Share

KABANATA 3

last update Last Updated: 2021-07-16 12:23:33

“Congratulations, Celine!”

“Bagay talaga kayo ni Daniel.”

Lahat naman nakatingin sa magsing-irog na bida ng gabi sa Engagement Ceremony. Halos mapuno rin ng mga mahahalagang tao sa lipunan ang event upang batiin lang sila.

Si Celine Dana Quintana ang hiredera ng Palace Company ay malapit nang ikasal sa lalaking sampung taon na niyang boyfriend nasi Daniel Lesley Selvestre, ang ex-boyfriend din ng kaniyang kambal.

“Let's greet today's stars, Celine Dana Quintana and Daniel Lesley Selvestre!” pabungad ng emcee. Nag-umpisa naman silang lumakad ni Daniel papunta sa harap ng magkasama. Hindi maiwasang ngumiti ni Celine nang abot tainga dahil sa mga papuring natatanggap niya mula sa mga nakadalo.

Smiled

“Daniel, alagaan mo ang anak namin alam mong napakahalaga ni Celine. Bukod sa maganda na, matalino rin para pamahalaan ang Palace Company,” bida ng daddy niya rito. Bahagya namang nasamid sa nahiya si Celine sa sinabi ng ama.

“Si Dad naman. Tinatakot niyo si Daniel,” paglalambing na pagakakasabi at ngumiti sa boyfriend niya.Ikinataka naman ni Celine ang 'di mapintang mukha ni Daniel na mukhang may kung anong nagulo sa isip nito kaya hinawakan niya si Daniel sa kamay.

“Ayos ka lang ba?” Takang patanong ni Celine, nginitian lang siya ni Daniel ng pilit.

Kukulitin n'ya pa sana para tanungin ngunit na una si Daniel magsalita. “Doon muna ako sa mga Buddies ko,” paalam niya kaya walang nagawa si Celine at tumango nalang. Kita sa mata ni Celine ang pagkabahala sa inaasata ni Daniel.

“Anak, alam kong nag-aalala ka sa pakikitungo ni Daniel pero normal lang 'yan sa mga lalaki kapag malapit ng ikasal,” singit ng kaniyang ina dahil nahalatang kinakabahan si Celine na mawala si Daniel. Lumapit siya at yumakap sa kaniyang ina.

“Baka po kasi hindi matuloy dahil hindi siya masaya tapos umurong siya,” sagot niya ng may panlumo na kung anu-ano na ang napasok na dahilan sa kaniyang isipan.

“Normal lang na makaramdam kayo ng gan'yan pero malalagpasan niyo rin ang unang pagsubok niyo,” ani pa ng  Mommy ni Celine kaya nabuhayan ng loob at ‘di na masyadong nag alala.

“Thanks Mom, because you always came to advise me.” Ngiti n'yang sambit at huminga ng malalim.

‘hoped we could overcome the trials that hindered us before the wedding.’

Sa ‘di kalayuan ay may isang babaeng nakatingin sa sweet moment nilang mag-ina nang nakangiting malademonyo. Agad namang tinanggal ng babae ang shades nito at isang mukhang malaki ang pagkakahawig kay Celestine ang tumambad.

“Napaka-sagwa naman ng tanawin dito.” aniya at napataray.

“It's been a long time, my fucking family,” mahina sambit pa niya na ramdam sa pagkakabigkas ang nanunuot na galit sa kaniyang pagkatao. Inalala ni Celestine kung pa‘no siya nabuhay muli.

...

Flashback Back...

Utal utal na nagsalita si Celestine na hinahabol ang kan’yang hininga. “Mom. Dad. I... Ikinaya kong magpaubaya sa lahat... Ngunit kung mismong buhay ko na ang hihingin niyo...”Napalunok si Celestine ng laway bago ulit nagsalita. “Masyado yata 'yun-” dahan-dahan namang umepekto ang sleeping pills kaya 'di na siya makapagsalita. Hindi na n'ya nakontrol pa ang talukap ng mata n‘yang bumababa nang tuluyan at nakatulog.

Gumaan ang pakiramdam ni Celestine habang humihiwalay ang kaluluwa sa katawan ni‘to, Na may kung anong sumundong liwanag. Habang papalapit siya sa liwanag ay pabigat nang pabigat ang kalooban ni Celestine dahil sa mga puot na kinimkim niya ng matagal na panahon.

‘Bakit pinatay ako ng sariling kong magulang? Hindi ba ako talaga ako mahalaga sa'inyo!'

Bahagyang nagliyab sa galit ang kaniyang kalooban at tumingin ng masama sa liwanag.

‘Marami pa namang paraan para mabuhay kaming dalawa. Marami pa namang pwede mag donor ng puso niya. Isa pa, mayaman naman kami, kung kailangan man ng malaking halaga na pera. Natitiyak akong kaya nilang maglabas ng gano'n para sa anak nila, kaya sa anong dahilan at pinatay nila ako!’

Halos pagod na kakaisip si Celestine ng maganda dahilan para maunawaan ulit ang desisyon ng magulang. Unti-unti siyang niyakap ng liwanag kaya napapikit na lamang siya at sinisisi ang kapalaran sa lahat ng sakit na naramdaman niya.

‘Noong una alam kong wala akong karapatan dahil magiging masama ako sa harap nila kung makikihati pa ako sa attention nila para kay ate Celine pero ngayon parang gusto kong bumangon at bumalik ulit sa katawan ko para sampalin sila at iparanas lahat ng sakit ngunit hindi ko na magagawa 'yun.’

‘Mali ba ako na nagawa kong magparaya sa harap nila kaya ngayon ako rin ang nagdusa dahil nilubos pa nila.’

‘Mali ba na kamuhian ko, kahit sa kabilang buhay ang aking mga magulang dahil kinuha nila pati ang buhay na meron ako?’

Nakarinig naman siya ng isang malalim na boses ng lalaki mula kung saan. “Bumangon kana.”

Hindi niya alam kung paano siya magre-respond sa sinabi nito dahil puro liwanag lang ang nakikita niya sa paligid na tila walang katapusan.

“Bumangon kana, New born Goblin.” Sa 'di malamang dahilan ay may kung anong tumagos sa katawan n‘ya dahilan para magising siya mula sa pagkakatulog. Natagpuan naman niya ang sarili sa kabaong at hindi malaman kung paano ito bubuksan.

“Tulong!”

Sa liit ng espasyo ay 'di man lang niya magawang huminga nang maayos. Pilit niyang lingunin ang bawat sulok, ngunit pader lang ito na may piraso ng puting tela na nakabalot. Nakaramdam siya nang pangalawang kamatayan sa ilang segundo at nagsisibalik ang alaala niya bago mamatay.

Kung paano s’ya tingnan ng mga tao sa hospital. Kung paano siya mapahiya sa buong paaralan. Kung paano rin siya iwan ni Daniel mag-isa.

Sigaw nalamang ang magagawa niya habang pinipilit na ‘di maalala ang lahat tungkol sa nakaraan. “Wuah! Tumigil na kayo. Tama na!” paulit-ulit na sigaw nito at habang mahigpit na nakakapit sa piraso ng tela sa kaniyang palda.

Bahagyang kumalma ang isipan niya ng may isang mahinahon ngunit malalim na boses ang bumulong sa kaniya.

“Ikaw na nilalang sa lupa. Ika'y tunay na may mabuting kalooban ngunit dahil sa puot na nanahan sa iyong kaluluwa ay bibigyan kita ng isang basbas. Humayo ka at iyo sanang mahanap ang kapayapaan sa ng iyong puso.” Sa boses na bumulong sa isipan  niya ay malayo sa narinig niya kanina dahil ang boses na ito ay nakaka-pagpakalma nang kahit na sinong nilalang sa mundo.

Hahapamsin na sana niya ang kabaong para humingi ng tulong subalit laking gulat n’ya ng tumagos lang siya rito.

Agad siyang bumangon at gulat na gulat nang matagpuan ang sarili sa isa sa mga libingan ng sementeryo.

Nagtaka siya at sinambit. “Patay na bako? Multo ba ako?”

Isang anino ang nahagip niya sa kaniyang harapan, tumingala siya upang makita ang mukha nito.

Isang lalaki ang tumambad, balot ito nang itim na kasuotan at nakatingin lang sa kaniya ng walang emosyon.

“Nakikita mo ko?” -Celestine

Sinubukan naman niyang tumayo at napaisip na maaring panaginip lang ang lahat. Ngunit nagbago ang kaniyang akala nang makitang may tahi ng sinulid ang malapit sa puso niya.

‘Hi-hindi.’

Napailing siya at nag-umpisang tumulo ang luha. Muntikan naman ulit siya matumba dahil sa lalong nanghina ang tuhod nito.

“Kung ganoon, patay na ako?” ‘Di siya makapaniwala at lalong bumuhos ang galit at puot na halos sumabog ang kaniyang dibdib. Sumabay naman ang panahon at kinidlatan ang isa sa mga puno na malapit sa libingan n‘ya.

Nagsalita ulit ang lalaki sa harap. “Isa ako sa mga dating taga paghatid ng mga kaluluwa sa purgatoryo, 200 taon na ang lumilipas. Ngunit ngayon ay taga tugis na lamang nang masamang goblin.” paliwanag ng reaper pero tiningnan lang siya ni Celestine na halatang 'di interesado makinig.

“Totoo pala talaga ang mga reaper, kung ganoon saan ako nabibilang? Katulad mo rin ba ako ngayon?” Ikling aniya.

“Hindi ka patay at hindi karin naman buhay. Binigyan ka ng Kalangitan ng pangalawang pagkakataon na mabuhay bilang isang goblin,” paliwanag pa ng reaper kaya lumapit sa kaniya si Celestine at naalala ang kaniyang mga magulang.

“Tsk! Papatayin ko sila!” seryosong sabi ni Celestine at aalis na sana nang pigilan siya ng reaper. Nagulat naman silang dalawa dahil pareho nilang nahahawakan ang isa't -isa.

‘Wala man lang ako makitang nakaraan niya kahit pa nahawakan ko na ang kamay niya.’  taka ng reaper habang si Celestine ay nagtataka dahil may katawang tao talaga siya.

Imbis na magtaka pa lalo ang reaper ay mas inuna pa niyang awatin so Celestine. “Huwag mong gagawin 'yan,” seryosong awat nito kaya nag-hinintay ng paliwanag si Celestine.

“May dahilan kaya binigyan ka nang pagkakataon na mabuhay. Ang mga goblin na katulad mo ay nabuo sa pasakit at kakulangan sa kanilang pag-katao. Hinahayaan kayong maglakbay sa lupa, para hanapin ang kapayapaan na hinahangad ng kaluluwa ni‘yo, at ang matindi ni‘yong kalaban ay ang mismo sakit na dinadala ng iyong kalooban. Kung magpapalamon ka sa masama at papakealam ang mga tao... kailangan kana naming hulihin at ‘di kana makikita kahit saan ‘mang lupalop,” paliwanag niya pa na may kasamang pagbabanta.

"Alam niyo naman siguro kung paano ako namatay... at alam niyo rin, na kung mabubuhay ako ay malaking kasalanan ang magagawa ko sa langit. Kaya bakit mo pa ako ginising?" panggagalaiti ni Celestine sa galit.

“Dahil may kinalaman sa pagkamatay mo ang tinutugis kong masamang goblin at kailangan kita para-” ‘di na siya naman napatapo sa pagsasalita ng biglang tumawa si Celestine.

“At sa tingin mo naman tutulong ako?” Tanong nito at agad na kinuwelyuhan ang reaper.

Dinugtungan niya agad ang kaniyang tanong. “Ito ang tandaan mo kahit na maging masama din akong goblin at tugisin ng katulad mo ay 'di parin magbabago ang desisyon kong parusan ang mga katulad ng bwisit kong pamilya,” aniya at tumalikod.

Humarap siya sa isang libingan na may nakaukit sa lapida na Celestine Pearl Quintana at napabuntong hininga.

‘Mukhang bago pa ang hukay at kakalibing ko lang kaya malamang masaya sila ngayon dahil normal na ang buhay ng favourite nilang anak.’

‘Balang araw ipapatikim ko sa inyo ang paghihiganti ko na masahol pa sa tinanggalan ng puso.’

“Sisiguraduhin kong hindi kayo mamamatay agad dahil masasama kayong damo. Ipaparanas ko sainyo ang masunog ng dahan-dahan sa impyerno. Dahil kayo ang dahilan kung bakit ako naging masama at kayo din ang dahilan kaya ako bumangon sa hukay!” sigaw pa niya at  huminga ng malalim sabay punas ng luhang umaagos sa kaniyang pisngi.

‘This is my last cry because, I will make sure you feel how much pain you all caused me.’

...

10 years after...

“Ang sweet niyo talagang mag-ina” bulong niya habang nakatingin sa kanila mula sa malayo.

‘Engagement Ceremony?’

Nilingon niya ang kamay niya at nilapat sa hangin. May kung anong asul na anino namang lumabas dito at patungo sa gawi ni Daniel. Napangisi siya ng nakakatakot at tiningnan ang dalawa na nasa makabilang sulok.

‘Para sa taksil ko nobyo at sa mapagpanggap kong ate Celine. Bagay nga sila parehong peste!’

“Lasapin niyo na ng buhay na meron kayo habang mabait pa ako. Salamat kayo binigyan ko pa kayo ng ilang taon para magsaya sa tagumpay ninyo,”ani nito ng mahina at nilibot ang paningin sa venue ng ceremony. Kahit nangangati na ang kan‘yang kamay na pasabugin ang lugar ngunit  iniisip niya hindi siya kuntento para rito.

‘Lalaban ako ng patas. Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’ huling sambit niya sa isip bago tuluyang tumalikod.

“'Diba, ikaw si Ms. Audrey Chinna Belleza? Ang anak ng bagong may-ari ng Raven Group of Companies?” Bumungad na tanong sa kaniya nang isa sa guest nang ceremony. Ngumiti naman siya ng peke sa babaeng nagtanong.

“Oo nga, ikaw nga” ani pa niya.

Inayos naman  ni Celestine ang damit niya nang bahagya nang lumapit ang guest ng  kaunti sa kaniya.  “Ms. Belleza, nandito po ba kayo para batiin ang hiredera ng Palace Company?” masayang tanong niya.

Nilingon uli sa huling pagkakataon ni Celestine ang kambal tsaka umiling sa nagtanong.

“No, I accidentally passing by here pero hindi din ako magtatagal. Pakipahatid na lang ng pagbati ko sa kanila.” Agad na naglakad paalis si Celestine at sa bawat hakbang niya ay dama ang pagiging elegante nito.

“O, sige po Ms. Belleza. Mag ingat po kayo,”pahabol nito kay Celestine.

Tsk!

Napaisip naman si Celestine bago tuluyang umalis.

‘Iba talaga nagagawa ng pera. Nakakapagpaamo ng mga tuta sa paligid.’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Revenge of a Heartless Daughter   Kabanata 36

    Someone's POV.Habang nasa office at nag aasikaso ng documents ay biglang lumagapak ang pintuan at bumungad ang isang bababeng naka cloak na itim at itim ang aura sa paligid."It's been a while, Celestine," bati ko sa pumasok. Kahit hindi masyadong kita ang pagmukha niya ay halata ang pagkainis."Mukhang galit ka? Hindi mo parin ba nakikita ang hinahanap mo?" tanong ko. Direderetso lang siyang pumasok at umupo sa swivel chair sabay cross arm."Nasa tingin mo magtutugma ang landas namin ng evil goblin?" tanong niya na napakangiti sakin. Inayos ko muna ang papel na hawak ko pero mukhang katulad ng dati ay wala siyang pinag bago. Ayaw niya nang pinaghihintay siya."Masyado siyang malakas kaya hindi mo siya basta basta mapapatay o mahahanap. Tandaan mong New goblin ka lang," paalala ko sa kaniya.Nang tanggalin niya ang cloak niya ay bumungad sakin ang agandang mukha ni Celestine ngunit nababalit ng pagkalungkot at galit kaya masyadong nakakatakot."Anong gusto mo, patagalin ko pa ang pan

  • Revenge of a Heartless Daughter   KABANATA 35

    Nilingon ni Celestine nang may matang panlilisik si Celine at walang pagdadalawang-isip na itinaas ang kutsilyo handang saksakin si Celine. Dahil walang magawa ay napapikit nalang si Celine at itiniklop ang palad niya.Hindi kinakayang masaksihan ni Bryan ang unti unting paglapit nh punyal kay Celine at agad na inalala ang pangako niya kay Esperanza. "H'wag!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Bryan at pinilit makawala sa kapangyarihan ni Celestine.Isang patak ang luha ang tumulo sa pisngi ni Bryan bago nagsalita, "Celestine, maawa ka. H'wag mong patayin si Esperanza!" bulaslas na sigaw niya kaya napahinto si Celestine at nagdalawang isip sa narinig na sinabi ni Bryan.Pinagmasdan niya si Celine na may pagkakataka at umiling iling. "Esperanza?" taka niya at nilingon si Bryan.Nakahinga naman ng maluwang si Celine na halos namumula na ang ang mata sa pagluha. 

  • Revenge of a Heartless Daughter   KABANATA 34

    Celestine POV.'Nasa'n ako?''Anong lugar ito?'Naatingin ako bigla sa mabigat na damit na nakasuot sa'kin. "Filipiniana nanaman?" taka ko at binuhat ang mabigat at mahabang palda para makalabas ng kwarto."Gracia?"Nilingon ko ang tumawag at isang kasing tanda ni mommy ang lumapit sa'kin."Sino ka?" taka ko at humakbang papalayo. Ngumiti lang siya at lumapit sa'kin."Ikaw talaga, napakamapagbiro mo. Hali kana't hinihintay na tayo sa kumbento," yaya sa'kin at hinila ako palabas. Anong nangyari? Nasaan na si Daniel?Nang makarating kami sa pinto ng kumbento ay napahinto ako. "May mali rito. Mukhang nasa panaginip nanaman ako tungkol sa nakaraan.""Gracia, ano ang iyong iniisip? Pumasok kana rito at magsisimula na ang misa," aniya kaya dahan dahan akon

  • Revenge of a Heartless Daughter   KABANATA 33

    ...Tok!Tok!Tok!Magkasunod na katok ang narinig mula sa labas ng pinto nila Celine."Celine, ikaw ba 'yan? Bakit napa gabi ka yata ng uwi!" saway ng Ina sa pag aakalang si Celine ang nakatok at kakauwi lang galing sa trabaho. Ngunit napatuloy ang katok at hindi sinagot ang tanong ni Mrs Quintana."Celine?" tawag ulit niya. Lalong tumaas ang balahibo ni Mrs Quintana ng napatuloy lang ito sa pagkatok."Celine! Magsalita ka nga d'yan! Pinapakaba mo ako e!" saway uli niya t'saka huminto ang katok. Huminga muna si Mrs Quintana ng malalim bago binuksan ang pinto at napalingon siya sa kaliwa't kanan pero walang tao."S-Sino naman 'yon? Hay, baka mga bata lang sa kapitbahay." Agad sinara ni Mrs Quintana ang pinto at nang tumalikod siya sa pinto ay bumungad si Celestine."Mommy," direktang tawag ni

  • Revenge of a Heartless Daughter   KABANATA 32

    ..." Hindi... hindi!" Agad napabalikwas ng bangon si Celine at hinabol ang kaniyang hininga."B-Buti panaginip lang..." maluwang na hinga niya at napatingin sa repleksyon n'ya sa salamin na malapit sa higaan. "Paano kung, bumalik siya at singilin ako?" Taka niya na napalitan ng pagkumbinsi sa sariling malabong iyon."Hindi!.. Impossibleng bumalik siya, hindi pwede."Napahawak si Celine dibdib niya at kinuyom ang kamao. "G-Gusto ko ng magbagong buhay," dugtong pa niya at inalala ang kaniyang kambal na si Celestine.Flashback..."Ate Celine!!" masayang tumakbo papasok si Celestine sa kwarto ng kaniyang kambal at may dalang make up kit. Lumundag ito pa upo sa kama at may matang mapungay sabay abot sa kit."Teka, bakit nagmamadali ka ata? May humahabol ba sayo?" tanong ni Celine. Hinabol mo Celestine ang hininga niya bago nagsali

  • Revenge of a Heartless Daughter   KABANATA 31

    After One Week...Isang sulat ang lumitaw mula sa hangin at lumapit kay Celestine."Ito na ang impormasyon na nakalap ko tungkol sayo. Sa iba pang detaltye ay hindi ko na nagawang buklatin dahil isang nakapaitim na aura ang nababalot sa loob ng Ospital. Ang masasabi ko lang ay hindi basta bastang tao lang ang nasa likod ng pagkamatay mo," ang nakasulat sa maliit na papel bago niya buksan ang envelope.Ikinalaki ng mata niya at nabitawan ang papel nang mabasa ang nasa Medical data."H-Hindi... Hindi 'to totoo. Fake 'to! Ilayo n'yo sa'kin 'yan!" sigaw niya. Lumitaw naman ang isang multo na galing sa Omniscient Pavillion.'Hindi po naglalabas ng maling impormasyon ang Pavillion, kung ano po ang nasa loob ng papel yan ay iyon ang katotohanan."Muling binasa ni Celestine ang nasa Medical data. "Anemia?""Anemia lang ang sakit ko?" ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status