Share

Chapter 2

Geoffre

Nagulat ako ng biglang may sumigaw kaya napupo ako at biglang may unan na humampas sa mukha ko.

"Ikaw! Pinagkatiwalaan kita tapos- tapos-" Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Wait? When did I- nevermind. Kilangan kong pakalmahin ang babaeng galit na galit.

"Wait! Wait! Promise I didn't do anything! Calm down!" sabi ko habang pino-protektahan ang sarili ko habang hinahampas niya ako. "Kumalma ka nga, Ari!"

"Wait! How did you know my name?" Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. Nakita ko na may pagdududa sa mata niya at pagkalito.

"Because you told me your name last night, also, walang nangyari satin kaya kumalma ka." Pero parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"E bakit wala na akong damit? At bakit katabi kita sa pagtulog?" Napakamot ako ng ulo.

"I don't remember sleeping on the bed but trust me, I never laid a hand on you. Also, sinukahan mo ang wedding dress mo. That is why I ask an attendant to remove the dress from you. Nag-ask din ako ng damit pero dahil nakatulog dahil na rin sa kalasingan kaya hindi ko na nakuha," sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga ako. Nakita ko ang pagkunot noo niya.

"I can't remember anything." Napangisi na lang ako. Kaya di talaga pwede uminom ang mga taong heartbroken, talagang nakakalimot sa mga nangyari.

"Anyway, I assure you nothing happened between us. Kaya kumalma ka. Also, if you're going to ask me why I am not wearing my clothes it's because... you also vomit on my clothes." Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya napangisi na lang ako. Itinukod ko ang siko ko sa binti ko at tumingin sa kaniya. "Why? Do you prefer spending a night with me?"

"Asa!" Natawa lang na lang ako sa sinabi niya.

"Okay, I'll tell you what happened-"

Yesterday~

Dinala ko siya sa Antipolo Overlooking park at doon niya ipinagpatuloy ang pag-iyak na ginawa niya kanina sa function hall buildings. Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang pumasok sa isip ko at isinama ko siya? Pero kasi hindi ko siya kayang iwan ng ganoon ang sitwasyon niya, parang ako 'yung may kasalanan kahit hindi naman ako.

"Ang sama nila," narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa kaniya. She's wearing a bride dress but she's crying on her wedding dress. Could it be that her groom is cheating on her? Well, I won't know if I don't ask but it's not really my business. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya. It's supposed to be my bestfriend's wedding and I am the best man but here I am... I went out the place kasi akala ko okay na ako pero mali pala ako. I am still not okay. There is still pain in my heart. Masakit pa rin na kahit na maayos kaming naghiwalay na dalawa ng ex kong si Clara at maayos na nagsabi sakin ang bestfriend kong si Kevin about sa mararamdaman niya sa ex ko pero kahit na, masakit pa rin. Kahit na sinubukan kong magbulag-bulagan pero wala pa rin. But the only thing I can do is to accept it. Mahal nila ang isa't isa at hindi ako isang kontrabida para pigilan ang kasiyahan nila. Tumingin ako sa babaeng katabi ko umiiyak pa rin siya at mugto na ang mga mata.

"Alam kong masakit ang nangyari sayo kahit hindi ko alam kung anong totoong nangyari pero ypu should take a break. There is a reason why it happened." Humihikbing tumingin siya sakin at muntikan na akong mangiwi dahil sa itsura niya. Para siyang Tarsier dahil sa itim na nakaplibot sa mata niya pero buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

"Reason? Hindi ba dahil malas lang ako?" Ngumisi ako at umiling.

"No, it's because I believe that God prepare a person for us that we can be with for the rest of our lives. It's just that, iyong taong papakasalan mo dapat ay hindi iyong taong ibinigay niya sayo." Nakatingin lang siya at pinunansan ang luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"I see. Parang alam na alam mo ang dapat gawin," sabi niya. Napatawa ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin sadyang ayun lang ang iniisip ko. Alam mo na, it's like a kind of motivation. There are soo many fishes in the sea," sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na tumango siya at um-agree sa sinabi ko.

"Tama ka, hindi lang si Anton ang lalaki sa buong mundo. May mas mabait at mas loyal pa sa kaniya," sabi niya at tumango. Ngumiti ako at tumango.

"Nice, nice! Good mindset!" Sabi ko sa kaniya at tinapik siya sa likod. Napatingin siya sakin at napakunot noo.

"Ikaw din ba?" tanong niya sakin. I was caught off guard. Hindi ko siya kaagad sinagot. "Ikaw din ba na may minahal ka pero napunta siya sa iba?"

"Gusto mong uminom?" Pagiiba ko ng topic. Napatingin siya sa overlooking at tumango.

"While you're at it, can you also get me some wet wipes and a tissue," sabi niya. Tumango ako at nagpunta ako sa malapit na convinience store at bumili ng mga beers at wet wipes at tissue gaya ng sabi ng babae. I didn't expect to bring someone here but I guess having someone to be with instead of being alone is a good thing. Pabalik na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Si Greg, isa sa mga kaibigan ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag.

“Greg, what’s up?” casual na bati ko pagsagot ko ng tawag.

“Anong ‘Greg, what’s up?’ nasan ka na ‘tol? You said you’re just going to the restroom? Magda-dalawang oras ka nang nawawala!” Ibinaba ko sa malapit na table ang mga binili ko at napasuklay ako ng buhok ko.

“Well, may nangyari lang.” Hindi ko sasabihin na talagang umalis ako dahil hindi ko nakayanan ang sakit. It’s sounds cowardly lalo na para sakin pero hindi naman ako pusong bato para hindi makaramdam ng sakit.

“Where are you, Geoffre? Kevin’s been asking about you. Hinahanap ka daw ni Clara.” Hindi ko napigilan mapaismid. Bakit siya hinahanap ni Clara?

“Bakit naman ako hahanapin ni Clara? Anyway, I don’t want to hear anything about them anymore.”

“Nasasaktan ka pa rin ba? Akala ko okay na kayo?” Napabuntong hininga ako.

“I need to get going. Let’s talk later, Greg. Bye.”

“Ge-“ Agad kong pinutol ang tawag at huminga ng malalim. Naglakad na ako pabalik at nakita kong nakaupo pa rin ang babae kung saan ko siya iniwan kanina. Napalingon siya at nakita ko na nangislap ang mga mata niya nang makita ako.

“Akala ko umalis ka na at iniwan mo ako dito.” Ngumisi ako at umiling.

“No way! Dinala kita dito kaya kargo kita. Here, the wet wipes and the tissue.” Ibinaba ko sa tabi niya ang mga binili ko. Agad niyang kinuha ang wet wipes at tissue.

“Sorry, wala akong dalang pera but I can pay you back once I get back my things,” sabi niya sakin na may kasamang ngiti. Muntikan na naman akong mapangiwi dahil sa itsura niya.

“Yeah sure. Pero sige na punasan mo na ang mukha mo.” Tumango siya at ginawa naman niya. Kumuha ako ng canned beer sa plastic bag at binuksan ito para inumin. Maya-maya ay natapos na siya tanggalin ang make-up sa mukha niya at nagulat ako ng makita ang kaniyang maamong mukha. Hindi ko mapigilang mapakurap ng ilang beses. I suddenly got pissed. Why? Sinong loko ang ipagpapalit ang magandang babaeng ‘to sa iba?

“Thanks for this again. Wait! Hindi ko pa pala nakukuha ang pangalan mo. Hi, I’m Ari Mendiola.” Itinaas niya ang kamay niya para makipag kamay na agad ko naman tinanggap.

“I’m Geoffre Cruz, nice meeting you, Ari.” Ngumiti siya. Parang nakangiti rin ang mga mata niya. She’s cute and at the same time, beautiful. I can feel my cheeks burn. She’s much more beautiful than Clara.

“Nice Meeting you too, Geoffre!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status