KABANATA 4
Hindi ko na ulit nakita si Magnus sa araw na ‘yon. And I understand dahil mas maagap ang tapos ng last subject niya kaysa sa amin. Kaya naman dumiretso na rin ako sa labas ng school para magpasundo sa driver namin. Hindi nga lang sa akin makakalampas ang mga tinginan sa akin ng mga ka batch ko. They look at me like I’m some bitch they want to kill, lalo na yung mga babae.
“Ang kapal talaga ng mukha. Kahit si Magnus hindi na pinalampas,” I heard them talking. Malakas ang boses nila. Mukhang sinasadyang iparinig sa akin.
“Akala niya naman papatulan siya ni Magnus? Magnus isn’t idiot to fall for that girl. Hindi ibig sabihin na mayaman siya at kaya niyang makuha ang lahat ay maaakit niya na rin si Magnus!” sabi pa nung isa. I gritted my teeth. I am trying my best not to be affected pero mahirap din pala magtimpi. Why is it such a big deal to them? Kung makapagsalita sila parang sobrang bad influence ko kay Magnus eh wala pa naman akong kakaibang ginagawa!
Napailing na lang ako sakto naman na dumating na ang aking driver. Pag-uwi ko pa lang ay sumalampak na ako sa aking kama matapos magbihis. Nag-utos na rin ako ng dinner dito sa kwarto ko dahil tinatamad akong bumaba lalo pa at may tatapusin akong assignment. Habang naghihintay sa dinner ko ay naisipan kong i-check ang social media account ko. Napaahon ako sa pagkakahiga nang makita na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako inaaccept ni Magnus! What?! Is he really this rude? O baka naman hindi niya pa nakikita ang name ko dahil tambak din ang friend request niya? Inulit ko na lang ang pag a-add sa kanya.
Mayamaya lang ay dumating na ang dinner ko. Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang pag iistalk kay Magnus. Pero nabigo ako dahil yun pa rin ang nakita ko. Walang bagong tagged sa kanya. I stopped when I saw Winter messaged me.
Winter:
Ano itong nabalitaan ko na hinabol mo raw si Magnus kanina at hinila kung saan?
Napairap ako. Ang bilis namang kumalat ng balita!
Ako:
It was nothing.
Winter:
Don’t lie to me! I know you! What did you do?
Kung makapag react naman ‘to si Winter parang may ginawa agad akong masama! I didn’t reply kaya tumawag na lang siya. It was video call. Nakita kong kumakain din siya katulad ko.
“What?” asik ko.
“What did you do? And don’t you ever lie to me! I will know!” banta niya. I rolled my eyes at her.
“Why are you talking like I did something wrong? Wala naman akong ginawang masama! I just talked to him and said sorry about what happened sa cafeteria!” sabi ko.
“Are you really serious with him, Estella?” hindi niya makapaniwalang tanong. Uminom ako ng juice at tumitig sa screen ng phone ko kung saan puno pa ang bibig ni Winter ng pagkain. I secretly screenshot it and saved it on my phone.
“What do you mean?” I asked.
“I mean… I never see you like this. Yes, I’ve seen you crushing someone and flirting with them but I’ve never seen you chase a man,” she said as a matter of fact.
“Hindi ko rin alam, Winter. Maybe it’s just a phase? I admit it. I have a crush on him. I like him. But you know me. If ever I get turned off by him, I’m done. That’s it.” kibit balikat kong sinabi dahil ‘yon ang totoo. I like, Magnus kaya gusto kong mapalapit sa kanya at gusto ko ring malaman kung hanggang saan ang nararamdaman kong ito. Kadalasan kapag nato-turn off ako sa isang lalaki mabilis din akong umayaw at sumuko, kaya gusto kong malaman kung ganoon din ba ako kay Magnus.
“Are you really sure about this?” nag-aalangan niyang tanong na para bang siya ang kinakabahan sa ginagawa ko. I smirked at her.
“Wala ka bang tiwala sa akin? Sigurado akong magugustuhan din ako ni Magnus!” confident kong sinabi. She frowned at me, hindi naniniwala.
“Maniniwala sana ako sa’yo kung hindi si Magnus ang lalaking pinag-uusapan natin dito. But it’s Magnus! A top student! Smart! Hindi pa siya nagkaka girlfriend! At study first! Wala pang babae ang nakakalapit sa kanya bukod sa childhood friend niya. Puro kaibigan niya lang na lalaki ang madalas niyang kasama,”
My brows furrowed when she mentioned Magnus’ childhood friend.
“Childhood friend?” tanong ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ang daming alam ng babaeng ‘to kay Magnus. Or I was really inattentive back then? Maybe, yes. Naalala kong madalas akong magka boyfriend noon at isa pa… Magnus isn’t well… came from a wealthy family kaya siguro hindi ko siya kilala. Inaamin ko naman na madalas akong tumingin sa social status ng isang lalaki bilang manliligaw ko. Ngayon ko lang narealize na hindi pala dapat ganoon.
“Yes! But I really don’t know. Sabi nung iba ay sila daw ni Magnus pero mukhang hindi naman dahil katulad sa isang kaibigan lang ang turing ni Magnus kay Hazel!” kwento ni Winter. Hazel huh?
Doon natapos ang usapan namin ni Winter dahil parehas kaming may tatapusin na assignment pero hindi naalis sa isipan ko ang lahat ng sinabi ni Winter. Kinabukasan ay maagap ulit ako sa school. Katulad kahapon ay dumaan muna ako sa STEM building upang tingnan kung nandoon na ba si Magnus at dahil swerte ako ngayong umaga ay nakita ko siya sa loob ng room niya! Kakaunti pa ang tao sa loob kaya agad ko siyang nakita. Seryoso siyang nakaupo habang nagbabasa ng isang libro. I widened my eyes and saw the title of his book he was reading. ‘Cardiology Secrets’. I fixed myself and went straight to his room. Mahigpit kong hinawakan ang paper bag na dala ko. I bought a coffee for him dahil maaga pa. Sakto talaga na ito ang binili ko. Sa totoo lang hindi ko naman inexpect na nandito siya. Akala ko katulad kahapon ay hindi ko siya makikita but he’s here and I bought him a coffee!
“Pst!” tawag ko sa kaklase ni Magnus na papasok na ng room nila. I saw the shock in his face when he saw me. “Can you call Magnus for me?” I asked. The boy swallowed hard and nodded like a robot. I smiled widely when I saw the boy approach Magnus. Tumayo si Magnus at nagtungo sa pinto. Mabilis akong nagpakita sa kanya. His brow shot up when he saw me. I was about to walk near him when he turns his back on me at akma nang babalik ulit sa loob ng room kaya nagmadali na ako para makalapit.
“Magnus! Wait!” tawag ko sa kanya. Mabuti na lang ay naabutan ko pa siya. I sighed in relief when he stopped and turn around to face me.
“I bought a coffee for you!” I energetically said as I lift the paper bag I was holding. Kunot noo niyang pinagmasdan ang paper bag bago inilipat sa akin ang paningin. His eyes are cold I almost freeze where I am standing. Nakaramdam ako ng kahihiyan saglit pero agad ko ‘yong inalis sa aking sistema dahil hindi ako magtatagumpay kapag inisip ko pa ‘yon. I want him to notice me. Yun lang naman ang gusto ko.
“I already drink one,” he coldly said at akma ng aalis pero mabilis kong nahawakan ang braso niya. His eyes fell on my hand kaya mabilis ko siyang binitawan. Nag-init ang pisngi ko. I’ve never been embarrassed like this in my whole life!
“T-Then… can we eat lunch together sa break time?” lakas loob kong tanong. Pakiramdam ko malapit na akong matunaw sa malalamig niyang paninitig sa akin. His gray eyes are piercing me like needles at malapit na itong sumugat sa kalooban ko. Damn it!
“No.” pirmi niyang sagot. I gritted my teeth. Ilang beses ko pa ba siyang maririnig na tumanggi sa akin? It feels like a ‘no’ word is always his expected answer whenever I ask him!
“Bakit? May kasabay ka na ba? Pwede naman akong makisabay! Okay lang sa ‘kin!” subok ko pa. He clenched his jaw. He’s irritated. I can see it. Para bang gustong gusto niya na akong mawala sa harapan niya. I feel like he was wishing me to disappear and never come back again. Shit!
“Wala akong panahon para sa’yo Miss Macario. You have to leave now before our teacher sees you here,” he said in a tone of dismissal.
“Ayaw mo ba sa ‘kin?” I bravely asked. Tumingin ako sa kanya ng diretso kahit nakakapanghina ang kanyang mga mata. He cocked his head like he doesn’t understand my question. Nakakainsulto pero kailangan kong maghintay ng kanyang sagot. Why does he act like I’m such a stupid pest? Gusto ko lang naman na maging kaibigan kami ah? Masama ba ‘yon?
“Pag ba sinabi ko sa’yong oo aalis ka na rito?” he raised a brow. My lips parted. His words are like knives cutting through my veins.
“Bakit ayaw mo sa ‘kin? Hindi naman ako masamang tao ah? Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo!” katwiran ko. Kinabahan ako ng lumapit siya. I swallowed hard when he crouched and made our eyes level. I could smell his manly scent. Pakiramdam ko napaka swerte ko na dahil naaamoy ko siya ngayon! Nababaliw na ba ako?!
“Don’t fool me, Macario. You have tons of friends so why would you ask me someone who’s not your level to be your friend?” punong puno ng paghihinala ang kanyang mga salita. “Kaya kung ako sa’yo umalis ka na dahil… nag-aaksaya ka lang ng oras,” he said before he walked out. Wala na akong nagawa dahil natutop ko na ang aking labi.
Kaya naman labis ang iritasyon ko sa buong klase. I’m not in the mood to participate in any recitations or activities. Ngayon ko lang naramdaman ito. I feel so defeated. Pakiramdam ko minamaliit niya ako. Pakiramdam ko I’m out of his league. Na para bang hindi ako karapat dapat para maging kaibigan niya man lang. Naiinis ako. Nagagalit ako. Mas gusto kong lumapit sa kanya at pestehin siya! And I don’t understand it! I should be turned off now! So, why am I still determined to follow him around!
Katulad ng ginagawa ko ngayon. Nagbulaan pa ako kay Winter na may gagawin ako sa library kaya hindi ako makakasabay sa lunch pero ang totoo ay hinahanap ko si Magnus kung saan ito kakain ng lunch. And there I saw him walking towards the cafeteria. I saw him with his friend. Sa paglalakad nila ay may nakita pa akong bumati kay Magnus. Nanliit ang mata ko nang makita na si Leviticus Galford ito. What? Levi knows him? Leviticus Galford is also a STEM student, also in the top and the reason why I know him is because he’s rich and known to be the only heir of Galford firm company. Hindi ko akalain na kilala siya ni Levi.
I mean… Magnus isn’t rich. Sabi nga ni Winter, anak si Magnus ng isang teacher dito sa Hills University at kaya nakakapag-aral dito si Magnus ay dahil scholar ito ng school. The reason why I didn’t know Magnus. O baka kaya kilala nila ang isa’t isa dahil parehas silang matalino at nasa top. I heard that Levi is sometimes join quiz bee or competitions marahil ay ganoon din si Magnus.
Nagtago ako sa likod ng wall nang makitang tuluyan nang naglakad si Magnus. Ngunit natigilan ako ng isang babae ang sumabay sa kanilang maglakad. Based on her uniform senior high din ang babaeng ‘to. She has a very straight black hair na hanggang balikat lang, singkit ang mga mata at mapula ang labi, she’s also fair like me. May naalala akong isang kpop girl na kamukha niya. Ngunit mas lalo pa akong natigilan nang makita ang pakikitungo ni Magnus sa kanya. He treats her normally. Nakikipag-usap at mukhang komportable. Hindi kaya… this is Hazel that Winter was talking about?
Huminga ako ng malalim at aalis na sana nang magtama ang mata namin ni Magnus! I didn’t even notice na lumingon siya sa direksyon ko! Hindi ko rin namalayan na hindi na pala ako nagtatago! Damn it! Nanlamig ako dahil naging blangko ang ekspresyon niya ng makita ako. What would I expect? I sighed heavily and was about to leave quietly when I saw Lander approaching me!
What the fuck is he doing here!?
At ang mas ikinagulat ko pa ay ang mabilis nitong paghila sa akin at paghalik sa aking labi! Fuck! We’re inside the school fuck! And what the heck?! I already break up with him! What is his problem?!
Mabilis ko siyang itinulak pero huli na ang lahat, everyone saw what happened. Nagulantang ang iba at kitang kita ko ang disappointment nila para sa akin. Yung mga lalaki naman ay nakangisi na at may malisyoso na sa aking tingin. Fuck! Ayaw ko nang tumingin sa direksyon ni Magnus dahil pakiramdam ko mas lalo lang akong maiiyak kapag nakita ko ang mga mata niya! Dahil oo! Tangina! This is a scandal! Lagot ako!
Tangina mo Lander!
“What the fuck did you do, Lander?” kahit gusto ko siyang sampalin ay pinilit ko pa ring kumalma. He smirked at me.
“Didn’t you like it? You used to like it when we were still together,” he said with malice. Everyone cheered him especially the boys and his friends. The girls looked at me full of judgment.
“I’m leaving—”
“No! You won’t, Estella! Pagkatapos mo akong i-break mababalitaan kong naghahabol ka sa isang lalaki? Ang malala pa isang hampas lupa pa! Wala ka na ba talagang kahihiyan?” nag-init ang kalooban ko sa sinabi ni Lander. Yung galit ko kanina umabot na sa boiling point! I’m gonna fucking sure he’ll regret it!
Sana lang ay umalis na si Magnus. I am hoping na kanina pa siya nakaalis. Marami na ang nanunuod sa eskandalo ni Lander at nakakainis lang dahil wala pang nakakapansing teacher! Kung kailan kailangan ko ang mga teacher na ‘to syaka pa sila wala!
“I would rather chase a man without money rather than a pervert like you, Lander.” Kalmado kong sinabi kahit ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mata ko sa sobrang galit. Humalakhak si Lander, nagiging mukha siyang demonyo sa harapan ko. Alam kong malakas ang loob niyang umasta ng ganito dahil mayaman siya. This is what money can give you. Confidence and evilness.
“Talaga? Akala mo ba mapapaniwala mo ako? Kilala kita Estella. Parehas lang tayo na mababa ang tingin sa mga mahihirap dahil wala silang alam kundi maging pabigat ng lipunan. Kaya sigurado akong pinaglalaruan mo lang ang lalaking ‘yon—”
“SHUT UP!” I yelled angrily. He stopped. I clenched my teeth and looked at him with dagger eyes. Pero mukhang matigas pa rin ang mukha niyang ngumisi sa akin.
“Bakit? Totoo ‘di ba? Siguro sawa ka sa mga katulad nating mayayaman kaya gusto mo namang makatikim ng mahihirap—” ganoon na lang ang gulat ko when I literally saw how someone throw a strong punch at Lander’s face. Tumilapon si Lander sa lupa. Everyone gasps in shocked. Kahit ako ay gulat na gulat. Pakiramdam ko namamalikmata lang ako. Because… it was Magnus who just throw a punch on Lander!
KABANATA 25Magulo ang isip ko habang hinahagilap ang mga gamit ko sa sofa. Alam kong pinagmamasdan ako ni Hazel at nagtataka sa pagliligpit ko. But all I could think right now is my father. I already called my driver para sunduin ako at dalhin sa hospital ni Daddy. “Aalis ka na?” rinig kong tanong ni Hazel. Hindi ako makatingin sa kanya dahil ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. “Ah… yes… p-pakisabi na lang kina tita Rhea at Magnus na umalis na ako, may importante lang akong gagawin,” sabi ko habang patuloy na hinahagilap ang mga gamit ko. “What? Hindi ka ba muna magpapaalam—” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang nilampasan ko siya para lumabas na ng bahay. Hindi ko na alam kung anong ginawa niya dahil nung lumabas ako ay nakita ko na ang paparating kong sasakyan. Mabilis na lumabas ang driver para pagbuksan ako ngunit bago pa ako makapasok sa sasakyan ay isang matigas na kamay ang humila sa aking braso. Mabilis akong napaharap sa kung sino man ang humila sa akin.It
KABANATA 24Buong weekend na paulit-ulit na nagrereplay ang date naming dalawa ni Magnus sa aking isipan at hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang lahat ng ‘yon. Siguradong mapagkakamalan akong baliw kung sino man ang makakakita sa akin ngayon.I am smiling widely as I walk towards the hallway of the HUMSS Department. Pakiramdam ko isang iglap lang dumaan ang weekend at ngayon ay monday na agad. “Someone is happy,” I heard Winter’s voice behind me. Mabilis akong napalingon sa kanya at nakita ko siyang nakasandal sa railing habang naka cross ang dalawang braso sa kanyang harap. I smiled at her widely while she lift her brow at me. “Mukhang may kakaibang nangyari ngayong weekend ah?” taas kilay niyang tanong habang lumalapit sa akin. “Wala naman. Sadyang masaya lang ako ngayon,” tanggi ko habang nakangiti sa kanya. But knowing Winter, she knows me too well kaya alam kong hindi siya maniniwala. “Whatever, Estella Victoriana. Ilibre mo na lang ako mamayang lunch. Kabayaran s
KABANATA 23Malaki ang ngiti ko habang papalabas ng sasakyan namin. Agad kong nakita si Magnus na naghihintay sa akin sa labas ng Mall. Medyo umaambon ngayon kaya agad akong pinayungan ng aking driver. I smiled when Magnus saw me. Hindi ko maiwasang lalo siyang hangaan kahit sa simpleng suot niya ngayon. He’s wearing a pull over jacket, pants, and leather boots. Nagmumukha siyang supladong hunk sa itsura niya. Gwapo talaga siya sa kahit anong ayos samantalang ako kailangan ko pang mamili ng damit sa loob ng dalawang oras para magmukhang maayos ngayon! I am wearing a boyfriend jacket, mini skirt and high heeled boots. Nang makarating ako sa harapan ni Magnus ay mabilis na ring umalis ang driver ko at bumalik sa sasakyan. “Kanina ka pa ba dito?” I asked. Ang usapan namin ay nine in the morning at halos wala pang nine ngayon. Mukhang sobrang agap niya talagang dumating dito. “Just five minutes ago,” kibit balikat niyang sinabi. Tumango ako sa kanya. Napansin ko ang paninitig niya sa k
KABANATA 22Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari kanina kaya naman hindi ako ngayon mapakali sa higaan ko. Para akong tanga na paikot ikot sa aking malambot na kama. Inabot ko pa ang unan ko para yapusin ito ng mahigpit habang inaalala ang malambot na labi ni Magnus na hinahalikan ako kanina. Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang lahat.After that kiss ay hindi ko matingnan ng diretso si Magnus. Naramdaman ni Magnus ang pagiging awkward ko kaya hindi na rin siya nagsalita ng kahit ano. Nag akit na lang siya na umalis doon at pumunta sa next class namin. Ngunit wala na akong maalala sa mga sinabi ng mga subject teacher namin because my mind was flying the rest of the day. At noong uwian na ay nakita ko si Magnus sa labas ng gate kung saan madalas ako laging nakatayo upang hintayin ang sasakyan na naghahatid at sundo sa akin. He only said goodbye and guided me to enter the backseat of my car. It was very overwhelming. Kaya naman ay para akong baliw dito sa kwarto ko. Minu-
KABANATA 21All I could feel was his intense gaze at me. Hindi na magkaintindihan lahat ng parte sa utak ko kung anong dapat gawin o isipin. Ang mga binti ko ay pinilipilit na lang tumayo ngunit labis akong nanghihina sa mga nakakamatay niyang mga tingin. I could feel his intense anger directed towards me. “What was that?” I feel like a thunderbolt struck me on that question. Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak at nag-iwas ng tingin dahil talagang hindi ko kinakaya ang mga mata niyang humuhukay sa kaibuturan ng kaluluwa ko ngayon.“We were just talking–”“Talking? After what he did to you? Paano kung may ginawa ulit siya sa’yo doon?!” ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya sa kanyang galit. “Wala siyang ginawa sa akin! Humingi lang siya ng tawad sa mga nagawa niya sa akin noon!”“At pinatawad mo naman agad? Hindi ka ba talaga nadadala?” he sounded like I made a huge mistake. Hindi ko alam itong nararamdaman ko pero unti-unti ay nakaramdaman ako ng pinaghalon
KABANATA 20Diretso ang uwi ko pagkatapos ng klase. I just texted Winter na mauuna na akong umuwi, and after that, I didn’t reply to her messages because she bombarded me with a lot of questions about Magnus. Gulong gulo ako habang nakatititg sa ceiling ng kwarto ko. I can feel my phone vibrating for a call, but I don’t even have the strength to answer it. But maybe it is for the best. Tama si Winter. Hindi ko na dapat pinilit ang sarili ko kay Magnus. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko noon. I thought everything was easy. But now I know that it isn’t.Nakatulog ako sa ganoong ayos. Kinaumagahan ay halos tamad na tamad akong pumasok. Pero magtataka si Daddy pag nalaman niyang umabsent ako ngayon. Mag-aalala lang yun sa akin. I had my breakfast alone dahil maaga daw umalis si Daddy dahil may VIP na magpapacheck up kay Dad. Bawat galaw ko ay mabagal. Bawat kilos ko ay palaging may dalang buntong hininga. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Ate Lina pero hindi niya naman ako tinatanon