Compartir

Kabanata 5

Autor: Georgina Lee
last update Última actualización: 2026-01-12 21:28:23

"Diyos ko! Blackout! Ano ng gagawin natin?!" Nag-aalang wika ng mga mamamayan sa baryo na naroon sa loob ng barangay.

Inilinga ni Autumn ang mga mata sa dilim. Kahit na blackout, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagtatahi sa sugat ni Efren at baka maubusan na ito ng dugo.

"Wala bang generator dito, Kap?" Tanong niya.

"Wala po, Doc."

Nasapo niya ang kanyang noo. Hindi niya lubos akalain na hindi lang aspetong medical ang kakulangan sa lugar na kinaroroonan niya ngayon.

"May flashlight akong dala. Pwedeng ako na ang mag-aasist sayo habang ginagamot mo si Efren," presinta ni Dmitri.

Nakahinga siya ng maluwag sa kanyang narinig. "That's great! Magsimula na tayo!" Maawtoridad niyang utos.

Binuksan ni Dmitri ang flashlight na dala nito. Hindi iyon isang ordinaryong flashlight lang kundi kagaya ng tactical flashlight na ginagamit ng mga sundalo. Pero wala na siyang panahon pa para isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Mas mahalaga ang magamot niya ang sugat sa binti ni Efren.

Agad niyang tiningnang muli ang sugat sa binti ni Efren habang nasa kanyang likuran nakapwesto si Dmitri. Malalim ang sugat ni Efren at halos kita na niya ang buto nito.

"Hawakan mo ang clamp," utos niya.

Subalit hindi paman siya tapos sa pagtuturo kung saan banda ang iniuutos niya, agad na iyong hinawakan ni Dmitri na ikinasorpresa niya. Naalala niyang noong mga panahong nag-aaral siya, madalas siyang tulungan ni Nicolo sa mga practice sutures niya kaya maalam din ang lalaki sa surgery at sundalo pa ito.

Gayunpaman, muli niyang iwinaglit sa isipan niya ang naging kilos nito at ibinaling ang atensyon sa sugat ng pasyente. Kailangan niya iyong matahi bago paman mahuli ang lahat.

Habang maingat na tinatahi ni Autumn ang sugat ni Efren, naramdaman din niya ang paglapat ng matipunong dibdib ni Dmitri sa kanyang likuran dahilan para matigilan siya. Tila libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo niyang sistema at sandaling nakalimutan kung nasaan siya at ano ang sitwasyon na kinakaharap niya.

"Focus Doc..." Boses ni Dmitri.

Malalim at puno ng awtoridad. Tila nagising siya sa isang panaginip at napagtantong may mas mahalagang bagay pa pala ang dapat niyang atupagin kaysa sa nararamdaman niya.

Hindi nagtagal ay natapos din siya sa pagtahi sa sugat ni Efren sa tulong ni Dmitri. Kahit malamig na ang gabi ay pinagpapawisan siya hindi lang dahil sa pagliligtas niya sa isa sa mga mamamayan sa baryo kundi dahil sobrang lapit ni Dmitri sa kanya.

"Maraming salamat po, Doc. Pasensya na po kayo at wala akong malaking halaga ba maibabayad sa inyo," umiiyak na wika ng asawa ni Efren at nag-abot sa kanya ng five hundred pesos.

Mabilis siyang umiling at hindi tinanggap ang ibinigay ng babae. "Nandito po kami dahil nais naming magsagawa ng libreng panggagamot. Hindi niyo na po ako kailangan pang bayaran, Ma'am."

"Maraming salamat po talaga. Ang bait-bait niyo po. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung hindi kayo dumating dito sa baryo namin ngayong araw."

Tipid siyang ngumiti. Kakaibang saya ang nararamdaman niya sa tuwing may natutulungan siya. Agad siyang naglabas ng antibiotics na dala niya para iinumin ni Efren hanggang sa gumaling ang sugat nito. Nang masigurong ligtas na si Efren at tapos na ang trabaho niya, nagpaalam na siya sa Kapitan.

"Ihahatid ko na po kayo Doc," alok ng kapitan pero marahan siyang umiling.

"Hindi na po. Maraming salamat nalang. Malapit lang naman dito ang bahay," magalang niyang tanggi.

"Ako na po ang maghahatid sa kanya, Kap. Pauwi narin naman ako sa bahay" presinta ng isang pamilyar na boses.

"Mabuti pa nga kung ganun, Dmitri," agaran namang pagsang-ayon ni Lucio.

Bago paman makatanggi, dinampot na ni Dmitri ang kanyang bag at nauna ng lumabas kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang sundan nalang ang lalaki.

"Hindi ba magagalit ang asawa mo na nandito ka pa sa labas at ihahatid mo pa ako?" Tanong niya habang binabagtas nila ang madilim na daan at tanging ilaw lang na nagmumula sa flashlight ang liwanag.

"Bakit naman siya magagalit?" Kaswal na tanong ni Dmitri.

"Naisip ko lang. Hindi ba siya selosa?"

Mahina namang natawa ang lalaki. "Hindi po selosa ang asawa ko, Doc."

Napatango-tango siya. "Mabuti kung ganun. Malayo ka sa gulo."

Muling dumaan ang sandaling katahimikan sa pagitan nila hanggang sa naisip niya ang ginawa nito kanina dahilan para hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong.

"May alam ka ba sa surgery?"

Kahit na madilim ang daan, ramdam niyang lumingon sa kanya ang lalaki. Kaswal lang siyang nagpatuloy sa paglalakad habang hinihintay ang sagot nito.

“Bakit niyo naman naitanong.”

“Mukha ka kasing expert kanina habang tinutulungan mo ako.”

"Marami na akong napasukan na trabaho bago paman kami dumating ng pamilya ko dito. Nataon na naging helper ako sa isang clinic kung saan mga sundalong sugatan sa giyera ang mga ginagamot kaya may mga basic akong alam tungkol sa surgery."

Napatango-tango siya. Kaya naman pala ganun ang kilos ni Dmitri kanina. Hindi rin nanginginig ang kamay nito habang hawak ang flashlight kahit pa medyo matagal bago sila natapos. Idagdag mo pa na alam na alam nito kung saan ipapatama ang ilaw para maisagawa niya ng maayos ang pagtatahi. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit naroon sa Consolation ang lalaki gayong may maayos naman pala itong trabaho sa pinanggalingan nito.

"Maganda ang trabahong iyon, Dmitri, bakit kayo lumipat dito sa bukirin?"

"Masyadong mapanganib ang trabahong iyon, Doc. Baka mamaya madamay pa kami kung may barilan," sagot ni Dmitri.

She nodded again in response. Being a soldier is really a dangerous profession. Isang malaking patunay nun ang lalaking mahal niya na nasawi sa misyon nito.

Masyado siyang nalibang na kasama si Dmitri kaya't halos hindi niya namalayan na naroon na pala sila sa gate ng bahay na tinutuluyan nila.

"Maraming salamat sa paghahatid at pagtulong mo sakin kanina, Dmitri. Nailigtas natin ang buhay ni Efren," masaya niyang wika.

Tipid namang ngumiti si Dmitri. "Walang anuman, Doc. Ikinagagalak ko kayong matulungan."

Napangiti narin siya kasabay ng unti-unting pagbabalik ng liwanag sa buong barangay. At dahil umandar na ang ilaw, bumaha ang liwanag sa may gate kung saan sila kasalukuyang nakatayo.

Hindi niya mapigilan ang sarili na muling mapatitig sa mukha ni Dmitri. "Pwede ba akong magtanong?"

"Ano yun, Doc?"

"May kakambal ka ba, Dmitri?”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 5

    "Diyos ko! Blackout! Ano ng gagawin natin?!" Nag-aalang wika ng mga mamamayan sa baryo na naroon sa loob ng barangay.Inilinga ni Autumn ang mga mata sa dilim. Kahit na blackout, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagtatahi sa sugat ni Efren at baka maubusan na ito ng dugo."Wala bang generator dito, Kap?" Tanong niya."Wala po, Doc."Nasapo niya ang kanyang noo. Hindi niya lubos akalain na hindi lang aspetong medical ang kakulangan sa lugar na kinaroroonan niya ngayon."May flashlight akong dala. Pwedeng ako na ang mag-aasist sayo habang ginagamot mo si Efren," presinta ni Dmitri.Nakahinga siya ng maluwag sa kanyang narinig. "That's great! Magsimula na tayo!" Maawtoridad niyang utos.Binuksan ni Dmitri ang flashlight na dala nito. Hindi iyon isang ordinaryong flashlight lang kundi kagaya ng tactical flashlight na ginagamit ng mga sundalo. Pero wala na siyang panahon pa para isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Mas mahalaga ang magamot niya ang sugat sa binti ni Efren.Agad niyang tini

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 4

    Pagkatapos nilang maghapunan, isa-isa na silang namahinga sa loob ng kanilang silid. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakatago sa kanyang bag para sana tawagan ang Mommy Adela niya at kumustahin si Neo pero napabuntong hininga nalang siya nang makitang walang signal kaya naman napagpasyahan niyang lumabas ng silid saglit.Agad na bumungad sa kanya ang malamig na panggabing hangin. Inayos niya ang suot niyang makapal na jacket habang naglalakad para makahanap siya ng signal. She's afraid that her son would have a hard time sleeping dahil iyon ang unang beses na hindi siya nito kasama.Habang naglalakad siya, nakarating siya malapit sa may barangay at doon palang nagkaroon ng signal kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ina. Mabilis lang din naman siyang sinagot ng ginang sa kabilang linya."Bakit ngayon ka lang tumawag, Autumn! Nag-aalala na ako sayo. Akala ko napano ka na diyan!" Puno ng pag-aalala nitong wika.Mahina siyang natawa bago sumagot. "Relax kalang, Mommy. Maayos naman

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 3

    Pakiramdam ni Autumn tumigil sa pagtakbo ang oras. Nakatitig siya ngayon sa isang napakapamilyar na mukha. Ang mukhang ilang taon na niyang iniiyakan dahil sa pangungulila."Nicolo..." Mahina niyang sambit, sakto lang na marinig siya ng lalaki.Pero hindi ito lumingon sa kanya at nanatili lang ang atensyon kay Mateo. "Diba sabi ko sayo wag lalabas ng hindi nagpapaalam?" Masuyo nitong sambit."Sorry, Papa. Gusto ko lang ng tutubi kaya takbo ako dito," nakanguso nitong wika. "Galit po ba ikaw?Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Hindi naman. Nag-aalala lang si Papa," anito sabay buhat kay Mateo.At ang mas lalo pang dumurog sa puso ni Autumn ay ang paglapit ni Elara sa lalaki. "Hayaan mo na. Ang importante hindi naman siya napano. Tsaka si Doc Autumn naman ang nakakita sa kanya, at ginamot pa ang sugat niya," anito at iminuwestra ang kinatatayuan niya.Autumn felt like her world began spinning slowly but when their eyes met, she saw no recognition in them. Naaalala pa niya no

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 2

    Five Years Later..."Mommy, are you leaving na?" Tanong ni ng apat na taong gulang na si Neo.Matamis na napangiti si Autumn bago tumango. Isang buwan palang magmula ng makauwi siya ng Pilipinas. After she got pregnant with Neo, agad siyang nagtungo sa Iceland para doon ipanganak ang anak nila ni Nicolo.Neon is a carbon copy of his father. Sa loob ng mga panahon na lugmok na lugmok na siya dahil sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Nicolo, Neo became her strength and her reason to continue living."Mommy will be gone for days pero I will call you parin. Will it be okay?" Malambing niyang anas habang nasa kandungan niya si Neo.Tumango naman ito at muli ng ibinaling ang atensyon sa laruan nito. Sa loob ng limang taon, tumigil siya sa pagtatrabaho sa ospital at iginugol ang buong panahon kay Neo. Ngayong nagbalik na siya sa Pilipinas, plano niyang bumalik na sa pagtatrabaho sa ospital lalo na't balak ng kanyang ama na ipamana sa kanya ang ospital.At bilang simula, plano niyang magsagawa

  • Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)   Kabanata 1

    "Sa ating nagbabagang balita... Isang malakas na pagsabog ang naganap sa isang experimental facility sa kanlurang bahagi ng Mindanao. Itinaas na ng militar na red alert ang buong lugar gawa ng kemikal mula sa laboratory na maaaring makasama sa sinumang makakalanghap o makakaamoy. Naitalang kasama sa nasawing ang grupo ng mga research pharmacist at mismong Master Sergeant na si Reon Nicolo Romanov kasama na ang buong team nito..."Hindi na narinig pa ni Autumn Quinn Gonzales ang iba pang sinabi ng reporter. Pakiramdam niya nanginginig siya sa takot at pag-aalala sa kanyang fiance na walang iba kundi si Nicolo. Bukas dapat ang uwi ng lalaki mula sa misyon na nakaassign para sa binata at sa team nito."Autumn!" Nag-aalala namang wika ng ama ni Autumn na si Rodolfo Gonzales nang makita niyang babagsak sa sahig ang kanyang anak.Mabilis na naalalayan ng kanyang ama si Autumn at pinaupo sa pinakamalapit na sofa. At dahil kasalukuyan silang nag-uusap tungkol sa isasagawang medical mission ng

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status