Share

CHAPTER 8

Panay ang agos ng luha ko habang nakasakay sa kotse at binabaybay ang daan papunta sa trabaho ko. Kanina pa tanong nang tanong si Kuya Benjie sa akin kung ayos lang daw ba ako pero hindi ko siya sinasagot at panay lamang iling ko. Nag-aalala siyang tumitingin sa akin sa rearview mirror habang nagmamaneho.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinupunasan ang luha ko.

Gano'n lang ba talaga ako kabilis saktan? Gano'n ba talaga ako kawalang halaga para sa iba? Alam ko namang hindi ako gusto o mahal ni Callum dahil napilitan lang siguro siyang pakasalan ako. Dahil lang siguro sa kompanya niya. Kaya hindi ko siya masisisi kung . . . maghanap siya ng init sa ibang babae.

"Nandito na ho tayo, ma'am." Napakurap-kurap ako at mabilis na inayos ang sarili bago lumabas ng kotse.

Ni hindi na ako nakapagpasalamat kay Kuya Benjie sa paghatid niya sa akin, basta ay lumabas ako at dire-diretso ang lakad papasok ng building. Binati pa ako ng guwardiya pero hindi ko mabati pabalik dahil samu't-
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status