ngiti at tawa sa kaniyang mga labi.

“I already told you Amy, you can take a vacation at hindi ko ibabawas yun sa sweldo mo,” sabi ko.

Bigla siyang bumuntong hininga sabay tumayo sa kinauupuan niya at ngumiti sa akin.

“Ma’am, ‘wag ka nang mag-alala sa akin, okay? Ang unahin mo ma’am ay ‘yang sarili mo. Alam kong masama ang manghimasok sa buhay ng iba, pero ma’am alam kong hindi ka po okay,” wika niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi nito, pero parang may pumitik na kung ano sa puso ko.

Naalintana ang pag-uusap namin nang dumating ang isang customer.

Pumunta muna ako sa office ko at umupo para magpahinga.

Ibinagsak ko ang ulo ko sa lamesa dahil sa hilo na nararamdaman ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi saakin ni Amy.

Unahin ang sarili bago ang iba.

 ‘Yun ang pagkakaintindi ko. Paano nga ba, hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang mga bagay na ‘yon.

Hinawakan ko ang ulo ko ng makaramdam muli ako ng kirot. Bakit naman ganito nararamdaman ko wrong timing dahil nasa trabaho ako.

Sana pala hindi nalang ako umiyak ng umiyak kagabi at tinulog ko nalang edi sana hindi na ‘to sumasakit.

Tumayo ako saglit para tumingin sa salamin, nakita ko ang mga labi kong maputla at parang nawalan na ng kulay. Namamaga ang mata ko halatang halata ito dahil hindi naman ako naglalagay ng make up sa mukha.

Ganito na ba talaga ako?

Hindi na kaaya-aya ang mukha ko.

Babalik na sana ako sa upuan para magpahinga nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paligid.

Tuluyan ng bumagsak ang katawan ko nang mawalan ako ng balanse sa aking pagkatayo. Pilit kong tinatayo ang aking katawan subalit hindi ko ito magawa. Unti-unti nang dumidilim ang paningin ko ng maaninag ko ang isang paa’ng papunta sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mata ko ng buksan ko ito.

“Bes gising kana!” dinig ko ang boses sa gilid ko.

Si Krisha lang pala na nakatayo sa gilid ko. Medyo masakit pa ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit.

“Salamat at nagising kana, ano bang ginagawa mo ha!” sermon ni Krisha sa akin.

Nakahawak lang siya sa kamay ko at kitang kita sa mga mata niya ang awa at pag-aalala.

Ano nga ba talaga ang nangyari sa akin, ang naalala ko lang nasa office ako at oo!

Naalala ko na, nawalan pala ako ng malay.

“Ano kaba bes ayos na ako,” saad ko.

Sa sobrang pag-iyak ko at kulang sa tulog ganito na ang nangyari sa akin.

“Sabi ko sa’yo kung pagod ka magpahinga ka. Masyado mong ino-overwork yung katawan mo,” inis na sabi niya sa akin.

“Alam mo naman ‘yun nalang pinagkakabalahan ko.”

“Alam ko naman pero bes! Sana naman pagpahingahin mo yung katawan mo.”

Nginitian ko siya at niyakap.

“Hoy, anong ginagawa mo? Mahiga kalang,” dagdag pa niya.

“Alam mo ang swerte ko talaga at may kaibigan akong tulad mo, ” sabi ko.

“Aba! Syempre magkaroon ka ba naman nang magandang kaibigan at sexy swerte mo talaga.” pabiro ni Krisha at sabay kaming tumawa.

Sobra akong nagpapasalamat sa kanya, kasi hindi niya ako iniwan pag may problema ako lagi siyang nasa tabi ko. Magkaibigan na kami simula high school palang hanggang ngayong nanatili pa rin ang pagkakaibigan namin.

“Oh, eto kumain ka muna.” Inabot saakin ni Krisha yung mga prutas na nasa lamesa.

“Salamaaat! Wala ka bang trabaho?” tanong ko sabay kagat sa apple na hawak ko.

“Meron, pero noong tumawag sa akin yung isang staff mo nagpaalam ako sa boss ko,” sabi niya.

“Okay na ako dito pwede mo na ako iwan, masyado kanang naabala, bes.”

“Ano kaba! Ayos lang saakin ‘yun alam mo naman na grabe akong mag-aalala kaysa sa asawa mo.”

“Ikaw nalang nga aasawahin ko,” pabiro kong usal kay Krisha.

Inikutan niya lang ako ng mata at parang sinasapian si gaga.

“Kung lalaki lang ako, kaso ‘di tayo talo girl,” sabi niya, “Wala talagang kwenta ang asawa mo no? Hindi ka man lang pinuntahan dito,” dagdag pa niya.

Ano pa bang aasahan ko kay Bryson. Lagi naman siyang wala sa tabi ko, kasi nandoon siya sa totoong mahal niya.

“Sanay na ako bes tsaka baka busy lang ‘yon sa work niya alam mo naman CEO ‘yon ng kompanya,” pagdadahilan ko.

“Work? Work niya muka niya baka na kay Camille,” inis niyang sabi.

“Kung ako sa’yo kainin mo na ‘yang hinihiwa mong mansanas. Nakakatakot kana bes feeling ko makakapatay ka eh.”

“Nako baka nga makatadtad ako ng wala sa oras!”

Sa sobrang inis nito hindi na niya napapansin na malapit nang mapino yung hinihiwa niyang mansanas.

Makalipas ang ilang oras, nakumbinse ko na siya na pumasok na sa trabaho niya. Naiwan akong mag-isa sa ospital. Sa totoo lang ayoko muna umuwi sa bahay para mabawasan yung mga ‘di ko nakikitang maganda. Iba kasi yung dulot sa akin nito, stress at pagod. Gusto ko muna ng payapang lugar at mapag-isa.

Tiningnan ko ang singsing sa daliri ko na ni minsan hindi ko nakitang nakasuot kay Bryson. Simula noong nawala ang lolo’t lola namin hindi ko na ‘yon nakita pa.

My lolo and his lola are friends parehas kaming lumaki sa piling ng lolo’t lola namin.

The arranged marriage are already planned before we came. Magkaibigan sila simula noong bata pa at nangako sila na ang mga magiging apo nila ay ipapakasal sa isa’t-isa.

Ito na, mag-asawa na nga kami. Lahat ng yaman nila ay napunta na sa amin ni Bryson. Dahil nga sa tanda, hindi na kinaya ng katawan nila kaya matapos kaming ikasal doon sila namaalam na sobrang nakakabigla at hindi ko inaasahan sa lahat.

Bago sila nagpaalam sa mundong ‘to na-fulfill nila ang pangako nila sa isa’t isa.

Dahil sa pangako na ‘yon nandito ako sa sitwasyon na sobrang nagpapahirap at nagpapadusa sa akin.

“Mrs. Carter your medicine is here.”

Bungad sa akin ng nurse na nasa pinto. Inilagay niya sa gilid ang mga gamot at isang basong tubig.

Hawak ko ang gamot para inumin ng biglang tumunog ang cellphone kong nasa gilid ng lamesa.

Tinignan ko ito at namilog ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan ni Bryson sa messages ko.

[ From: Bryson ]

Where the hell are you?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa text niya. Halo-halo ang emosyon ko ngayon, dahil sa sampung taon, ngayon lang ako nakatanggap ng text galing sa kaniya.

Ano kaya ang nakain ng lalaking ‘to bakit niya ako minessage.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Remarried to CEO   Chapter 67

    Letitia's POV"What are you two doing?!" sigaw na nagpalingon sa amin ni Archer.It was Chloe. Her face was etched with shock, as if she had just seen a ghost. But a second later, her expression transformed into a wide grin."You're here, Chloe." Archer said, still holding my hand."Yes, at bakit bawal na ba ako umuwi. Pumunta lang kami sa Manila ni Leon. Ito na pala ang maabutan ko." aniya, nagbigay pa ito ng mapang-asar na ngiti. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng hiya ngayon, dahil ba naabutan kami ni Chloe o baka dahil hawak-hawak pa rin ni Archer ang kamay ko kahit nandito na ang pinsan niya."Hi, Letitia," Chloe said with a nod, crossing her arms.Archer's voice took on a menacing undertone as he warned, "Don't get any ideas about us being together now. She only helped me because I was ill last night."Walang lumalabas na salita sa bibig ko nakakainis. Bakit pakiramdam ko para kaming mag boyfriend-girlfriend na nahuli ng magulang."Wala akong iniisip no," sagot niya kay Ar

  • Remarried to CEO   Chapter 66

    Letitia's POVThe touch of his lips is like a sweet treat - I melt when I feel it. The scent of his breath is unforgettable; I just can't get it out of my mind!I'm crazy!Nababaliw na ako para hindi ko makalimutan ang mga halik na 'yon. Napakabilis ng pangyayari, hinila niya ako at namulat na lang ako magkadikit ang mga labi namin.Naiinis ako sa aking sarili. Talagang hinayaan mo lang talaga na halikan ka Letitia! Tinanggal ko ang unan na nakapatong sa aking mukha at tumayo sa pagkahiga.Nabaling ang tingin ko sa tunog mula sa aking cellphone. Kinuha ko ang cellphone mula sa gilid dahil nakapatong ito sa lamesa.From:+63992********Hey, I just want to say sorry for what happened yesterday...Taas ang kilay ko habang binabasa ang txt ng isang unknown number.Me: Who are you?Saan naman nito nakuha ang number ko. Baka scam pa 'to, iyong mahilig mag txt ng kung ano-ano. Muling tumunog ang cellphone ko, agad ko itong binasa.From:+63992********It's me.Hindi pa lumipas ang ilang segu

  • Remarried to CEO   Chapter 65

    Archer POVAs the light of my life dims, darkness creeps in. Pinanood ko lang siyang umalis sa harapan ko. Fvck! I hate myself, why did I hurt someone especially the one who's special to me? Hinawakan ko ang aking ulo gamit ang dalawa kong kamay at yumuko. Her eyes, tell me everything kung gaano ko siya nasaktan. I closed my eyes as tears began to fall.Nag-uumpisa ko ng maisip, am I still deserving of her love, tama ba talaga ang ginagawa ko na ginugulo ko pa ang buhay niya. Damn it! Maling mali lahat ang ginawa ko, I'm stupid to think that leaving her is the best way to do, but it's not. Hindi ako nag-isip! Hindi ako nag-isip ng tama, I let my feelings control me. Nagpalamon ako sa sakit na mga nakita ko, I thought, he chose Bryson over me. Akala ko magiging masaya siya pero hindi ko akalain leaving her and giving up on her will make her happy. Ang tanga ko! Hindi pala, dahil nang iniwan ko siya ay walang pinagkaiba sa ginawa sa kaniya ni Bryson! Doble ang sakit na ginawa ko k

  • Remarried to CEO   Chapter 64

    Letitia's POVParehas lumingon ang ulo namin ni Leon sa nagsalita."Leon!" "A-archer..." may panginginig pa sa aking boses.Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. "Daddy Archer!" maligayang saad ni Leon at agad lumapit kay Archer. "How's mommy?""She's fine now, don't worry," Archer said, glancing at me before turning back to Leon. "I'm sorry I left without you... I just had to rush your mom to the hospital." he added. "No, it's okay.. " he assured his uncle at tumingin sa akin. "Letitia's here," dagdag pa niya.Archer chuckled. "Ikaw talaga, It's Tita Letitia."Gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. Parang nakakatunaw ang mga nakikita ko. The way Archer talks to Leon, it feels like a family.Tumayo si Archer at lumapit sa akin. Sh!t bakit ako kinakabahan at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko."Letitia," he said, though I stepped back slightly. "I mean no harm, but I just wanted to thank you for keeping Leon safe.""I-.. It's okay.." talaga ba Letitia ngayon ka pa kakakabahan sa

  • Remarried to CEO   Chapter 63

    Letitia's POV"Oh, anong sinisimangot mo riyan?" taas kilay na tanong ni Krisha.Tumingin ako sa kaniya at tanging buntonghininga lamang ang sinagot ko."Alam mo girl? parang salo-salo mo nanaman ang mundo dahil diyan sa istura mo,' aniya at sinimangutan ako."Tigil-tigilan mo ako bes," ismid ko sa kaniya at muling tumulala sa malayo.I didn't get much sleep last night. Everything that's been happening has really been keeping me up. Hindi pa alam ng babaeng 'to na nagkita na kami ni Archer at paano ko naman sasabihin na may nangyari sa amin. "Bes! What's bothering you?" she asked with grave concern in her voice.I look at her and bite my lower lip. "I met Archer." "Shit!" sigaw niya. "Really?How? and Why?" sunod-sunod niyang tanong na parang naguguluhan sa sinabi ko."Bes, calm down!" sita ko sa kaniya at tumingin sa paligid.Nakakahiya dahil nasa coffee shop kami at maraming taon. Baka umagaw pa kami nga atensyon. Buti na lang at may sari-sariling mundo dito."How can I calm down?

  • Remarried to CEO   Chapter 62

    Letitia’s POV Dahan-dahan akong tumayo at binalot ang aking katawan sa kumot. Para akong tangang nakatingkayad na naglalakad papunta sa banyo para hindi magising si Archer. Ano na lang ang ihaharap ko sa lalaking ‘to. Wala man lang akong maalala sa mga nangyari, paano napunta si Archer sa kama ko at talagang wala pa kaming saplot na dalawa. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Ano bang itsura ito at ang gulo-gulo ng buhok nagkalat pa ang lipstick sa aking labi. “Tama ba ang iniisip ko?” usap ko sa aking sarili. “May nangyari sa aming dalawa?” Ginulo ko ang aking buhok sa inis at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Malamang may nangyari talaga, ano ‘to nag bato-bato pick sa kama. Ang mas nakakainis pa wala man lang akong maalala sa nangyari kagabi, sumasakit pa ang ulo ko at katawan. Oh! God! Gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ayoko munang lumabas doon at makita si Archer, hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko pagnakita siya. Mata

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status