LOGINPagkalipas ng maraming taon, nagtagpo silang muli.Sa libu-libong pagkakataon na dapat sana ay naging masaya sila, sa loob ng wedding room na binuo nila, naghintay si Zoe ng napakaraming gabi. At sa bawat gabing 'yun, binigo siya ni Elijah—paulit-ulit, walang tigil.Natupad ang hiling niya noong bata siya na magkita silang muli, pero si Elijah mismo ang dumeretso sa pagdurog nito gamit ang sarili niyang mga kamay.Hindi sinisisi ni Elijah ang kahit sino, maging si Athena. Sarili lang niya ang kaniyang sinisisi. Bakit ba kasi sa loob ng mahabang panahon, ramdam niyang hindi tugma ang ugali ni Athena sa batang babaeng nasa alaala niya, pero naniwala pa rin siya dahil lang sa isang jade pendant? Naghanap pa siya ng libu-libong dahilan para kunsintihin ang lahat ng maling gawa ni Athena.Nung nahanap ni Elijah ang glass bottle na ito kagabi, parang gusto na niyang mabaliw sa sobrang pagsisisi.Napayuko si Zoe habang tinititigan ang boteng hawak ni Elijah. Bakas dito na iningatan ito nang
Pagkarinig na pagkarinig ni Mariana sa sinabi ni Zoe, tila sumabog ito sa galit. "Kapag itinuloy mo pa ang pambabastos na 'yan, isusumbong kita kay Cassandra! Itatanong ko kung anong klase ba ang tinuruan niyang estudyante, at bakit parang mas naging demonyo ka pa matapos mong makipag-divorce!"Dati, ang pinakakinakatakutan ni Zoe ay ang mga pagbabanta ng mga taong ito. Kailangan pa niyang timbangin nang maigi ang bawat kilos niya, dahil baka sa isang maling galaw ay pag-initan siya at ang mga taong malapit sa kaniya.Pero sa pagkakataong ito, hindi lang siya hindi natakot—nagawa pa niyang tumawa. "Sige, ituloy mo. Ituloy mo 'yan, at sinisiguro ko sa 'yo na bago matapos ang gabing ito, kalat na ang lahat ng baho ng pamilya Alcantara."Hindi ito pananakot lang. This is war.Sino ba silang dapat katakutan? Akala mo naman kung gaano kalinis ang konsensya ng mga Alcantara.Nanggigigil na hinampas ni Mariana ang upuan ng sasakyan. Habang inuutusan ang driver na bilisan ang pagpapatakbo, ma
Nakita ni Jack na naging open si Zoe kay Nanay Soling, kaya hindi na siya sumingit at hinayaan na lang ang dalawa.Nanlaki naman ang mga mata ni Nanay Soling. Agad niyang inalalayan si Zoe na maupo nang maayos. "Buntis ka? Kailan pa? Naku, nasa first trimester ka pa lang pala, kailangan mong mag-ingat. Hindi pa stable ang baby sa unang tatlong buwan."Habang nagsasalita, napatawa ang matanda sa sarili. "Tignan mo nga naman ako, nakalimutan kong doctor ka nga pala."Sa totoo lang, halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Nanay Soling. Masaya siya para kay Zoe, pero nalulungkot din siya dahil alam niyang ang stinky boy niyang apo ay mukhang wala talagang swerte sa ganitong biyaya.Ngumiti si Zoe habang sinasagot ang mga bilin nito. "Bago pa lang po, kagabi ko lang din nalaman. At kayo po ang kauna-unahang nakalam." Stable naman po ang lagay ko, kaya 'wag po kayong mag-alala.""Mabuti naman kung ganoon, mabuti naman."Agad na hinikayat ni Nanay Soling ang dalawa na kumain. "Kain na kayo!
Bumalik sa huwisyo si Zoe. Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ni Jack, agad niyang sinunggaban ang phone niya at binuksan ang isang delivery app.Nanginginig ang mga daliri niya habang nagta-type.Maging si Jack ay napatulala nang makita ang inorder ni Zoe. "Seryoso ba? Buntis ka talaga?"Alam ni Jack kung gaano kagaling si Zoe pagdating sa medisina, kaya hindi na niya kinuha ang pulso nito para magduda.Pagkatapos mag-order, tumingala si Zoe na tila wala sa sarili. "Chineck ko ang pulso ko, positive. Pero uminom ako ng emergency pill nung gabing 'yun, 'di ba? Pinanood mo pa nga akong uminom."Kahit uminom ng contraception, may maliit pa ring chance. But this is just crazy.Tumango si Jack. "Oo, bumaba pa nga ako para bumili niyan sa 24-hour pharmacy."Naalala ni Jack nung gabing bumalik si Zoe galing sa bahay ni Nathaniel. Matapos silang mag-inuman, biglang naalala ni Jack ang tungkol sa proteksyon kaya kahit hatinggabi ay tumakbo siya sa baba para bumili ng gamot.Dahil tahim
Nang inihain na ang mga pagkain, napansin ni Doña Soledad na sa pito o walong putahe, halos kalahati ay seafood. Alam na niya agad ang laro ng panganay niyang si Beatrice. May boiled mantis shrimp, abalone na may scallion oil, steamed blue crab, at seafood porridge. Pinanood nila si Zoe habang kumakain ito ng bawat isa nang walang pag-aalinlangan. Sandaling dumaan ang disappointment sa mga mata ni Doña Soledad, pero hindi pa rin tumigil si Beatrice. Sa kaniyang boses na seryoso pero hindi naman mataray, nagtanong siya: "Dr. Zoe, marami ka bang pasyente na allergic sa seafood?" "Quite a few po," tapat na sagot ni Zoe habang kumakain. "Seafood allergy is actually one of the most common." Noon kasi, may seafood allergy si Zoe nung bata pa siya. Pero dahil sa galing ng kaniyang master, ginamitan siya nito ng espesyal na gamot at acupuncture hanggang sa gumaling siya nang tuluyan. Mula noon, wala na siyang hindi pwedeng kainin. Bago pa makapag-usisa uli si Beatrice, pinutol na siya ni
"Totoo nga." Tinitigan ni Nathaniel ang kawalan, may kakaibang dilim at lamig sa kaniyang mga mata. Noon, kahit si Madam Rebecca ang may hawak ng alas sa pamilya Mendoza, hindi magiging ganoon kadali para sa kaniya ang magpagalaw ng isang buong sindikato. Sa huli, lahat ng hinala niya ay bumabalik kay Ramon. Matapos makulong ni Ramon, mukhang sinalo ni Madam Rebecca ang impluwensya nito, at doon siya naging kampante at mapangahas. Pero pagkatapos ng shootout pitong taon na ang nakalipas, biglang naglaho ang grupong ito—parang bula na itinago nang maigi. Sa loob ng maraming taon, nanahimik sila. "Masamang balak ang dala ng taong 'yan. You need to keep a close eye on Zoe's safety," babala ni Winston. "Kung kailangan, lumayo ka muna sa kaniya. Sa ngayon, the enemy is in the shadows, and we're in the open. Tignan muna natin kung anong trip niya at bakit siya gumagawa ng ganitong ingay." "Kung susubukan niyang kumonekta uli sa lola mo, siguradong tutulungan niya itong agawin ang kontr
"Yes, Boss!"Mabilis na tumalikod si Louie. Hindi na siya nagtanong dahil alam niyang bawat segundo ay mahalaga. Kailangang mahanap ang kanyang Ma'am Zoe.Biglang sumabat si Athena, kahit nanginginig ang boses. "Mr. Nathaniel, baka naman hindi lang ma-contact sandali, huwag naman sana nating gawing
Napansin din ni Athena ang kakaibang ikinikilos ni Nathaniel. Noon niya lang nakitang ganoon ka-desperado ang lalaki—na personal pang pinamunuan ang paghahanap sa bawat floor ng hotel. Ang aura nito ay nakakatakot, na tila ba si Zoe lang ang tanging mahalagang tao sa mundo para sa kanya.Napaka-swe
Natawa si Zoe at tinulungan si Jacob Santos sa pag-aayos ng mga plato. "Salamat, Kuya Jacob."Alam ni Zoe na master sa kusina si Jacob. Tuwing bumibisita sila sa teacher nila, si Jacob ang laging naka-toka sa pagluluto bilang junior. Sa mesa, may anim na ulam at isang mainit na sabaw—bawat isa, amo
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba."Napangisi si Nathaniel sa narinig, na tila ba isang biro ang hiling ni Elijah. Sa buong Maynila, kilala siya bilang isang Living King of Hell—walang sinasanto at walang pinapatawad.Hindi akalain ni Elijah na magiging ganito katigas ang dating kapatid.Muk







