Romeo and Julius

Romeo and Julius

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-25
Oleh:  A.P. MorganTamat
Bahasa: English
goodnovel18goodnovel
10
13 Peringkat. 13 Ulasan-ulasan
212Bab
44.6KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Romeo, the youngest son of the king of vampires, and Julius, the crown prince of werewolves, mortal enemies in a war that has lasted 200 years, meet for the first time at college and discover that they are soulmates. The denial, the attempt at rejection, does not overcome the matebond that binds them, leaving them lost between the war, the obvious opposition of the species, and the hatred that the kings feel for each other. Like a Romeo and Juliet from the fantastic world, could the two overcome the inevitable tragedy, transforming the story of their lives into a true romance where love can conquer all?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1 - Unexpected soulmate

Prologue

"Bes, samahan mo muna ako sa CR please?" 

Napaangat ako nang ulo nang marinig ang sinabi ni Irish. Napanguso ko siyang tinignan.

"Nasa'n ang yaya mo? Sa kaniya ka na lang magpasama," sabi ko at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Abala ako sa pagdadrawing nang bigla siyang pumasok at tumabi sa upuan ko para lang magpasama sa banyo.

"Hindi ko makita si yaya Rosa eh," 

"May ginagawa pa 'ko, Irish. Mapapagalitan tayo ni ma'am kung hindi natin 'to tatapusin," 

"Hindi 'yan. Sige na balik tayo agad promise," aniya.

Tumigil ako sa pagkukulay nang puno at nilingon siya. Nakanguso niya akong tinignan at nagpapaawa pa talaga ang kaniyang mukha.

Napabuntong hininga ako.

"Sige na nga. Nakakainis!" Reklamo ko.

Malapad siyang ngumiti. Mabilis siyang tumayo at lumabas nang classroom. Iniwan ko na muna sa mesa ko ang drawing book ko bago ako sumunod kay Irish.

Malapit lang naman ang banyo sa room namin kaya mabilis lang kaming nakarating. Hinintay ko si Irish sa labas ng cr. 

Ilang sandali lang ay lumabas na siya sa banyo. Humarap siya sa malaking salamin do'n at nagsimulang ayusin ang sarili.

Pinanood ko lang siya kung paano niya ayusin ang kaniyang sarili. Sa murang edad namin ni Irish nakikita kong lalaki siyang habulin ng mga lalaki.

Sa edad na anim ay hubog na hubog na ang katawan niya. Maganda rin ang hugis ng kaniyang mukha at kahit anong ayos mo sa kaniya at lilitaw pa rin talaga ang taglay niyang ganda.

"Trixie, halika ayosan kita, bilis!" 

Napabusangot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Ayoko. Ikaw na lang," tugon ko at sumandal sa may pinto ng banyo.

Napanguso naman siya.

"Bakit ba ayaw mong magpa-ayos?"

"Eh, sa ayoko lang talaga,"

"Kahit kailan talaga para kang lalaki. Hmp, ewan ko sa'yo. Sige ka, hinding-hindi ka talaga magugustuhan nang crush mo paglaki natin!" Pagmamaktol niya.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa damit ko.

Napanguso ako nang makita kung gaano ako kabihis panlalaki.

Pumasok ako sa loob ng banyo at tinignan ang sarili sa harap ng salamin. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makita ko ang aking kabuuan.

Ang buhok ko ay sobrang ikli na hanggang tenga lang ang haba, ang uniform ko ay sobrang luwang sa akin hindi katulad ng kay Irish na sobrang fit. 

Imbes na school shoes ang gamitin ko ay tennis ang suot ko ngayon. Maraming itim na bracelet ang nakasuot sa pulso ko kompara kay Irish na tanging isang bracelet lang ang meron sa kamay niya.

Masyadong girly si Irish kompara sa akin. Mas lalo pa akong nagmumukhang lalaki dahil sa suot kong sombrero na itim.

"Kita mo na, Trixie? Ang baduy mong manamit," ani ni Irish.

Sinulyapan ko siya sa salamin at napanguso na lang. 

Pangit ba 'ko?

Hanggang sa makabalik kami ni Irish sa room ay naging palaisipan sa akin ang sinabi niya at ang sariling tanong.

Gano'n ba talaga ako ka baduy manamit? Hindi ba talaga ako magugustuhan nang taong gusto ko kung ganito ang itsura ko?

Hindi naman itsura ang basihan kapag gusto mo ang isang tao 'di ba? Nasa katangian naman iyon hindi sa panlabas na anyo.

Natapos ang klase namin na nanatiling nakabusangot ang mukha ko. Hindi ko nga alam kung natapos ko ba ng maayos ang drawing ko or hindi. 

Basta ang alam ko ay nakatulala na ako simula nang makabalik kami galing banyo.

"Trixie, tara sali tayo sa kanila," 

Napabalik lang ako sa sarili ko ng biglang hablutin ni Irish ang braso ko at kinaladkad ako sa park ng school.

Nakakunot ang noo ko sa kaniya at handa na sana siyang singhalan nang tawagin kami ng pamilyar na mga boses.

"Irish!"

"Trixie!"

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nang boses.

"Sali kayo sa'min!" 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Irish at sabay na napangiti. Tumakbo kami palapit sa kinaroroonan nina Ace, Re-re at ni Kai-kai. 

"Anong nilalaro niyo?" Tanong ko nang makalapit kami sa kanilang pwesto.

Nakaupo sila ng pabilog sa damuhan kasama ang iba nilang kaklase na babae at lalaki. 

"Naglalaro kami ng spin the bottle, Trixie," ani ni Trisha na kaklase nila.

"P'wede kaming sumali?" Tanong ni Irish dito.

Tumango naman si Trisha kaya agad akong hinablot ni Irish paupo sa damuhan. Tuluyan na kaming nakisali sa laro nila.

"Ace, ano game ka ba?" Dinig kong tanong ni Re-re kay Ace.

Napalingon ako sa gawi nito at nakita kong napakamot siya sa kaniyang ulo habang nakanguso.

"Fine! I have no choice," anito kaya napatawa kaming lahat.

Nagsimula ang laro at hindi ko akalain na masaya pala 'yon. Ngayon lang kasi ako nakasali sa ganitong laro na truth or dare. Pero pamilyar naman sa akin ang larong spin the bottle.

No'ng unang spin ng bottle ay kay Kai-kai tumama ang bote kaya agad siyang tinanong nang mga kasamahan namin. Dare ang pinili nito kaya natawa kami nang sinunod niya ang iniutos ni Re-re sa kaniya.

Tumakbo lang naman siya sa park dito sa school ng dalawang beses. Kaya ayon pagdating niya sa pwesto namin ay hingal na hingal na siya.

Ang sunod na naging biktima ay si Irish. Tinanong lang siya kung sino ang crush nito dahil truth ang pinili niya. At hindi naman siya nahiya nang sabihin niyang si Re-re ang crush niya.

Alam naman naming lahat kung gaano niya kagusto si Re-re kaya hindi na iyon naging big deal pa sa'min. Kahit si Re-re ay alam ang tungkol sa bagay na iyon.

Kahit kailan talaga bilib ako sa katapangan ng loob ni Irish. Kaya niya kasing sabihin sa lahat kung gaano niya kagusto ang isang tao.

Well, hindi rin naman dapat ikinakahiya ang isang katulad ni Irish. Sa ganda ba niyang 'yon.

"Trixie, ikaw na!"

Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako at no'ng kumurap ako ay nakita kong nakatitig na silang lahat sa akin. 

Bumaba ang tingin ko sa bote. Tama nga sila dahil sa'kin nakaturo 'yon.

Napabuntong hininga ako.

"Truth or dare?" 

Tinignan ko si Irish nang tanungin niya 'ko. Pinaningkitan ko siya ng mata nang makita na tila nang-aasar siya sa tanong niyang 'yon.

"Truth," sagot ko hindi na pinansin ang nang-aasar niyang mukha.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at saktong tumama 'yon kay Ace na ngayon ay nakatitig na sa akin. Mabilis akong napaiwas nang tingin sa kaniya dahil nakaramdam ako ng kakaiba.

"Hmm... sabihin mo sa harap naming lahat kung sino ang taong nagugustuhan mo," 

Natigilan ako sa narinig. Napabalik ang tingin ko kay Irish. Nakatingin siya sa akin ng inosente samantalang ako ay biglang nanlamig sa hindi malamang dahilan.

"H-ha?" 

Parang nawala ako sa aking sarili at hindi magawang i-sink in sa utak ang sinabi niya.

Ngumiti si Irish sa akin.

"Sabi mo sa akin may nagugustuhan kang isang tao kaya p'wede mo bang sabihin sa harap namin ngayon kung sino siya?" 

Kumalabog nang sobrang bilis ang puso ko. Wala sa sariling kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa kabang nararamdaman.

Napatingin ako sa kanilang lahat at pare-pareho silang nakatitig sa akin na animo'y hinihintay ang sagot ko.

Napayuko ako at napapikit. Napahugot ako nang malalim na hininga bago nagmulat nang mga mata.

Dapat ko na bang sabihin? Pero... nandito siya. Nandito sa harap ko ang lalaking gusto ko. Paano na 'to?

"Trixie, bilis! Naiinip na kami oh," 

Mas lalo akong kinakabahan sa pagmamadali ni Irish kaya napaangat ako ng ulo at sinamaan siya ng tingin.

"Sandali," sagot ko. 

Huminga ulit ako ng malalim at tinapangan ang sarili.

"Ang lalaking nagugustuhan ko ay walang iba kundi si..." 

Automatikong natuon ang mga mata ko kay Ace. Nakita ko ang panlalaki nang kaniyang mga mata at ang marahan niyang paglunok. 

Halata sa mukha niya ang pagiging balisa.

Napalunok na rin ako. M-may alam kaya siya? 

"Sino? Ano ba 'yan ang taga---

"Walang iba kundi si Ace!" Malakas kong sambit at napapikit.

Biglang tumahimik ang paligid. Walang akong narinig na kahit anong ingay. Parang may dumaan na isang bagyo. 

Ang puso ko ay sobrang lakas nang tibok. Kulang na lang ay kumawala ito sa dibdib ko.

Nang hindi ko na makayanan ang katahimikan sa paligid ay roon na ako napamulat nang mga mata.

Saktong tumama agad 'yon kay Ace at nakita ko ang biglaang pag blangko ng kaniyang mukha. Nakatitig siya sa akin pero wala akong mabasang kahit na anong emosyon.

At sa hindi malamang dahilan ay parang nasaktan ako roon.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at mabilis na tumayo. Handa na sana akong umalis doon para mailigtas ang sarili sa kahihiyan nang matigilan ako sa sinabi ni Ace.

"Hindi kita gusto. Hindi ko kayang gustuhin ang isang katulad mo. At kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan, Trixie."

Kasabay nang pagbitiw niya ng salitang iyon ay ang pagka durog ng puso ko.

To be continued...

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Komen

user avatar
Renee Shupe
I absolutely loved this book!!! I wish there was more!!!
2025-04-03 02:55:07
1
user avatar
Bellaboy
I really loved reading this book. Great work here. Also remember to check out " My Gay Sugar Daddy Is A Priest". It's a true story of what actually happened to me, but nevertheless, this book was mind-blowing. Keep it up ...
2025-01-16 01:07:48
0
default avatar
Happiness
Good book I really love this
2024-10-03 10:22:58
1
user avatar
Mathapelo Jane
Your book is amazing. I'm in chapter 174 and already wanting to cry because is soon ending.nice work ...
2024-09-26 23:17:46
1
user avatar
Renee Shupe
I really love this story. Will there be a continuation picking up where this one left off?
2024-09-08 05:45:25
2
default avatar
Brianna
Amazing book. A lot of humour. Love the story.
2024-05-24 02:38:10
3
user avatar
tj hart
well written. great plot.
2024-05-23 22:44:15
3
user avatar
Mamake Sham
The twists and turns are awesome..thank you for keeping us updated
2024-02-20 15:21:32
4
user avatar
peter lawford jr
awesome book
2024-02-06 09:02:05
2
user avatar
Mamake Sham
so far so good...am so hooked and I love the flow of the book.. I am looking forward for frequency in updates though...it's a great read
2024-02-03 05:58:03
2
user avatar
Deezory
First chapter already got me hooked...
2024-01-20 20:39:10
3
user avatar
Antinéa LOISEAU
Loved this book, amazing story. Will there be a sequel with Matthew's love story?
2024-09-27 06:08:28
2
user avatar
Magdalena Thorén
Loves this book!! Existing, amazing and a thrilling story! So sad that it’s ended.
2024-08-04 22:37:02
2
212 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status