Share

Chapter 3.2

"Gagawa ba ako ng eksena sa kasal niyo kung hindi? Magpapakilala ba akong asawa mo kung ayaw ko na sa'yo? No, Claude and that's how much I love you thinking that in the last two years I got better just for you. I want you back, but we are both in a relationship. Kinuha ko lang ang pagkakataon na ito para makasama ka bago dumating ang boyfriend ko," mahaba nitong saad.

Yumuko siya at binitawan ang hawak niyang utensils. Nang makita ni Claude na parang naiiyak ito, tumayo siya't nilapitan ang babaeng napaangat ang tingin.

"To be honest, I don't know how I'll feel about it because it's so fast. Masyadong mabilis mula sa pagdating mo hanggang ngayong magkasama tayong dalawa. But..." sabi niya saka hinawakan ang baba nito. "I know I can't stop thinking about you since the day we kissed in the elevator. Until now I want to kiss you again 'until I can find the answer if I still love you too."

"Love me, Claude. If you do, I'll make sure I'm all yours." Napatitig sila sa isa't isa, hindi kumibo si Claude sa sinabi nito kaya mahinang tulak ang ginawa ni Rosie para siya'y mapalayo.

"Sorry, hindi ko dapat sinabi ito." Mariin siyang napakagat sa labi saka isahang ininom ang sinalin niyang wine kanina. Sinundan naman siya ni Claude ng tingin, pilit siyang nag-iisip sa kung ano ba ang dapat niyang maging desisyon.

Alam niya na kapag nalaman ito ni Kourtney ay magkakaroon ng malaking away sa pagitan nila. Ngunit sa kabilang banda, ramdam niya ang pagkasabik para kay Rosie na sa kanya lamang naramdaman mula nang ito'y dumating. Hindi niya maloloko ang sarili kahit na iwasan niya pa man ang babaeng ilang taon din niyang nakasama noon.

"Let's make this work. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman at gawin pero nababaliw ako na makita ka. I want you, Rosie I badly want you." Nilingon siya nito na sa isip-isip ay nagdiriwang ito sa tagumpay.

Sa tagal nilang nagsama bilang mag-asawa noon, alam na niya kung paano kunin ang loob ng lalaki. Kaya naman ang makitang magkaganito siya ang patunay na hindi pa nga lubusang nagbabago ang dati niyang asawa. Tumayo mula sa pagkakaupo si Rosie saka humarap sa kanya bago dahan-dahan na alisin ang robe na tumatakip sa suot niyang night dress.

"You don't have to do anything, ang gusto ko lang ay sa akin lang dapat ang buo mong atensyon. And if you realized that you still love me, I will be with you kahit na marami pang pumigil. For now, I am your gift." Bumagsak sa sahig ang manipis na robe kasunod nang paghakbang ni Rosie palayo sa kanya.

"Unwrap me, Claude. Unwrap your gift." Lakad takbo ang ginawa ng lalaki upang makalapit sa kanya. Ngunit bago pa man nito mahawakan ang babae, nakaramdam siya ng hilo na nagpahawak sa kanya sa gilid ng mesa.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Rosie na hinawakan pa ito sa balikat. Hindi naman na nakasagot ang lalaki nang bumagsak ito sa sahig. Imbis na tulungan o alalayan, lumayo si Rosie at hinayaang bumagsak mag-isa si Claude. Umangat pa ang tingin niya sa lalaking naglalakad na ngayon papalapit sa kanya.

Inalis nito ang suot niyang coat saka sinuot kay Rosie na umupo muli sa upuan para ipagpatuloy ang pagkain.

"Hahayaan mo ba siya d'yan sa sahig?" medjo natatawang tanong ng lalaki. Umupo ito sa upuang pinag-upuan ni Claude ngunit sumandal lang ito habang pinapanood ang babae na tahimik na kumain.

"Mas maganda kung sa kalye siya matutulog," sagot nito. Kinuha ng lalaki ang wine glass na pinag-inuman nito saka nilapit sa kanyang bibig.

"Nicklaus," nagbabantang tawag ni Rosie nang subukan niyang ilapat ito sa kanyang labi kahit na alam niyang biro lang para sa lalaki. Tatawa-tawang binaba ni Nicklaus ang wine glass.

"Gaano ba kalakas ang kapangyahirahan na ginamit mo para makatulog siya agad? Sayang, ang ganda pa man din ng panood nasa climax na, eh." Pinunasan ni Rosie ang kanyang bibig gamit ng table napkin saka nagsalin ng wine na ininom nito.

Sumandal siya sa upuan saka pumikit upang makinig ng music na naghihikayat sa kanya upang makatulog. "Sapat na para hindi siya makauwi ngayon nga pala, nalaman mo na ba kung saan sila pupunta this weekend?"

"Ako pa ba? Nag-book na ako para sa ating dalawa, pinalinis ko na rin ang schedule mo sa araw na 'yun. May iba ka pa bang kailangan?" Humalumbaba si Nicklaus sa mesa habang nakatitig sa babaeng nakapikit pa rin.

"Samahan mo ako bukas sa dinner date nila, it is time for you to show up." Nagmulat ito ng mata saka nilapag ang hawak niyang wine glass. Tinignan niya rin si Nicklaus na nakangiti sa kanya kaya naman tumayo ito at lumapit sa lalaki.

Sinundan naman siya ng tingin nito na hindi pinapansin ang nakahilatang si Claude sa sahig. Naghihintay sa kung ano ba ang sasabihin o gagawin ni Rosie na tanging blankong tingin lamang ang binibigay.

"But before that, we have to find Vignor. Prepare your shield for the sun tomorrow, hahanapin natin siya sa umaga habang nakikita pa natin sa mapa ang ilaw niya," seryoso niyang sabi. Tinanguan lang naman siya nito saka muling nilingon si Claude na nasa sahig.

"Ibigay mo na lang kaya siya sa Crimson clan, paniguradong ubos ang dugo niya kapag nagkataon," ngisi niyang saad. Nagsimulang maging pula ang mata nito habang titig sa lalaking nakabulagta sa sahig.

Umiling ang babae. "Masyadong magaan ang parusa niya para sa mabilisang pagkamatay at isa pa, isa ang pamilya nila sa muntik umubos ng buo naming angkan. And I want them to suffer before I have them all killed with my own hands."

"Is he a vampire?"

"No, not really."

"Then what?"

"He has only a few percent of the blood of a vampire, but it's not enough to say that he is a pureblood vampire. The Montreal family is the one indicated in our history books. Orpheus clan."

May kaunting gulat ang bumalot sa mukha ni Nicklaus na nagpawala sa pula nitong mata. Napa-isip din siya dahil hindi niya inaasahang ang lalaking nakahiga sa sahig ay nanggaling sa angkan ng mga sinaunang bampira sa kung saan naghasik ng lagim matagal ng panahon ang nakakalipas. Mas malala pa sa Crimson clan na nagtatago upang hindi mahanap ng council na namamahala sa lahat ng bampira sa buong mundo.

"Alam mo ito nang pinakasalan mo siya?" Umiling naman si Rosie.

"Saka ko lang nalaman nung sinabi sa akin ni lola nung araw na umalis ako sa mansiyon nila," sagot nito. Hindi naman nakasagot agad si Nicklaus dahil maraming tumatakbo sa isipan nito.

"'Wag mong tangkain ang iniisip mo, dadating tayo sa puntong 'yan. Sa ngayon, dalhin mo siya sa kwarto ko," utos nito na biglang nawala na parang isang kisap-mata.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Nicklaus at matamang pinagmasdan si Claude na wala pa ring malay.

"Galing ka pala sa Orpheus clan kung ganun pala, ako mismo ang papatay sa'yo maski ang buo mong angkan sa kasalukuyan."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status