Share

Runaway With You
Runaway With You
Author: JustALittleGirl07

Chapter 1

Ari

Napatakip ako ng labi ko ng makita ko ang ginagawa ni Ate Arielle kasama ang lalaki na sanang makakasama kong humarap sa altar mamaya. Paano nila nagawa sakin 'to? Nakaupo si Ate Arielle sa mga hita ni Anton habang ang hudyo naman ay naka upo sa upuan at nakahawak sa bewang ni ate.

"After ba ng kasal n'yo ni Ari, tayo pa rin ba?" Mapangakit na sabi ni Ate Arielle kay Anton na siyang Fiancée ko. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makahinga at parang natuod na ako sa kinatatayuan ko. Anong ginawa ko sa kanila para gawin nila sakin 'to? I thought close lang sila dahil nobyo ko si Anton noon at ngayong ikakasal na kami ay mas lalo silang naging close na ikinatuwa ko pa dahil walang magiging problema si Anton sa pamilya ko. Pero... Nagkamali ako. Hindi lang simpleng closeness ang meron sila.

They are cheaters...

Ang sama nila. May luha ang mga mata ko na binuksan ko ang pintuan at pumasok ako. Parehas silang napatingin at nagulat ng makita ko silang dalawa.

"Ano ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanila at binigyan sila ng masamang tingin.

"Ari! It's not what you-"

"No, she should know the truth. Pero kahit pa malaman niya ang totoo ay wala siyang magagawa kundi ang ituloy ang kasal," sabi ni Ate Arielle na may kasamang ngiti. Lumapit siya kay Anton at niyakap ang braso nito at inihilig ang ulo sa balikat nito. "We both know that you love him soo much! Ayun nga lang, mas mahal niya ako kesa sa iyo. Well, just marry him and let's share him at least win-win tayong pareho, diba?"

"N-Naririnig mo ba ang sinasabi mo ate?" nalilito at nagugulang tanong ko kay ate. Nasa tamang pagiisip ba siya? To suggest that kind of thing- it's unacceptable!

"What? Ayaw mo? You're so greedy, Ari!" nakangusong sabi ni ate sakin. Tinignan ko siya ng masama.

"Anong tingin mo kay Anton? Laruan?" Teka bakit ba ako nakikipag usap pa sa kanila? Sinasayang ko lang ang oras ko sa kanila. Kung gusto nilang magsama, fine! Magsama silang dalawa! LIKE I CARE! "Magsama kayong dalawa, na mga walanghiya kayo! You cheaters! Go to hell!" Binarahan ko sila ng talikod at agad na umalis ako sa lugar na 'yon. Sa isa sa mga kilalang  fuction halls ng building na 'yon ang lugar kung saan mangyayari ang dapat na kasal namin ni Anton. Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga taong nandoon ng lumabas ako at hulas ang make Up ko dahil sa mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Nagulat pa ang mga magulang ko nang makita ko pero agad kong nakita ang galit sa mukha nila lalo na sa mukha ni Mama. Lumapit siya sakin at binulungan ako.

"Anong ginagawa mo? Bakit ganyan ang ayos mo? Nakakahiya ka! Kailangan bang-"

"I'm calling off this marriage!" Pag deklara ko at agad akong lumabas ng function hall na 'yon at tumakbo palayo. Akala ko ang araw na 'yon ay para sakin! Ako ang bida at masaya ako dahil sa wakas, makakasama ko ang lalaking akala ko ay para sa akin. Hindi pala... parang pinagsakluban ako ng langit at lupa! Hinayaan ko na maglandas lang ang mga luha ko sa pisngi ko. Palabas na sana ako ng building ng may makabanggaan ako at napaupo sa sahig. This day is the worst!

"Hey, watch where you-"

"WAAAAAAAAHHH!" Hindi ko na napigilan ang umiyak ng sobra. Ano bang ginawa ko para mangyari sakin 'to? Naging mabuti naman akong anak. Ginawa ko ang lahat ng gusto ng magulang ko kahit na sa mata nila ay napakagaling ni ate sa lahat. Minsan ay naitatanong ko sa sarili ko kung mahal ba talaga nila ako o hindi. Pero eto ang pinaka nakakalungkot na araw para sakin.

"Oy, stop cry-"

"HUHUHUHU." Umiiyak lang ako at wala akong pakielam sa paligid. Alam ba nila ang pinagdadaanan ko? Alam ba nila ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon? I bet they don't know! They thought that every bride is happy on their wedding day, but not all. I am a wailing bride afterall. Alam ko na natataranta na ang taong nasa harap ko. Dahil sa pagiyak ko pero hindi ko talaga mapigilan.

"Miss, don't cry please?" narinig kong sabi niya. Humihikbing napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang isang lalaki na may hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha. Hindi ko alam kung galit siya or nagalala pero alam ko na nangingibabaw ang kagustuhan niyang patigilin ako sa pag-iyak.

"Hindi ko... mapigilang... umiyak... ang sakit-sakit ng ginawa nila sakin..." Patuloy akong lumuluha. I am soo broken, wala akong malalapitan dahil ang lahat ng kaibigan ko ay iniwan ko para lang kay Anton. I have no one to turn to since my parents is not that supportive of me. Parang ako pa ang kontrabida sa kanila. Hindi ko sila nakakitaan ng pagmamahal simula ng magkaisip ako. Palaging si ate Arielle na lang. Kailan nila ako yayakapin para sabihin na 'Okay lang 'yan, anak.'

"Do... Do you want to leave this place?" Humihikbing napatingin ako sa taong nasa harap ko. Seryoso ang tingin niya sakin. Agad akong tumango. Nagulat ako ng bigla niya akong kinarga na pangkasal. "Hold on to me," sabi niya na agad ko din namang ginawa. Nakita kong pinagtitinginan kami ng mga tao kaya napatagi ba lang ako ng mukha ko sa kaniyang dibdib. Wait! Kanina pa ba ako umiiyak sa harap ng maraming tao? Nakakahiya! "It's going to be okay. Kung gusto mo umiyak para maibsan ang sakit sa puso mo, gawin mo lang." Napatingin ako sa kaniya. Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa nilalakaran niya habang naglalakad palabas ng building.

For him to say that, to a person who he doesn't know. He's soo nice and soo cool! Pinapasok niya ako sa kotse niya at agad na pinasibad ang kotse paalis ng lugar na 'yon. Ang lugar kung saan ang pinaka aasam-asam kong happy ending with Anton na naging isang bangungot sa buhay ko. Kung hindi lang dahil sa taong 'to na nagmagandang loob, ay hindi ako makakaalis doon sa lugar na 'yon.

Pero tama ba talagang sumama ako sa kaniya?

Kinabukasan, nagising ako na kasama ko siya sa isang higaan sa isang hotel na walang saplot sa katawan kaya napatingin ako sa katabi ko at nagulat ako ng makita ko ang lalaking tumulong sakin kagabi. Wala na akong matandaan pagkatapos ng pagpunta namin sa isang lugar sa Antipolo kung saan tanaw namin ang sa overlooking ang mgakumikislap-kislap na mga ilaw sa nagtataasang building at mga bahay. Did we? Napahawaka ako mukha ko at napasigaw.

"AAAAAAAHHHHHHHHHH!"

JustALittleGirl07

At last! I'm finished rewriting the chapters. I hope you like it!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status