Remarried to CEO

Remarried to CEO

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-23
Oleh:  TIAJBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
16 Peringkat. 16 Ulasan-ulasan
67Bab
13.3KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

When Letitia Carter married Bryson for the sake of their grandparents' dying wish, she didn't expect to fall in love with a man who would always consider her like a worthless trash. Despite being trapped in a loveless marriage for ten years, she remained kind and devoted to her husband. Until one day, he demanded a divorce which ignited a shocking twist of events that wrecked and made her as a knight in shining armor appears to sweep off her feet amidst her chaotic downfall.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Malakas na batok ang natanggap ko mula sa aking kaibigan. Kahit kailan talaga, ang hilig manakit ng babaeng ‘to.

“Aray!” pagrereklamo ko.

“Anong aray ha?” pasigaw nitong tanong, “Masakit ba? Ano nagising kana ba sa katotohanan?” dagdag pa niya.

Umupo siya sa tabi ko at simangot ang mukha nang tumingin sa akin. Kitang kita sa mukha niya ang inis dahil sa kinuwento ko tungkol sa nangyari kahapon.

“Mapanakit ka talaga no!” inis kong saad.

Masakit na nga ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog kagabi tapos makakatanggap pa ako ng malakas na hampas sa ulo. Inantay ko kasing umuwi ang asawa ko ngunit hindi ito umuwi. Hays, ano pa nga ba ang aasahan ko.

“Nako! Pasalamat ka nga batok lang binibigay ko sa’yo. Eh ‘yang walang kwenta mong asawa, puro problema ang dala sa’yo,” sabi niya.

Mahahalata talagang nagagalit si Krisha dahil sa magkasalubong nitong kilay.

“Ano kaba okay lang naman sa akin ‘yun,” saad ko sa kaniya at pilit ngumiti.

Ang saya makita na may nag-aalala sa’yo kahit papaano. Swerte pa ako dahil may kaibigan akong nandiyan para sa akin.

Umiwas ako ng tingin kay Krisha upang hindi niya mahalata ang namumuong tubig sa mga mata ko. Nang maramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko, tiningnan ko si Krisha at kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala.

“Bes! Kailan ka ba magigising ha?” tanong niya.

“Alam ko hindi dapat kita kaawaan pero hindi ko mapigilan kasi tingnan mo nga ang sarili mo, napapabayaan mo na. Kumakain kapa  ba?” sabi pa niya ng may himig na pag-aalala.

“O-oo naman ano kaba!” tipid kong saad.

“Hay nako! Alam mo bes ang tanga mo. Bakit ba kasi pinakasalan mo pa ‘yang lalaki na ‘yan! Sa sampung taon hindi naman nagpaka-asawa sa’yo yang h*******k na lalaking yun.”

Ramdam ko ang gigil ni Krisha sa bawat salita na binibitawan niya.

“Ginusto ko ito bes,” sabi ko.

“Puro ka gusto! Puro ka mahal! Bakit kailan kaba minahal ng lalaking ‘yan. Ang martir mo alam mo ba yun?” saad niya, “Niloloko kana nga harap harapan ang malala sa dati pa nating kaibigan.”

Hindi na ako nakaimik pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Totoo naman talaga ang sinasabi niya.

Martir ako at hinahayaan ko lang si Bryson na gawin ang gusto niyang gawin. Hindi ko naman kasi mauutusan ang puso’t isipan ng asawa ko na ako na lang ang mahalin niya.

“Sorry masyado lang ako nadala,” mahinahon na saad ni Krisha.

“Ano kaba okay lang, totoo naman eh.”

“Huwag ko lang makita kita uli ‘yang si Camille malilintikan siya saakin.” may pagbabanta sa boses nito.

I chuckled nang makita ko ang itsura ni

Krisha. Namumula kasi ang mukha niya kapag ito ay nagagalit.

“Ayan! Naka ngiti kana rin sa wakas,” nakangiting sabi niya.

“Thankyou ah,” sabi ko at nginitian din siya.

“Ano kaba, wala ‘yon. Sana bumalik na yung dating ngiti mo.”

Natigilan ako sa sinabi ni Krisha at nginitian nalang uli siya.

Ano nga ba ako dati?

Masaya naman ako noon, pero bakit ngayon hindi ko na makilala ang sarili ko.

Sino na nga ba ako?

Ano na nga ba ako?

Hindi ko maisip na darating ako sa ganitong sitwasyon. Akala ko’y magkakaroon ako ng magandang pamilya. Hindi biro ang pagpapakasal lalo na’t hindi niyo kilala ang isa’t isa. Tulad namin ni Bryson, arranged marriage lang naman ang lahat.

Hindi kami tulad ng iba  na nagpakasal dahil mahal namin ang isa’t-isa. Wala kami sa libro na perpekto ang kwento ng istorya.

Paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?

Labing isang taon na ang nakalipas mula nang magkakilala kami ni Bryson. Ninenteen palang ako noon at nag-aaral ng kolehiyo habang siya ay ganoon rin.

Kilala na siya sa buong campus namin dahil sa kanilang apelyido at ako naman ay isang simpleng mag-aaral lang na pinalaki ng lolo ko. Ang hangad ko lang naman noon ay mamuhay ng tahimik, makapagtapos ng pag-aaral, at magkaroon ng masayang pamilya, ngunit nagising na lang ako na ikakasal na ako kay Bryson.

Malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Camille.

“Bakit kapa kasi dumating mang-aagaw ka!” sigaw niya saakin.

Pinagmamasdan ko ang mga mata nito na puno ng galit at poot.

“So-sorry, hindi ko naman ‘to ginusto,” may pagkagaralgal ko pang usal.

“Gusto mo! Ginusto mo! Kung hindi mo ginusto, tatanggi ka! Tinuring kitang kaibigan tapos ganito igaganti mo sa akin?” mangiyak-ngiyak na sabi ni Camille.

Muli niya ako binigyan ng malakas na sampal sa pisngi ko.

Tinulak ko siya ng bahagya nang makita ko ang isa niyang palad na lalapat sa kabila kong pisngi.

“F*ck! Don’t touch her!” sigaw ni Bryson.

Tinulak niya ako nang malakas kaya nawalan ng balanse ang katawan ko.

Buti nalang talaga sa damuhan ang pinagbagsakan ko.

Inangat ko ang aking tingin sa nakatayong si Bryson. Sobra akong natakot sa mga mata nitong nanlilisik.

“I already told you! ‘Wag na ‘wag mo siyang sasaktan dahil ako ang makakalaban mo!”

Unang beses kong nakita kung paano magalit si Bryson para siyang papatay ng tao kung tumitig.

Hindi ko nakalimutan yung mukhang ‘yon.

Simula ng ikasal kami hindi na maganda ang trato niya sa akin. Noong una wala akong pake sa ginagawa niya at kung anong gusto nito.

Pero ewan, isang araw nagising nalang ako na mahal ko na si Bryson.

I tried to not fall for him in ten years, but it’s really hard. Nagising na lang ako na mahal ko na siya, pinagsisiksikan ko na ang sarili ko sa kaniya.

Naging tanga ako, martir kahit na alam kong mahal na mahal niya si Camille at kailanman hinding hindi niya ako kayang mahalin.

Mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba dahil kaakibat nito ay sakit at pagdurusa.

He doesn’t even know me, pero pinakasalan niya pa rin ako. Siguro dahil sa pangakong pinanghahawakan ng mga lola’t lolo namin. Dahil sa pangakong ‘yun kaya nandito kami ngayon sa ganitong sitwasyon.

Binuksan ko ang silid ko at tiningnan ang wedding picture namin. Napakaganda ng ngiti ng asawa ko dito, ngunit lahat ng ‘yon ay peke.

Humiga ako sa aking higaan habang hawak hawak ang wedding picture namin at pumikit.

Nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang kotse ng asawa ko. Kaya naman ay dali-dali akong tumayo at lumabas sa kwarto ko. Sinilip ko siya mula sa itaas.

Napahawak ako sa aking bibig para walang lumabas na ingay dito nang makita ko si Bryson at Camille na naghahalikan.

Naramdaman ko nalang ang aking paghikbi at tuloy-tuloy na pagbasak ng luha ko sa aking mga mata.

Napahawak nalang ako sa aking dibdib at napaupo sa lapag dahil sa panghihina ng aking tuhod.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak nang aking mga luha. Napakasakit, sobrang sakit pa rin talagang makita ang lahat.

Kailan nga ba ako magigising sa katotohanan na hindi ako ang mahal.

Hindi ako ‘yung mahal ng asawa ko. Hindi niya ako pinakasalan dahil mahal niya ako. Asawa niya lang ako sa papel, sa harap ng pari, sa harap ng Diyos, pero sa puso’t isipan niya hindi dahil iisa lang naman ang mahal niya kundi si Camille.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Joy-celyn Curds
Author, ang tagal na. D mo na tinapos ang story.
2023-10-07 09:14:21
0
user avatar
Emmarie Mayola
san kana Po miss a ? Pala paring update :(
2023-10-03 11:14:20
0
user avatar
Joy-celyn Curds
End of story na ba author?
2023-09-13 13:23:14
0
user avatar
Emmarie Mayola
miss A 1 week na wala pa ring update huhu :(
2023-09-04 05:37:51
0
user avatar
Joy-celyn Curds
Pumangit na ang story. Matanda na si Letitia.
2023-08-17 00:11:32
0
user avatar
Joy-celyn Curds
Ang tagal ng update
2023-08-16 07:42:20
0
user avatar
Joy-celyn Curds
Archer and Leticia na lng in the end...
2023-07-17 04:25:07
2
user avatar
Reme Rose De Jesus
nice Story
2023-07-07 20:34:44
1
user avatar
ARLENE LLOVERAS
where I can read the continuation of this story.
2023-09-20 22:25:25
1
user avatar
ARLENE LLOVERAS
author wala na itong karugtong na story?
2023-09-16 05:09:00
0
user avatar
ARLENE LLOVERAS
wala p ring update sa story na ito?
2023-09-15 19:39:13
0
user avatar
ARLENE LLOVERAS
is it the end of the story?
2023-09-04 18:17:47
0
user avatar
ARLENE LLOVERAS
please update another chapters.thanks
2023-09-03 04:22:49
0
user avatar
ARLENE LLOVERAS
update another chapters
2023-08-30 23:01:36
0
user avatar
ARLENE LLOVERAS
update another chapter please
2023-08-21 06:47:02
0
  • 1
  • 2
67 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status