Home / Romance / Revenge or Love / Chapter 3: Escape

Share

Chapter 3: Escape

Author: Miam Writes
last update Last Updated: 2021-08-10 19:27:52

Pagkapasok namin sa kanyang bahay. Bigla niya akong binuhat at ang ulo ko ay nasa likod niya.

"Ibaba mo ako"

"Matigas ang ulo mo. Sinabi ko na sa iyo, huwag mong susubukang tumakas or else you will be punished."

"Hindi pa ba sapat itong ginawa mo? Nilayo mo ako sa pamilya ko."

"What? Hindi pa ako nagsisimula kaya mas mabuting sumunod ka na lamang."

"Ano bang kasalanan ko sayo? At hindi naman ako si Diane."

"Liar"

Binaba na niya ako sa kama at akmang lalabas na siya ng niyakap ko ang mga tuhod niya.

"Maniwala ka sa akin. Hindi ako si Diane."

Hindi ko masabi sa kanya na ate ko ang hinahanap niya dahil baka lalong siyang magalit.Kahit na naging masama si ate Diane sa akin ayaw ko siyang mapahamak.

"Let me go."

"No, please I am begging you."

Tinayo niya ako at tinulak sa kama. Nahila ko ang kamay niya at nakapatong siya sa akin. Hindi ko maiwasan na tignan ang mapupula niyang labi. Biglang palapit ng palapit ang kanyang mga mata. Napapikit ako at hinintay dumampi ang kanyang mga labi ngunit walang nangyari. Pagmulat ko palabas na siya ng pinto at sinara ito. Ano ka ba Michaela bakit ka pumikit baka akalain niya hinihintay mong halikan ka niya? Umiling iling na lamang ako at tumayo. Sakto lang ang laki ng kwartong ito. Nakakita na naman ako ng mga paintings. Lumapit ako dito at pinagmasdan. Ang ganda naman nagpakakaguhit ng dagat at ang dalawang batang lalaki na nakatingin sa paglubog ng araw. Pinagtatakahan ko lang bakit laging nakatalikod ang mga tao sa larawan? Tanging ang larawan ko lamang ang nakaharap. Paano niya kaya naguhit ang mukha ko? Kilala ba niya ako. Malamang hindi dahil lagi niyang sinasabi na ako si Ate Diane. Tumingin ako sa bintana at natuwa sa mga ibon. Binuksan ko ito para mas lalo mapagmasdan ang paligid. Pagtingin ko sa baba nakitang kong may mga kausap si Rafael. Biglang ngumiti ang kausap niyang babae at lalaki habang nakatingin sa akin. Napatingin na din sa akin si Rafael at nakakunot ang noo. Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang minuto lamang bumukas na ang aking silid.

"Are you trying to escape again? Let me tell you this. Nasa gitna tayo ng forest with wild animals. Isla namin ito. It is too dangerous to you if you will escape and you will never survive the forest."

"Hindi ko naman sinusubukang tumakas. Bawal din bang buksan ang bintana gusto ko lang naman makita ang magandang tanawin."

Biglang nagbago ang expresyon ng kanyang mukha. Iniwasan niya akong tignan sa mga mata at binaba ang plastic bag na dala niya.

"Ayan mo na ang suotin mo ngayon habang hinihintay natin si Matt. Magbihis ka na dahil marami ka pang gagawin."

"Anong gagawin ko?"

"Maglinis ka at magluto. Siguraduhin mong walang matitirang alikabok at huwag na huwag kang magtatangkang tumakas dahil papahirapan Kita ng husto."

Kinuyom niya ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa painting sa dingding. Ito ang painting na tinitignan ko kanina. Siguro siya iyon at ang kanyang kuya.

"Sagot"

"Opo"

Umalis na siya pagkatapos kung sumagot at sinara ng malakas ang pinto. Ang bigat siguro ng problema niya. Minabuti ko nang magbihis. Nakita ko simpleng jogging pants at black shirt ang binigay niya sa akin. Napatingin ako sa salamin. Napahawak ako sa mahaba kong buhok at maputing balat. Naalala ko na naman ang aking ina kayumanggi ang kanyang balat at hindi ko siya kamukha. Sabagay maputi naman ang aking ama. Napadako ang tingin ko sa aking tuhod at nagulat ako na may band aid ito. Napangiti ako. May puso din naman pala siya. Nagmadali akong magbihis at paglabas ko nakita ko ang pagkain sa side table at may isang note.

"Kumain ka na ng mabuti dahil lilinisin mo ang buong bahay. I need to go somewhere. Don't you dare try to escape. They are eyes watching you."

"Huwag kang magalala suplado. Sisiguraduhin kong malilinisan ko ng mabuti ang bahay mo at hindi na ako tatakas pa."

Napangiti na lang ako sa aking sarili. Talagang kinausap ko pa ang papel. Binuksan ko ang nakatakip na plato at natuwa dahil tuyo at kamatis ang ulam ko. Naghugas ako ng kamay at sinimulang kumain. Nabusog ako at nagpahinga ng kaunti. Pagkalipas ng limang minuto tumayo na ako at naglakad kahit ika ika pa rin ang mga paa ko. Sinimulang ko munang magpunas ng mga kasangkapan habang hawak ang walis. Hindi ako nahirapang hanapin ito dahil nilagay niya lahat ng gamit panlinis sa tapat ng aking pinto. Sobrang laki naman ng bahay na ito. Natapos ko pa lang nalinis ang sala at maingat kong nilinisan ang mga vase dahil halatang mamahalin. Sabagay parang ganito din naman ang bahay namin na kahit may kasambahay kami ako pa din ang inuutusan nilang maglinis. Ano bang nagawa kong kasalanan para matratuhin nila ako? Tumayo na lamang ako at nilabang ang aking sarili sa paglilinis. Pagpunta ko sa silid ni Rafael may nakalagay na note sa pinto.

"Don't enter"

"Siguro may sekreto siya kaya ayaw niya akong maglinis sa silid niya."

Pumasok na lang ako sa kwarto sa tapat niya. Namangha ako dahil mas maraming paintings dito. Dahan dahan kong inayos ang mga paintings at nagulat ako sa aking nakita sa ilalim ng kama. Ito ay ang sirang portrait ng aking ate. Pinagmasdan ko ang silid. Ito siguro ang kwarto nang kuya ni Rafael. Dapat kung ipakita sa kanya ang larawang ito. Napatigil ako baka si Ate naman ang kidnapin niya.

"You are not my sister."

Naalala ko kung paano ako pinapahiya sa school ni Ate at napatingin ako sa larawan niya. Kahit gusto ko mang ipakita ito Kay Rafael bakit nagaatubili ako? Ito na ang chance ko para makapaghiganti. Pero napailing ako sa aking naisip. Hindi ko kayang gawin iyon sa aking kapatid kahit hindi niya ako tanggap kaligtasan pa rin niya ang aking iisipin. Minabuti ko na lamang na ibalik ito sa ilalim ng kama at itinagong mabuti. Napansin ko ang isang box sa ilalim ng kama na nakatago sa sulok. Kinuha ko ito at binuksan. Nagimbal ako sa aking nakita. Mga larawan ni Ate Diane at ng isang lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Revenge or Love   Chapter 80: The End

    Michaela's Point of View Hindi ako makakilos nang marinig ang sinabi ng aking anak at biglang yumakap kay Rafael. Halatang nagulat siya sa narinig at nalito. Mabilis ko hinila si Raffy at pinapasok sa loob ng bahay. Akmang susundan ko ang bata ng tinawag ako ni Rafael. Pilit ako nakikiusap sa kanya na hayaan na niya si ate Diane pero mukhang mabibigo ako. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap niya upang makiusap pero hinila niya ako patayo. Bago pa niya ako mayakap biglang dumating si Matt at si ate Diane ay yumuko sa harap niya. "Kung anong magiging hatol sa akin tatanggapin ko, Rafael. Marami akong naging kasalanan kay Michaela… at kinausap ko na siya tungkol dito." Sabi ni ate Diane sa pagitan ng mga hikbi niya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin ni Rafael. "Minahal ko rin nang sobra si James. Patawad kong naging mahina ako at nahulog sa patibong ni Mackenzie." Hindi kumibo si Rafael pero hinawakan siya sa braso ni Matt. "What are you doing here?" Naiirita na sabi

  • Revenge or Love   Chapter 79: Revenge or Love

    Rafael's Point of ViewPatuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod."Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit

  • Revenge or Love   Chapter 78: Traitor

    Rafael's Point of ViewFive years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming

  • Revenge or Love   Chapter 77: All for my little angel

    Yumuko ako at nagmamakaawa kay Macky at ate Diane. "Please, huwag niyong idamay ang anak ko." Pakiusap ko sa kanila. Ngumisi si Macky at tinitigan si Raffy. Akmang lalapitan niya ito ng biglang kinagat ni Raffy ang lalaking may hawak sa kanya at nabitawan siya. Mabilis siyang tumakbo pero si Macky hinila niya ang baril sa tagiliran ng lalaking kasama niya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sinipa sa maselang bahagi ang lalaki may hawak sakin at tumakbo kay Raffy. Kasabay noon ang lakas ng putok ng baril at unti-unting lumabo ang aking paningin. "M-Mommy!" Umalingawngaw ang iyak ni Raffy sa garden at mabilis na dumating ang mga magulang ko. Bago ko pa makita ang buong pangyayari tuluyan nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I can give all for my little angel, even my life; I can surrender it for his safety. —Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Lahat sa paligid ay puro puti at naramdaman ang maliit na ulo na nakadagan sa tiyan ko. Pagyuko ko si Raffy pala ang natutulog sa ta

  • Revenge or Love   Chapter 76: Danger

    Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na."Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. "Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. "Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. "Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend n

  • Revenge or Love   Chapter 75: Five years had passed.

    Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin."Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya."Are you hungry?" Tumango siya. "I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag."Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya."Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. "Raffy, don't shout to your

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status