Masuk
(Countdown sa Kaarawan ni Marco: 7 Days)
Biglang umilaw ang screen ng cellphone ni Sofia, isang notification ang lumabas. Hawak ni Sofia ang isang malaking kahon ng regalo na inihanda niya para sa kaniyang asawa na si Marco. Paikot-ikot siya sa loob ng kwarto at naghahanap ng safe na lugar kung saan Niya pwede itago ito na hindi mapapansin ni Marco. Dalawang buwan niyang pinaghandaan ang espesyal na regalo na iyon para sa kaarawan ng kaniyang asawa. Naisip niya na sa ilalim ng kama niya pwedeng ilagay ang regalo kaya lumuhod siya sa sahig at sumilip sa ilalim ng kama. Napakunot ang kaning noo dahil may napansin siyang isang maliit na capsule sa may sulok. Kinuha niya ito at inilagay sa kaniyang palad. Hindi siya pamilyar sa gamot na iyon. Mas maliit ito kaysa sa karaniwang gamot, makinis, at walang kahit na anong marka. Kumuha siya ng cellphone, kinuhaan niya ito ng larawan at nag search tungkol dito. Natigilan siya sa kaniyang nabasa, dahil isa pala itong contraceptive para sa mga babae, na maaaring pamalit sa condom. Nanlamig siya at naguluhan dahil hindi siya kailanman bumili o gumamit ng ganito. Dalawang taon na silang kasal, ngunit ni minsan ay hindi sila nagsama bilang mag-asawa. Laging abala si Marco, trabaho, biyahe, at kapag nasa bahay, tila pagod na pagod ito at ni hindi man lang siya hinahawakan. Hindi maalis ni Sofia ang tingin sa gamot sa kaniyang palad, hawak-hawak niya ito nang mahigpit, habang tulala. "Bakit merong ganitong gamot dito" Kanino kaya ito? Saan ito galing? Ito Ang tumatakbo sa isip ni Sofia. Hanggang sa biglang tumunog ng malakas ang kaniyang cellphone na bumasag sa katahimikan. “Sofia, Sofia! Bilisan mo, pumunta ka sa ospital! Ngayon na.. Nawalan ng malay ang Tito Bert mo, sabi ng doktor kailangan agad siyang magamot!” umiiyak na sigaw ng kanyang tiyahin, si Linda Reyes . Sa ospital ng Villanueva Corporation, sa may lobby... Nagmamadaling pumasok si Sofia sa ospital. "Excuse me po, Bert Reyes po." humihingal na sabi ni Sofia sa staff sa front desk. "Nasa operating room na po siya Mam." sagot ng staff. "Thank you". Sa labas ng Operating Room.. “Nasan po ang pamilya ni Bert Reyes! Nandito po ba ang pamilya ni Bert Reyes?” Agad na tumakbo si Sofia, “Ako po, ako po ang pamilya ni Bert Reyes.” “Pancreatic cancer po ang sakit ng pasyente, kritikal ang kaniyang lagay, kailangan ng agarang operasyon.” Iniabot ng nurse ang consent form. “Paki-pirmahan po itong consent form.” Para makapagsimula na po kami". Parang sumabog ang utak ni Sofia. Bilang estudyante ng medisina noon, alam niya na ang pancreatic cancer ay tinaguriang “King of Cancer”, karaniwang natutuklasan sa oras na malala na ito at mahirap nang magamot. Naalala niya ang nakaraan: Labindalawang taong gulang pa lang siya nang mamatay ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente. Isang papel din ang nagbago ng lahat. Noon, ang tiyuhin niya ang pumirma para sa kanya, sabay yakap at bulong: “Sofia, huwag kang matakot. Nandito si Tito, hindi kita pababayaan.” Ngayon, nanginginig ang kamay niya, hindi makapirma. Kinuha niya ang kaniyang cellphone, at tinawagan si Marco. Matagal itong nag ring bago sinagot. “Anong kailangan mo?” malamig ang boses. Sa background, maririnig ang malakas na tugtog, tawanan, at putok ng mga paputok. “Si Tito Bert nasa emergency, pancreatic cancer. Puwede ka bang pumunta? Mag-isa lang ako di…” hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin. “Nasa business trip ako.” Maikling sagot ni Marco. “Puwede bang….” “Ikaw na ang bahala.” May halong inis ang tono. “Hindi ako pwedeng umalis dito.” At ibinaba na ang tawag. Naiwan ang tut-tut ng busy tone. Nakatayo si Sofia, hawak ang cellphone, tulala. Sa waiting area.. Nakabukas ang TV. News: “Centennial Fireworks Festival sa Dagupan, Pangasinan, kasalukuyang ginaganap...” Lumitaw sa screen ang makukulay na paputok, ang magandang dagat at maraming tao. Biglang nag-zoom ang camera, isang lalaki at babae sa gilid ng baybayin. Ang lalaki, si Marco. Ang babae, si Ria, ang kanyang first love. “Ito pala ang business trip na sinasabi niya, ang manuod ng fireworks kasama ang ibang babae.” Bulong ni Sofia sa sarili. “Kailangan niyo na pong pirmahan ang waiver!” malakas at nagmamadaling sabi ng nurse. Pinilit ni Sofia na kontrolin ang panginginig ng kamay, pinirmahan ang papel. Hindi maayos ang pagkakasulat, pero mababasa. Tatlong araw ang lumipas, habang nasa opisina ng direktor…. “Hindi maganda ang resulta ng standard treatment dito sa bansa,” paliwanag ni Dr. Cruz. “May bagong gamot sa America, maganda ang clinical data. Ginagamit ito ng mayayamang pamilya doon. Pero mahirap itong makuha, kailangan ng malakas na koneksyon.” Napatingin siya kay Sofia. “Bilang asawa ni Sir Villanueva, tiyak na madali lang ito para sa kaniya.” Tumango si Sofia, mahina ang boses. “Sige po Doc., kakausapin ko siya.” Paglabas nila, narinig niya na nagbubulungan ang mga nurse, “Siya ang misis ng CEO ng Villanueva Corporation. Pero bakit nasa ordinaryong ward ang tiyuhin niya?” “Shhhh, huwag makialam sa buhay ng mga mayayaman, baka marinig ka.” Nag-alala si Andrei, pinsan niya. “Sofia, ayokong magmakaawa ka sa kanya.” Ngumiti siya. “Ano bang magmakaawa ang sinasabi mo? Nakangiti niyang sagot. Asawa ko siya.” Sa ospital… Nakita niyang dumating si Marco kasama si Ria. Maingat niya itong inalalayan, na para bang isang prinsesa. Dinala niya ito sa VIP ward. Sumunod si Sofia, sumilip siya sa maliit na siwang ng p***o. Nakita niyang si Marco mismo ang nag-aasikaso dito, nag-aabot ng milk tea, nag-aayos ng kama, at handang magbantay buong gabi. Naalala ni Sofia ang isang beses na humiling siyang mag-milk tea silang dalawa. Tiningnan lang siya nito nang may paghahamak: “Ilang taon ka na ba? Bata lang ang umiinom niyan.” Madiin nitong sabi. Ngayon, para kay Ria, siya mismo ang nagbibigay ng milk tea at nag-aalaga dito. Nag-ring ang cellphone ni Sofia, hindi niya namalayang napindot ang dial. Tumunog ang phone ni Marco, saglit niyang tiningnan, saka ibinaba. “Asawa mo ba ‘yon? Umuwi ka na,” bulong ni Ria. “Hindi yon mahalaga, para siyang bata na kulang sa atensiyon,” sagot ni Marco. “Kailangan ko munang masigurado na maayos na ang kalagayan mo bago ako umalis.” Dugtong pa nito. Nang marinig niya iyon, tuluyang pumatak ang luha sa mata ni Sofia. Tahimik siyang lumayo, dala ang bigat ng kaniyang narinig.“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” mahina ang tinig ni Sofia. “You've got quite the temper pagdating sa’kin.” Nakatayo si Adrian sa harap niya, matangkad, tinatakpan ang tanawin ng mga dumaraan. Walang nakakita sa mantsa ng alak sa kanyang blouse, ni sa pamumula ng kanyang mukha. Matagal silang nanatiling ganoon bago siya tumingala. “Anong ginagawa mo rito?” “Kasabay kong kumain ang boss sa parehong restaurant.” May bahagyang ngiti sa labi ni Adrian. “Kung susundin ang logic ni President Villanueva, isa lang akong taong nakikipag-inuman sa kanya.” Napahinto si Sofia, kumibot ang labi, ngunit hindi siya natawa. “Tama ka.” Yumuko siya. “Isa siyang walanghiya. Pinayagan kong apak-apakan ng isang walanghiya… pati ako.” “Hindi ka katulad ng sinasabi nya.” putol ni Adrian, mabigat ang tinig. “Matagal ko nang gustong humingi ng tawad sa’yo.” Umiling si Sofia. “Alam ko. Siguro dahil hindi ako kayang pagalitan ni Kuya Andrei, kaya ikaw ang pinapunta niya.” Hindi naman i
Hindi pa nagtatagal ang hapunan nang magsimulang mag-present si Chairman Zhang Duqiao tungkol sa mga produkto ng kumpanya. Ilang minuto lang nakinig si Troy, saka biglang sumabat.“Chairman Zhang, nasaan ang mga saleswomen ninyo? Hayaan n’yo silang magpaliwanag.” Binigyang-diin niya ang salitang "women".Napakuyom ng kamao si Sofia. Kung hindi lang dahil naroon si Chairman Zhang, matagal na sana niyang sinampal si Troy. Pero ngayon, kailangan niyang tiisin. Tumayo siya, kinuha ang brochure, at maingat na ipinaliwanag ang performance ng reagent, ang mga parameter, at ang clinical applications. Mahina ang boses niya, ngunit malinaw at tiyak. Nakaupo si Troy, nakasandal, nakataas ang binti, at nakangiting nakatitig sa kanya. Pagkatapos niyang magsalita, palakpak ang isinagot ni Troy. “Magaling. Pag-iisipan ng kumpanya namin.” Binuhusan niya ng kalahating baso ng red wine at itinulak sa harap ni Sofia. “Mrs. Villanueva, para sa’yo ito.” Agad tumayo si Chairman Zhang. “Mr. Ji
Nasa isang urban village ang food stalls—may mga kahoy na mesa sa ilalim ng yero, at pulang plastik na bangko na magkakapareho ang itsura. Walang private room, kaya’t si Adrian mismo ang nag-ayos ng mga baso at pinggan, parang simpleng bisita lang. Lumapit ang may-ari, naka-tsinelas, at tinapik siya sa balikat. “Adrian, nandito ka pala. Ano’ng gusto mong kainin?” “Kung ano’ng sariwa ngayon, ikaw na bahala.” “Sure.” Napatingin ang boss kay Sofia. “Ang ganda naman, kapatid mo ba?” “Pamangkin ko.” “Hello, pamangkin,” bati ng boss bago umalis. Napakunot ang noo ni Sofia. “Hindi ba pinsan mo ako? Paano naging pamangkin?” Napatawa si Adrian.“Magkaiba tayo ng henerasyon. Kaya kapag Chinese New Year, bibigyan kita ng red envelope.” Napangiwi si Sofia. “Eh hindi ka pa kasal, dapat ako ang nagbibigay sa’yo.” Sa magaan nilang biro, nawala ang bigat ng kaninang tensyon. “Kamusta ang trabaho?” malumanay na tanong ni Adrian. “Okay naman. Relax lang, may oras pa akong maalag
Masarap nga ang pagkain sa restaurant. Magaan ang loob ni Sofia, kaya’t nakadagdag pa siya ng kalahating mangkok na kanin kaysa sa nakasanayan. Habang pinagmamasdan siya, biglang nagsalita si Lin Songxian: “Sofia, may talento ka talaga sa medisina.” Natigilan siya. “Ang pinagsisisihan ko lang… hindi ako nakapag-residency.” Ngumiti si Lin. “Hindi lang pagiging doktor ang landas ng mga medical students. Pwede mong ipagpatuloy ang ginagawa ni Chairman Zhang. Kung gusto mong umangat, pwede ka ring mag-postgrad.” Habang nagsasalita siya, napatingin si Lin sa likuran ni Sofia. Nanlamig ang balat ni Sofia, hindi na siya lumingon. “Sofia.” Malinaw, malamig ngunit magnetiko ang tinig ni Adrian mula sa likod. Isang kamay ang lumapit sa gilid ng mukha niya. Tumayo si Lin at nakipagkamay. “Pinsan ako ni Sofia, Adrian Villanueva. At ikaw?” “Lin Songxian, senior ni Sofia.” Pinsan? Napatingin si Sofia kay Adrian. Umupo siya sa tabi, suot ang dark gray na suit, may cufflinks n
Sumakay si Sofia sa isang ride-hailing car.“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng driver. Saglit siyang nag-isip bago marahang sumagot, “Binjiang Road.”Habang nakasandal, naisip niya: May mga biglaang concert kaya ngayong gabi?At oo, nandoon pa rin—parehong lugar, parehong singer, parehong kanta.Nakahanap siya ng bakanteng upuan, nakinig sa ilang tugtugin, ngunit hindi na ganoon ang pakiramdam. Noon, puno siya ng tuwa, pakiramdam niya’y puno ng himala ang buhay. Ngayon, tila nawala ang ningning ng paligid.Bago siya tumayo para umalis, may umupo sa tabi niya. Napalingon siya, nagulat. “Adrian… anong ginagawa mo rito?” tanong ni Sofia, may halong pagtataka.Hindi sumagot si Adrian, bagkus binuksan ang kanyang telepono at ipinakita ang post na kagagawa lang ni Sofia: “Please stop speculating. My husband and I arranged the relocation of Uncle Tony’s grave together. Ms. Ria and I are good friends, and I was also present at the ceremony.”Tumingin siya nang diretso kay Sofia. “Sino ang
Noong high school, hinahati ng No. 1 Middle School ang mga estudyante base sa resulta ng entrance exam. Si Marco ang nanguna sa Class 1. Sa unang taon niya, gusto sana niyang sumama kina Ria at Troy sa isang trip. Ngunit tumutol ang kanyang ama at naglatag ng kondisyon: kung makakakuha siya ng first place sa final exam, saka siya papayagang sumama. Akala ni Marco, madali lang iyon. Pero second place lang ang nakuha niya. Ang first place ay nakuha ng misteryosong student mula Class 2—siya iyong palaging nagbabasa ng mga librong labas sa kurikulum kahit nasa klase. Doon unang nakatagpo si Marco ng totoong kakompetensya. Balik sa kasalukuyan, nakatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Ang tindig, ang presensya—tila hinihila siya ulit makipagkumpara. Inilahad niya ang kamay, sakto lang ang higpit ng pagkakahawak. “Old classmate,” malamig na bati. “Saan ka na nagtatrabaho ngayon?” Bahagyang ngumiti si Adrian, walang pakialam ang anyo. “Tianjun Capital, fund manager.”







