Ilang araw ng hindi umuwi si Bryson sa bahay. Natural naroon na naman siya kay Camille. Hindi ko naman siya masisi kung nandoon siya sa taong nagpapasaya sa kaniya.
Ilang araw na rin pala akong nakakulong sa bahay. Buong magdamag, wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at mag-isip.
Yung isip kong gusto nang bumitaw sa lahat ng pasakit na nararanasan ko. Pero itong puso ko pilit pa rin akong pinipigilan.
Mukha na akong desperada sa lahat ng ginagawa ko kahit sa pagmamakaawa ko palang sa kaniya na ‘wag akong iwan.
Hinawakan ko ang aking dibdib na nakatapat sa puso ko at ito’y hinaplos ng dahan-dahan nagbabakasakaling kahit konti ay maibsan ang sakit na nadarama.
Mas masakit pala pag emosyonal ka na sinaktan kesa sa pisikal.
Lahat ng sama ng loob ay naiipon sa puso ko.
Pero bakit ganun kahit anong sakit na nararamdaman ko hindi ko parin kayang iwan si Bryson.
Tumayo ako sa higaan ko at lumabas sa balkonahe. Dama ko ang malakas at malamig na hangin na bumabalot sa aking katawan. Tumingin ako sa langit na puno ng mga bituin. Gusto kong humiling na sana hindi nalang nangyari ‘to na sana mahalin din ako ng taong mahal ko.
Napangiti ako ng mapait, hindi mangyayari ‘yon. Kalokohan! Bakit pa ako humihiling. Hanggang sa paniginip nalang ata lahat ng pangarap ko.
Masayang pamilya, may mga anak at may mapagmahal na asawa.
Kinuha ko ang isang bote ng wine at inilagay ito sa baso. I swirled it a little sabay nilagok ang buong laman nito.
Kahit papaano nakatulong ang alak sa aking katawan para kahit saglit man lang ay mawala ang lahat ng mabigat na aking dinadala.
I stayed on my balcony for awhile nang marinig ko na tumunog ang cellphone ko. Umilaw ang pangalan ni Krisha na tumatawag.
Agad ko naman itong sinagot.
“Hoy, bakla! Ano na, hindi ka na nagpakita sa akin. Anong nangyari sa’yo?!”
Awtomatiko kong nailayo ang cellphone mula sa tenga ko ng marinig ko ang pagkalakas-lakas na boses niya.
Iba talaga ‘tong babae na ‘to parang naka-megaphone kung makasigaw.
“Nasa bahay lang naman ako bes,” pagpapakalma ko sa kanya.
“Pumunta ka dito ngayon sa condo ko. Aba marami kang ikukuwento sa akin. Alam kong may nangyari na naman.”
“Oo na, pupunta ako mag-aayos lang ako saglit. Bumuntong hininga ako.
“Sige! Gandahan mo ha, may pupuntahan din tayo.”
“Oo na bes, bye.”
Agad kong binaba ang tawag ni Krisha. Kahit kailan napakaingay, siguro nakalunok ‘to ng microphone.
Nag suot lang ako ng simpleng damit dahil hindi naman ako maarte sa mga dinadamit ko. Simpleng pulang bestida na may pagkahapit sa aking hita ang sinuot ko at heels na may 3 inches ang taas. Pinusod ko lang ang buhok ko at naglagay ng kaunting lipstick sa labi.
Malapit na ako sa building ng condo ng makita ko si Krisha sa entrance na naghihintay.
Nakasuot itong sexy backless dress na kulay black na mas lalong bumagay sa kaniya. Iba rin talaga ang kaibigan ko hindi siya papatalo sa lahat.
Tumigil ako sa harapan niya at binuksan ang bintana ng kotse. May gana pang mag-posing ang loka kahit marami ng nakatingin dito.
Bago pa lamunin ng kahihiyan, pinapasok ko na agad siya sa kotse.
“So bes, how’s my dress?” masiglang tanong sa akin ni Krisha.
“You’re a totally hot chick,” sagot ko.
“Ginawa mo pa akong sisiw,” inis niyang sabi.
I chuckled, gusto ko lang talaga siyang asarin.
“So pinapunta mo lang ba ako dito para maging driver mo?” Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
Hindi niya ako sinagot at tiningnan ng mabuti. Tumaas din ang kilay niya at tiningnan ako mula ibaba hanggang sa mukha.
“Seriously bes? You’re so plain, ” sabi niya habang ngumingiwi.
“Why? What’s wrong with my dress?” taka kong tanong.
Wala naman talaga kasing mali sa damit ko. Dito ako mas komportable.
“We’re going to the bar and look at you bes! Sa tingin mo ba may masusungkit ka diyan?”
“Bes? Bar? Seryoso ka?” Pinitik ko ang noo niya. ,Alam mong hindi ako pala bar. At isa pa I’m already married.”
“Married your face! As if naman tinuring ka ng tarantado na ‘yun bilang asawa.”
Tama nga naman siya.
“Ito lang ang naisip kong gawin para naman maging masaya ka. You should enjoy your life stop being desperate. Concern lang ako sa’yo kung ‘yang lalaki na ‘yan nagagawa ang gusto niya.” She cupped my face and shook my head lightly. “Dapat ikaw rin kasi you only live once ika nga. ‘Wag kang magmukmok sa gilid at isipin ang problemang hindi na masosolusyonan. Look at you.”
Masakit magsalita si Krisha, pero tumatagos ito sa puso.
“Hindi kana masaya nagiging losyang kana sorry for the words, pero you’re a worthy person so stop being worthless for other people lalo na sa mga taong hindi ka binibigyan ng importansya,” lintanya niya.
Lahat ng sinasabi niya ay may laman. Lahat ng binibitawan niya ay masakit dahil siguro isa siyang totoong tao. Totoong kaibigan, totoong nagmamahal sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko. “So this time please makinig ka sa akin, gusto ko mag enjoy ka ngayong gabi at kalimutan lahat ng problema mo sa asawa mo.”
Niyakap ako ni Krisha at niyakap ko rin siya pabalik. Ang swerte at ko may ganito akong kaibigan. Wala man lang itong kamalay-malay na nakikipag-divorce na si Bryson. Kung bakit kasi sa America kami ikinasal. Ayoko ng sabihin baka hindi ko mapigilan ang kaibigan ko sa mga magagawa nito.
Hindi ko din alam paano sasabihin sa kaniya. Hindi ko rin alam kung pipirmahan ko yung divorce paper o hindi.
Ang gusto ko lang muna ngayon samahan ang kaibigan ko. Magpakasaya at hindi muna isipin ang problema ko.
Nakarating naman kami agad sa bar na sinabi ni Krisha. Marami akong nakikita na kotse na nakapark sa labas. Mukang sikat talaga at dinarayo ang bar na ‘to dahil sa sobrang dami ng tao.
Habang naglalakad kami iba ang tingin ng mga lalaki sa amin. Sa totoo lang, si Krisha talaga ang tinitingnan, dahil na rin sa suot niyang may palabas ng likod. Baka kabagin naman ‘to at magkaroon ng lamig-lamig.
Pumasok kami sa loob ng bar at rinig na rinig ko ang malakas na ingay dahil sa tugtog at malakas na sigawan ng mga sumasayaw.
“Ay jusko!” gulat kong saad at napahawak sa dibdib ko.
Sino ba naman ang hindi magugulat ng may biglang bumukas na pinto sa likod at iniluwa ang dalawang kabataang mapupusok na naghahalikan.
Para sa akin ba talaga ‘to? Gusto ko na lang manatili sa kotse at antayin si Krisha hanggang matapos. Mapait akong napaismid ng maalala ko ang divorce papers. Kahit ngayong gabi lang, gusto ko rin muna mag-enjoy.
Nakarating kami sa bar counter at umupo roon.
“Ano bes ayos ba?” tanong niya sa akin.
“Huh, Anong ayos? Napaka-ingay dito at amoy sigarilyo!” pagrereklamo ko.
“Sus masasanay ka rin,” sagot niya sa akin.
“Anong masasanay ka diyan? Ngayon lang ‘to!” himutok ko pa.
“Bahala ka. Kukuha ako ng inumin, ano ang sa’yo?” tanong niya.
“Tequila na lang.”
“One tequila and one mercadi please.”
Binigay naman kaagad yung order namin at ininom ko naman agad yung tequila.
Pinagmasdan ko ang buong paligid, napakaingay ng lugar dahil sa malakas na beat ng tugtog at sa mga nagsasayawan at nagsisigawang mga tao. Kitang-kita sa mga mukha nila na sobra silang nagsasaya, sobra silang nagpapakalasing at nag-eenjoy sa ginagawa nila. Sana ganiyan nalang ako parang walang problemeng pinagdadaanan.
“Bes! Tara sayaw tayo!”
Mabilis akong hinila ni Krisha papunta sa dancefloor.
Sobrang siksikan, amoy na amoy ko ang halo-halong alak at gayundin ang usok ng sigarilyo.
Sinundan ko lang umindak si Krisha at habang tumatagal nag-eenjoy na rin ako sa ginagawa ko. Sobrang saya at sarap sa pakiramdam dahil para akong nakalaya kahit papaano sa lungkot. Nakangiti lang ako hanggang sa matapos kaming mag-sayaw.
Sobrang lagkit ng pawis ang natamo ko pagkatapos. Nagpaalam muna ako kay Krisha na pupunta ako sa restroom para mag-ayos. Nang matapos, lumabas naman ako kaagad.
Hinahanap ko kung nasaan siya at nang nasipat ko ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kaniya. Malapit na ako sa gawi niya ng biglang may humawak sa braso ko.
Nilingon ko agad kung sino ang humawak sa akin.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa medyo madilim at tanging neon lights lang ang nagbibigay ilaw sa lugar. Pero kalaunan, mas nagiging klaro na ang aking paningin at isa lang naman na matipuno at gwapong lalaki ang matamang nakatingin sa akin. I felt hypnotized for a while with his electric blue eyes.
“Sorry to bother you,” wika niya.
“Hu-h?” Ayan na lamang ang lumabas sa bibig ko.
“Kanina pa kita napapansin and I don’t know, but I can’t seem to take my eyes off you,” wika niya na siyang ikinalaglag ng panga ko.
Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Siguro dahil minsan lang ako makarinig ng ganito.
“Ah, ganun ba salamat aalis na ako, ” sabi ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
“Wait miss! I know you think I’m a fckboy or what, but that’s not what you think, ” napalakas niyang sabi habang sinusundan ako.
“Sorry pero hindi ako interisado, ” tugon ko rito.
Napakakulit naman ng lalaking ‘to, hindi niya ba na-gegets na ayokong makipagkilala sa kaniya?
Hindi ako interesado, dahil may asawa na ako at ayokong makipag-entertain sa ibang lalaki. Alam ko naman ang mga galawan ng mga lalaki dito sa bar.
He was able to keep up with my pace and he made me face him.
He sighed as he stared at me intently.
“Alam ko naman na ganoon ang iniisip mo sa akin, but I just wanna make friends with you. No harm intended, ” he said, trying to assure me.
Sobrang kulit, pakikipagkilala o kaibigan man ayoko nga. Wala akong tiwala sa mga lalaking nag-babar.
“Hindi ako palakaibigan kaya sorry,” iritado kong sambit.
Napasapo ako sa ulo, dahil ayaw niya talaga akong tigilan. Pero ewan ko mas hamak naman na gwapo si Bryson kesa dito sa lalaking ‘to.
“Alright, hindi na kita kukulitin pero gusto ko lang talagang makipagkilala sa’yo.” Mapilyo niya akong nginitian.
Ayokong mag-iskandalo sa lugar na ito lalo na at maraming tao. Titigilan ba ako ng lalaking ‘to pag naibigay ko na ang gusto niya?
Hindi porket na gwapo siya ay makukuha niya agad ako. Hindi ako tulad ng mga ibang babae riyan.
“I’m Archer and this is my business card if ever you wanna hang out with me. Pwede mo akong tawagan diyan.” He winked at me and chuckled.
Napairap nalang ako sa hangin sa sobrang kakulitan nito.
Umalis na siya sa harapan ko at bumalik sa circle of friends niya. Bago pa siya umupo, pahabol pa siyang tumingin uli sa akin.
“Oy bes! Sino yun?” tuwang tanong ni Krisha.
“I don’t know,” tipid kong saad at tumingin sa business card na binigay sa akin.
“Archer Rufus Griffin” pagbabasa ni Krisha,
“Ulalah! Ang gwapo, ang hot, chef at CEO pa! Ang yaman bes!” kinikilig na saad ni Krisha.
“Oo gwapo pero mas gwapo naman si Bryson no.”
Napaismid ito sa akin.
“Yung asawa mong bulok?” Umirap pa siya lalo.
“He looks gentleman and mukhang type ka pa. Why don’t you try to date him?” dagdag nito.
Nakatanggap naman siya sa akin ng malakas na batok dahil sa sinabi niya.
“Aray ha!”
“Bagay lang sa’yo yan! Alam mong may asawa na ako at kasal ganyan iniisip mo”
“Asawa mo mukha mo! Hindi nga nagpapaka-asawa sayo ‘yun.”
Umirap na lang ako sa hangin.
Napatingin ako sa gawi ng lalaking ‘yon. He’s still staring at me kaya napapasong umiwas naman ako kaagad.
“Archer Rufus Griffin, ” usal ko.
Parang narinig ko na siya kung saan.
“Ano bes narealized mo na ba na mas hot at gwapo si Papa Archer kesa sa walang balls mong asawa?” pang-aasar pa ni Krisha, “Binabanggit mo na yung buong pangalan eh.”
Muli ko naman siyang binatukan.
“Aray! Nakakarami ka na ha!”
“Bagay sa iyo yan, kung ano-ano na ang pinagsasabi mo diyan. Tss.”
Masyado na kasing maraming nainom na alak ang loka.
“Umuwi na nga tayo,” inis kong sabi sabay hatak sa braso niya.
Kailangan na naming umiwi bago pa tuluyang malasing ang babaeng ito at baka mahihirapan akong mag-uwi sa kaniya.
Letitia's POV"What are you two doing?!" sigaw na nagpalingon sa amin ni Archer.It was Chloe. Her face was etched with shock, as if she had just seen a ghost. But a second later, her expression transformed into a wide grin."You're here, Chloe." Archer said, still holding my hand."Yes, at bakit bawal na ba ako umuwi. Pumunta lang kami sa Manila ni Leon. Ito na pala ang maabutan ko." aniya, nagbigay pa ito ng mapang-asar na ngiti. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng hiya ngayon, dahil ba naabutan kami ni Chloe o baka dahil hawak-hawak pa rin ni Archer ang kamay ko kahit nandito na ang pinsan niya."Hi, Letitia," Chloe said with a nod, crossing her arms.Archer's voice took on a menacing undertone as he warned, "Don't get any ideas about us being together now. She only helped me because I was ill last night."Walang lumalabas na salita sa bibig ko nakakainis. Bakit pakiramdam ko para kaming mag boyfriend-girlfriend na nahuli ng magulang."Wala akong iniisip no," sagot niya kay Ar
Letitia's POVThe touch of his lips is like a sweet treat - I melt when I feel it. The scent of his breath is unforgettable; I just can't get it out of my mind!I'm crazy!Nababaliw na ako para hindi ko makalimutan ang mga halik na 'yon. Napakabilis ng pangyayari, hinila niya ako at namulat na lang ako magkadikit ang mga labi namin.Naiinis ako sa aking sarili. Talagang hinayaan mo lang talaga na halikan ka Letitia! Tinanggal ko ang unan na nakapatong sa aking mukha at tumayo sa pagkahiga.Nabaling ang tingin ko sa tunog mula sa aking cellphone. Kinuha ko ang cellphone mula sa gilid dahil nakapatong ito sa lamesa.From:+63992********Hey, I just want to say sorry for what happened yesterday...Taas ang kilay ko habang binabasa ang txt ng isang unknown number.Me: Who are you?Saan naman nito nakuha ang number ko. Baka scam pa 'to, iyong mahilig mag txt ng kung ano-ano. Muling tumunog ang cellphone ko, agad ko itong binasa.From:+63992********It's me.Hindi pa lumipas ang ilang segu
Archer POVAs the light of my life dims, darkness creeps in. Pinanood ko lang siyang umalis sa harapan ko. Fvck! I hate myself, why did I hurt someone especially the one who's special to me? Hinawakan ko ang aking ulo gamit ang dalawa kong kamay at yumuko. Her eyes, tell me everything kung gaano ko siya nasaktan. I closed my eyes as tears began to fall.Nag-uumpisa ko ng maisip, am I still deserving of her love, tama ba talaga ang ginagawa ko na ginugulo ko pa ang buhay niya. Damn it! Maling mali lahat ang ginawa ko, I'm stupid to think that leaving her is the best way to do, but it's not. Hindi ako nag-isip! Hindi ako nag-isip ng tama, I let my feelings control me. Nagpalamon ako sa sakit na mga nakita ko, I thought, he chose Bryson over me. Akala ko magiging masaya siya pero hindi ko akalain leaving her and giving up on her will make her happy. Ang tanga ko! Hindi pala, dahil nang iniwan ko siya ay walang pinagkaiba sa ginawa sa kaniya ni Bryson! Doble ang sakit na ginawa ko k
Letitia's POVParehas lumingon ang ulo namin ni Leon sa nagsalita."Leon!" "A-archer..." may panginginig pa sa aking boses.Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. "Daddy Archer!" maligayang saad ni Leon at agad lumapit kay Archer. "How's mommy?""She's fine now, don't worry," Archer said, glancing at me before turning back to Leon. "I'm sorry I left without you... I just had to rush your mom to the hospital." he added. "No, it's okay.. " he assured his uncle at tumingin sa akin. "Letitia's here," dagdag pa niya.Archer chuckled. "Ikaw talaga, It's Tita Letitia."Gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. Parang nakakatunaw ang mga nakikita ko. The way Archer talks to Leon, it feels like a family.Tumayo si Archer at lumapit sa akin. Sh!t bakit ako kinakabahan at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko."Letitia," he said, though I stepped back slightly. "I mean no harm, but I just wanted to thank you for keeping Leon safe.""I-.. It's okay.." talaga ba Letitia ngayon ka pa kakakabahan sa
Letitia's POV"Oh, anong sinisimangot mo riyan?" taas kilay na tanong ni Krisha.Tumingin ako sa kaniya at tanging buntonghininga lamang ang sinagot ko."Alam mo girl? parang salo-salo mo nanaman ang mundo dahil diyan sa istura mo,' aniya at sinimangutan ako."Tigil-tigilan mo ako bes," ismid ko sa kaniya at muling tumulala sa malayo.I didn't get much sleep last night. Everything that's been happening has really been keeping me up. Hindi pa alam ng babaeng 'to na nagkita na kami ni Archer at paano ko naman sasabihin na may nangyari sa amin. "Bes! What's bothering you?" she asked with grave concern in her voice.I look at her and bite my lower lip. "I met Archer." "Shit!" sigaw niya. "Really?How? and Why?" sunod-sunod niyang tanong na parang naguguluhan sa sinabi ko."Bes, calm down!" sita ko sa kaniya at tumingin sa paligid.Nakakahiya dahil nasa coffee shop kami at maraming taon. Baka umagaw pa kami nga atensyon. Buti na lang at may sari-sariling mundo dito."How can I calm down?
Letitia’s POV Dahan-dahan akong tumayo at binalot ang aking katawan sa kumot. Para akong tangang nakatingkayad na naglalakad papunta sa banyo para hindi magising si Archer. Ano na lang ang ihaharap ko sa lalaking ‘to. Wala man lang akong maalala sa mga nangyari, paano napunta si Archer sa kama ko at talagang wala pa kaming saplot na dalawa. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Ano bang itsura ito at ang gulo-gulo ng buhok nagkalat pa ang lipstick sa aking labi. “Tama ba ang iniisip ko?” usap ko sa aking sarili. “May nangyari sa aming dalawa?” Ginulo ko ang aking buhok sa inis at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Malamang may nangyari talaga, ano ‘to nag bato-bato pick sa kama. Ang mas nakakainis pa wala man lang akong maalala sa nangyari kagabi, sumasakit pa ang ulo ko at katawan. Oh! God! Gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ayoko munang lumabas doon at makita si Archer, hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko pagnakita siya. Mata