MAALIWALAS ANG UMAGA nang sumilip ang araw sa malawak na bakuran nina Susie. Sa gilid ng kubo naroon si Stella. Tahimik na nakaupo habang pinapanood si River na nagdidilig ng mga pananim. Nakasuot siya ng simpleng bestida. Malayo sa nakasanayan niyang magagarang kasuotan. Pilit ang ngiti sa labi niya pero mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata. “Gusto mo bang tumulong?” tanong ni River na hindi inaalis ang tingin sa hawak na hose. Nagkibit-balikat si Stella. "Hindi ako sanay sa ganyan pero sige. Baka matuto rin ako.” Binigyan siya ng maliit na tabo ni River. “Oh dito ka. Simulan mo sa mga maliliit na halaman. Huwag mong pababayaan kasi kahit maliit sila nangangailangan din sila ng tubig.” Napatawa nang mahina si Stella. “Parang tao lang pala. Kahit maliit o mahina dapat inaalagaan.” Saglit siyang natigilan sa sariling salita at saka yumuko. Nakahalata si River pero hindi na siya nagtanong. Alam niyang may ibig sabihin ang mga linyang iyon pero hindi pa panahon para pilitin si S
Tahimik ang buong paligid. Sa kubo ay abala si Susie sa paghuhugas ng mga pinggan. Habang si River naman ay nag-aayos ng mga gamit sa labas. Si Stella ay nakaupo sa duyan habang hawak ang cellphone. Halatang nag-aalangan kung sasagutin ba niya ang tawag na paulit-ulit na pumapasok. “Kuya River…” tawag ni Susie mula sa kusina. "Ikaw po na muna dito, pupunta ako kay Aling Marta, may bibilhin lang ako," sabi ni Susie sabay ngiti. Tumango si River at naiwan silang dalawa ni Stella. Pero bago pa siya makalapit muling tumunog ang cellphone nito. At agad na namutla si Stella. Nanginginig ang kamay habang pinindot ang sagot. Napalunok ng laway si River dahil sa pagtataka. “E-Eduardo…” mahinang sabi ni Stella kasabay ng panginginig ng kamay. Mula sa kabilang linya malakas ang tinig ng lalaki. Halos umaalingawngaw sa katahimikan. Masasabing boss na boss kung magsalita si Eduardo. Parang hindi asawa. “Bakit hindi ka agad sumasagot? Ilang beses na akong tumatawag! Ano na naman ang g
Sumunod na araw, tahimik na nakaupo sina River at Stella sa mahabang bangko sa ilalim ng punong mangga. Ang ihip ng hangin ay malamig at tanging huni ng mga ibon ang naririnig. Sandaling naghari ang katahimikan bago muling nagsalita si Stella. “Ang laki ng pinagbago mo, River,” mahina niyang sabi, nakatitig sa mga kalyo sa kamay nito. “Mas lalo kang gumuwapo at mas naging matikas. Pero alam mo, sa kabila ng lahat ng ‘yon, ikaw pa rin ‘yong simpleng River na nakilala ko.” Napangiti si River, pilit pero totoo. “At ikaw… ang dami mong pinagdaanan. Kita ko sa mata mo, Stella. Hindi ka na ‘yong babaeng dati mayabang, palaban, matigas ang ulo. Para kang mas mahina ngayon.” Napayuko si Stella, bahagyang natawa pero halata ang pait sa tinig. “Mahina? Siguro nga. Pero alam mo, River, kahit ilang taon ang lumipas… hindi nagbago ‘yong nararamdaman ko.” Natigilan si River. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na baso ng tubig at tumingin kay Stella. “Stella…” Tumulo ang luha ni Stella bago
Mag-isa lamang si Stella sa loob ng kanyang malaking silid. Mataas ang kisame, mamahalin ang mga gamit, at bawat sulok ay kumikinang sa luho.Pero sa kabila nito, pakiramdam niya ay isa pa rin siyang bilanggo. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang ilaw mula sa mga poste sa kalsada ay parang malamig na mga matang nakatitig sa kanya. Bumuntong-hininga siya at mapait na ngumiti. "Akala ko noon, ito ang sagot sa lahat ng pangarap ko… pero bakit pakiramdam ko, mas lalo akong lumubog?" bulong niya sa sarili. Unti-unti siyang binalikan ng alaala… FLASHBACK: Tatlong Taon na ang Nakalipas Isang maliit na silid sa abroad ang naging tahanan ni Stella noon. Domestic helper siya roon. Mahirap ang trabaho. maagang gumigising, halos walang pahinga, at madalas pang sigawan ng kanyang amo. Ngunit tiniis niya iyon alang-alang kay Susie, ang kapatid niyang naiwan sa Pilipinas. Isang araw, sa gitna ng kanyang paglalaba, dumating ang isang matandang lalaki. Nak
Tatlong taon ang lumipas mula nang lisanin ni Stella ang Pilipinas. Ang dating babaeng kilala sa pagiging mapagmataas at palaaway, ngayo’y bumalik na muli. Hindi bilang dating Stella, kundi isang babaeng nakasuot ng mamahaling damit, may mamahaling bag at sapatos na nakasakay sa itim na sasakyan na may driver. Ngunit sa likod ng magarang anyo, bitbit pa rin niya ang bigat at sugat na iniwan ng kanyang naging buhay sa ibang bansa. Hindi naging madali para kay Stella. Sa simula, nagsimula siya bilang domestic helper, nagsasakripisyo para kay Susie at para mabuhay nang maayos. Hanggang sa isang araw, nakilala niya si Eduardo Vergara. Isang matandang negosyanteng ubod ng yaman. Sa una, inakala ni Stella na siya na ang sagot sa lahat ng pangarap niya. Marangyang bahay, kotse, alahas, at seguridad para sa kanilang magkapatid. Tinanggap niya ang alok ng kasal ni Eduardo, iniisip na iyon ang pinakamadaling paraan para makaahon. Ngunit hindi niya akalain na sa likod ng marangyang buhay
Maagang gumising si Claudine. Hindi niya maipaliwanag ang kaba at saya habang nakaupo siya sa harap ng salamin, inaayusan ng make-up artist. Nakatingin siya sa repleksyon niya. Isang simpleng babae noon pero ngayong araw… ikakasal na siya ulit kay Hunter. Sa pagkakataong ito, mahal na nila ang isa't isa.“Ready ka na ba?” tanong ni Sarah na abala rin sa pagtulong sa kanya.Napangiti si Claudine at bahagyang napaiyak. “Hindi ko akalain na mangyayari ‘to. Dati pinapangarap ko lang si Hunter, ngayon ikakasal na kami ulit na mahal ang isa't isa."Tinapik ni Sarah ang balikat niya. “Deserve mo ‘to, Claudine. At isa pa, nakita ko kung gaano ka niya kamahal. Walang makakapalit n’on.”Samantala sa kabilang bahagi ng venue, nakasuot ng itim at eleganteng suit si Hunter. Abala si Ryan at ang iba pang groomsmen sa pagsasaayos sa kanya, pero halata ang kaba ni Hunter.“Bro, relax ka nga,” biro ni Ryan habang inaayos ang tie niya. “Para kang hindi milyonaryong sanay sa board meeting. Kasal lang