KABANATA 3
That’s ridiculous! Ayaw sa mayayaman? Hindi ako naniniwala roon! Siguro maniniwala pa ako na cold-hearted at matalino si Magnus Rhoswen Kallin pero ang ayaw sa mayaman? Mukhang hindi kapani-paniwala! Almost half sa populasyon ng mga lalaki biggest turn on kapag may sinasabi din sa social status ang babae!
Kaya naman hindi ako nagpaapekto sa mga banta ni Winter kahit pa laman na rin ng chat box naming dalawa ang mga warnings niya na hindi raw ako papansinin ni Magnus dahil snobber at hindi daw ako type. Ako? Hindi niya magiging type? For your information, men line up for me just to be my boyfriend! Swerte niya dahil crush ko siya ‘di ba?
Sa gabing ‘yon ay sinearch ko ang pangalan ni Magnus sa social media at nung mahanap ay agad ko siyang in-add. I stalked his account. His profile picture is him ngunit hindi kita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya. But he was wearing a Hawaiian polo shirt and white short, it looks like he was in some resort based on his picture. He has no cover photo at wala rin siyang naka upload na mga pictures sa photo niya. Siguro ay naka hide ito. Then, I went to his wall at halos lahat ng nandoon ay tagged lang siya. Syempre yun na lang ang pinagtiyagaan kong tingnan.
Almost lahat ng picture ay tagged sa kanya ng mga kaklase niya. It’s either a group project or school activities most especially ng mga STEM students. At sa lahat ng picture na ‘yon siya lang ang tinititigan ko. I noticed that he rarely smiles on the pictures I saw. Kahit mga stolen shots ay naka fierce lang siya o kaya naman seryoso. Kapag naman nakatingin sa camera ay konting umuunat lang ang labi na halos pilit pa pero napakagwapo niya pa rin.
He has gray eyes. When I first saw him, ‘yon ang una kong napansin. Isa pa, his features are a bit foreign. He must be half or something. Kallin. Yeah, it doesn’t sound Filipino. It explains his Western features! Napakagwapo! Shit! Dahil masyado akong nahumaling sa kanyang kagwapuhan ay sinave ko yung isang picture na bahagyang nakaunat ang labi, medyo nakangiti pero hindi naman talaga, for the sake of the picture lang. After I saved some of his photo, I cropped it out na siya lang ang kasama at sinave sa favorites ko! Argh! I never did this to my exes! This guy should be crowned! Damn it!
Kaya naman kinabukasan ay excited ako. Marami na akong pinaplano sa aking isip para magpapansin kay Magnus Rhoswen. Damn! Even his name sounds so gwapo! Dahil excited ako sa umagang ‘yon maagap ako. Naunahan ko pa nga sa school si Winter na laging early bird. Dahil malapit lang naman ang STEM building sa HUMSS ay hindi na ako mahihirapan. Kaya lang sadyain pa ito dahil nauuna ang building namin sa lahat ng senior high building. HUMSS ang una, katabi naman ay ABM at ang huli ay sa STEM. Kaya naman kailangan ko pang dumaan sa ABM bago marating ang STEM. Nakakatamad maglakad pero sige para kay Magnus gagawin ko!
Dahil maagap pa naman kakaunti ang nakapansin sa pagdaan ko sa ABM. Hindi ko alam kung bakit kabado ako pero nang tumapat na ako sa STEM ay labis na ang pagpintig ng puso ko. Alam ko kung anong section at room siya. Nakita ko sa mga tagged photos niya kagabi kaya hindi naman siya mahirap hanapin. Mabuti na lang sa first floor lang siya ng building kaya hindi na ako mahihirapan sa pag akyat.
I craned my neck to see if there was someone inside na sa room ni Magnus. Bahagya pa akong tumago dahil natatakot na may makakita sa akin. Everyone will be weirded out if they see me here looking like a stalker! Estella Victoriana Macario, the social butterfly looking like a stalker in front of STEM 12-A will make everyone freak out!
Kaya lang nabigo ako sa umagang ‘yon dahil hindi ko siya nakita. Kung alam ko lang sana ang schedule niya hindi na sana ako mahihirapan. Habang nasa gitna ng klase ay naalala ko ang kwento ni Winter kahapon. She mentioned Princess na patay na patay daw kay Magnus! I smirked inwardly. Maybe I should get to know that Princess huh?
Kaya naman noong lunch time ay mabilis akong lumabas ng room para dumiretso sa room ni Winter. As expected gulat na gulat si Winter ng makita ako sa labas ng room nila. Actually, hindi lang si Winter ang nagugulat, lahat ng kaklase niyang nakakita sa akin gulat na gulat. Syempre, si Estella Victoriana ba naman ang nakikita nila? I am popular in this school, everyone knows me. Everyone wants to be friends with me. I was called a social butterfly until now because everyone wants to flock around me like I am some colorful butterfly which attract them.
“Akala ko ba ayaw mong naghihintay? Anong ginagawa mo dito?” ngumisi siya, alam kong may alam siya kung bakit ganito ang inaasta ko ngayon.
“Introduce me to Princess, your classmates,” I demanded. She raised a brow. “I feel like I know the reason behind this,” napahawak pa siya sa chin niya. I rolled my eyes and pulled her. “Bilisan mo na!” sabi ko. Humalakhak siya. Wala nga siyang nagawa kundi ang ipakilala ako kay Princess. Halos gusto kong matawa nang makita ko ang gulat sa mukha ni Princess habang pinapakilala ako sa kanya ni Winter. Actually, hindi na naman kailangan. Alam kong kilala niya ako.
“It’s nice to meet you!” I flashed my very sweet smile as I offer her a hand to shake. She shyly accepted my hand. Sinabay namin siya ni Winter sa lunch. Habang umoorder si Winter para sa amin ay hindi na ako nag aksaya ng oras para kausapin si Princess.
“You have a crush with Magnus Rhoswen, right?” diretso kong tanong. Her lips parted. Hindi niya inaasahan ang tanong ko. Mukha siyang gulat at tuliro.
“Ah… h-hindi naman—”
“Don’t worry I won’t tell anyone,” mabilis kong sinabi kahit alam kong alam naman yata ng buong block ni Winter na may gusto ang babaeng ‘to kay Magnus.
“M-Medyo…” nahihiya niyang sinabi. I grinned. Mas lumapit ako sa kanya. “Then… do you know his schedule?” I asked almost a whisper. Mas lalo yata siyang nagulat sa tanong ko. Ngumiti naman ako. “You know… I have to say sorry for what happened yesterday, right? Alam ko naman na alam mo kung anong nangyari sa pagitan namin ni Magnus kahapon ‘di ba?” eksplanasyon ko. Tumango siya.
“I-Ito lang ang alam ko,” she said and opened her phone. Nagtaas ako ng kilay. Totoo pala talagang patay na patay ‘tong si Princess kay Magnus. I captured Magnus’ schedule from Princess’ phone. Nang matapos ay tumitig ako kay Princess.
“Princess…” tawag ko sa kanya. Napalunok siya. I smiled at her. Pero sa ngiting ‘yon hindi ko alam kung bakit labis ang kaba niya. “Kapag naging girlfriend na ako ni Magnus I want you to delete that. Are we clear?” I raised a brow. Para siyang robot habang tumatango. Ngumisi ako ng malaki. Sakto naman na dumating na si Winter dala ang mga order.
“W-Winter… balik na ako sa mga kaibigan ko. M-May gagawin pa pala kami,” nagmamadaling paalam ni Princess kay Winter. Hindi na niya inintay na makapagsalita si Winter at mabilis na naglaho sa harap namin. Ako naman ay ngumuya sa fries na parang walang nangyari. Nanghuhusga namang tumingin sa akin si Winter.
“What did you do to her?” she asked suspiciously. Nagkibit balikat ako. “I did nothing.”
“I know you… Estella,” she hummed it like a song. Umirap ako sa kanya. Matapos ang lunch ay tiningnan ko ang schedule ni Magnus. I smirked when I saw na may pareho kaming vacant at talagang parehas pa ng oras. Pag nga naman sineswerte ‘di ba? I think the heavens in on my side right now.
Kaya naman parang sinilihan ang pwet ko sa pagtayo nang dumating ang vacant. Mabilis akong umalis ng room kahit narinig kong tinatawag ako nung three little pigs. Dahil ang ilan sa mga estudyante ay may klase ngayon hindi kapansin pansin ang pag diretso ko sa STEM building. I felt excited when I saw that the students from STEM 12-A are now leaving their room to spend their vacant. At mas lalo pang lumaki ang ngisi ko nang makita si Magnus na may kausap na lalaki. It must be his friend or something.
Everyone looked at me when I graced the corridor. Halatang halata ng pagbaling ng kanilang mga ulo dahil sa pagtingin sa akin.
“Anong ginagawa ni Estella dito?”
“Himala at lumabas ng room nila ‘yan? Ayaw na ayaw na’n ang maglakad ah?”
“Kaya nga! Baka may bagong boyfriend?”
“Taga STEM 12-A?”
I ignored them all and stopped in front of Magnus. Halos malaglag ang panga ng lahat except for Magnus. He’s just staring at me coldly like I am some pest who is now blocking his way. But my confidence is over to the roof that I didn’t back down even with his cold stares.
“Do you have time? I want us to talk,” I said it like I have a right with him and he should obey all my wishes. Nagsalubong ang kilay niya. Pakiramdam ko ay may kinikiliti sa tiyan ko dahil kahit ang pagkunot ng noo niya ay gustong gusto ko! Naging ganito ba ako sa mga naging boyfriend ko? This is the first time that’s why I want to figure it out!
“No.” I almost heard everyone’s gasp when Magnus answered that enough for everyone to hear. Natigilan ako. Pakiramdam ko tumigil ang oras para sa ‘kin lalo na ng lampasan niya ako. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Everyone is staring at me like I am some laughing stock right now. All my confidence kanina began to fall like a crumbling building caused by an earthquake.
What the… hell just happened?
Did he just… reject me… in front of these people?
I balled my fist. No… I won’t stop. Hindi ko hahayaang umuwi ako ng talunan. Wala na akong pakialam sa mga nanunuod at naghihintay ng susunod kong gagawin. I did what I have to do. Bumaling ako kung saan naglalakad si Magnus. I gritted my teeth and follow him.
“I can’t believe it, Estella… is chasing someone like Magnus?”
“Totoo ba ‘tong nakikita ko? Estella Victoriana who acts like a Queen and a bitch is chasing Magnus Rhoswen Kallin?”
I heard them say but I didn’t mind them. Nang maabutan ko si Magnus ay mabilis kong hinawakan ang kanyang pulso at buong lakas ko siyang hinila sa lugar kung saan wala gaanong tao. Sa likod ng kanilang building. It’s their garden area. Mabigat siya kaya kailangan kong ibuhos ang buo kong lakas.
“Hey!” I heard him call me but I didn’t stop. Tumigil lang ako nang makarating na kami sa likod ng kanilang building. Humarap ako sa kanya. His brows are in furrowed. Mukha siyang iritado sa ginawa ko. Pero wala akong pakialam. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na pinagmukha niya akong tanga. Pero hindi ko malaman kung bakit crush ko pa rin siya hanggang ngayon! Dapat turn off na ako sa kanya eh!
“Do you really need to embarrass me in front of so many people?” hindi ko na napigilan.
“Did I tell you to do that?” balik niyang sinabi. Nag-init ang ulo ko. I’m not really good with arguments. Sometimes my irrational mind always come in the way. Nakakapagsalita ako ng hindi maganda. Pero ngayon nagagawa kong makapagtimpi because of this fucking man in front of me!
“No! But don’t you know some manners?!” halos maghisterya na ako. Ang pinlano kong pagpapacute sa kanya at pagpapansin ay nauwi sa ganito. I can’t believe this!
“Bago mo ‘yan sabihin sa akin dapat sabihin mo muna ‘yan sa sarili mo. If you want to talk to me you can ask in a nice way,” mas malamig niyang sinabi.
“I was asking you in a nice way!” I argued.
“You didn’t. You weren’t asking. You were demanding,” he said in a matter of fact. Umawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala na big deal pa sa kanya ‘yon. Napailing na lang ako. Sabagay hindi ko naman talaga siya kilala kaya malay ko ba na ganito siya? Sanay akong kapag ako na ang lumalapit sa lalaki madalas ay nahihirapan silang i-reject ako. O kaya naman dahil gustong gusto nila ako kaya hindi sa akin mahirap ang mag approach ng lalaki. I should take note that Magnus is different from other man I met. He’s smart and cold. Have patience, Estella.
“Fine…” I sighed defeatedly. I looked at him straight. Dahil matangkad siya medyo mataas din ang line of vision ko. Hanggang balikat niya lang ako. Damn!
“I just want to talk to you about what happened yesterday. I wanna say I’m sorry. I didn’t mean to do that. At… salamat din sa pagligtas sa akin noong isang araw sa tapat ng mall,” sabi ko sa mahinahon na paraan. Pinagmamasdan niya lang ako na para bang walang ka intere interesanteng bagay sa akin!
“Okay,” he said. Napamaang ako. What? Yun lang? Okay? Konting konti na lang mawawalan na talaga ako ng pasensya.
I chuckled. “Okay? You mean we’re, okay? We can be friends, right?” I hopefully asked. Ang kanyang malamig na mga mata ay nanunuot sa aking buto. I wanna look away but I also can’t stand staying away from his eyes!
“I said okay you’re forgiven or I accept your thank you but I am not going to be your friend,” he said mercilessly na nagpalaglag ng aking panga. What the fuck?
“What?” I almost yelled.
“I’m done here. I’m leaving,” he said but I immediately blocked his way. I could sense his irritation. I clenched my jaw.
“What’s your problem with me? I’m trying to be nice here! See? I’m even willing to be your friend! Everyone wants to be my friend!” hindi ba ako kilala ng lalaking ‘to? Siguradong kilala niya ako! Kung nandito na siya ever since sa school na ‘to I’m sure he heard about me!
Pero bigla kong naalala na… kahit ako hindi siya kilala kaya anong karapatan kong isiksik ang sarili ko sa kanya? He’s smart and a top student. Winter knows him at ako ay hindi.
“I’m not one of those people who’s willing to be your friend,” he said icily. I sighed heavily.
“Fine! Pero ako gusto kong maging kaibigan ka! Ayaw mo man o hindi! My name is Estella Victoriana Macario unless you didn’t know me. At hinding hindi kita titigilan, Magnus! Tandaan mo ‘yan!” I said it like a curse before I walked out because it’s time for our next class.
As I walked back to my classroom, I couldn’t help but smirk. Magnus Rhoswen Kallin, tinataga ko sa bato, magiging akin ka.
KABANATA 18I replayed every moment that Magnus and I have had together. Para akong nililipad sa ulap sa tuwing iniisip ko ang mga tagpong magkasama kaming dalawa. It was so different. I had so many dates, both extravagant and luxurious, but I didn’t know that a simple tapsilog or pares would make me go nuts and feel like floating on the air. Or maybe because Magnus is different? But how different is he from other guys I've met before?Nagpatuloy ang pagpunta ko sa library habang si Magnus ay naghahanda para sa parating niyang Quizz Bee. At hindi ko maintindihan dahil kahit nagbabasa lang ako ay hindi man lang ako nainip na kasama si Magnus. Every lunch we’ll go outside to eat. Dinadala niya ako sa mga kainan na hindi ko man lang na imagine noon na kakainan ko ngayon. But I enjoyed every food I ate with him. Kahit madalas ay tahimik si Magnus alam ko naman na nakikinig siya sa walang sawa kong pagkekwento ng mga bagay-bagay sa buhay ko. And I love how he listens and took an interest a
KABANATA 17Paggising ko ay malaki agad ang aking ngiti. Pakiramdam ko isang panaginip lang ang mga nangyari kahapon. Pero ang konting hapdi sa braso ko ang nagpapatunay na hindi panaginip ang lahat ng ‘yon. Worth it ang pananadya kong mabalian sa aming practicum! You can call me crazy but this really makes me happy. I had my breakfast alone dahil may duty daw si Daddy sa hospital but I received a text message from Dad to come and visit the hospital later after class para daw ma check niya ulit ang braso ko. Pagpasok sa school ay si Winter agad ang una kong hinanap pero napansin kong wala pa siya. Ibig sabihin masyado akong maagap ngayong araw. Kung noon ay ang building ni Magnus ang sunod kong pupuntahan pero ngayon ay pinigilan ko ang sarili ko. In order for me to have Magnus by my side is to be with him secretly. Kaya naman tahimik na lang ako sa loob ng room. Kaya lang nang dumating yung three little pigs ay biglang umingay na naman ang mundo ko. “You’re so early today, Estella
KABANATA 16“I didn’t know that you’re good at sneezing,” he said, amused as he wiped something on his neck! Probably my laway! Shit! Pwede bang magpakain na lang sa lupa? As in now, na? Nakaramdam ako ng hiya habang pinupunasan niya ang kanyang leeg. Nakakainis naman! Bakit ba naman ako bumahing sa eksaktong oras na nasa harapan ko siya. “So, why are you here?” tanong niya pagkatapos magpunas. Napanguso ako. Hindi naman siguro mabaho ang laway ko. Araw-araw kayo ako nagtotoothbrush at nagmamouth wash!“I… have a project in one of my subjects, so I decided to drop by here…” I lied. Wala naman talaga akong project! I just want to see him. Hindi siya nagsalita sa halip ay napansin ko siyang nakatingin sa braso ko kung saan mayroon akong bali. Nakakunot ang noo niyang bumalik ang tingin sa akin.“Where’s the bandage on your arm?” he asked. I stretched a bit my arm para patunayan sa kanya na hindi na kailangan ng bandage dahil hindi na naman gaanong masakit.“Pinatanggal ko na kay Daddy
KABANATA 15Mabilis na tinawag ni Magnus ang nurse para asikasuhin ako. Naiwan si Magnus sa labas habang abala sa akin ang nurse. Wala na akong pakialam kung anong kalalabasan ng laro, since it’s just a practicum. “Sa ngayon ay bawal mo munang basain ang braso mo. Take these meds for you to heal faster,” the nurse gave some ointment and medicines. Tumango na lang ako sa kanya. Hindi naman ako gaanong nag-aalala dahil pwede naman akong magtanong kay daddy ng mga pwedeng gawin para gumaling agad ang aking kamay. “Is she fine?” nakita kong pumasok na si Magnus sa loob ng clinic at sinalubong ang nurse. Pinagmasdan ko si Magnus na seryosong pinapakinggan ang nurse habang pinapaliwanag nito ang kalagayan ko. Just staring at him looking so worried for me makes my heart pound so fast. Paano niya kaya nagagawang patibukin ng ganito ang puso ko? Paanong ang isang katulad ni Magnus ang nagbigay damdamin na hindi ko man lang naramdaman sa ibang lalaki na dumaan sa buhay ko?“How do you feel?”
KABANATA 14Nagsimula na ang laro ng basketball at ang ikinagulat ko ay kasama pala si Magnus sa maglalaro ng basketball sa team namin! Hindi ko alam na bukod sa pagiging matalino ay marunong din siya ng basketball. Well, he’s tall and well-built. Pakiramdam ko nga ay kaya niya akong buhatin ng isang kamay lang—damn it, Estella! I sound like a damn pervert!Nag-ingay ang lahat ng pumila na sa gitna lahat ng players. Halos magningning ang mata ko nang makita ko si Magnus na isa sa mga matangkad sa team. Why is he so handsome and hot at the same time?“Shit! Ang gwapo ni Magnus!” hindi nakatakas sa akin ang bulungan ng mga kagrupo ko sa aking likod. My brows furrowed. I suddenly have the urge to pull their hair and order them to close their eyes! “Sinabi mo pa! Dati ko pa yang crush since junior high! Tapos ang tali-talino pa!” kinikilig na dagdag nung isa. Dahil hindi na ako nakatiis ay lumingon ako sa aking likod sabay namang napatingin sa akin yung mga haliparot na may plano pa atan
KABANATA 13Paggising ko pa lang ay wala na akong gana sa lahat. Mabuti na lang wala si daddy sabi ni manang Lina ay maagap daw si daddy kanina dahil may duty daw ito. These past few days palagi akong nagmamadali sa pagkain ng breakfast para maabutan si Magnus sa kanyang community service pero ngayon halos maunahan pa ako ng pagong sa pagkilos.“May problema ba, hija?” tanong ni manang Lina ng hindi na siya makatiis sa matamlay kong pagkilos. Umiling lang ako kay Manang. Ayaw ko namang mag-alala pa si Manang sa akin. Hindi naman kasi talaga mahalaga ito. Maybe… makakalimutan ko rin ito. It’s just a phase. Katulad din ito ng mga nababasa ko sa libro, you fall in love and then forget it after some time.Pero hindi ko pa rin mapigilang malungkot nang madaanan namin ang starbucks.“Bibili po ba kayo ng kape, ma’am?” tanong ng driver ko. “Hindi po, kuya. Let’s just go to the school,” sabi ko. Tumango ang driver at dumiretso na sa aking school. Habang naglalakad patungo sa corridor ng HUMSS