Share

Chapter 20

UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council.

"Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila."

Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse.

Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status