LOGINPagbalik sa silid, mahimbing nang natutulog si Tito matapos uminom ng gamot. Hinikayat ni Andrei ang kaniyang pinsan na magpahinga muna at bumalik na lamang kinabukasan. Tumango si Sofia, at agad na lumabas ng silid.
Paglabas niya ng ospital, unti-unting naglaho ang amoy ng disinfectant. Nakayuko siyang naglakad, halata ang pagod at parang wala ng lakas, hanggang sa hindi niya sinasadyang mabangga ang isang lalaki. “Pasensya na hindi ko sinasadya,” mahina niyang sabi, hindi man lang niya ito tiningnan, at saka nagpatuloy sa paglakad. Nanatiling nakatayo si Adrian Montemayor, isang negosyante at nagmula sa mayamang pamilya sa Cebu. Nakatingin sa papalayong likod ng dalaga. “Adrian?” tanong ng kasama, bahagyang tapik sa balikat nito. “Bakit?” Sinundan ni Dominic ang kanyang tingin, saka napangiti. “Ah, siya. Asawa na siya ni Marco ngayon, yong Tito niya ang naka-admit dito, nasa ordinaryong ward sa second floor.” “Hindi ba ospital ito ng pamilya Villanueva?” kumuyom ang kamao ni Adrian. “Oo. At narinig ko, binibigyan lang siya ni Marco ng fifty thousand pesos kada buwan. Wala siyang posisyon sa kompaniya, wala din siyang kahit na anong shares. At higit pa dito ang alam ko pinagbawalan pa siya ni Marco na tumulong sa negosyo ng pinsan niya.” sabi ni Dominic Hindi sumagot si Adrian, nananatiling nakatingin sa direksiyon ng papalayong si Sofia. “Halika na, naghihintay si Leo. Malapit nang matapos ang oras ng pagbisita.” “Bigay mo sa akin ang susi ng kotse.” Nagulat si Dominic, pero iniabot din ito. Agad tumakbo si Adrian palabas. Napailing si Dominic, bulong: “Sigurado akong nakalimutan ka na niya. Bakit ka pa umaasa…” Nasa gilid ng kalsada si Sofia, naghihintay ng binook niyang sasakyan. Siksikan ang mga tao sa labas ng ospital, sabay-sabay na nag-uwian. Nag-uunahan ang mga sasakyan, sunod-sunod ang busina. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone para i-check ang nabook na sasakyan, nakastuck pa rin dalawang kilometro ang layo, pula ang lahat ng linya sa mapa sign na sobrang traffic. Malamig ang hangin, kaya hinigpitan niya ang kwelyo ng kaniyang jacket. Isang itim na SUV ang huminto sa harap niya. Bumaba ang bintana, lumitaw ang isang mukha ng gwapong lalaki. Nakasuot ng mamahaling black suit ang driver nito. “Ending number 3688, ikaw ba ang nag-book?” 3688… iyon ang huling numero ng kanyang cellphone. Pero nang tingnan niya ang app, hindi pa rin gumagalaw ang sasakyan dahil sa traffic. “Kaibigan ako ng driver na nabook mo,” sabi ng lalaki, sabay abot ng ID, lisensya, at cellphone. “Naipit daw siya sa traffic kaya hindi siya makakarating, kaya ako na ang pumalit. Huwag mo raw sana siyang bigyan ng bad review.” Nakalagay sa ID: Adrian Montemayor. Ang address, hindi ordinaryong apartment kundi sa isang exclusive village sa Taguig, ang McKinley Hill Village. Nag-alinlangan si Sofia, pero sa kagustuhan niyang makauwi na ay kinancel na niya ang kaniyang booking at sumakay sa SUV. Malinis at mabango ang loob ng kotse, halatang personal na gamit ng taong may posisyon. Gayunman, nanatili siyang kabado. “Masyado bang malamig ang aircon? Gusto mo bang hinaan ko” tanong ni Adrian. “Hindi naman, okay lang” sagot niya, bahagyang nakagat ang labi. Minsan-minsan, sumisilip si Adrian sa rearview mirror. Si Sofia ay may mapupungay na mata, bahagyang bilugan ang pisngi, meron siyang itsura na gusto ng maraming lalaki. Ang buhok, hanggang balikat, nakasuot ng cream-colored na dress. Kaunting ayos lang, puwede nang maging leading lady sa pelikula. Nag-vibrate ang cellphone ni Sofia. Message galing kay Marco: (Bakit ka tumatawag kanina?) Reply niya: (Hindi maganda ang lagay ni Tito Bert. Kailangan ng bagong gamot. Matutulungan mo ba akong makahanap?) Marco: (Sabihin mo kay Paulo) Si Paulo ang Chief Secretary ni Adrian. “Okay. Sige” sagot ni Sofia. Napatingin ulit si Sofia sa driver ng SUV. Napansin ni Sofia na hindi pangkaraniwan ang kanyang suot. Ang mamahaling suit na hindi nalalayo sa mga custom-made ni Marco. Huminto ang kotse sa harap ng BGC, isang luxury complex sa Taguig. Inabot niya ang ID at cellphone. “Salamat.” Tinanggap ni Adrian, walang ibang sinabi. Ang Bonifacio Global City (BGC) ay kilalang tirahan ng mga mayayaman. Kahit ang studio type na unit ay ilang milyon ang halaga na hindi kayang bilhin ng ordinaryong tao. Pumasok si Sofia sa Infinity Fort Building sa 45th Floor. Tahimik, maluwang, at parang walang tao. Dito sila tumira simula ng ikasal sila ni Marco two years ago. Ito ang kanilang tinatawag na “bahay” kung saan palagi siyang naiiwang mag-isa. Umupo siya sa malambot na sofa, ramdam ang pagod. Sa mesa, napandin niya na wala nang tissue. Sa dining table, nakatambak ang hindi pa nahugasang mga pinggan. Wala silang kasambahay, desisyon niya iyon. Ayaw niyang may “ibang tao” sa kanilang condo. Pero sino nga ba ang tunay na “ibang tao”? Hindi niya alam kung sino ba siya sa puso ni Marco, dahil matagal na iyong nakalaan para kay Ria. Alam naman niya iyon bago pa man sila ikasal. Pero pinilit pa rin niyang pumasok sa buhay nito. Naalala niya ang nakaraan: Fourteen years old palang siya noon, kasama niya ang kaniyang pinsan sa night market, nang guluhin sila ng mga tambay doon. Dumaan si Marco, tatlong taon ang tanda sa kaniya, naka-school uniform pa, parang night and shining armour sa mga pelikula. Isang tawag lang niya, dumating ang hepe ng pulisya. At dahil don, nagsimula siyang magkaroon ng lihim na pagtingin dito. Hindi niya inakalang magiging posible. Hanggang sa aksidente niyang nailigtas ang lola ng pamilya Villanueva. Kaya’t ipinilit ng matanda na siya ang pakasalan ng apong si Marco. Sa araw ng arranged marriage banquet, umupo siya sa harap ni Marco. Saglit siyang tiningnan nito, saka malamig na nagsabi: “Ikaw pala.” Sa araw ng kanilang kasal, nahirapan siyang maglakad dahil sa suot niyang high heels. Tumigil siya, iniabot ni Marco ang kaniyang kamay. “Kumapit ka.” Isang simpleng “Kumapit ka” ang nagpatibay sa kaniyang ilusyon na baka balang araw, kung ipapakita niya ang pagmamahal niya kay Marco ay matututo rin itong tumingin sa kanya. Sa unang taon, malamig pero maayos pa ang pakikitungo ni Marco sa kaniya. Hanggang bumalik si Ria sa Pilipinas. Simula noon, hindi na siya umuuwi. Hindi sumasagot sa messages, hindi nagrereply kahit saan. Kapag tumatawag siya, ang tanging sagot niyo ay “May ginagawa ako”, tapos ibinababa na niya ang kaniyang cellphone. Noong anniversary ng kanilang kasal, alas-dos na ng madaling araw umuwi si Marco. Nang tanungin niya kung naaalala pa ba niya kung anong araw iyon, sagot nito “Ano bang meron?” sign na hindi talaga mahalaga para sa kaniya ang araw ng kanilang kasal. Ngayon, nakahiwalay na siya sa guest room. Palihim siyang naghahanap ng sariling niyang bahay. Sa drawer, nakahanda na ang divorce papers, may pirma na niya. Wala siyang hinihingi, gusto lang niyang umalis nang may dignidad. Buo na sa loob niya na umalis at iwan si Marco. Alam niyang sa tingin ni Marco, isa siyang oportunista. Na sinadya niyang lapitan ang lola nito para makapasok sa pamilya. Ilang ulit na niyang ipinaliwanag, pero hindi siya pinakinggan. Isinara niya ang drawer. Sa kabila ng lahat, kailangan pa rin niyang humingi ng tulong para sa gamot ng tiyuhin. Kailangan niya munang isantabi ang nararamdaman niya para sa kaniyang Tiyo. Ito lang ang mahalaga para sa kaniya ngayon, ang iligtas ang taong nagpalaki at nag-alaga sa kaniya. Hindi niya alam, ang SUV na naghatid sa kanya ay hindi pa rin umaalis. Binaba ni Adrian ang bintana ng sasakyan, sinindihan ang sigarilyo, tumawag kay Dominic. “Adrian, asan ka ba, pupunta ka pa ba dito?” “Nasaan si Marco?” “Hindi mo na kailangan itanong. Andito siya sa ospital, kasama first love niya. Balak pang magbantay buong gabi.” Natigilan si Adrian. "Sinasabi ko sayo, kung hanggang ngayon eh umaasa ka pa rin, dapat noon pa lang sinabi mo na sa kaniya. Niligtas mo ang buhay niya nong mga bata pa tayo diba." sabi ni Dominic sa kabilang linya. "Pabalik na ako dyan. Antayin mo ako." Kung sakaling bumalik na ang kaniyang alaala noong araw na yon, bakit hindi niya ako natatandaan. Nangako ako sa mga magulang niya na aalagan ko siya at sisiguraduhin kong magiging masaya siya. Humihigpit ang hawak ni Adrian sa manubela ng sasakyan. Alam naman niyang maraming tao sa mundo na hindi mapagkakatiwalaan, bakit pumayag siyang magpakasal ng ganon-ganon nalang?“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” mahina ang tinig ni Sofia. “You've got quite the temper pagdating sa’kin.” Nakatayo si Adrian sa harap niya, matangkad, tinatakpan ang tanawin ng mga dumaraan. Walang nakakita sa mantsa ng alak sa kanyang blouse, ni sa pamumula ng kanyang mukha. Matagal silang nanatiling ganoon bago siya tumingala. “Anong ginagawa mo rito?” “Kasabay kong kumain ang boss sa parehong restaurant.” May bahagyang ngiti sa labi ni Adrian. “Kung susundin ang logic ni President Villanueva, isa lang akong taong nakikipag-inuman sa kanya.” Napahinto si Sofia, kumibot ang labi, ngunit hindi siya natawa. “Tama ka.” Yumuko siya. “Isa siyang walanghiya. Pinayagan kong apak-apakan ng isang walanghiya… pati ako.” “Hindi ka katulad ng sinasabi nya.” putol ni Adrian, mabigat ang tinig. “Matagal ko nang gustong humingi ng tawad sa’yo.” Umiling si Sofia. “Alam ko. Siguro dahil hindi ako kayang pagalitan ni Kuya Andrei, kaya ikaw ang pinapunta niya.” Hindi naman i
Hindi pa nagtatagal ang hapunan nang magsimulang mag-present si Chairman Zhang Duqiao tungkol sa mga produkto ng kumpanya. Ilang minuto lang nakinig si Troy, saka biglang sumabat.“Chairman Zhang, nasaan ang mga saleswomen ninyo? Hayaan n’yo silang magpaliwanag.” Binigyang-diin niya ang salitang "women".Napakuyom ng kamao si Sofia. Kung hindi lang dahil naroon si Chairman Zhang, matagal na sana niyang sinampal si Troy. Pero ngayon, kailangan niyang tiisin. Tumayo siya, kinuha ang brochure, at maingat na ipinaliwanag ang performance ng reagent, ang mga parameter, at ang clinical applications. Mahina ang boses niya, ngunit malinaw at tiyak. Nakaupo si Troy, nakasandal, nakataas ang binti, at nakangiting nakatitig sa kanya. Pagkatapos niyang magsalita, palakpak ang isinagot ni Troy. “Magaling. Pag-iisipan ng kumpanya namin.” Binuhusan niya ng kalahating baso ng red wine at itinulak sa harap ni Sofia. “Mrs. Villanueva, para sa’yo ito.” Agad tumayo si Chairman Zhang. “Mr. Ji
Nasa isang urban village ang food stalls—may mga kahoy na mesa sa ilalim ng yero, at pulang plastik na bangko na magkakapareho ang itsura. Walang private room, kaya’t si Adrian mismo ang nag-ayos ng mga baso at pinggan, parang simpleng bisita lang. Lumapit ang may-ari, naka-tsinelas, at tinapik siya sa balikat. “Adrian, nandito ka pala. Ano’ng gusto mong kainin?” “Kung ano’ng sariwa ngayon, ikaw na bahala.” “Sure.” Napatingin ang boss kay Sofia. “Ang ganda naman, kapatid mo ba?” “Pamangkin ko.” “Hello, pamangkin,” bati ng boss bago umalis. Napakunot ang noo ni Sofia. “Hindi ba pinsan mo ako? Paano naging pamangkin?” Napatawa si Adrian.“Magkaiba tayo ng henerasyon. Kaya kapag Chinese New Year, bibigyan kita ng red envelope.” Napangiwi si Sofia. “Eh hindi ka pa kasal, dapat ako ang nagbibigay sa’yo.” Sa magaan nilang biro, nawala ang bigat ng kaninang tensyon. “Kamusta ang trabaho?” malumanay na tanong ni Adrian. “Okay naman. Relax lang, may oras pa akong maalag
Masarap nga ang pagkain sa restaurant. Magaan ang loob ni Sofia, kaya’t nakadagdag pa siya ng kalahating mangkok na kanin kaysa sa nakasanayan. Habang pinagmamasdan siya, biglang nagsalita si Lin Songxian: “Sofia, may talento ka talaga sa medisina.” Natigilan siya. “Ang pinagsisisihan ko lang… hindi ako nakapag-residency.” Ngumiti si Lin. “Hindi lang pagiging doktor ang landas ng mga medical students. Pwede mong ipagpatuloy ang ginagawa ni Chairman Zhang. Kung gusto mong umangat, pwede ka ring mag-postgrad.” Habang nagsasalita siya, napatingin si Lin sa likuran ni Sofia. Nanlamig ang balat ni Sofia, hindi na siya lumingon. “Sofia.” Malinaw, malamig ngunit magnetiko ang tinig ni Adrian mula sa likod. Isang kamay ang lumapit sa gilid ng mukha niya. Tumayo si Lin at nakipagkamay. “Pinsan ako ni Sofia, Adrian Villanueva. At ikaw?” “Lin Songxian, senior ni Sofia.” Pinsan? Napatingin si Sofia kay Adrian. Umupo siya sa tabi, suot ang dark gray na suit, may cufflinks n
Sumakay si Sofia sa isang ride-hailing car.“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng driver. Saglit siyang nag-isip bago marahang sumagot, “Binjiang Road.”Habang nakasandal, naisip niya: May mga biglaang concert kaya ngayong gabi?At oo, nandoon pa rin—parehong lugar, parehong singer, parehong kanta.Nakahanap siya ng bakanteng upuan, nakinig sa ilang tugtugin, ngunit hindi na ganoon ang pakiramdam. Noon, puno siya ng tuwa, pakiramdam niya’y puno ng himala ang buhay. Ngayon, tila nawala ang ningning ng paligid.Bago siya tumayo para umalis, may umupo sa tabi niya. Napalingon siya, nagulat. “Adrian… anong ginagawa mo rito?” tanong ni Sofia, may halong pagtataka.Hindi sumagot si Adrian, bagkus binuksan ang kanyang telepono at ipinakita ang post na kagagawa lang ni Sofia: “Please stop speculating. My husband and I arranged the relocation of Uncle Tony’s grave together. Ms. Ria and I are good friends, and I was also present at the ceremony.”Tumingin siya nang diretso kay Sofia. “Sino ang
Noong high school, hinahati ng No. 1 Middle School ang mga estudyante base sa resulta ng entrance exam. Si Marco ang nanguna sa Class 1. Sa unang taon niya, gusto sana niyang sumama kina Ria at Troy sa isang trip. Ngunit tumutol ang kanyang ama at naglatag ng kondisyon: kung makakakuha siya ng first place sa final exam, saka siya papayagang sumama. Akala ni Marco, madali lang iyon. Pero second place lang ang nakuha niya. Ang first place ay nakuha ng misteryosong student mula Class 2—siya iyong palaging nagbabasa ng mga librong labas sa kurikulum kahit nasa klase. Doon unang nakatagpo si Marco ng totoong kakompetensya. Balik sa kasalukuyan, nakatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Ang tindig, ang presensya—tila hinihila siya ulit makipagkumpara. Inilahad niya ang kamay, sakto lang ang higpit ng pagkakahawak. “Old classmate,” malamig na bati. “Saan ka na nagtatrabaho ngayon?” Bahagyang ngumiti si Adrian, walang pakialam ang anyo. “Tianjun Capital, fund manager.”







