Share

10 The World in the Novel

Desidido nga si Ellaine na iligtas ang sarili pero hindi ibig sabihin niyon ay alam na agad niya ang gagawin para matupad iyon. 

Malay ba niya sa ganoong klase ng rich family conspiracy.

Ordinaryong tao lang naman siya sa nakaraan niyang buhay, galing sa isang ordinaryong pamilya na may ordinaryo lang din na pamumuhay. 

Pangunahing libangan lamang niya ang pagbabasa kung kaya't marami siyang nabasang mga nobela at iba pang klase ng akda. Isa lamang ang TPW sa mga iyon. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba talaga na napunta siya sa loob niyon.

Natatandaan niyang dinusta-dusta pa niya ang nobelang iyon pagkatapos itong basahin. Nadala lang siya masyado sa mga nangyari sa kuwento nito kaya isang mahabang kritisismo ang ipinost niya sa review section niyon.&n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status