‘Nang makaalis si Celestine sa Celebration ay biglang sumulpot sa harap niya ang reaper na gumising sa kaniya.
“Natatakot ka ba na baka pasabugin ko 'to para mamatay na ang mga peste sa loob?” Walang emosyon na tanong ni Celestine at tumingin siya sa reaper.
“Bryan Timothy Scoth ay mali dahil gawa-gawa mo lang pala ‘yun. Kilala ka pala bilang si Black Bone Reaper,” ani niya pa.
“ ‘Wag kang mag alala hindi ko pa gagawin ang balak ko kaya ‘di pa ako magiging sagabal sayo. Hanapin mo nalang ang masamang goblin baka nasa paligid lang siya at pinagmamasdaan kang mabaliw kakahanap sa kaniya.” Nag-iwan naman ng malakas na ulan si Celestine bago umalis sa Engagement Ceremony.
Pagkaalis ni Celestine ay agad nakaramdam ng pagkahilo si Daniel na isa rin sa umpisang plano niya.
“Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang namutla?” Pag-aalala ni Celine pero umiling lang siya.
“Kailangan ko lang ito ipahinga kaya babalik muna ako sa condo,” pagpapaalam ni Daniel kay Celine dahil mukhang bibigay na ang kaniyang katawan, at ayaw niyang mapagkagulo ang lahat dahil sa kaniya.
“Pero... kung ako lang dito pagtatawanan nila ako.” Hindi naman pumayag si Celine dahil mas mahalaga sa kaniya ang Image niya. Kahit na tumanggi siya ay umalis parin si Daniel dahil bibigay na ata ang katawan niya.
“Daniel! Daniel bumalik ka rito!” sigaw ni Celine kaya napatingin lahat sa kaniya ang mga bisita.
“Celine, huwag kang mag iskandalo. Babalik din naman siya,” pagpapakalma ng kaniyang Mommy. Halos mamula naman sa galit si Celine at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya na mga dahilan.
Habang pabalik sa condominium si Daniel ay hindi na kinaya at natumba mismo sa hallway.
Ilnag minuto lmag ay may sumulpot na babae para tumulong at inalalayan siya palakad.“Sir, ayos kalang po ba?" Nagpalingon-lingon nag babae para may tumulong ngunit walang tao sa paligid.
“Tatawag po ako ng tulong, sandali lang,” ani ng babae at aalis na sana pero hinila ni Daniel ito pabalik.
“H-Huwag mo k-kong iwan.” Hirap makahinga at namamawis si Daniel sa sobrang hilo at halos lagnatin sa sakit ng ‘di niya alam kung bakit.
“Mukhang masama na po ang kalagayan ni’yo kaya tatawag na po ako ng Emergency”
Naghabol hininga si Daniel sabay umiling. “Ihatid mo nalang ako sa Condo Unit ko,” utos niya sa pag-aakalang isa lang itong maintenance ng Condo. ‘Di nalang umangal ang babae at hinatid ito.
“Bakit ayaw mong pumunta ng Hospital?” Pag-aalala ng babae na halos nagtataranta sa takot. Kumuha siya ng towel at tubig para punasan si Daniel na halos hinahabol na ang paghinga at nagkukumbolsyon sa pananakit ng mga kalamnan at kasukasuhan.
“H‘wag ka munang kumilos para hindi ka lalo mahilo,” ani ng babae at inalalayan siya sa kama at tsaka pinunasan ang noo ni’to na umaapoy sa lagnat.
“C-Celestine” sa ‘di malamang dahilan ay agad nawala ang sakit ng ulo niya at napagtanto na kamukha ni Celestine ang babaeng nasa kaniyang kaharapan.
“Celestine, ikaw nga,” maiyak habang naggaalak na kumpirma ni Daniel sa nakikita niya ngayon. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng babae habang natatakot ito sa kinikilos ni Daniel.
“Buhay ka, hindi ko akalain babalik ka sa tabi ko. Celestine patawarin mo ako sa lahat dahil hindi manlang kita pinahalagahan.” Hindi naman nagsalita ang babae at nakatingin lang ito sa kaniya.
Mula sa natatakot ay biglang nag-ib aang expression ng mukha ng babae. “Totoo bang nanghihingi ka talaga ng tawad?” Tanong niya at hinimas ni Daniel sa balikat nag kahawig ni Celestine. Hindi mapigilan magtanong sa isip niya kung paano nabuhay si Celestine pero hindi na iyon mahalaga dahil nasa harap niya na ito ngayon at buhay na buhay.
“Teka Celestine mukha atang iba kana kumilos? Pero, hindi naman nagbago ang mukha mo,” ani ni Daniel.
“Alam mo ba kung gaano kasakit sa’kin ang mahalin mo ang kambal ko at pagtaksilan n’yo ako. Kaya binigay ko ang puso ko kasi para kahit papaano puso ko parin ang tumitibok sa loob ng katawan ng taong minamahal mo,” pangungunsensya ni Celestine kay Daniel.
“Patawad Celestine at huli ko na napagtanto na ‘di ko kaya na wala ka sa tabi ko pero kahit anong sabihin ko huli na,” ani pa niya at niyakap ulit si Celestine ng mahigpit. Niyakap din siya pabalik ni Celestine pero nakataray ito sa likod niya.
“Kung ganoon mahal mo ako? Pero nagawa mo akong iwan at iparamdam sa’kin na mag isa lang ako. Dahil sayo isinakripsyo ang puso ko para magkasama lang kayo ni ate Celine dahil ayaw kong maranasan mo ang lungkot na dinadanas ko,” pagsumbat ni Celestine. Napakalas naman siya at tumayo. Agad siyang hinabol ni Daniel at niyakap patalikod.
“Kasalanan ko ang lahat. Akala ko mahal ko si Celine pero napagtanto kong naaawa lang ako sa kaniya ng mga panahon na maysakit siya,” paliwanag niya kaya humarap naman si Celestine na napapailing.
“Kung ganoon naawa ka lang din sa’kin ngayon kasi namatay ako kaya sinasabi mo ngayon na mahal mo rin ako?” May tumulong luha sa mata ni Celestine na kinasakit ng dibdib ni Daniel.
“Alam mo ba kung ano pakiramdam ng magsakripisyo para makita ang tao mahal mo na maging masaya? Gusto mo makita ang sugat ko sa dibdib ko para malaman mo ang napala ko sa pagmamahal ko sayo at para magkasama lang kayo ng matagal,” ani ni Celestine. Imbis na malungkot sa sinapit ni Celestine nang nakita ang hubog ng katawan ni Celestine ay lalo lang nang init ang katawan ni Daniel. Ang kaninang malungkot na mukha na mukha ni Celestine ay napalitan ng malademonyo mukha.
“May sugat pa na naiwan...” Binaba ni Celestine nang dahan-dahan ang pantaas na damit niya habang nakatingin kay Daniel. Wala namang nakitang sugat sa katawan niya at tanging makinis na kutis lang ang tumambad kay Daniel at hindi niya mapigilan ang sarili na pagnasahan ito. Agad niya namang hinila si Celestine sa kama at marahas na hinalikan ng walang paalam. Parang wala sa sarili si Daniel at mukhang nakalimutang ang tungkol sa Engagement Ceremony nila ni Celine na dinaraos.
...
Nang dumating ang pagsibol ng araw ay nakangiti lang si Celestine habang pinagmamasdan si Daniel na natutulog na kama sa tabi niya. Napahawak naman si Celestine sa kumot nanakatakip sa mga katawan nila. Napapaisip din siya kung anong magiging mukha ng kambal niya sakaling lumabas na ganitong issue.
‘Sisirain ko ang buhay mo katulad ng pagsira mo sa’kin. Ibabalik ko sayo lahat ng ginawa mo.’
“Ugh!”
Nang gumalaw sa pagkakahiga si Daniel ay mabilis na nakunwaring naiyak si Celestine sa isang sulok.
“C-Celestine? Kung ganoon hindi 'to panaginip?” Taka niya na sinakyan naman ni Celestine.
Slap!
“How dare you to ruined my dignity! You're shameless guy! I'll make sure you will pay for the crime you committed against me!” pangingiyak sa galit ni Celestine at naiwang balangko ang mukha ni Daniel dahil sa gulat at pagkataka.
“Hindi pa ito ang plano ko pero ang tanging masasabi ko lang ay malapit na ang kalbaryo ni’yo.” Pagngiti ni Celestine at dumako sa parking lot.
Habang masayang naglalakad si Celestine ay may humatak sa kamay niya. Nang lingunin niya ay bumungad sa kaniya a g Reaper.
“Ano nanaman kailangan mo?” Bored na tanong ni Celestine at napataray sa pakealamerang reaper.
“Bakit mo ginawa ‘yun!” makikita aa mukha ng reaper na namumula sa galit kaya napaisip si Celestine kung alin sa mga ginawa niyang masama ang tinutukoy nito.
“Wala nabang kahihiyan sa sarili mo para pati pagkababae mo gagamitin mo makapaghiganti ka lang?” Halos bumaon ang kuko ni reaper sa braso ni Celestine pero nakatingin lang ito sa kaniya ng parang hindi nasasaktan.
“Tsk!”
“Bakit against ba sa rule ni'yo ang ginawa ko? Tsaka wala panaman akong pinapatay para patawan ng parusa at isa pa... Ako ang magpapasiya kung anong gagawin ko sa sarili ko.” Marahas na hinila ni Celestine ang braso n'ya kahit mapunit ang balat at laman niya dahil sa hindi siya basta-basta binitawan ng reaper. Nilingon niya ang braso niyang sugatan ngunit wala man lang kahit isang patak ng dugong tumulo rito. Pinagmasdan n'ya lang ng sugat at unti-unti na itong bumalik sa dating niyang balat, na makutis.
Imbis na magalit sa reaper ay nginitian niya lang ito na parang walang nangyari. “Walang sino man ang kayang kumontrol sa’kin. Hindi ikaw , hindi ang magulang ko o walang kahit sino, kaya gagawin ko kung anong nais ko makamit lang ang paghihiganti sa mapait na dinanas ko.” Pagtalikod ni Celestine ay tumingin siya sa kotse niyang nakapark.
‘Nawalan na ko nang gana mag-drive’l
Nagteleport naman siya papunta sa mansion ng Belleza at iniwan ang kotse siya sa parking lot nang condo.
“Panira ng araw!” bulalas niya pa.
Someone's POV.Habang nasa office at nag aasikaso ng documents ay biglang lumagapak ang pintuan at bumungad ang isang bababeng naka cloak na itim at itim ang aura sa paligid."It's been a while, Celestine," bati ko sa pumasok. Kahit hindi masyadong kita ang pagmukha niya ay halata ang pagkainis."Mukhang galit ka? Hindi mo parin ba nakikita ang hinahanap mo?" tanong ko. Direderetso lang siyang pumasok at umupo sa swivel chair sabay cross arm."Nasa tingin mo magtutugma ang landas namin ng evil goblin?" tanong niya na napakangiti sakin. Inayos ko muna ang papel na hawak ko pero mukhang katulad ng dati ay wala siyang pinag bago. Ayaw niya nang pinaghihintay siya."Masyado siyang malakas kaya hindi mo siya basta basta mapapatay o mahahanap. Tandaan mong New goblin ka lang," paalala ko sa kaniya.Nang tanggalin niya ang cloak niya ay bumungad sakin ang agandang mukha ni Celestine ngunit nababalit ng pagkalungkot at galit kaya masyadong nakakatakot."Anong gusto mo, patagalin ko pa ang pan
Nilingon ni Celestine nang may matang panlilisik si Celine at walang pagdadalawang-isip na itinaas ang kutsilyo handang saksakin si Celine. Dahil walang magawa ay napapikit nalang si Celine at itiniklop ang palad niya.Hindi kinakayang masaksihan ni Bryan ang unti unting paglapit nh punyal kay Celine at agad na inalala ang pangako niya kay Esperanza. "H'wag!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Bryan at pinilit makawala sa kapangyarihan ni Celestine.Isang patak ang luha ang tumulo sa pisngi ni Bryan bago nagsalita, "Celestine, maawa ka. H'wag mong patayin si Esperanza!" bulaslas na sigaw niya kaya napahinto si Celestine at nagdalawang isip sa narinig na sinabi ni Bryan.Pinagmasdan niya si Celine na may pagkakataka at umiling iling. "Esperanza?" taka niya at nilingon si Bryan.Nakahinga naman ng maluwang si Celine na halos namumula na ang ang mata sa pagluha. 
Celestine POV.'Nasa'n ako?''Anong lugar ito?'Naatingin ako bigla sa mabigat na damit na nakasuot sa'kin. "Filipiniana nanaman?" taka ko at binuhat ang mabigat at mahabang palda para makalabas ng kwarto."Gracia?"Nilingon ko ang tumawag at isang kasing tanda ni mommy ang lumapit sa'kin."Sino ka?" taka ko at humakbang papalayo. Ngumiti lang siya at lumapit sa'kin."Ikaw talaga, napakamapagbiro mo. Hali kana't hinihintay na tayo sa kumbento," yaya sa'kin at hinila ako palabas. Anong nangyari? Nasaan na si Daniel?Nang makarating kami sa pinto ng kumbento ay napahinto ako. "May mali rito. Mukhang nasa panaginip nanaman ako tungkol sa nakaraan.""Gracia, ano ang iyong iniisip? Pumasok kana rito at magsisimula na ang misa," aniya kaya dahan dahan akon
...Tok!Tok!Tok!Magkasunod na katok ang narinig mula sa labas ng pinto nila Celine."Celine, ikaw ba 'yan? Bakit napa gabi ka yata ng uwi!" saway ng Ina sa pag aakalang si Celine ang nakatok at kakauwi lang galing sa trabaho. Ngunit napatuloy ang katok at hindi sinagot ang tanong ni Mrs Quintana."Celine?" tawag ulit niya. Lalong tumaas ang balahibo ni Mrs Quintana ng napatuloy lang ito sa pagkatok."Celine! Magsalita ka nga d'yan! Pinapakaba mo ako e!" saway uli niya t'saka huminto ang katok. Huminga muna si Mrs Quintana ng malalim bago binuksan ang pinto at napalingon siya sa kaliwa't kanan pero walang tao."S-Sino naman 'yon? Hay, baka mga bata lang sa kapitbahay." Agad sinara ni Mrs Quintana ang pinto at nang tumalikod siya sa pinto ay bumungad si Celestine."Mommy," direktang tawag ni
..." Hindi... hindi!" Agad napabalikwas ng bangon si Celine at hinabol ang kaniyang hininga."B-Buti panaginip lang..." maluwang na hinga niya at napatingin sa repleksyon n'ya sa salamin na malapit sa higaan. "Paano kung, bumalik siya at singilin ako?" Taka niya na napalitan ng pagkumbinsi sa sariling malabong iyon."Hindi!.. Impossibleng bumalik siya, hindi pwede."Napahawak si Celine dibdib niya at kinuyom ang kamao. "G-Gusto ko ng magbagong buhay," dugtong pa niya at inalala ang kaniyang kambal na si Celestine.Flashback..."Ate Celine!!" masayang tumakbo papasok si Celestine sa kwarto ng kaniyang kambal at may dalang make up kit. Lumundag ito pa upo sa kama at may matang mapungay sabay abot sa kit."Teka, bakit nagmamadali ka ata? May humahabol ba sayo?" tanong ni Celine. Hinabol mo Celestine ang hininga niya bago nagsali
After One Week...Isang sulat ang lumitaw mula sa hangin at lumapit kay Celestine."Ito na ang impormasyon na nakalap ko tungkol sayo. Sa iba pang detaltye ay hindi ko na nagawang buklatin dahil isang nakapaitim na aura ang nababalot sa loob ng Ospital. Ang masasabi ko lang ay hindi basta bastang tao lang ang nasa likod ng pagkamatay mo," ang nakasulat sa maliit na papel bago niya buksan ang envelope.Ikinalaki ng mata niya at nabitawan ang papel nang mabasa ang nasa Medical data."H-Hindi... Hindi 'to totoo. Fake 'to! Ilayo n'yo sa'kin 'yan!" sigaw niya. Lumitaw naman ang isang multo na galing sa Omniscient Pavillion.'Hindi po naglalabas ng maling impormasyon ang Pavillion, kung ano po ang nasa loob ng papel yan ay iyon ang katotohanan."Muling binasa ni Celestine ang nasa Medical data. "Anemia?""Anemia lang ang sakit ko?" ta