Naglakad ako palapit sa kama at kinuha ang mga bulaklak. Tuwang-tuwa ang puso ko pero binitawan ko ito. Nag-echo ang boses ni Monica sa utak ko. Pinaglalaruan lang ako ni Rafael. Hindi dapat ako magpadala. Itinabi ko sa gilid ng kama ang mga bulaklak at humiga. Bukas sigurado babalik na sa dati si Rafael. I should prepare myself for his next move in his vengeance. Hindi ko namalayan unti-unti na kong nilamon ng antok.Nagising ako sa ingay ng pagkatok sa labas ng silid. Nagmulat ako. Humikab nang napakahaba bago bumangon. Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. "Sandali lang." Nagmadali ako magbukas ng pinto at nagtama kami ng tingin ni Matt. Kunot noo akong tumingin sa hawak niya. Ito ay mga gamit panlinis. "See this? Rafael told me to give it to you." Inabot niya sakin at tumalikod."Wait!" Pigil ko sa kanya. "May na kaaway ka ba?" Hindi ko mapigilang itanong dahil namamaga na ang labi niya. Kung kahapon daplis lang ngayon naman putok na ang labi niya."It is none of your business.
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nasaksihan ko kay Rafael at Monica. Wasak na naman ang puso ko. Tumayo ako at humarap sa salamin. Napasigaw ako sa gulat. Magang-maga ang mga mata ko. Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok si Matt. "Anong problema mo?!" Kunot noo nitong sabi. Umiling lang ako. Napako ang tingin ko sa mukha niya. Halatang wala rin siyang tulog. "M-May sakit ka ba?" Alanganin kong tanong sa kanya. Tumikhim siya, umiling at mabilis na tumalikod. Sa pagkakaalam ko mabait na siya sakin bakit para may nagbago magmula ng bumalik ako dito? "Teka…" tawag ko sa kanya. Kinamot niya ang ulo at humarap."Wala akong oras sa ganito, Diane. Magsimula ka ng maglinis. Umalis ng madaling araw sina Rafael. Ako ang magbabantay sayo dito." Walang gana sagot niya. "Saan sila pupunta?" Hindi ko mapigilang itanong. "I don't know!" Padabog nitong sagot at sinara ng malakas ang pinto. Galit ba siya? May nangyari ba sa kanya? Bakit parang may dinaramdam siya? "Bilis!" Napatalon
Tiningnan ko ang laman ng refrigerator at nakapangalumbaba. "Something sweet and delicious." Paulit-ulit kong binulong pero wala pa rin akong alam iluto. "Gusto ba ni Rafael ng cake?" Napabuga ako ng hangin. Hindi naman ako marunong mag-bake. Naglakad na lang ako palabas ng kusina at hinanap siya. Wala siya sa sala. Wala din sa kwarto niya. Saan nagpunta yun? Akmang babalik na ko ng kusina ng marinig ang mga yabag ng kabayo. Mabilis akong tumanaw sa bintana ng sala at nakita siya. Napahinto ako at napatitig sa pagsuklay niya sa buhok ng puting kabayo. Mahilig talaga siya sa kabayo. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sakin."Where is my food?" Bulyaw niya. Umiwas ako ng tingin pero huli na dahil agad na siyang nakapasok sa loob. Kunot noo siyang tumingin sakin at diretso sa kusina."Sandali!" Huli na bago kong masabing wala pa kong na handa para sa kanya. "Cook this!" Sigaw niya pagpasok ko pa lang ng kusina. Nanlumo akong makita nilabas niya ang gulay at karne. Paano ko na
Pagkatapos ng babala ni Monica lumabas na siya sa silid ko. Nanghihina ako humiga sa kama at hinila ang puting kumot. Talagang hinayaan ni Rafael si Monica na saktan ako. Tumagilid ako at tumitig sa pader. "Diane!" Napabalikwas ako ng tayo sa tawag ni Matt. Mabilis siyang lumapit sakin at tiningnan ang mga kalmot sa mukha ko. "Bakit hinayaan mo na saktan ka ni Monica?" Napangiti ako ng mapait. Mukhang okay na siya. Maamo na muli ang mukha niya. "Naririnig mo ba ko?" Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa mukha ko. Tumango lang ako. Tumayo siya at bumaba muli. Huminga naman akong malalim at napatingin sa sira kong damit. Napapikit ako. Nakita niyang ganito ang suot ko. Nagmamadali akong tumayo. Ramdam ko ang init sa aking mukha ko. Umiling ako at kumuha ng damit. Pumunta ako sa banyo at bumuhos na naman ang likido mula sakin mga mata. Hinayaan ko lang lumabas lahat ng bigat at sakit sa puso ko. Lagi na lang ako ang may mali. Lagi ako na lang ang pinagdidiskitahan. Kahit saan siguro ak
Hinila ko ang upuan at humarap sa mesa. Ilang oras akong nakatitig sa mga iba’t ibang ulam at hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Rafael. Bumuga ako ng hangin at tumayo. Nanuyo ang lalamunan ko at kumuha ng tubig sa refrigerator. Naestatwa ako ng mapansin ang bottle juice. Mga malalabong imahe ng babae at lalaki ang biglang lumitaw sa isip ko. Napahigpit ang hawak ko sa lagayan ng tubig at nahilo. Umiling ako at pumikit ng mariin. Nag-echo ang boses ni ate Diane sa tainga ko. "Come on! Huwag kang masyadong magpakamanang dito, Michaela! Pinapahiya mo ko sa mga kaibigan ko at sa kasintahan ko."Nabitawan ko ang hawak kong tubig at nasara ng malakas ang refrigerator. Dumilat ako at nawala na ang mga imahe. Bakit ngayon ko lang natandaan ito? It is the day before I wake up in an unknown place. Nanghihina akong umupo at huminga ng malalim. Tama ang hinala ko planado ang lahat ng ito. Ang kamay at paa ko patuloy sa panginginig. Ramdam ko ang init na gusto ng kumawala sa buong sistema ko.
Sinara ko ang bintana at humiga sa kama. Tumibok ng malakas ang puso ko at parehong pakiramdam ng unang kong makita si Rafael. Takot, awa, pagkalito at panghihina. Sino ang bumaril sa kawawang kabayo? Pinilit kong matulog pero halos dalawang oras na akong nakahiga hindi pa rin ako dinadatnan ng antok. Nagpasya akong umupo at nakiramdam sa baba. Tahimik at walang ingay. Naglakad ako palabas ng silid. Madalim sa hallway pati sa sala. Binuksan ko ang mga ilaw at napatingin sa labas. Gabi na pala at hindi pa rin bumabalik si Matt at Rafael. Papunta na ako sa kusina ng may kumatok ng tatlong beses. "Sino yan?" Hindi ito sumagot. Napalunok ako at humakbang sa pinto. Sumigaw akong muli."Diane!" si Rica. Mabilis ko itong binuksan at tumambad sakin ang mukha ni Monica at nasa likod niya si Rica."Kahit ayaw ko, binilin ka sakin ni Rafael. Kailangan din namin ng bagong maid dahil hindi umuwi ang dalawang maid namin." Maarte nitong sabi habang nakapamewang. Huminga ako ng malalim at tumango.
Pigil ko ang pagpikit ng aking mata habang binabantayan ang nilulutong nilagang baboy. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga malabong alaala na nakikita ko kapag nakaidlip. "Diane! Yung niluluto mo." Napapitlag ako ng makitang umaapaw na ang sabaw ng niluto ko. "Wala ka bang tulog?"Pinatay ko ang kalan at humarap kay Rica. "Ang sarap kaya ng tulog ko kagabi."Sumimangot siya. "Kaya pala ang laki ng eyebags mo." Ngumiti ako ng pilit at humarap sa lababo. Nagsimula ng akong maghugas ng bumukas ang pinto. Sabay kaming humarap ni Rica at nanlaki ang mga mata. "Let's go," tipid na sabi ni Rafael at lumabas muli."Aalis ka na agad dito." Nakalabi sabi ni Rica."Magkikita rin tayo muli." Niyakap ko siya at tinapik ako sa likod. Sinamahan niya ako sa maid quarters at nagpasya akong iwan muna ang mga damit ko. "Pwede naman sigurado akog bumisita dito pa minsan-minsan.""Sige. Magpapaalam din ako tuwing off ko na pupunta sa inyo at may magandang balita ako!" Nakangiti nitong sabi
"Masyado na kitang naabala baka magalit sayo si Rafael. Sige na puntahan mo na siya sa baba." Umiwas ng tingin si Ginang Letisha habang nanginginig ang kamay. Humakbang ako malapit sa kanya at ginaya siya sa kanyang kama. "Magpahinga na muna po kayo. Tatawagin ko na lang po si Rica." Tumango siya at sumandal sa kama. Tumalikod na ako at pahakbang sa pinto nang may maalala. "Alam ko po na wala ako sa posisyon na sabihin ito pero…" Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya sa mga mata. "Gaya po ng mga bulaklak na daisies inosente at dalisay po kayo. Wala kayo kasalanan sa nangyari noon kaya huwag niyo pong parusahan ang sarili niyo." Binuka niya ang bibig pero hindi nagsalita. Tumikhim ako at nagpatuloy. "Isa po kayong ina at hindi ko alam kong gaano kasakit mawalan ng anak pero sa tingin ko po…. Mahihirapan po ang anak niyo kong nararamdaman niya ang pighati niyo." Umiling siya at pumikit. "Sana nasa mabuting kalagayan siya." bulong niya sa hangin. "I hope you can face the present." b