Share

Kabanata 4

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2026-01-12 21:28:00

Pagkatapos nilang maghapunan, isa-isa na silang namahinga sa loob ng kanilang silid. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakatago sa kanyang bag para sana tawagan ang Mommy Adela niya at kumustahin si Neo pero napabuntong hininga nalang siya nang makitang walang signal kaya naman napagpasyahan niyang lumabas ng silid saglit.

Agad na bumungad sa kanya ang malamig na panggabing hangin. Inayos niya ang suot niyang makapal na jacket habang naglalakad para makahanap siya ng signal. She's afraid that her son would have a hard time sleeping dahil iyon ang unang beses na hindi siya nito kasama.

Habang naglalakad siya, nakarating siya malapit sa may barangay at doon palang nagkaroon ng signal kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ina. Mabilis lang din naman siyang sinagot ng ginang sa kabilang linya.

"Bakit ngayon ka lang tumawag, Autumn! Nag-aalala na ako sayo. Akala ko napano ka na diyan!" Puno ng pag-aalala nitong wika.

Mahina siyang natawa bago sumagot. "Relax kalang, Mommy. Maayos naman ang lagay namin dito. Hindi nga lang ako nakatawag agad dahil naghahanap pa ako ng signal."

Nakahinga naman ng maluwag si Adela sa kanyang narinig. "Ganun ba?"

"Opo. Oo nga pala, Mom, tumawag ako para kumustahin si Neo. Tulog na po ba?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Hay naku, knock down na. Paano ba naman kasi, nandito ang kambal ng Kuya Raven mo. Alam mo naman kung gaano kahyper ang mga anak niya kaya napagod si Neo sa paglalaro."

Parang nabunutan siya ng tinik sa kanyang narinig. Isang taon lang ang agwat ng kambal sa anak niya. Nataon na parehong lalaki ang tatlo kaya pareho din ng hilig sa paglalaro..

Katunayan, ang Kuya Raven niya nga ang dapat na magmana ng ospital ng mga magulang niya, pero dahil may sarili na itong negosyo kasama ang asawa, ipinasa nito sa kanya ang responsibilidad ng Gonzales Medical Hospital at iyon ang isa sa dahilan kung bakit siya bumalik ng Pilipinas.

"Mabuti naman po kung ganun. Nag-aalala po ako at baka mahirapan po kayong patulugin si Neo."

"Wag mo na muna kaming isipin masyado. Ako na ang bahala sa apo ko. Mag-enjoy ka na muna sa bagay na matagal mo ng nais gawin."

Tipid siyang napangiti. "Maraming salamat, Mom."

Pagkatapos niyang makausap ang kanyang ina ay ibinaba na niya ang cellphone. Tahimik na ang baryo. Siguro nga tulog na ang mga tao kahit na alas otso palang ng gabi. Lumanghap siya ng hangin bago tumalikod na para sana bumalik sa bahay nang makasalubong niya ang taong kanina lang ay gumugulo sa sistema niya—si Dmitri.

Halos mapatalon pa siya sa gulat dahil hindi niya inaasahan na naroon pala ang lalaki sa likuran niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib at sinipat ito ng tingin.

"I—ikaw pala Dmitri," kinakabahan niyang sambit.

"Magandang gabi, Doc," bati nito sa kanya.

Napalunok siya ng marinig ang boses nito. Why does his voice really sounded like Nicolo?

"Magandang gabi din sayo," tugon niya at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.

Kanina ay nasabi na niya sa sarili niya na iwaksi sa isipan niya ang pag-iisip na si Nicolo si Dmitri. But facing him again almost makes her forget about that thing.

"Gabi na at malamig ang panahon, Doc. Bakit nandito pa kayo sa labas?" Kaswal nitong tanong.

Pilit siyang ngumiti bago iniangat ang kanyang cellphone. "Naghahanap ako ng signal at napadpad ako dito."

Napatango-tango naman ang lalaki. "Tapos na po ba kayo? Ihahatid ko na kayo pabalik sa bahay na tinutuluyan ninyo," alok nito.

Agad naman siyang umiling. Gustuhin man niyang samahan siya nito, pinili niyang tumanggi. Being with him will make her think about his resemblance with Nicolo even more. May asawa itong tao. She should distance herself from him knowing her heart is in a vulnerable state.

"Wag na. Alam ko naman ang daan pauwi," aniya at tinalikuran na ang lalaki.

Subalit nakailang hakbang palang siya nang makarinig siya ng ingay sa kanyang likuran. Napalingon siya sa unahan at nakita ang iilang taong may dalang flashlight. Nang makalapit na ang mga ito sa barangay, napagtanto niyang may isang lalaking kinarga sa likuran ng isa pang lalaki.

"Kap! Kap tulungan niyo kami! Si Efren po nasugatan sa matalas na blade na pangbungkal ng lupa!" Sigaw ng lalaki na may karga ding lalaki na wala ng malay sa likuran nito.

Mabilis na binuksan ni Kapitan Lucio ang pinto at pinapasok ang mga nasasakupan niya. Agad na gumapang ang pag-aalala sa kanyang sistema nang makitang labis na nagdurugo ang sugat sa binti ng lalaki.

"Kap, ano pong gagawin natin? Masyado ng malalim ang gabi. Baka kapag itinakbo pa natin sa bayan si Efren, hindi na siya aabot!" Umiiyak na wika ng kasama nito.

Sandaling pinagmasdan ni Lucio si Efren nang sumagi sa isipan niya ang mga bisitang doctor sa baryo nila. "Tama! Humingi tayo ng tulong kay Doc Autumn at sa mga kasamahan niya," aniya at lalabas na patungo sa tinutuluyan ng mga doctor nang pumasok si Dmitri at kasama si Doc Autumn.

Agad na nilapitan ni Kapitan Lucio ang babaeng doctor. "Doc, tulungan niyo po ang isa sa nasasakupan ko. Kayo nalang po ang pag-asa namin," puno ng pagsusumamong wika ng kapitan.

"Anong nangyari, Kap?" Kunot noo namang tanong ni Dmitri.

"Natamaan po yata ng matalas na blade ng cultivator ang isa sa mga binti ni Efren," tugon ng kapitan.

Dahil dalawa lang ang cultivator na siyang ginagamit nilang pambungkal ng lupa para sa mga gulay na itatanim, salit-salitan ang mga farmers sa baryo nila. Kaya ang resulta, may iilan sa mga ito na gabi na kung magtatrabaho sa taniman ng gulay.

Hindi na nagsalita pa si Autumn at agad na nilapitan ang lalaking nasa ibabaw ng upuan at wala ng malay. Sinipat niya ng tingin ang binti nito bago nag-angat ng tingin.

"Ako na ang bahala sa kanya pero kailangan ko ang mga gamit ko na nasa bahay."

"Saan mo inilagay? Ako na ang kukuha," presinta ni Dmitri.

"Nasa gitna ang silid na ginagamit ko. Naroon sa loob ang isang malaki at kulay itim na bag na naglalaman ng mga equipments na dala ko."

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Dmitri at agad na tumakbo palabas. Inutusan naman ni Autumn ang ilang sa mga kalakihang naroon na ilipat si Efren sa mahabang mesa para mas malaya siyang makagalaw.

Ilang sandali pa'y bumalik na si Dmitri bitbit ang mga gamit niya. Agad niya iyong binuksan para kunin ang mga equipments na gagamitin niya subalit hindi paman siya nakakapagsimula nang bigla nalang namatay ang ilaw sa buong barangay!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 5

    "Diyos ko! Blackout! Ano ng gagawin natin?!" Nag-aalang wika ng mga mamamayan sa baryo na naroon sa loob ng barangay.Inilinga ni Autumn ang mga mata sa dilim. Kahit na blackout, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagtatahi sa sugat ni Efren at baka maubusan na ito ng dugo."Wala bang generator dito, Kap?" Tanong niya."Wala po, Doc."Nasapo niya ang kanyang noo. Hindi niya lubos akalain na hindi lang aspetong medical ang kakulangan sa lugar na kinaroroonan niya ngayon."May flashlight akong dala. Pwedeng ako na ang mag-aasist sayo habang ginagamot mo si Efren," presinta ni Dmitri.Nakahinga siya ng maluwag sa kanyang narinig. "That's great! Magsimula na tayo!" Maawtoridad niyang utos.Binuksan ni Dmitri ang flashlight na dala nito. Hindi iyon isang ordinaryong flashlight lang kundi kagaya ng tactical flashlight na ginagamit ng mga sundalo. Pero wala na siyang panahon pa para isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Mas mahalaga ang magamot niya ang sugat sa binti ni Efren.Agad niyang tini

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 4

    Pagkatapos nilang maghapunan, isa-isa na silang namahinga sa loob ng kanilang silid. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakatago sa kanyang bag para sana tawagan ang Mommy Adela niya at kumustahin si Neo pero napabuntong hininga nalang siya nang makitang walang signal kaya naman napagpasyahan niyang lumabas ng silid saglit.Agad na bumungad sa kanya ang malamig na panggabing hangin. Inayos niya ang suot niyang makapal na jacket habang naglalakad para makahanap siya ng signal. She's afraid that her son would have a hard time sleeping dahil iyon ang unang beses na hindi siya nito kasama.Habang naglalakad siya, nakarating siya malapit sa may barangay at doon palang nagkaroon ng signal kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ina. Mabilis lang din naman siyang sinagot ng ginang sa kabilang linya."Bakit ngayon ka lang tumawag, Autumn! Nag-aalala na ako sayo. Akala ko napano ka na diyan!" Puno ng pag-aalala nitong wika.Mahina siyang natawa bago sumagot. "Relax kalang, Mommy. Maayos naman

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 3

    Pakiramdam ni Autumn tumigil sa pagtakbo ang oras. Nakatitig siya ngayon sa isang napakapamilyar na mukha. Ang mukhang ilang taon na niyang iniiyakan dahil sa pangungulila."Nicolo..." Mahina niyang sambit, sakto lang na marinig siya ng lalaki.Pero hindi ito lumingon sa kanya at nanatili lang ang atensyon kay Mateo. "Diba sabi ko sayo wag lalabas ng hindi nagpapaalam?" Masuyo nitong sambit."Sorry, Papa. Gusto ko lang ng tutubi kaya takbo ako dito," nakanguso nitong wika. "Galit po ba ikaw?Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Hindi naman. Nag-aalala lang si Papa," anito sabay buhat kay Mateo.At ang mas lalo pang dumurog sa puso ni Autumn ay ang paglapit ni Elara sa lalaki. "Hayaan mo na. Ang importante hindi naman siya napano. Tsaka si Doc Autumn naman ang nakakita sa kanya, at ginamot pa ang sugat niya," anito at iminuwestra ang kinatatayuan niya.Autumn felt like her world began spinning slowly but when their eyes met, she saw no recognition in them. Naaalala pa niya no

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 2

    Five Years Later..."Mommy, are you leaving na?" Tanong ni ng apat na taong gulang na si Neo.Matamis na napangiti si Autumn bago tumango. Isang buwan palang magmula ng makauwi siya ng Pilipinas. After she got pregnant with Neo, agad siyang nagtungo sa Iceland para doon ipanganak ang anak nila ni Nicolo.Neon is a carbon copy of his father. Sa loob ng mga panahon na lugmok na lugmok na siya dahil sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Nicolo, Neo became her strength and her reason to continue living."Mommy will be gone for days pero I will call you parin. Will it be okay?" Malambing niyang anas habang nasa kandungan niya si Neo.Tumango naman ito at muli ng ibinaling ang atensyon sa laruan nito. Sa loob ng limang taon, tumigil siya sa pagtatrabaho sa ospital at iginugol ang buong panahon kay Neo. Ngayong nagbalik na siya sa Pilipinas, plano niyang bumalik na sa pagtatrabaho sa ospital lalo na't balak ng kanyang ama na ipamana sa kanya ang ospital.At bilang simula, plano niyang magsagawa

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 1

    "Sa ating nagbabagang balita... Isang malakas na pagsabog ang naganap sa isang experimental facility sa kanlurang bahagi ng Mindanao. Itinaas na ng militar na red alert ang buong lugar gawa ng kemikal mula sa laboratory na maaaring makasama sa sinumang makakalanghap o makakaamoy. Naitalang kasama sa nasawing ang grupo ng mga research pharmacist at mismong Master Sergeant na si Reon Nicolo Romanov kasama na ang buong team nito..."Hindi na narinig pa ni Autumn Quinn Gonzales ang iba pang sinabi ng reporter. Pakiramdam niya nanginginig siya sa takot at pag-aalala sa kanyang fiance na walang iba kundi si Nicolo. Bukas dapat ang uwi ng lalaki mula sa misyon na nakaassign para sa binata at sa team nito."Autumn!" Nag-aalala namang wika ng ama ni Autumn na si Rodolfo Gonzales nang makita niyang babagsak sa sahig ang kanyang anak.Mabilis na naalalayan ng kanyang ama si Autumn at pinaupo sa pinakamalapit na sofa. At dahil kasalukuyan silang nag-uusap tungkol sa isasagawang medical mission ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status