Share

Kabanata 4.2

"Hindi kita boyfriend."

Kumunot ang noo niya saka tumalikod. Bumalik siya doon sa couch at nilagok ang alak.

Tumiim ang bagang ko. Nakialam siya sa tawag ko kanina. Alam niyang si Argen ang kausap ko kaya ganoon ang asal niya. Dati pa lang, mainit na talaga ang dugo niya kay Argen kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kaibigan ko lang iyon. Ngayon alam na ni Argen na kasama ko siya. Ayaw ko namang isipin niya na may sakit ang anak ko tapos nasa bahay pa ako ni Caius. Ayaw kong mag-isip siya ng marumi kahit na wala naman kaming ginagawang kung ano. 

You'll sleeping with me tonight.

Sinabi pa niya iyon! Talagang mag-iiba ang iniisip ni Argen. Dapat na talaga akong umuwi.

"Walang break-up na nangyari sa 'ting dalawa."

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Mula sa lamesa, lumipat ang tingin niya sa akin. Tuwid ang pagkakalapat ng kaniyang labi at madilim ang mga mata. Pairap na inalis niya ang tingin sa akin para balingan ang bas

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status