Share

Chapter nine

    "Ikaw ba ang kamag-anak ni nanay?" Tanong nang isang doktor kay isabella.

    "Opo, biyenan ko po siya, asawa ko po ang anak niya, bakit po?" Aniya ni Isabella. 

    "Ako ang doktor na laging sumusuri sa kaniya. Nais ko lang ipaalam na may malubhang sakit si nanay at hindi na ito kaya pang lunasan pa, dahil hindi ito kaagad nagamot, Sorry to say this pero, hindi na magtatagal pa si Mrs. Morales." Saad ng doktor, napatutop na lang si Isabella sa nalaman. 

    "Pero malakas pa siya, paanong hindi na siya magtatagal?" Tanong niya. 

    "Well, choice ni nanay na hindi magpa-chemotheraphy." anito, "magastos daw ito at ayaw na raw niyang makadagdag pa sa problema nang kaniyang anak. Nuong nakaraan lang ay hinimatay siya kaya dinala siya ng anak niya," paliwanag ng doktor kay Isabella. "Mariin niyang sinabi na huwag sasabihin sa kaniyang anak ang tunay niyang kalagayan." saad pa ng doktor. "May taning na ang buhay ni nanay, dahil hindi naagapan ang pagkalat nang cancer cells sa kanyang katawan." Tila nanlambot si Isabella sa nalaman at napa-iyak na lamang ito sa upuan.

    "Ano na lang ang sasabihin ni Evren kapag nalaman niya ang sitwasyon ni Inay?" umiiyak na wika ni Isabella sa kaniyang sarili. "Nasaan na po siya, nais ko po siyang maka-usap." Ani Isabella sa doktor at dinala siya nito kung saan nakahiga ang matanda. Nang makalapit siya dito agad niyang hinawakan ang kamay nito. 

    "Inay, bakit hindi mo man lang sinabi kay Evren ang bagay na ito." Malungkot na wika niya rito.

    "Dahil ayokong masaktan siya, alam kong kahit dumaan ako sa proseso ng chemo, alam kong mamatay rin naman ako. Marami na akong sakit na nararamdaman. May taning na ang akin buhay, Anak. malapit na akong mawala sa mundo." Wika nito na may ngiti pa din sa mga labi. 

    "Pero dahil sa ginawa ninyo, masasaktan niyan si Evren kapag nalaman niya ang sitwasyon mo." aniya, "Ano na ang gagawin mo, lalo na ngayon na nakakulong si Evren," tanong ni Isabella sa matanda.  

    "Gagawa ako ng paraan." Kaya pilit na tumayo si Aling ester mula sa pagkakahiga sa kama, ngunit pinigilan siya ni Isabella. 

    "Inay, paki-usap huwag na po kayong bumangon, ako na po ang bahala kay Evren. Hihingi ako nang tulong kay papa, may kilala siyang abugado." Saad ni Isabella. 

    "Ang anak ko, wala siyang kasalanan, hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kaniya" anito ni aling Ester habang takip nang mga palad ang mukha. nakita ni isabella kung gaano nasasaktan ang ina ng kaniyang kasintahan. saksi ang dalaga sa lahat nang paghihirap ng mag ina sa buhay, nakita niya kung gaano nagsikap ang kaniyang pinakamamahal na si Evren upang maiahon sa hirap ang ina. kaya niyakap niya si aling ester, ramdam nito ang lungkot at sakit sa nangyari sa anak.

    "Dito lang po kayo, Inay. Aalis ako para kausapin si papa," paalam niya sa matanda. tumango lamang ito at nagbalik sa pagkakahiga. "babalik po ako kaagad, babalitaan ko kayo." Aniya na lumapit muli sa matanda at yumakap. matapos nuon ay naglakad na siya palabas nang ospital upang umuwi upang kausapin ang ama. 

    Pagkarating niya sa kanila nakita niya ang kaniyang magulang na nag-uusap habang nakaupo sa mahabang sofa. napansin niya na tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil hindi man lang siya napansin ng siya'y pumasok nang pintuan. kaya bahagya siyang tumikhim upang malaman na naroon siya. bahagyang nagulat ang mga ito nang makita siyang nakatayo malapit sa kanila. 

    "Isabella, Anak. kanina ka pa ba diyan?" tanong nang kaniyang ama. umiling lang ang dalaga. kaya humalik siya sa pisngi nang magulang at naupo sa pagitan nang mga ito. 

    "Ano po ba ang inyong pinag-uusapan at tila seryoso, dahil hindi n'yo man lang ako napansin na pumasok ng pintuan." aniya ng maka-upo na sa sofa.

    "Anak, nais lamang naming kumpirmahin ang aming nalaman." wika nang kaniyang ama na kaniya namang ipinagtaka.

    "Ang alin po ba?" tanong ni Isabella.

    "May tumawag dito kanina, ang sabi ay dinampot nang mga pulis si Evren sa kanilang trabaho, dahil pinatay raw nito na kanilang amo." saad nito na ikinagulat naman ni Isabella.    

    "Totoo po, papa. ngunit alam kong hindi niya iyon magagawa. May takot sa diyos si Evren at siguradong mali ang ibinibintang sa kaniya," aniya ni Isabella sa ama. nakita niyang nagkatinginan ang kaniyang magulang.

    "H'wag ninyong sabihin na naniniwala kayo sa nagsabi sa inyo. matagal ko nang kilala si Evren at alam kong hindi niya iyon magagawa. kaya paki-usap, Papa. nais kong tulungan si Evren. tulungan natin siya," paki-usap ni Isabella sa ama. ngunit nanatili lamang itong tahimik ganoon din ang kaniyang ina. kaya muli siyang naki-usap.

    "Papa, paki usap tulungan natin si evren." aniya ni Isabella sa kaniyang ama. ngunit nananatili itong tahimik. Ramdam ni Isabella, na ayaw ng kaniyang ama. kaya tumayo siya at isinukbit muli ang bag sa kaniyang balikat. 

    "kung ayaw ninyo, ako mismo kakausap kay attorney para tulungan niya ako sa kaso ni Evren." at mabilis siyang naglakad palabas ang kanilang bahay at agad na sumakay nang taxi. 

    naiwan naman na nakatigalgal ang kaniyang magulang.

    

    Nasa harap na nang pintuan nang Abugado si Isabella. huminga muna siya nang malalim bago kumatok sa pinto. matapos nuon ay nakarinig siya nang boses sa loob na siya'y pinapapasok, kaya pinihit niya ang door knob. nakita niya ang kaibigan ng kaniyang ama na abugado na nakaupo sa swivel chair at abala sa pagbabasa nang dokumento. Nang makapasok siya, agad itong napatingin sa kaniya, ngumiti ito at bumati.

    "Isabella, hija! it's been a long time ng huli kitang nakita." anito ng makipagkamay sa kaniya. "So, bakit ka napunta rito sa aking opisina, may problema ka?" tanong nito sa kaniya. kaya hindi na nagpatumpik pa ang dalaga, sinabi na niya ang kaniyang pakay.

    "I need help Attorney Alvarez," at isinaad ni isabella ang lahat sa abugado. hanggang sa sinagot na nito ang nais niyang malaman.

    "Mukhang mahihirapan tayo sa kaso na iyan, hija. mayroon silang Ebidensya na magpapatunay na ang kasintahan mo ang mismong pumatay sa sarili niyang amo." anito na napapalatak pa. "Pero h'wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para mapababa ang sintensya niya. iyon lang ang maaari kong magawa at pinaka posibleng mangyari sa sitwasyon niya." nakangiting wika nito kay Isabella. 

    Dahil sa tuwa napayakap siya rito at nagpasalamat. "Maraming salamat po, Ninong!" at mahigpit itong niyakap ni Isabella. Sobrang saya ni isabella ng mga oras na iyon dahil alam niyang hindi siya tatanggihan nito.

    "Ang totoo n'yan hija, bago ka dumating tumawag na sa akin ang iyong ama, at sinabi na niya sa akin ang sitwasyon mo. alam niya na galit ka kaya siya na mismo ang humingi nang pabor sa akin na tulungan ka." saad nito sa dalaga. "mahal na mahal ka ng iyong Ama, kaya h'wag kang magagalit sa kaniya, okay?" anito. habang nakahawak sa kamay ni Isabella. Ngiti at tango lang ang kaniyang isinagot.

    matapos ang kanilang pag-uusap, agad na umuwi si isabella, upang humingi ng tawad sa kaniyang magulang. Masaya namang tinanggap ng mga ito nito ang kaniyang paumanhin at humingi rin ang mga ito ng tawad sa kaniya dahil sa kanilang maling panghuhusga kay Evren. 

    Matapos ang pakikipag-usap sa kaniyang magulang ay muli siyang nagpaalam upang magbalik sa ospital upang kumustahin naman ang ina ni Evren na si Aling Ester.

    Ngunit pagkarating niya roon ay laking gulat niya na wala na roon ang matanda. sinabi nang nurse na basta na lamang daw itong umalis kaya naisip niyang sa presinto ito magpupunta. kaya nagmamadali ulit siyang umalis roon upang magtungo sa presinto kung saan nakakulong si Evren.

    Pagkarating niya, nagtaka siya dahil wala ito roon. naisip niya na baka umuwi na ito sa bahay nila. kaya nagdesisyon siyang dalawin na din si Evren dahil naroon na rin naman siya. 

    Paglabas ni Evren, nakita niya kaagad si Isabella. kaya patakbo siyang lumapit rito at agad na niyakap ito ng mahigpit.

    "Kumusta ka na rito? nakakakain ka ba nang maayos?" tanong kaagad ni Isabella. Ngumiti lamang ito sa kaniya at muling yumakap.

    "Huwag mo akong alalahanin, Mahal ko, maayos lang ako. Si inay kumusta na siya.?" tanong ni Evren kay Isabella. 

    "Maayos naman ang kaniyang kalagayan." pagsisinungaling niya rito. tulad ni Aling Ester, ayaw ni Isabella na dumagdag pa sa problema ang kalagayan ng ina nito. kaya sa kauna-unahang pagkakataon, nakapag sinungaling siya rito. "Nasa bahay na siya at nagpapahinga. ang sabi ng doktor baka dahil lang sa pagkagulat at takot sa nangyari sa iyo." aniya rito. "Lord, sorry po sa ginawa kong pagsisinungaling" usal dasal ni Isabella sa kaniyang sarili. dahil alam niya na mali ang kaniyang ginawa. agad siyang iginiya ni Evren sa upuan. malungkot na nagku- kuwento si Evren dahil sa kaniyang mga nararanasan sa loob ng kulungan.

    "Napakahirap ng sitwasyon ko rito, hanggang ngayon iniisip ko kung bakit ako ang itinuturo na pumatay kay boss, wala talaga akong alam sa nangyari sa kaniya." Anito habang nakasabunot sa sariling buhok. marahan na hinimas ni Isabella ang mga braso nang kasintahan upang humupa ang nararamdamang frustration. kaya ibinalita na niya rito ang kaniyang ginawa.

    "Kina-usap ko ang kumpare ni papa na abugado," aniya kay Evren. kaya napatingin ito sa kaniya, "pumayag siya na siya ang humawak ng kaso mo. huwag kang mag-alala, mabait si ninong tiwala ako na hindi ka niya pababayaan." masayang saad niya. dahil doon masaya siyang niyakap ni Evren. 

    "Salamat, salamat talaga!" anito na ginagawaran siya nang mga munting halik sa mukha. dahil sa ginagawa ni Evren 'di maiwasan na sila'y pagtinginan. kaya inawat na niya ito. ngunit hindi pa rin ito tumugil.

    "Paki-alam ko, mainggit sila!" anito na may pagmamalaki. 

    Ilang oras din silang nag-uusap. hanggang sa matapos na ang oras nang dalaw, kaya nagpaalam na si Isabella kay Evren.

    "babalik ako bukas isasama ko si attorney upang makuha niya ang lahat nang impormasyon na kailangan niya sa iyo. hintayin mo ako, mag-iingat ka rito." tumango lang si Evren sa kaniya at muling yumakap. 

    "Mahal na mahal kita, Isabella. lagi mong tatandaan iyan. hintayin mo ang paglabas ko." anito na mahigpit pa din na yakap ito. Halos ayaw na nilang pakawalan ang isa't isa ngunit kinailangan nang bumalik sa loob si Evren. Bago pumasok sa loob si evren ay kumaway muna siya kay Isabella.

Tila maiiyak na si Isabella, ngunit pinigilan niya upang hindi makaramdam nang lungkot si Evren sa loob.

    Paglabas ni Isabella sa presinto. narinig niyang nag-ring ang kaniyang cellphone. kaya tumigil muna siya upang sagutin ang tawag. nakita niya na numero ito ni Aling ester kaya agad niyang sinagot ito sa pag-aakalang magsasabi ito na naroon na ito sa kanilang bahay. kaya masigla niya itong binati

    "Hello, nanay Ester, nasaan na po kayo?" tanong niya rito, ngunit nagulat siya ng ibang boses ang kaniyang narinig sa kabilang linya.

    

    

    

    NANG makita ni aling Ester na umalis na si Isabella, pinilit niyang tumayo sa kama. ngunit nakita naman siya nang nurse kaya pinigilan siya nito.

    "Nanay, bilin ng anak ninyo na huwag po kayong hahayaan na umalis, at saka dapat po nagpapahinga kayo dahil mahina ang inyong katawan." Aniya nang nurse. alam ni Aling Ester na pipigilan at pipigilan siya ng nurse kapag nagpilit siya kaya sinunod niya ito at muli siyang nahiga, ngunit nang makaalis ang nurse sa ward ay muli siyang bumangon at naglakad palabas nang ospital. agad siyang sumakay nang taxi at nagpahatid sa address na ibinigay niya sa taxi driver. habang nasa taxi, iniisip niya ang kaniyang anak na si Evren, ayaw niya na wala siyang gawin para dito, dahil kahit kailan hindi ito tumigil sa pag-aalaga at pagsuporta sa kaniya. 

    "Ito na lamang ang magagawa ko para sa kaniya. kahit sa huling pagkakataon bago ako mawala, nais kong makagawa nang isang bagay para sa aking anak." wika ni Aling Ester sa kaniyang sarili. 

    "Nanay, narito na po tayo." aniya ng driver kay Aling Ester, pagkabayad nito ay bumaba na siya ng sasakyan.  nakatayo si aling Ester sa isang magarang gate. kaya naman lumapit siya rito at may isang guwardya ang lumapit sa kanya.

    "Ano ang kailangan n'yo?" tanong nito.

    "Nariyan ba si Mrs. Martinez, nais ko sana siyang maka usap." aniya rito.

    "maghintay na lang po muna kayo rito, at ipapaalam ko po kay senyora na may naghahanap sa kaniya. tumango si aling Ester at naglakad ang security guard sa loob ng mansion. ilang saglit pa ay bumabalik na ito sa gate kasama na ang kaniyang hinahanap.

    Nakita ni aling ester ang pagtaas ng kilay nito ngunit hindi siya natakot sa reaksyon ng mukha nito ng makita siya. 

    "kailangan kong maging matapang para sa anak ko," aniya at huminga ng malalim. saka nagsalita.

    "ako nga pala ang ina ni Evren Morales." wika niya sa senyora.

    "Alam ko, hindi ba't sinabi ko na, walang kapatawarana ng ginawa nang anak mo sa aking asawa." galit na turan nito.

    "Alam ko, kaya ako narito upang magmakaawa para sa aking anak. Paki- usap, hindi iyon magagawa ng aking anak, mabuti siyang tao hindi niya kayang manakit ng kahit na sino." wika ni Aling ester habang lumuluha sa harap ng senyora.

    "Pero nagawa niya, walang awa niyang pinatay ang aking asawa." galit na wika nito, "Itinuring namin siyang anak, naging mabait kami sa kaniya, pero ano itong iginanti n'ya!" sigaw na aniya nito. Galit na galit ito kapag naaalala ang kaawa-awang itsura ng kaniyang asawa. "mabuti pa umalis ka na, hindi na magbabago pa ang isip ko, gusto ko siyang makulong nang panghabang buhay dahil walang kapatawaran ang ginawa niya!" umiiyak na wika nito. humarap ito sa security guard at inutusang paalisin na si aling ester. ngunit lumuhod ang ina ni Evren sa harap ni Mrs. Martinez at nagmakaawa.

    "Nagmamakaawa ako, maniwala ka hindi iyon kayang gawin ng anak ko, wala siyang ibang gnawa kung hindi ang kabutihan ko lang at ng ibang tao, kaya naniniwala ako na hindi niya magagawa ang bagay na iyon sa asawa mo." anito habang nakahawak sa paa nito at lumuluha. "Maawa po kayo, nag iisa kong anak si Evren, bata pa lamang siya ay siya ang nagtatrabaho para sa aming dalawa dahil naging sakitin ako, hindi ko na nagawang makapagtrabaho. ayaw ko siyang tumigil sa pag aaral pero mas pinili pa niya ang magtrabaho at buhayin kaming dalawa. hindi na niya naranasan ang maging bata, maagang nag mature ang kaniyang pag iisip dahil sa klase ng aming buhay." saad ni aling ester na napaupo na sa semento habang umiiyak. 

    "Puro hirap at pasakit na lang ang naibigay ko sa kaniya ngunit buong puso at matapang niyang hinarap ang mga problema na aming hinarap. hindi ko hinihingi na patawarin mo siya, ang nais ko ay paimbestigahan n'yong maigi ang nagyari, maaring nagkamali lang ang mga imbestigador pakiusap!" umiiyak na aniya ni Alimng ester sa paanan ni Mrs. Martinez. ngunit naging matigas ito.

    "Sa korte na lang kami magkita." matigas na saad nito at saka naglakad na papasok ng mansyon. 

    Nilapitan na siya nang guwardiya at inalalayan na makatayo, ngunit bigla na lamang itong tumumba at tila nawalan ng malay. 

    Tumawag ng ambulansya ang ang security guard upang madala kaagad sa ospital si aling ester. 

    Palabas na ng presinto si Isabella ng tumunog ang kaniyang cellphone. Nakita niyang numero iyon ni aling ester kaya agad niya itong sinagot, ngunit nagtaka siyang bigla ng marinig na iba ang boses sa kabilang linya.

        "Hello, sino ito, nasaan ang may-ari ng cellphone na ito?" tanong ni Isabella.

        "Pasensya na po, ospital po ito ng laguna, narito po ang may-ari nito. Dinala po siya kanina lang, wala po siyang malay." paliwanag nito. Laking gulat naman ni Isabella na nakarating ang matanda ng laguna.

        "Ganoon po ba, pupunta po ako kaagad diyan." pahingi na lang po ako ng address ng ospital." wika ni Isabella. nang makuha na niya ay agad siyang sumakay ng taxi at tinungo ang ospital kung saan naroon si aling Ester. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status