Hubo’t hubad na pinapanood ni Adeline ang napaka-hot niyang biyenan habang naliligo ito at siya naman ay binabayo ng patalikod ng boyfriend niya.
Walang kaalam-alam si Marky sa direksyon ng mga titig ni Adeline dahil sa malabo nitong paningin kapag walang salamin sa mata. Ang buong atensyon ng dalaga ay nakapako kay Dr. Matthew Fraser—ang may-ari ng ospital kung saan siya nag-i-intern, at ama ni Marky. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang matangkad, maputi, at guwapong doktor na may katawang sadyang pang-romansa. Dahil gawa sa malinaw na salamin ang shower stall kung saan ito naliligo, kitang-kita ni Adel ang bawat detalye ng kabuuan nito.
Napalunok ang dalaga habang napapansin ang labis na kalakihan ng k*****a ng doktor—isang bagay na malayang-malayo sa sukat ni Marky na tila pang-elementary lamang. Iyon ang dahilan kung bakit kahit anong pagpilit ng nobyo ay hindi man lang siya makaramdam ng tunay na kaligayahan.
Habang patuloy ang ginagawa ni Marky, lihim na nagwawala ang damdamin ni Adel. Gustong-gusto niyang lumingon si Dr. Matthew sa kanyang kinaroroonan at mahuli siya, ngunit tila wala itong anumang pakialam sa mundo. Nang matapos itong maligo, pinagmasdan na lamang ng dalaga ang likod ng doktor hanggang sa tuluyan na itong lumabas at umalis ng banyo.
Saka lamang nakahinga nang maluwag si Adel nang makaalis ang doktor. Nagmadali silang mag-ayos ng sarili ni Marky dahil patapos na rin ang kanilang shift. Mabilis niyang hinugasan ang kanyang katawan, naghilamos, at inayos ang kanyang uniporme bago sila lumabas ng banyo na tila walang anumang nangyari.
Sa labas, biglang nagsimulang magising ang mga nurse na natutulog sa quarters. Nagkagulo sa paligid at mukhang natataranta ang mga staff habang nagmamadaling nag-aayos ng mga chart at nag-aasikaso ng kung ano-anong bagay.
"Anong nangyayari? Bakit parang nagpapanic ang lahat?" tanong ni Adel sa isang kasamahang nurse.
"Adel, hindi mo ba nabalitaan? Dumating kanina ang mismong may-ari ng ospital!" sagot ng nurse habang nagmamadaling nagre-touch ng makeup.
"Ganoon ba?"
"Si Dr. Matthew Fraser. Kararating lang niya mula sa London at kahit ang head nurse ay nagulat sa biglaang pagbisita."
"Oh," maikling tugon ni Adel.
Biglang hinila ni Marky ang baywang ng dalaga palabas, habang bakas ang labis na katuwaan sa mukha ng kanyang kasintahan.
"Ano ba, Marky... katatapos lang natin saka dumating daw ang may-ari ng—"
"Babe, tara! Isasama kita," masiglang putol ni Marky habang hinihila siya. "Wala akong kaalam-alam na darating si Dad mula sa London ngayon. Diretso siya rito sa ospital galing airport. Perpektong timing para ipakilala kita sa kaniya bilang fiancée ko!"
Biglang naramdaman ni Adel ang matinding kaba, ngunit nagpatianod pa rin siya sa kasintahan. Habang naglalakad sila patungo sa pangunahing opisina ng administrasyon, pinaghalong takot at pananabik ang bumalisa sa kanyang dibdib. Ito na ang pagkakataon niyang harapin ang makapangyarihang may-ari ng prestihiyosong pribadong ospital na iyon—na siya ring ama ng lalaking papakasalan niya.
Nang marating nila ang harap ng opisina, pormal na binuksan ni Marky ang p***o.
"Dad!" tawag ni Marky.
Isang matangkad at napakagwapong lalaki ang dahan-dahang humarap mula sa swivel chair nito. May hawak itong fountain pen, at ang simpleng puting T-shirt na suot nito ay lalo lamang nagpalitaw sa nag-uumapaw nitong kakisigan at matinding atraksyon.
Subalit sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Adel ay tuluyang nawasak ang kanyang mundo. Gusto niyang lamunin ng lupa nang buhay dahil sa matinding gulat at kahihiyang biglang bumuhos sa kanya.
"Siya 'yung lalake kanina. Siya pala ang daddy ni Marky?"