Share

Chapter 5 [Crossed Path]

-Rain's point of view -

"Ma'am Raine, saan po natin ilalagay ang mga bagong dating nating stocks?"

Napalingon ako kay Rhea; isa sa mga matagal ko ng empleyada dito sa botique. We are all busy at kanya kanya muna kami ng mga duties. Marami kasing dumating na bago naming stocks, bukod pa sa mga disenyong pinatahi ko.

Yes, gaya ng mommy ko, nakahiligan ko na ding magdisenyo ng mga damit. Tila iyon ang iniwan niyang pamana sa akin. And I always miss her, lalo na kapag nagdidisenyo ako.

"Sa tingin niyo?" Tumingin ako kay Rhea at kay Hera. I always asked for their suggestions para sa ikagaganda ng botique. I treat them as a family. "Will it be okay kung ililipat natin ang mga damit na nasa malapit sa counter at doon natin ilagay ang mga new stocks? Para mas madali nilang mapapansin? Or do you have any suggestions?"

"Huwag na lang po doon, ma'am Rain." Agad na sagot ni Hera at tumingin sa paligid, naghahanap ng puwesto para sa mga bagong stocks. "Kung i-usog na lang po natin ng konti ang mga dresses sa corner na 'yon." Turo nito sa may malapit sa gitna ng botique. "I-priority po natin ang mga new stocks na dumating at mas lalo na po ang mga newly designs niyo po. Mabebenta naman po sila, saka para na din po iyon ang center of attraction."

Ilang beses na nilang sinusuhestiyon iyon sa akin, pero iyon at iyon ang lagi kong tinatanggihan. Okay na kasi sa akin na makita ang mga gawa ko na nabebenta. Even if I don't get credits for it. Kadalasan kasi hindi na nagtatanong ang mga namimili kung sino ang designer. And makikita naman nila sa tag na orihinal ito na gawa ng botique.

" Kahit saan naman siguro natin ilagay mga gawa ko, kung talagang may bibili... may bibili talaga." I smiled. "Pero parang sasang ayon ako sa inyo for now. Lalo na ang theme ng mga newly stocks natin, e, mga pangsummer get aways."

"Tumpak! Then, consider it done, ma'am Raine." Sumaludo pa ito sa akin at iniwan si Rhea na busy pa din sa pag aayos ng mga damit. Nilayasan na agad niya ako, natatakot atang magbago pa ang aking isipan. Lahat sila ay naging kaibigan at naging pamilya ko na dito sa botique. They are all efficient when it comes to work. Maaasahan talaga sila, mapatrabaho man o out of work ang usapan.

Napangiti at napailinh na lang talaga ako at pinagpatuloy na ang ginagawa. Kung hindi lang siguro kami busy na lahat, baka nagdadaldalan kami at nagkukuwentuhan ng kung anu-ano.

Tumahimik na ang buong paligif dahil kanya kanya na kami ng inaasikaso. A moment later, the door suddenly swung open and a beautiful woman in sexy dress came in. Her smile is captivating. Ang ganda nito ay nahahanay sa mga modelong napapanood monh rumarampa sa mga fashion shows. Such a beauty.

"Good morning, ma'am." Rhea greeted with a smile.

"Do you have party dresses here?" Lumingon lingon ito sa paligid. "An elegant dress that would fit me."

"Meron po kami, Ma'am. This way po..."

Handa na itong i-assist ang magandang binibini sa section ng hinahanap nito when the door opened.

"What do you prefer, babe?"

Nagtama ang tingin namin ng lalakeng pumasok. Hindi ko maalis ang aking mga mata sa pagkakatitig sa kanya.

"Anything you like, just go and find a lovely dress that fits you. I will be here." He said but his eyes are glued to me.

Para siyang nakakita ng multo, the way he look at me. Ilang taon din ang lumipas ng huli ko siyang nakita. And here he are, infront of me, standing like he own this place. Ang taong ilang taon kong iniwasan at hiniling na hindi na makaharap pa.

"Rain..." The way he called my name, there's something in it. Hindi ko na halos napansin ang paglapit nito. Ni hindi nagbago ang kanyang hitsura sa mga nakalipas na taon. "Where have you been? Bakit bigla kang nawala? Bakit hindi na kita nakita pagkatapos ng gabing iyon? How are you? "

Napakurap-kurap ako sa mga sunod sunod niyang tanong. I look at him clueless. Alam ko sa sarili ko kung ano ang tinatanong niya, but I prefer not to answer. Para saan pa? That was long time ago and it was buried.

Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong ballpen and act naturally. He's a customer after all, kaya dapat lang na kausapin siya ng maayos kahit labag sa kalooban ko.

"Excuse me, how may I help you?" Magalang na saad ko, ignoring his questions.

"Hinanap kita sa lahat ng lugar na pinupuntahan mo. Inaabangan kita lagi sa bawat klase mo. Lagi akong dumadaan sa bahay niyo, pero hindi na kita nakita pa. Saan ka nagpunta? Bakit hindi mo man lang ako hinintay na magising? "

Napairap ako sa kawalan. Hindi ba niya maintindihan na ayaw ko ng pag usapan ang matagal ng naibaon sa nakalipas? Hindi ba uso sa kanya ang salitang moved on?

Jusko! Ang dami niyang tanong at naririndi na ako.

" Excuse me, Sir, may hinahanap rin po ba kayo?"

"Nahanap na kita kaya wala na akong hahanapin pa." I rolles my eyes again.

"Just stop. Hindi ito ang oras ng mga paganyan mo, Mr. Valentino. Nasa trabaho ako at ayokong mawalan ng trabaho just because of you. So, if you'll excuse yourself, you may leave now."

"No. Sagutin mo ang mga tanong ko. Bakit mo ako iniwan ng gabing iyon? Did I not satisfy you----"

"Ssshh!" Naalarma ako sa sinasabi niya. Gosh! Kailangan pa ba talagang ipaalala ang mga iyon? Ayoko nang pag usapan pa ang nakaraan dahil ang magalaga na lang sa akin ngayon ay ang hinaharap. Past is past. "You shut your mouth, Mr. Valentino. Kung wala kang hiya sa sarili ko, pwes ako mayroong hiya. Matagal ko ng naibaon sa limot ang mga alaalang iyon at kung maaari, ayoko ng pag-usapan pa iyon. Just get lost and never come back. Hindi ka welcome sa mundo ko. "

Nakita ko ang pagbalatay ng lungkot at sakit sa kanyang mga mata.

"Just talk to me."

Sumasakit na ang ulo ko sa kanya. Ano ba ang hindi niya maintindihan sa ayaw ko ng makipag usap sa kanya? He's such a pain in the ass. Wala pa rin siyang pinagbago.

"Busy ako at marami akong mas dapat unahin. So, if you'll excuse yourself, you can leave and never come back."

"No. I won't leave until you talk to me. Matagal na panahon kitang hinanap at ngayon nasa harapan na kita... I won't risk that opportunity now. You have to deal with me first. Kahit anong gawin mong pagtataboy sa akin, I will not leave." Desidido ang kanyang boses.

" Umalis ka na, Harve. Wala kang mapapala. Saka wala naman tayong dapat pag usapan," pagmamatigas ko.

"D*mn it, Rain!" He cursed.

Umani tuloy kami ng atensiyon mula sa girlfriend nito at sa mga empleyado ko. Napasilip din si Fanny mula sa stock room. Ganoon kalakas ang sigaw ng lalakeng nasa harap ko.

Napahilot ako sa aking sentido.

"How dare you curse at me, Harve." Sinalubong ko ang titig nito. "Mind your own business. Huwag kang manggulo dito sa teritoryo ko, kung ayaw mong ipadampot kita sa mga pulis." babala ko na tinawanan niya lang.

"You won't dare, Rain. You will not." May ngisi ito sa kanyang labi na inismiran ko.

"Sigurado ka? Hindi mo ako kilalang mabuti, Mr Valentino. Kung ako sa 'yo, aalis na ako. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko."

"Hangga't hindi mo ako sinasagot nang maayos, hinding hindi ako aalis dito. Dare me, Rain. Dare me..."

"What's happening here, babe?" His gf asked while looking at me intently. Inpinulupot pa nito ang kamay sa braso ng lalake at hinaplos haplos iyon. Gone with those sweet smile, ngqyon ay tila pinapatay na ako sa kanyang tingin.

Tsk.

"Nothing," he answered, still looking at me. "Let's talk outside."

Nakahinga ako nang maluwag nang lumabas na silang dalawa ng botique. Akala ko ay aalis na sila, pero nasa labas lang talaga sila at nag uusap. Halatang nagtatalo na sila. Napapikit ako at bigla ring napamulat nang may sumistsit sa akin. Nabungaran ng aking mga mata si Rhea na titig na titig sa akin pati ang dalawa. Naghihintay ata na sabihin ko kung ano ang nangyayari.

Inilingan ko sila and mouthed 'back to work to them" na agad naman nilang sinunod.

Bumagsak naman ang balikat ko nang magwalk out ang babae at mabilis na bumalik sa loob si Harve.

"Now, let's talk."

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko? Let me clear myself to you, Mr. Valentino, I won't talk to you and will never be. Umalis ka na at huwag ka ng babalik pa." Halos ipagdiinan ko ang bawat salitang binanggit ko. Baka sakaling maitatak nito sa kanyang isipan at maliwanagan siya.

"Let me tell you this." Dumukwang ito at ngumiti nang nakakaloko sa akin. "I maybe a pain in the ass, but I know when to be a good man. Hindi mo ako mapapaalis hangga't wala akong naririnig na sagot mula sa 'yo. At kahit ilang milyong beses mo pa akong ipagtabuyan--- hinding hindi ako aalis. Magiging buntot mo ako---"

"Mommy! Mommy!" The familiar voice of the twins echoed inside the botique. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Sabay pa kaming napatingin ni Harve sa bagong dating na kambal at sa yaya nito.

Mabilis silang tumakbo palapit sa akin at hinalikan ako bago niyapos nang mahigpit na yakap.

"A-anak mo?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status