Share

Fake Husband and Wife

last update publish date: 2026-08-21 21:22:39

Isang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang mainit at nag-uumapaw na kasunduan kung saan ay malayo sa sibilisasyon ng Maynil at malayo sa ingay at panghuhusga ng mundo, ang malamig na simoy ng hangin sa bundok ay lalong nagpainit sa ibinubukod nilang dalawampung araw.

Sa loob ng rest house, walang ginawa si Matthew kundi ang tuparin ang bawat pangako nito. Bawat sulok ng bahay, mula sa malawak na beranda na nakatapat sa fog, sa gilid ng fireplace, hanggang sa malaking kama sa master's bedro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abegail
Possessive… grabe huh?!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Mayor Tabi, akin si Daddy Matthew ko!

    NAGSIMULANG MAGBALOT ng ginintuang liwanag ang buong kabundukan ng Mountain Province habang dahan-dahang lumulubog ang araw sa likod ng matataas na pine trees. Dahil sa pagpasok ng hapon, lalong naging sariwa at presko ang hangin sa paligid, ngunit sa loob ng rest house ay may kakaibang init na naiiwan mula sa naganap na pagtatagpo nina Adeline at Matthew kanina sa sala.Dahil sa kagustuhan ni Adeline na magliwaliw at dahil na rin sa balita ni aling Maria na mayroong event sa plaza kaya niyaya niya agad si Matthew. Sa una ay ayaw nito dahil hindi naman daw ito nagpupunta sa mga ganoong lugar sayang daw ang oras. Pero dahil sa pamimilit ni Adeline ay sumama pa rin siya. Mayroong ginaganap na maliit na kapistahan at palabas sa sentro ng bayan, isang tradisyunal na pagtitipon ng mga lokal na residente kung saan may mga nagtatanghal ng katutubong sayaw, mga makukulay na palamuti sa kalsada, at hanay ng mga stall na nagtitinda ng iba't ibang pagkain at kagamitan.Nang makarating sila sa b

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   We will try

    “Kapag tayo lang dalawa hindi mo kailangan magpanggap na asawa mo ako lalo na ‘wag kang sweet alam naman natin pareho na nagpaplastikan lang tayo!” Sagot ko Natahimik si Matthew sa sinabi ko. Bahagyang lumuwag ang hawak niya sa aking kamay ngunit hindi niya pa rin ito ganap na binibitawan. Titig na titig siya sa akin, tila hinahanap sa aking mukha kung bakit biglang naging malamig ang aking pakikitungo sa kaniya kumpara kagabi."Let's go home," maikling utos niya. Ang boses niya ay bumalik sa pagiging dominante—ang matigas na Dr. Matthew na nakilala ng karamihan."Hindi pa tapos bumili si Aling Maria—""Ben will stay here and help Maria," putol ni Matthew sa aking sasabihin habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Matthew–” “Uuwi na tayo, Adeline!” muli niyang putol sa sasabihin ko. Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng palengke. Lumingon ako nang bahagya kay Aling Maria na mukhang nahihiya at nag-aalala sa nangyari, ngunit binigyan ko lamang ito ng isang mabilis na

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Avoiding him

    AdelinePAGKAGISING ko pa lamang ay masakit pa rin ang ibaba ng aking tiyan, hindi dahil sa pagod kundi dahil sa matinding kirot na natira sa aking dibdib. Sa tabi ko ay tahimik at payapang natutulog si Matthew. Ang kaniyang braso ay nakaparada pa rin sa aking baywang, ngunit para sa akin ngayon ay tila isang mabigat na tanikala.Tinitigan ko ang kaniyang guwapong mukha sa gitna ng malamlam na liwanag ng umaga. Ilang oras pa lamang ang nakalilipas nang haranahin niya ako nang napakalambing, ngunit mabilis din niyang ipinamukha sa akin ang katotohanan. “I’d much rather see you walk down the aisle as my son’s bride than ever have you as my real wife.”Ang bawat salitang iyon ay parang matalim na kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko. Hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip sa sinabi niya. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang kamay mula sa aking katawan nang hindi siya magising. Kailangan ko nang lumayo. Sa natitirang walong araw ng kasunduang ito, kailangan kong

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Don't fall in love with me, Adeline.

    PAGKAUWI nila ay agad na nagpahinga si Adeline upang pawiin ang pagod mula sa dalawang oras na pag-aani. Pagkatapos makapag-ipon ng lakas, dumiretso siya sa banyo para maligo at linisin ang sarili. Matapos magbihis ng isang simpleng white summer dress na presko sa katawan, umupo si Adeline sa tapat ng vanity table sa kaniyang silid sa ikalawang palapag. Tahimik at payapa ang paligid habang dahan-dahan niyang sinusuklay ang kaniyang basang buhok. Sa mga sandaling iyon, bahagyang gumagala ang kaniyang isip sa naging malamig na reaksyon ni Matthew kanina sa plantasyon. Hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isip ang takot na baka pagalitan siya nito kapag bumalik sila sa usapin tungkol kay Marky.Subalit sa gitna ng kaniyang pagmumuni-muni, biglang naputol ang katahimikan ng gabi.Isang mahinang strum ng gitara ang umalingawngaw mula sa labas ng kaniyang bintana. Kumunot ang noo ni Adeline. Sinundan iyon ng maindayog at pamilyar na ritmo na waring nagmumula sa ibaba ng bakuran.Bahagyang nakar

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Let The Love Begins

    Adeline"Senyorito Matthew! Ma'am Adeline!"Ang pamilyar na boses ni Mang Ben ang sumira sa bumabalot na naman sanang init. Mabilis na nabitin si Adeline habang mabilis na inayos ng doktor ang sarili. “Fvck!” napamura na lang si Matthew at hindi maitatago ang namumula niyang mga pisngi at ang hingal na hiningang pilit niyang pinapakalma. Si Adeline naman ay nagpakawala ng isang marahas at malalim na buntong hininga, bakas ang matinding kapootan sa kaniyang mukha dahil sa pagkakabitin. Gusto pa sana niyang kumandong kay Matthew pero may panira lang. “Buwisit!” “You okay?” nag-aalalang tanong ni Matthew. “Ah, oo. Medyo nabitin lang.” Sagot niya. Natawa si Matthew sa pagiging prangka niya. Nakalapit na ang mag-asawwang tauhan sa kanila at walang bakas ang ginawa nila kanina. “Kayo po pala.” Keming saad ni Adeline. "Niroronda ko lang po ang bakod sa gawing itaas, ma’am," nakangiting bati ni Mang Ben. "Gusto niyo po bang ipasyal ko kayo sa pinakamalawak na taniman ng mga bulaklak s

  • Riding My Father-in-Law (Tagalog)   Day - 10 (Wild and Vulgar)

    MATAPOS ang mainit at lantarang pagseselos ni Matthew kaya minabuti niyang yayain ito mamasyal upang palamigin ang mainit nitong ulo. Dinala siya ni Matthew sa pinakadulo ng kaniyang ari-arian, sa isang malawak na pribadong plantasyon ng mga sariwang gulay at mga bulaklak na napaliligiran ng matataas na puno ng pine at makapal na hamog.Sa gitna ng patag na lambak na iyon ay nakatayo ang isang lumang wooden stable kung saan nananatili ang ilang magagandang uri ng kabayo na pagmamay-ari ng pamilya Fraser."M-Marunong kang mangabayo?" manghang tanong ni Adeline habang nakatingin kay Matthew na ngayon ay nakasuot ng itim na leather jacket, maong, at riding boots. Lalo itong mukhang guwapo at pabalat-bunga ang kakisigan sa gitna ng malamig na hangin ng Cordillera."I grew up coming here during summers, baby," sagot ni Matthew sa mababang boses. Saka nito nilabas mula sa kwadra ang isang matangkad, makintab, at itim na kabayo. "This is Shadow. Siya ang paborito kong kabayo rito."Napakur

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status