Dalawang araw ang lumipas, magaang nagising si Susie kahit na hindi naman siya pupunta sa coffee shop. Sa bagong bahay na ipinagawa sa kanya ni Stella, hindi pa rin siya makapaniwala. Katamtaman lang ang laki ng bahay. Isang bungalo na may dalawang kuwarto, maliit na sala at kusina na parang laging mabango at bagong linis. May bakuran pa itong puno ng santan at ilang paso ng orchids na si Stella mismo ang naglagay noong nakaraang linggo.Nakaupo siya sa terrace, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang paligid. Tahimik, malamig ang simoy ng hangin at pakiramdam niya parang isang panibagong simula para sa kanya.“Salamat talaga, ate,” bulong niya habang nakangiti. Wala ang ate Stella niya doon dahil nagpapakasaya itong lumibot kung saan-saan kasama ang asawa nitong si River. Kasama rin pala ng mag-asawa ang kaibigan nitong si Hunter at ang asawa nitong si Claudine.Matapos magkape, naisipan niyang mahiga ulit sa kama at matulog ulit. Mayamaya pa ay biglang nag-ring ang cellpho
Maaga pa lang ay abala na si Susie sa café. Siya ang manager at palaging nakaalalay sa mga staff, pero hindi rin siya nahihiyang sumabak sa harap ng counter. Hawak ang clipboard, nag-check siya ng mga stocks habang umuusok pa ang mainit na brewed coffee sa gilid ng mesa. “Dagdagan mo ng kaunting gatas. Reklamo na naman ’yan ng customer mamaya. Alam mo naman may mga reklamador tayong customer,” bilin niya sa barista. “Okay po, ma’am Susie,” mabilis na sagot ng binata. Mula sa gilid, napansin niyang papasok na naman si Dan. Bitbit nito ang basket ng itlog at karne ng manok. Palagi itong ganito. Parang hindi man lang nauubusan ng dahilan para dumalaw sa café. Kaya hindi nangangamba si Susie na maubos ang ingredients nila para sa cakes doon. Dahil nandiyan si Dan na taga-suplay at madalas libre pa. “Ayan na naman ang pasaway kong stalker,” mahina niyang bulong sa sarili bago tumikhim. “Good morning,” tipid na bati ni Dan habang inilapag ang basket sa kitchen door. “’Yong order n’yo
Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang mahuli si Eduardo at mabulok sa kulungan. Ang mga araw na dati’y puno ng takot ay napalitan ng kapayapaan at tahimik na pamumuhay. Umaga iyon, maagang nagising si Stella. Nakasuot siya ng simpleng daster, hawak ang tasa ng kape habang nakatanaw sa labas ng bintana. Nakangiti siya habang pinapanood si River na abala sa pag-aayos ng malawak nilang taniman ng gulay. Naka-sando lang si River at pawisan na. Pero bakas sa mukha nito ang kasiyahan. “Baka maubusan ka ng lakas diyan, ha,” biro ni Stella. Napalingon si River at ngumiti. “Okay lang. Para sa future misis ko, hindi nakakapagod.” Napailing si Stella pero hindi naitago ang pamumula ng pisngi. “Naku, bola na naman. Hindi ka pa rin nagbabago.” “Hindi pambobola iyon, totoo ‘yon,” sagot ni River sabay lapit at halik sa pisngi niya. Sa loob ng bahay ay lumabas si Susie, sabay bitbit ng walis tambo. “Ate, kuya River, grabe kayo. Aga-aga, PDA na agad!” tukso nito pero masaya rin sa
STELLAMahigpit ang yakap ni Stella sa kanyang kapatid at halos hindi pa rin siya makapaniwala na ligtas na itong nakauwi. Tumutulo ang luha niya. Paulit-ulit ang hikbi na para bang gusto niyang ilabas lahat ng sakit at takot na tinago niya simula nang mawala si Susie.“Salamat sa Diyos… salamat sa Diyos at nakabalik ka, Susie!” nanginginig ang boses ni Stella habang hinahaplos ang buhok ng kapatid. “Akala ko… akala ko hindi na kita makikita.”Si Susie naman kahit pagod at nanghihina ay pilit na ngumiti. Pero agad ding napaiyak. “Ate… sobra akong natakot. Sobrang takot. Akala ko… doon na ako mabubulok. Akala ko papatayin na ako ni Eduardo doon."Mas hinigpitan ni Stella ang yakap na para bang gusto niyang iparamdam sa kapatid na ligtas na ito at hindi na muling mawawala. “Hindi na mauulit ‘yon. Hindi na. Hindi ko na hahayaang may mangyaring masama pa sa iyo."Sa gilid ay nakatayo si River at Dan. Tahimik lang si River na binabantayan ang paligid. Samantalang si Dan naman ay nakayuk
EDUARDO Tahimik ang gabi pero sa loob ng isang mamahaling kotse na nakaparada sa 'di kalayuang kalye ay nakaupo si Eduardo. Nakapikit ang mga mata at mahigpit ang kapit sa manibela. Dama ang galit na parang apoy na hindi mapatay-patay. Sa isip niya paulit-ulit ang iisang baga. : Kung paano niya ipaparamdam kay Stella ang sakit ng pagtatraydor at ang kaparusang dapat nitong maranasan.Hindi siya makapapayag na basta na lang siyang ipagtabuyan ng sariling asawa. Mas lalo na ngayon.... may ebidensya na hawak nina Stella at River. At balak pa siyang ipahiya sa korte. Hindi siya papayag. Hindi siya puwedeng bumagsak..“Kung ayaw mong bumalik sa akin nang maayos, Stella… gagamitin ko ang pinakamahalaga sa iyo,” malamig na bulong ni Eduardo habang nagngingitngit ang panga.Ang pinakamahalaga kay Stella? Walang iba kun'di si Susie. Ang nakababatang kapatid na walang malay sa totoong panganib na darating."Akin ka, Stella. Tandaan mo iyan. Sa akin ka lang. Hindi ka sa lalaking iyon. Putangina
STELLA Pagbalik nila mula sa presinto, akala ni Stella tapos na ang lahat. Kahit nanginginig pa rin ang katawan niya at kahit hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat sa katawan at galos sa mukha ay may bahagyang kagaanan siyang naramdaman. Hawak-hawak niya ang kamay ni River habang pauwi sila. “River… sana makalaya na talaga ako sa lalaking iyon. Sana tuluyan na siyang mabura sa buhay ko..,” mahina niyang sabi na halos pabulong. “Makakalaya ka, Stella,” mariing sagot ni River. “Wala na siyang puwang sa buhay mo. Hindi na siya makakabalik sa bahay mo. Basta huwag kang panghinaan ng loob. Kailangan mong ipakita na matapang ka," dagdag pang sabi ni River.Matamis na ngumiti si Stella. "Salamat, River. Maraming salamat. Kung wala ka sa tabi ko ngayon, baka nakakulong pa rin ako sa impiyernong buhay ko kasama si Eduardo." Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na si Stella sa paghahanda ng almusal para kay Susie at River. Hindi pa rin siya mapalagay. Habang pinipisil ang tiyan niya a