Share

Kabanata 13

Author: blackbunny
last update Last Updated: 2025-07-20 20:14:32

BUSOG na busog ngayon si Lovi nang maubos na niya ang kanyang pagkain. Halos maubos din niya ng mag-isa ang iniinom niyang 1982 Lafite Rothschild na wine na inorder niya kanina.

Maya-maya lang ay inaya na siyang ihatid ni Andrew pauwi dahil nakikita nitong medyo lasing na nga siya.

Inalalayan siya ni Andrew hanggang sa makarating sila sa tapat ng kotse niya.

“No need to send me off. I have a business trip tomorrow, and I have an appointment later, remember?... Saka, ayokong madumihan mo ang kotse ko. Naiintindihan mo ba?!” sigaw ni Lovi kay Andrew habang tinuturo niya ito pero natatawa lang ito sa mga pinagsasabi niya.

Naparami nga ang inom ni Lovi kanina ngunit hindi naman talaga siya na lasing. Nanaig pa rin ang katinuan niya. Ginagawa niya lamang ito upang hindi niya makasabay sa pag-uwi si Andrew. Wala siyang pakialam kung mag-taxi ito pauwi.

Napabuntong-hininga si Andrew at sumunod naman ito sa sinabi niya. Kinuha nito ang susi ng kotse ni Lovi mula sa maliit nitong bag, at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 59

    Pagsapit ng biyernes, nakilala na nilang lahat ang bagong manager sa branch office. Si Justine Peres ay sa publicity department, at si Jenna Martinez naman sa design department.“Akala ko ba galing sa department natin?” naguguluhang tanong ni Lovi kay Lira habang nasa may gilid silang dalawa nakatayo.Awkward na napangiti si Lira. “Baka mali ang chismis nila sa akin.” sagot naman ni Lira bago ito nagpaalam kay Lovi na magbabanyo muna.Bumaba si Easton para batiin silang dalawa ng pormal.Sa loob ng dalawang linggo, nakita na ulit ni Lovi si Easton. Halata rin sa mga mata nito ang pagod. Mukhang ilang araw na itong walang maayos na tulog.“Ms. Jenna, your office is over here.” sabi ni Assistant Ren, at sumunod naman sa kanya si Jenna.Huminto si Easton sa may tapat ng workstation ni Lovi, at hindi na siya sumunod kina Assistant Ren papunta sa bagong office ni Jenna.Si Lira na kababalik lang ay nagulat nang makita niyang may isang lalaking umupo sa upuan ni Lovi, kaya dali-dali siyang

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 58

    Sumunod si Lovi sa matanda papasok sa loob at pinaupo siya nito katabing upuan ng matanda. Namamangha na inilibot ni Lovi ang kanyang tingin sa buong paligid dahil ang linis-linis sa loob. Lahat ng mga gamit sa paggawa ng mga damit ay talagang nakalagay sa tamang lalagyan.“Gusto mo ba ng tsaa o kape na lang?” tanong nito sa kanya.“Huwag na, grandpa. Hindi na rin ako masyadong nagkakape ngayon eh.” tugon niya.“Ganoon ba? How about juice? May juice kami riyan, apo.” ngumiti ito sa kanya.“Sige po, juice na lang, grandpa. Saan po nakalagay ang juice? Ako na po ang mag—” hindi na natapos ni Lovi ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang matanda. “Ako na. Kaya ko pa naman, saka bisita kita. Sige na apo, maupo ka na lang diyan.” Wala ng nagawa si Lovi dahil tumayo na ito at lumabas.Nang makabalik na ang matanda, may dala na itong dalawang baso ng orange juice. Medyo mabagal na ang lakad nito kaya tumayo na si Lovi upang tulungan ang matanda. “Ako na po, grandpa. Maupo na po kayo

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 57

    Kinaumagahan, nagising si Lovi dahil sa ingay ng alarm clock. Tumingin siya sa paligid, ngunit hindi niya nakita si Easton.Bumangon siya at napatigil nang makita niya ang kanyang suot. Bigla niyang naalala ang katawa-katawang bagay na ginawa niya kagabi, at nakaramdam siya ng labis na kahihiyan.Pagkatapos niyang gawin ang kanyang morning routine, dinampot na niya ang kanyang bag at bumaba na siya para mag-almusal.Nagtanong siya sa kasambahay tungkol kay Easton, ngunit hindi raw ito bumalik ngayong umaga.“Ibig sabihin lumabas siya kagabi? Saan naman kaya siya pupunta? Kasama ba niya si Renato?” mga tanong ni Lovi sa kanyang sarili.Dali-dali niyang binuksan ang kanyang cellphone ngunit wala siyang nakitang kahit isang tawag man lang o text galing kay Easton.Walang ganang kumain si Lovi kaya inubos na lamang niya ang isang basong gatas bago siya umalis.Pagkarating niya sa kompanya, agad siyang pinaulanan ng tanong ni Lira.“Lovi, naturukan ba iyang eyebags mo? Bakit ang lusog nama

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 56

    Pagkarating nila sa villa, agad na kinuha ng isang guwardiya at ng kasambahay ni Easton ang kanilang mga gamit, at dumiretso na sa loob ng kanilang kuwarto si Lovi. Maya-maya lang ay sumunod din sa kanya si Easton.“I’m sorry, Easton.” biglang sabi ni Lovi pagkatapos niyang magbihis.Napakunot naman ang noo ni Easton na tumingin kay Lovi habang tinatanggal nito ang kanyang suot na kurbata.“Why are you apologizing to me? Nagbago na ba ang isip mo? Babalikan mo na ba siya?” tanong nito sa kanya.“No.” Umiling naman si Lovi.“That’s good.” aniya.“Be… be careful, okay? I’m afraid he’ll cause you trouble, and he’s a stalker.” Lumapit si Lovi kay Easton at tinulungan niyang tanggalin ang kurbata nito.Noon, gustong-gusto ni Lovi ang pagiging matiyaga ni Andrew sa panliligaw sa kanya. Handa itong habulin siya kahit matagal, pero ngayon, medyo natatakot na si Lovi kay Andrew, dahil sigurado siyang hindi siya nito basta-basta bibitawan at tatantanan.Awtomatikong napapikit si Lovi nang bigla

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 55

    IT was already past ten o’clock in the evening when the plane landed.Nag-usap muna saglit sina Easton at Assistant Ren bago umalis si Assistant Ren. Nauna na rin kanina na umalis sina Secretary Shai at Director Diaz, kaya silang dalawa na lamang ni Easton ang naiwan sa labas ng airport.Pinadalhan na rin ni Lovi ang kanyang ina ng mensahe na safe silang nakabalik ng pinas.Habang may tinitingnan si Lovi sa kanyang cellphone, napatingin naman si Easton sa lalaking biglang nagpakita sa kanilang harapan.“Do you want to talk to him? Or, you’ll let me punch his fucking face here?” tanong ni Easton kay Lovi. Nagtataka naman na napatingin si Lovi kay Easton at agad niyang sinundan ang tinitingnan nito.Awtomatikong kumuyom ang isang kamao ni Lovi, at ang isa naman niyang kamay ay mahigpit na napahawak sa kanyang cellphone habang masama niyang tinitigan si Andrew.“I’ll wait for you in the car?” tanong sa kanya ni Easton.Tumango naman si Lovi at ngumiti siya kay Easton. “I’ll handle this.”

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 54

    (Flashback)Nang magtagpo ang tingin nina Lovi at Easton, saktong tumunog din ang cellphone ni Easton.Sabay rin silang napatingin sa cellphone ni Easton. Isang unknown na numero ang tumatawag ngayon kay Easton.Hinintay ni Lovi na kunin nito ang kanyang cellphone, ngunit hindi iyon nangyari kaya napatingin si Lovi kay Easton.“Hindi mo ba sasagutin?” tanong niya rito.“I’m lazy… please answer it for me.” sabi nito sa kanya.“Ohh… okay.” Masiglang tumayo si Lovi at lumipat siya sa tabi ni Easton bago niya kinuha ang cellphone nito na patuloy pa rin sa pagri-ring.Umurong ng kaunti si Easton upang bigyan ng espasyo si Lovi, at silang dalawa ay nagsiksikan sa iisang sofa na hindi ganoon ka haba. Para silang magkasintahan na bagong lipat ng bahay.Sinagot ni Lovi ang tawag, at akmang ibibigay na sana niya kay Easton ang cellphone nito nang bigla itong umiling, kaya siya na lamang ang humawak sa cellphone nito.“Easton,” boses ng isang babae ang bumungad kay Lovi mula sa kabilang linya, a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status