Panglimang shot pa lang ay nahilo na ako kaya umayaw na agad ako. Sa tapang ba naman ng alak ay di ko talaga kakayanin, isabay pa na first time ko ngayon na uminom. Saka ayaw kong malasing, nakakahiya naman para kay Azzurro. Baka ano pang kabalbalan ang gawin ko ng di ko nalalaman. Mapahiya pa ako sa harap niya. "Agathe, shot pa." Umiling ako sa sinabi ni Sereia na aabutan ako ng bason. Hindi ko na talaga. Nahihilo na talaga ako, napasandal na lang ako sa couch. Napalingon ako sa direksyon ni Azzurro pero di ko inaasahan na nakatingin rin siya sakin. Or nakatitig? How long has he been looking at me? I just frowned before looking away. "Agathe, ano? shara shot pa shayo. You're only on your fifth shot, come on." Pamimilit ni Kally na ikinalingon ko. Napahawak ako sa ulo bago nagbuga ng malalim na paghinga. "Come on, girl. Last shot na, promish." Dagdag naman ni Ardella na tinanguan ni Sereia. Halatang lasing na rin sila kasi namumungay na ang mga mata nila at di na mabigkas ng m
Ito na yung huling araw ng pagtuturo sakin ni Azzurro ng paglalangoy at ang masasabi ko lang ay. . .nag-iimprove na si self. Oh diba? It's only been a few days, thanks to Azzurro's instructions.. Magaling rin kasi siyang magturo, medyo tanga lang talaga ako sa pagkakaintindi noong una pero nakuha ko rin naman. Kaya nga medyo marunong na ako sa paglalangoy. Sa wakas, di na ako matatakot pumunta sa malalim at di na rin malulunod. Ang galing-galing kasi talaga ng bebe ko—este ni Azzurro magturo. Basic pa lang naman yun pero matututunan ko rin ng mas maigi kung palagi akong magsasanay. Worth it din ang pag-extend namin ng isa pang linggo. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa loob ng sasakyan niya. Kung kailan maggagabi na eh saka naman siya aalis. Tas isasama pa ako. Na naman. Pahinga ko na sana ngayon kasi tapos na yung pagsasanay ko sa paglalangoy kahapon. Tapos, heto na naman kami sa gala-gala niya. Wala ako sa mood lumabas eh, pwede rin namang bukas na lang. "May bibilhin lang ako
Sumama nga si Azzurro sakin sa pamimili. Imbis sa market lang ay doon siya dumeretso sa may mamahaling mall, marami daw kasing magagandang bagay na pwedeng bilhin dun. Wala na akong nagawa pa. Iniisip ko na lang kung paano pagkakasyahin ang pera ko. Pagdating namin ay kaagad na kaming naglibot. Di nga maikakaila, magaganda ang mga materials and accessories na binebenta dun. Yun lang, ang mamahal. Hindi naman marami ang mga binili ko, pili lang. Yun bang kakasya lang sa pera ko at yung tutugma sa mga kagustuhan ng dalawa kong kapatid. Matapos naming bumili ay nagpunta na kami sa cashier para magbayad. Napatingin ako kay Azzurro nang kunin niya ang pitaka sa bulsa niya at inilabas ang black card niya. Nagtaka ako at agad siyang pinigilan. "Uyy, teka. Ano iyan? Wag mong sabihin na ikaw ang magbabayad ng mga pinamili ko?" Parang balewala niya lang akong tiningnan. "Why? What's the problem with that? Ayaw mo ba?" Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Pero nagsabi ako na yung
Matapos kong babain ang tawag ay nagtungo ako sa banyo para maligo nang maalala ko na may swimming pool pala sa backyard. Naisip ko na ako lang pala dito mag-isa, I can do what I want to do. Dala ang towel ay lumabas ako at nagtungo sa pool. Medyo malaki ang pool ang sobrang linis. Nakakahalina at presko. Masarap languyan at nang subukan kong ilublob ang paa ay malamig siya, as expected. Napangiti ako at lulusong na sana nang maalala kong may suot pa pala akong damit. Inilagay ko muna sa may malapit na patungan ang towel saka ako nag-isip. Ako lang naman mag-isa dito at siguradong wala namang ibang makakapasok dito sa loob ng silid. Nang makapagpasya ay hinubad ko na ang damit, tanging itinira ko ay ang panloob. Nang mahubad na ang mga damit ay saka na ako lumusong sa pool at kaagad kong naramdaman ang lamig ng tubig dahilan ng panginginig ko. Napangiti ako sa pakiramdam na iyon. Hindi ako lumangoy dahil hindi ako marunong, nasa gilid lang ako ng pool sapat na para mapreskuhan ak
Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawan ng breakfast si Azzurro. Sigurado aalis na naman iyon ng maaga para sa trabaho. Dahil pangbreakfast naman iyon ay nilutuan ko lang siya ng bacon at egg. Nagtoast na din ako ng slice bread para sa kaniya. Nang inihanda ko na sa dining table ang pagkain ay saktong bumaba si na Azzurro. Amoy na amoy na ang shampoo at pabango niya. Pagtingin ko nang makarating na siya sa dining table ay nakasuot na siya ng pangmalakasan niyang suit. Oh, Pak! Sino ka d'yan? Ang gwapo at pormadong-pormado, parang baby boy na bagong bihis. May gel pa ang buhok niyan, mas makintab pa sa salamin sa restroom ng mall. Kulang na lang lagyan siya ng pulbo sa likuran para maging baby boy na talaga. Kaso di na siya baby boy, ang laki na niyang tao eh, damulag na siya. Gwapong damulag. Bago pa mapunta sa ibang lugar ang imahinasyon ko tumikhim ako pero hindi pa rin makatingin ng deretso sa kaniya. "Magbreakfast ka na. Nakahanda na ang pagkain." Busy siya sa pagtit
Tulala akong nakatitig sa kisame. Magdamag akong ganun sa totoo lang, di ko alam kung anong oras akong tulala. I didn't get a good night's sleep until morning. There is only one reason behind it. And it seems like that will never fade from my memory. "Arghh! Nakakainis!" Napasabunot na lang ako ng buhok dahil sa pagkairita. Naiinis ako sa sarili ko. Para na akong naiiyak dito na ewan. Hindi ko alam kung anong gagawin.Hindi na muna ako bumaba. Wala rin naman akong gagawin. At wala rin ako sa mood.Nang mainip na ako sa kwarto ay saka na ako nagpasyang lumabas na s’yang pinagsisihan ko. Nasalubong ko lang naman si Azzurro sa kusina, mukhang bagong gising pa siya. Nanlaki ang mga mata ko at naging balisa. Hindi alam kung anong gagawin. Pero nang tingnan ko siya ay ilang minuto akong napatitig sa kaniya. Infairness, kahit bagong gising at magulo ang buhok ay gwapo pa rin siya. Kahit siguro nakapikit siya ay maganda pa rin ang mukha. Hindi kumukupas. Shit, anong ginagawa ko? Am I chec