Nabusog ako sa mga pagkain na inihanda sa akin ni Nanay Linda at binigyan pa niya ako ng maisusuot na damit. Nagalinlang ako noong una dahil ang ganda nang dress na ito. Mayroon itong mga disensiyo na maliliit na bulaklak at kulay asul ito. Tinuro niya sa akin ang daan patungo sa isang silid na maaari akong maligo at magbihis. Pagpasok ko nagulat ako sa laki ng kwarto. Double ang laki nito kaysa sa kwarto ko. Ang ganda ng kama parang gusto kong humiga. Umiling na lamang ako at tumuloy sa banyo. Habang ako ay nalilito hindi ko maiwasan isipin kung ano ba talaga ang nangyari sa kuya ni Rafael at anong kinalaman ni ate sa pagkamatay niya? Napabuntong hininga na lamang ako. Nakidnap na nga ako pero bakit hindi pa rin ako tumatakas? Napatingin ako sa bintana mukha kakasya naman ako dito. Tama kailangan kong umalis dito. Nagmadali akong maligo at magbihis. Umakyat ako sa bintana at nagulat ako na may asong nakaabang dito. Tatalon ba ako o huwag na lang? Hindi ko alam ang aking gagawin. Ilang minuto na ako sa banyo at hindi pa rin umaalis ang aso sa tapat ng binta.
"Raston let's go"
Bigla kong narinig ang boses ni Rafael. Tumingin ako ng kaunti sa bintana at nagulat ako na iyong Raston palang tinawag niya ay ang aso niya. Hinintay ko silang makaalis at naghandang tumalon mula sa bintana. Huminga ako ng malalim nang makitang kong malayo na sila ay tumalon na ako.
"Ouch"
Tumama ang tuhod ko sa matulis na bato. Dumudugo na ito. Namutla ako dahil takot ako sa dugo.
"Ahhhhhh"
Napasigaw ako sa takot at umiyak. Hindi ko talaga kayang makakita ng dugo at hindi ko alam kong bakit. Magmula ng bata ako hindi ko gusto na kakakita ng dugo. Feeling ko mamamatay na ako. Tumakbo papunta sa akin si Rafael na mahigpit ang pagkakahawak sa Tali ng kanyang aso. Ang mga mata niya ay nanlilisik.
"Nagawa mo pa talagang subukang tumakas sa ganyang suot mo."
Napatingin ako sa suot kong dress at nagulat na nakikita na ang panloob ko. Bigla ko itong inayos at sinubukang tumayo pero bigla akong natumba. Napatingin na naman ako sa dugo sa tuhod ko.
"Ahhhhhh"
"Ano ba! Tumigil ka nga kakasigaw mo."
"Ayaw ko ng dugo"
Maluha luha kong sinabi at pumikit na lamang ako para hindi makita ang dugo. Huminga ako ng malalim at nirelax ang sarili ko. May dalawang brasong biglang bumuhat sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Ito ang unang beses na may bumuhat sa akin. Hindi ko na lamang minulat ang aking mga mata. Ang amoy niya ay parang tsokolate. Napalunok ako nang maramdaman kong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang bango din ng hininga niya.
"Matt let's go"
Naramdaman kong inupo niya ako at biglang tumunog ang sasakyan. Nagmulat ako ng mata at pagtingin ko nasa harapan ko si Rafael at isang driver.
"Saan niyo ako dadalhin?"
"Sinubukan mong tumakas di ba? You need to be punished."
Kinakabahan ako sa aura ni Rafael. Punong punong ng apoy ang kanyang mga mata parang anong oras mapapatay niya ako. Nanahimik na lamang ako at naramdaman ang kirot sa aking tuhod. Dumudugo pa rin ang aking tuhod. Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata baka mapasigaw na naman ako at magalit pa si Rafael. Hanggang di ko namalayan na nakatulog na ako.
"Michaela don't even dare touch my things."
"Wala akong ginagalaw sa gamit mo."
"eh ano ito?"
Hawak hawak ni ate Diane ang damit na ibinigay sa akin ni Mommy.
"Bigay yan sa akin Ng mommy ko."
"What? You are a liar. Aunt Mildred"
Sumigaw siya at tinawag Ang aking Ina.
"Did you give this to your daughter?"
"Hindi"
Namilog ang aking mga mata at nakatingin ako sa mommy ko.
"Ma, ibinigay niyo po sa akin yan kanina."
"Michaela, wala akong binibigay na damit sa iyo at mukhang mamahalin ito. Hindi kita bibilhan ng ganyang kamahal na damit."
Naiyak ako sa mga sinabi ng aking Ina. Bakit ganito niya ako tratuhin? Hinila ni Ate Diane Ang buhok ko at dinala ako sa basement.
"Mabulok ka diyan para magtanda ka. Liar ka na nga. Magnanakaw ka pa."
"Ma"
Tinalukuran lamang ako ng aking Ina. Narinig ko ang paglock ng pinto mula sa labas. Umiyak lang ako ng umiyak. Nang biglang bumukas ang pinto. Isang babae ang pumasok muli ngunit Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil pinatay nito ang ilaw. Hinampas niya ako sa aking mga paa.
"Ahhhhhh"
"Hey, wake up!"
Narinig ko ang boses ng isang lalaki, pagmulat ko nakahinto na ang sasakyan at mukha ni Rafael ang nasa aking harapan. Nakatitig lang kami sa isa't isa.
"Rafael I have already put your things inside. Do you need anything else before I go back? "
"Yes, would you mind buying this girl decent clothes?"
Ngumiti ang lalaki at tumingin kay Rafael.
"I thought you kidnapped her, but it seems like you are more concerned about her."
"No, it is not that. I don't want to torture a girl with those dresses. It is too annoying. "
"As you say so"
Umalis na ang lalaki at nakatingin lang sa akin si Rafael.
"Wala ka bang balak bumaba sa sasakyan?"
Hindi na lamang ako kumibo at ika ika akong bumaba sa van. Nauna na siyang maglakad sa akin. Hindi ba siya natatakot na baka tumakas ako. Bigla akong natawa sa aking naisip. Paano nga naman ako tatakas kung paika Ika ako? Hindi ko pa rin tinitignan ang aking tuhod dahil siguro may natuyo ng dugo dito. Habang naglalakad ako napatingin ako sa paligid. Ang sarap langhapin ang simoy ng hangin at naririnig ko din ang mga huni ng ibon. Napatingin ako sa likod ko dahil may narinig akong yabag ng kabayo. Nagulat ako na maraming puno at pagtingin ko sa harap ko may malaking dagat. Nanlaki ang aking mga mata at hindi makagalaw. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Nasaan ako? Kahit gaano kaganda ang lugar na ito bigla pa rin akong natakot.
"You will be punished!"
Parang nageecho sa aking tainga ang mga salita ni Rafael. Ito ba ang sinasabi niyang mapaparusahan ako. Tumingin ako sa harapan ko at wala si Rafael sa paligid. Tumalikod na ako at sinubukang maglakad ng mabilis nang biglang may humila sa akin.
"Where do you think you’re going?"
Pagkapasok namin sa kanyang bahay. Bigla niya akong binuhat at ang ulo ko ay nasa likod niya. "Ibaba mo ako" "Matigas ang ulo mo. Sinabi ko na sa iyo, huwag mong susubukang tumakas or else you will be punished." "Hindi pa ba sapat itong ginawa mo? Nilayo mo ako sa pamilya ko." "What? Hindi pa ako nagsisimula kaya mas mabuting sumunod ka na lamang." "Ano bang kasalanan ko sayo? At hindi naman ako si Diane." "Liar" Binaba na niya ako sa kama at akmang lalabas na siya ng niyakap ko ang mga tuhod niya. "Maniwala ka sa akin. Hindi ako si Diane." Hindi ko masabi sa kanya na ate ko ang hinahanap niya dahil baka lalong siyang magalit.Kahit na naging masama si ate Diane sa akin ayaw ko siyang mapahamak. "Let me go." "No, please I am begging you." Tinayo niya ako at tinulak sa kama. Nahila ko ang kamay niya at nakapatong siya sa akin. Hindi ko maiwasan na tignan ang mapupula niyang labi. Biglang pa
Lahat ng sinabi ni Rafael tungkol sa relasyon ng ate ko at kuya niya ay totoo pero may kinalaman ba talaga ang ate ko sa pagkamatay ng kuya niya? Natapos ko nang linisin ang buong bahay ni Rafael pero hindi pa rin ako mapalagay sa aking nakita dahil ang alam ko lang na boyfriend ni ate ay si Macky Cruz. Laging siya ang pumupunta sa bahay namin at halos 5 years na din sila. Kailangan kong malaman ang totoo. Inabangan ko ang pagdating ni Rafael pero 6:00 pm na, wala pa siya. Biglang tumunog ang tiyan ko at hindi ko na matiis ang gutom ko. Kumain na lamang ako. Biglang narinig ko ang tunog ng isang sasakyan. Nagmadali akong pumunta at nakita ko si Matt. "You look disappointed. Are you waiting for Rafael?" "No," Nakakanosebleed namang kausap ito. "Can I ask you something?" "Sure" "Are you foreigner?" "Not really I just live in United States for 10 years but I am pure Pilipino. Rafael is half American. Do you know that his name is R
Nagising na lamang ako na nakahiga ako sa bathtub. Nakita ko ang punit kong damit at nagmadaling lumabas at nagsuot ng mas mahabang damit na ibinigay ni Matt. Kailangan ko nang makaisip ng paraan para makalis dito. Nakakatakot si Rafael baka anong gawin niya sa akin. Hindi pa ako kailanman nagkaboyfriend at ayaw ko makuha ang dangal ko. Biglang may kumatok ng malakas sa aking pinto. "Are you trying to escape again?" Pasigaw niyang sinabi. Huminga muna ako ng malalim at hindi dapat ako pahalatang natatakot. Kailangan kong maging matatag dahil wala makakatulong sa akin dito. Binuksan ko ang pinto at humarap sa kanya. Biglang siyang nagulat ng makita ako. "Akala ko tumakas ka na naman." "No" Tinalikuran ko na siya at naglakad pababa ng hagdan. "Anong pagkain?" "Ang kapal ng mukha mo na magtanong nang makakain." "Okay, sanay naman akong magutom." Naglakad ako palayo sa kanya at kinuha ang isang mansanas. Nagulat siy
Bumuti ang aking pakiramdam at pagtingin ko sa aking katabi lumaki ang aking mga mata dahil si Rafael ito at wala siyang suot na damit. Pinagmasdan ko siya at mukha siyang anghel na natutulog. Hindi ko namalayan na ang lapit na pala ng mukha ko sa kanya. Pagdilat ng mata niya hinila niya ako pahiga. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ako pumikit dahil alam kong wala naman siyang gagawin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Nakatikom lang ang bibig ko dahil wala pa akong first kiss. Biglang naglakbay ang kamay niya sa katawan ko. Para akong nakuryente at tuluyan ko ng nabuksan ang bibig ko. Bigla siyang huminto at iniwan ako. Iyon ang una kong halik. Matutuwa ba ako o matatakot? Ang lakas ng tibok ng aking puso. Tuloy tuloy ang luha sa aking mga mata. Kailanman hindi ka niya magugustuhan Michaela Clementon. Paghihiganti lang ang hangarin niya. Pilit koi tong tinatanim sa aking isipan. Bumukas ang pinto at nadismaya ako. Si Matt ang dumating at may d
"I can't win with this man!" Pasigaw kong sinasabi habang paakyat ng aking silid. Paalis na lang kami gusto pa niyang magbihis ako ulit. Ano bang problema niya? Padabog kong binuksan ang silid at kinalkal ang mga damit na binili ni Matt. Pumili na lamang ako ng makapal na T-shirt na dark blue at mahabang palda daig ko pa ang lola nito. Tumayo na ko pagkatapos makakuha ng damit at papunta na sa banyo nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Lumaki ang aking mga mata at nagmamadaling pumasok ng banyo. Ramdam ko ang init ng aking mukha sa kahihiyan. Kaya pala gusto niyang magpalit ako ng damit dahil ang lipis nito at kita na ang panloob kong suot. Nagmadali na akong nagpalit at lumabas na ngunit hindi ko alam kong bababa pa ba ako o mananatili na lang sa aking kwarto. Kahihiyan itong ginagawa ko dapat hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya. No! Kasalanan niya rin siya ang nagbigay ng mga damit na ito. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili habang pabababa ako ng hagdan pero pagtin
Tumakbo ako ng tumakbo at hindi malaman kung saan papunta ang aking mga paa. Gusto kong makawala sa sakit na aking nadarama. Naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na dumapo sa aking ulo. Pagtingin ko sa kalangitan bumubuhos na ang ulan. Natawa ako ng mapait dahil pati ang panahon nakikisali sa aking pag iyak. Nakakakita ako ng waiting area na may maliit na bubong. Minabuti ko na munang umupo dito. Naalala ko na naman ang nakit kong eksena kanina. Naglapat ang mga labi ni Monica at Rafael. Hindi pa sila nahiya sa gitna pa talaga ng daan. Bigla akong napatayo at narinig ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ito maaari unti unti na ba akong nahuhulog sa kanya. Nagising ako sa malalim kong pagiisip ng bigla may isang kotseng huminto sa akin."Diane pinaparusahan ka na naman ba ni Rafael?""Matt? Akala ko bang umalis ka na.""Nadelay ang flight ko pabalik kaya minabuti ko munang pumunta dito." Bigla niyang sinara ang bintana ng kanyang kotse. Akala ko isasakay niya a
Mahihiga na lang sana ako ng makita ko ang isang paper bag at my sticky notes na "Eat well". Dahan dahan ko itong binuksan at namilog ang aking mga mata ng mapagtanto na ito pala ay pagkain. My favorite spaghetti and fried chicken. Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko ang tinidor. Sinimulang kung kainin ang spaghetti at napapikit ako sa sarap. Kung kanino man galing ito napakabait niya. Naubos ko ang spaghetti sa limang subo lamang at tumayo ako at pumunta sa banyo upang maghugas ng kamay. Pagbalik ko sinimulang kung kainin ang dalawang fried chicken. I miss this food. Naubos ko ito at tumayo ako at naglakad lakad. Pagbabago ko ng hagdan wala na si Rafael sa kusina. Saan na naman kaya punta iyon? Umiling ako sa ideya na iyon at minabuting umakyat na lang muli papunta sa aking silid. Tinitigan ko ang paper bag nakalimutan ko pa lang ibaba sa higaan. Pagtingin ko nakita ko na may laman pa ito. Nagliwanag ang aking mga mata ng makita ko na street food ito with sauce na may
Natuwa ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Matt, akala ko bang aalis ka rin agad?"Ngumiti siya at para bang maganda ang awra niya ngayon. "Oo, pero nakiusap si Rafael na bantayan ka sa mga gagawin mo sa pabrika." Namilog ang aking mga mata at umiling."Bakit pa ko kailangan bantayan? Hindi naman na ako bata.""I don't know. Let's just meet in the Villa Letisha." Lumaki ang aking mga mata at lumapit sa kanya."Hindi mo ako ihahatid?" Umiling lang siya at sumakay na sa kabayo. Tinanaw ko na lamang siya habang palayo sa akin. Maaga pa naman at hindi pa mainit. "Mag Jogging na lamang ako." Pag Kumbinsi ko sa aking sarili. Nagsimula na ako tumakbo at nakalagpas pa lang ako ng isang kanto ramdam ko na ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Nagpasya akong sumilong muna at nagpunas ng mukha. Napabuntong hininga ako at nag isip. Sa bagay kung tutuusin hindi naman parusa ang ginagawang ito sa akin ni Rafael. Tama! Tumayo ak