Share

Kabanata 8

Author: Purplexxen
last update Huling Na-update: 2025-09-18 23:26:35

Hawak-hawak ni Yael Marasigan ang kamay ng dalagang nasa tabi niya, bahagyang nahihiya ang ekspresyon sa mukha nito bago tumingin kay Yamila.

“Inyayahan kitang pumunta ngayon dahil gusto kong ipakilala sa’yo ang kapatid mo, si Celeste Irina De Vera. She's your sister, Yamila. Dalawang buwan lang ang pagitan ninyo kaya alam kong magiging komportable ka sa kaniya.”

Kapatid?

Sa wakas nabasag ang malamig na ekspresyon ni Yamila, ngunit nanatiling mariin ang pagkakatikom ng kaniyang mga labi. Matagal na niyang alam na may ibang babae si Yael, kung sino-sino na rin ang nali-link sa kaniyang ama. Ngunit ni minsan hindi ito nagdinala ng babae o ng anak nito sa labas sa kanilang bahay para pormal na ipakilala sa kanila.

At ngayon… Anong ibig sabihin nito?

“Mr. Marasigan, nagkakamali ka yata,” malamig ngunit matalim na sambit ni Yamila.

“Hindi ko matandaang nagluwal pa ng ibang anak ang mommy ko bukod sa akin. Saan mo naman nakuha ang basurang ‘yan? Kakauwi ko lang at ito agad ang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 50

    Hindi niya inaasahan ang pagdating ng panganay na anak. Alam niyang si Yamila ay bihirang dumalo sa mga pagtitipong tulad nito. Kaya nga siya naging kampante na isama si Irina ngayong gabi dahil sigurado siya na hindi magpupunta si Yamila sa mga ganitong okasyon. Pero heto ang babae, nakatayo mismo sa harap nila, malamig at hindi mabasa ang anyo. Kahit ayaw niyang aminin, may kakaibang takot pa rin siyang nadarama tuwing kaharap ang sariling anak. “A–ate…” Mahina ang boses ni Irina habang kumakapit sa braso ni Yael, halos nakatago sa anino nito. Hindi niya inaasahan na naroon si Yamila. Sa bawat pagkikita nila, hindi niya mapigilang matakot. At ngayong nasa isang lugar siya na puno ng mga matang naghihintay ng iskandalo, ang kaba sa dibdib niya’y lalo pang lumakas. “Such a coincidence… you’re here too.” Pinilit na ngumiti ni Yamila sa kaniyang ama, subalit agad na lumitaw ang lamig mula sa mga mata niya. Isang tingin lamang, at tila ba alam na ni Yael kung ano ang mga p

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 49

    Sa harap ng napakaraming matang nanonood, pinilit niyang ngumiti, kahit pa pilit ang lahat. “Mr. Pascual misunderstood,” aniya, pilit na pinapahinahon ang tinig. “This is my youngest daughter. “Your youngest daughter?” Kumunot ang noo ni Danico, mas lalong naguluhan. Bigla’y nagkatinginan sa mga mata ang mga bisita nang marinig ang sinabi ni Yael. Naging malamig ang hangin sa paligid. May mga kilay na bahagyang umangat, may mga ngising pilit na pinipigil, ngunit hindi maitatago ang panlilibak. Alam ng lahat na iisa lamang ang opisyal na anak ng pamilyang Marasigan. Kahit na hindi pamilyar sa kanila ang mukha ng totoong apo, sigurado sila na ang apo ng matandang si Yshmael Marasigan ay nag-iisa lamang, at malinaw sa kanilang isip na walang ipinakilala na ibang anak si Yael sa publiko kung hindi si Yamila Marasigan. Maliban na lang ngayong gabi na binibigyan nito ng titulo ang babaeng kasama. Sa kanilang isip, kung hindi si Yamila ang kanilang kaharap, malinaw kung sino si Ir

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 48

    Ang bakas ng damdaming kanina’y nakasilip sa mga mata ni Yamila ay tuluyan nang naglaho. Para bang isang kurtinang marahas na isinara. Inalis niya ang anumang senyales ng kahinaan sa kaniyang anyo. Sa halip, tanging lamig at panghahamak ang naiwan. Sumisilay ang matinding pagkasuklam sa kaniyang mga mata. “Your lover’s here, don’t you plan to say hello to her?” Bahagyang kumunot ang noo ni Magnus sa kaniyang sinabi. Ang malamig na tinig niya ay parang punyal na tumarak sa dibdib ng lalaki, at ang pang-uuyam ay halatang sinadya para ito’y masaktan. Nagpatuloy si Yamila. Ang kaniyang labi’y gumuhit ng malamig na ngiti at puno ng panunuya. “I’m going to greet her now, do you want to go over and let’s greet her together?” Bawat salita’y tila lason. At sa likod ng kaniyang tinig, naroon ang matagal nang pagkadismaya at pagkainis, lalo na’t narito rin si Irina, ang babaeng minsang naugnay kay Magnus at siyang sumira sa kaniyang mga pangarap sa maayos na pamilya. Tumalikod s

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 47

    Naiwan si Aldrin kasama ang kaniyang mga magulang na halata ang galit. “Mom, Dad, I can explain—” “I’ll settle this with you when I get back!” mariing putol ni Arkin, ang mukha’y namumula sa galit. Tumayo ito at walang sabing naglakad palayo dala ang baso ng alak. “You really know how to stir trouble, Aldrin!” Si Ryla, bagaman inis, ay hindi magawang pagalitan nang husto ang anak. Napapabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa nito. Napilitan naman si Aldrin na tumahimik, ayaw nang dagdagan ang kasalanan niya sa kaniyang mga magulang. Tumayo rin ang kaniyang ina at iniwan siya. Mukhang magtutungo ito sa ibang mesa para kausapin ang ilang bisita. May ilang nakapansin sa nangyari sa kanila, ngunit nagpapatay-malisya na lamang para hindi masira ang pagtitipon. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa direksyon kung saan naroon si Yamila at ang lalaking nagpakilala na asawa nito. Bahagyang nagdidilim ang kaniyang paningin dahil sa galit na namumuo sa kaniyang dibdib. Akala niya

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 46

    Hindi na bago kay Magnus ang makakita ng magaganda. Marami na siyang nakilala, marami na ring dumaan sa kaniyang landas. Ngunit sa paningin niya, kakaiba pa rin si Yamila. Hindi lang ganda ang dala nito— may tikas, talino, at isang klaseng alindog na bihirang matagpuan sa iba. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit si Arkin, na kilala sa pagiging kuripot sa papuri, ay kusa pang nagbukas ng bibig para purihin ito. Si Yamila na kaniyang asawa ay siguradong kalulugdan ng ibang pamilya. Nang maisip na gusto ng mag-asawang Garces si Yamila para kay Aldrin, lalong nagkaroon ng kaguluhan sa kaniyang isip. Bigla siyang nabalisa. Para bang ang kayamanang matagal niyang itinago ay bigla na lamang ipinaskil sa harap ng lahat. “Mr. Esquivel…” Halata ang gulat at pagkalito sa mukha nina Arkin at Ryla. Pati si Aldrin ay hindi agad nakapagsalita dahil sa pagdating ni Magnus.Ang lalaking ito, ano’ng karapatan niya para angkinin si Yamila bilang asawa?! “Mr. Esquivel, what do you mean by that

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 45

    Tahimik na pinagmamasdan ni Arkin si Yamila, kinikilatis ng mabuti ang babaeng dinala ng kaniyang anak. Nakaupo silang apat sa harap ng maliit na entabladong pinasadyang sa banquet hall para sa okasyon ngayon. Dahil kadarating lang ng dalawa, nagtawag ng waiter si Ryla para dalhan ng pagkain si Yamila at Aldrin. Maingat namang sinuri ng mga mata ni Arkin ang dalaga, waring sinusukat ang buong pagkatao nito. Sensitibo siya lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon ng kaniyang mga anak. Ang tanging nais niya ay isang disente at maayos na babae kay Aldrin. At sa mga sandaling lumipas, napansin niya kung paano dalhin ni Yamila ang sarili— disente, elegante, at maingat sa bawat kilos. Maliban sa maayos ito magsalita, ang mga salita nito'y puno ng katalinuhan at kahinahunan, napapansin niya rin na magalang ito. She looks professional and ethical. Maganda ito, at kung hindi pa nabanggit ni Aldrin na isa ring doktor ay iisipin niyang sa showbiz industry ito nagtratrabaho.At dahil doktor r

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status