Share

Kabanata 10

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-09-18 23:56:12

Hindi inaasahan ni Magnus na masasaksihan niya ang ganitong eksena ng mag-ama. Hindi niya inakalang Si Irina ay anak din pala ni Yael. Namangha siya sa katapangan ni Yamila.

Muling nagsalita si Yael. Nagngingitngit na ito sa galit. “Kung hindi mo ko tinuring bilang ama mo, kaya kitang patalsikin sa pamilyang ito!”

Isang ngiti lang ang gumuhit sa labi ni Yamila

“Talaga?”

Lalong namula sa galit si Yael. Ni hindi niya man lang nakitaan ng takot si Yamila sa kaniyang babala.

“Baka nakakalimutan mo, hindi ka dapat masyadong kumpiyansa sa sarili mo. Mali ang akala mo sa kakayahan mo.” dagdag ni Yamila.

“You–”

Napasinghap si Yael. Kahit anong pilit niyang itago halata ang kanyang kaba. Kahit sa harapan ni Magnus, wala siyang mukhang mailalaban.

“Yamila!“ nanginginig ang tinig niya.

“Magkadugo kayo ni Irina sa ayaw mo o hindi!”

Natawa ng mapait si Yamila.

“Magkadugo? Kung pagiging anak sa labas lang naman ang ambag niya para matawag kong kapatid, walang saysay sa ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 10

    Hindi inaasahan ni Magnus na masasaksihan niya ang ganitong eksena ng mag-ama. Hindi niya inakalang Si Irina ay anak din pala ni Yael. Namangha siya sa katapangan ni Yamila. Muling nagsalita si Yael. Nagngingitngit na ito sa galit. “Kung hindi mo ko tinuring bilang ama mo, kaya kitang patalsikin sa pamilyang ito!” Isang ngiti lang ang gumuhit sa labi ni Yamila “Talaga?” Lalong namula sa galit si Yael. Ni hindi niya man lang nakitaan ng takot si Yamila sa kaniyang babala. “Baka nakakalimutan mo, hindi ka dapat masyadong kumpiyansa sa sarili mo. Mali ang akala mo sa kakayahan mo.” dagdag ni Yamila. “You–” Napasinghap si Yael. Kahit anong pilit niyang itago halata ang kanyang kaba. Kahit sa harapan ni Magnus, wala siyang mukhang mailalaban. “Yamila!“ nanginginig ang tinig niya. “Magkadugo kayo ni Irina sa ayaw mo o hindi!” Natawa ng mapait si Yamila. “Magkadugo? Kung pagiging anak sa labas lang naman ang ambag niya para matawag kong kapatid, walang saysay sa ak

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 9

    Nang magtama ang tingin nila ni Magnus, puno ng panlilibak at galit ang mga mata ni Yamila. Para bang isang mapurol na sibat ang biglang tumusok sa dibdib ni Magnus nang makita niya ang naglalarong emosyon sa mga mata ng babae. Hindi siya sanay. Tatlong taon niya itong pinabayaan, trinato na parang wala. At kahit minsan, hindi siya nakakita ng ganitong klaseng galit sa mga mata nito. Pero ngayong gabi… ibang-iba. May halong poot. May halong pagkamuhi. Tahimik lang si Magnus. Malamig ang kaniyang titig na walang imik. Ngunit sa ilalim ng kaniyang tahimik na anyo, ramdam niya ang malamig na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kaniya. “Magnus, halika. umupo ka. Kilala mo na pala si Celeste?” Masigla at halos sobra ang pagiging magiliw ng tono ni Yael. Ngunit halata ang kaniyang intensyon. Habang nagsasalita siya, panaka-naka ang sulyap niya kay Yamila. Tila ba sinasadya niyang iparamdam ang insulto sa anak. “Mmm. Well, Irina saved my… sister.” Kaswal lang ang tono ni Ma

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 8

    Hawak-hawak ni Yael Marasigan ang kamay ng dalagang nasa tabi niya, bahagyang nahihiya ang ekspresyon sa mukha nito bago tumingin kay Yamila. “Inyayahan kitang pumunta ngayon dahil gusto kong ipakilala sa’yo ang kapatid mo, si Celeste Irina De Vera. She's your sister, Yamila. Dalawang buwan lang ang pagitan ninyo kaya alam kong magiging komportable ka sa kaniya.” Kapatid? Sa wakas nabasag ang malamig na ekspresyon ni Yamila, ngunit nanatiling mariin ang pagkakatikom ng kaniyang mga labi. Matagal na niyang alam na may ibang babae si Yael, kung sino-sino na rin ang nali-link sa kaniyang ama. Ngunit ni minsan hindi ito nagdinala ng babae o ng anak nito sa labas sa kanilang bahay para pormal na ipakilala sa kanila. At ngayon… Anong ibig sabihin nito? “Mr. Marasigan, nagkakamali ka yata,” malamig ngunit matalim na sambit ni Yamila. “Hindi ko matandaang nagluwal pa ng ibang anak ang mommy ko bukod sa akin. Saan mo naman nakuha ang basurang ‘yan? Kakauwi ko lang at ito agad ang

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 7

    Pagkatapos ng duty, gusto na lang sana ni Yamila umuwi at makalimutan ang lahat. Pero paglabas niya ng ospital, bumungad si Warren sa pintuan, nakangiti at nakatayo parang body guard. “Mrs. Esquivel,” bati nito. Napakunot lang ng noo si Yamila at halatang hindi natutuwa sa biglang pagsulpot ng sekretaryo ni Magnus. “Warren, what suddenly brought you here? And please, wala na kami ni Magnus. Huwag mo na akong tawaging ganiyan." “Okay, madam, I’ll remember it.” Ngumiti si Warren pero halata sa tono niyang hindi siya seryoso. “Madam, please this way. Mr. Esquivel is waiting for you in the car.” Napabuntong hininga na lang si Yamila. Wala na siyang enerhiya para makipagtalo. Imbes na sumama, dumiretso siya sa sariling parking space, ni hindi man lang nilingon ang itim na BMW na nakahimpil sa gilid. “Madam…” humabol si Warren, pero sinalubong siya ng matalim na tingin ni Yamila kaya napatigil ito, hindi na alam kung susundan pa ba siya o hindi. Pagpasok niya sa sariling

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 6

    Muling bumulusok ang bigat sa dibdib ni Magnus. Mariin ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay sa hawakan ng pinto. Nagtaka si Yamila nang mapansing hindi gumagalaw ang tao sa may pinto. Kaya tumingala siya. Halos manlumo siya sa kinauupuan nang makaharap niya ang tao mula sa pintuan. Nang nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas, iniisip niyang posibleng magkita sila ni Magnus. Pero hindi niya akalaing ganito kaaga. At sa ganitong sitwasyon na hindi siya handa. Nakatitig siya sa gwapong mukhang naka-ukit na sa alaala niya. Ang kamay niyang nakatago sa ilalim ng mesa, kusa nalang napakuyom. Pinilit niyang itago ang kaba at nagkunwaring kalmado. Naalala niya bigla si Mia. Ito ang niligtas niya kanina. At bilang kapatid nito, hindi nakakapagtaka na narito si Magnus. “Mr. Esquivel.” Pilit niyang pinapormal ang kaniyang tono. Ngunit nanatiling malamig ang tinig niya, at sapat iyon para kumunot ang noo ni Magnus. Apat na taon. Apat na taon na mula nang huli niya itong nakita.

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 5

    Apat na taon ang mabilis na lumipas. Abala ang pasilyo ng ospital, paroo't parito ang mga empleyado, nars, at mga doktor. Simula pa kahapon ay abala palagi ang emergency room at hindi sila pinagpapahinga sa sunod-sunod na pagdating ng mga pasyente. “Dra. Marasigan, ’yong pasyente sa Emergency Room No. 3 critical na po. Pinapatawag kayo ni Dr. Lorenzo." Anunsyo ng intern nurse nang nasa opisina siya. “Okay.” Sanay na si Yamila na halos wala na siyang pahinga. Kapag nasa ospital siya, saka lamang siya nakakapagpahinga kapag kakain siya o kaya'y uupo sa harap ng kaniyang computer para tingnan ang kaniyang record. Pagdating ni Yamila sa pintuan ng emergency room, muntik siyang matigilan. Ang nakahiga sa stretcher na halos mawalan ng malay, ay ang babaeng hinding-hindi niya inakalang makikita agad sa pagbabalik niya. “Mia?” Mahina niyang bulong. Si Mia ay kapatid ni Magnus. Ang hipag niyang matagal nang kaaway. Hindi sila magkasundo ni Mia. Malaki ang galit nito sa kaniya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status