CLAUDINE
Pinagmasdan ni Claudine ang kanyang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng fitted dress na may slit sa kanang bahagi ng hita niya. Kitang-kita ang magandang kurba ng kanyang katawan. Litaw din ang kanyang cleavage na talaga namang nakaaakit tingnan. Kaunting make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha ngunit napakaganda na niya. Tila isang modelo o sikat na artista ang gandang mayroon si Claudine. "Napakaganda mo talaga, Claudine. Ang ganda ng kombinasyon ng daddy at mommy mo. Sayang nga lang, nag-iisang anak ka lang nila. Kumalat na sana ang lahi niyo kung nagkaroon ka pa ng kahit isa o dalawang kapatid," wika ni aling Liza nang silipin siya nito sa kanyang kuwarto. Mahina siyang tumawa. "Kaya nga po eh. Malungkot ang maging only child. Pero 'di bale na, kapag bubuo ako ng pamilya, tatlo hanggang lima ang gusto kong anak." Tumawa si aling Liza. "Wala namang masamang magkaroon ng madaming anak basta kayang buhayin. Mas maigi ngang madaming anak kapag may pera. Mas masaya ang pamilya." Hinintay ni Claudine na sumapit ang alas tres ng hapon bago siya nagtungo sa bahay ng pamilya ni River. Maraming mga tao doon lalo na ang mga matatanda. Naroon din ang mga kaibigan ni River at iba pang mga negosyante. Sari-saring magagandang sasakyan ang naroon. "You look so dámn beautiful, Claudine." Nilingon niya kung sino ang nagsalita. Si River pala. Napakaguwapo ng binata sa suot nitong suit. May lahi kasing banyaga si River dahil sa kanyang ama. Kaya ganoon na lang kaguwapo ang binata. Kulay asul ang mga mata nito. "Well, ganoon talaga kapag pinanganak na maganda. Lalong gumaganda habang lumilipas ang araw," wika niya sabay hagikhik. Tumikhim si River. "Papunta na sina Hunter at Ryan dito. Malapit na raw sila. Huwag kang aalis, ha? Baka umuwi kang bigla sa bahay niyo." Mahina siyang tumawa. "At bakit naman ako aalis? Pakialam ko ba sa lalaking iyon? Hiwalay na kami. Oo sabihin na nating kasal pa rin kami sa papel pero so what? Doon na siya kay Stella niya. Wish ko lang na sana, magustuhan siya ng babaeng iyon para maging masaya na ang buhay niya. Mukha kasi siyang aso pagdating kay Stella." Natawa si River. "Baliw na baliw siya kay Stella. Halika na muna sa loob. Tingnan mo si lola doon." Sumunod siya sa binata. Nakita niya ang lola ni River na nakaupo sa wheelchair habang may katabi itong personal caregiver. Sobrang tanda na rin ng lola ni River kaya hindi na makalakad at makagalaw ng ayos. "Alam mo, kung kukunin na sa akin si lola, tanggap ko na at hindi na ako hihiling pa na tumagal siya dito. Nakita ko kasi siyang nahihirapan na. At ang sabi niya sa akin, gusto na niyang magpahinga. Kaya pinaghandaan ko talaga ang birthday niyang ito. Para kung sakali mang ito ang huli, magiging memorable ito," wika ni River bago malungkot na ngumiti. Hinawakan niya sa braso ang binata. "Tama iyan. Tanggapin mo na lang. Mas magaan kasi sa dibdib iyon. Ganoon naman kasi talaga. Lahat tayo, tatanda. Lahat tayo, mawawala sa mundong ito." "Tama ka, Claudine. Kaya ikaw, huwag mong sayangin ang buhay mo sa taong hindi ka naman kayang pahalagahan. Doon ka sa taong kaya kang mahalin ng higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay," wika ni River bago ngumiti ng matamis. Napakurap siya bago ngumiti ng alanganin. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Sarah. Na mayroong gusto sa kanya si River. HUNTER NANG MAKARATING sila sa malaking bahay ng pamilya ni River, hinanap ng kanyang paningin ang kanyang kaibigan. Nilibot niya ang tingin niya sa malawak na bakuran ng kanyang kaibigan kung saan hindi malalaman kaagad na bakuran iyon. Masyadong maganda kasi ang pagkaka-set up ng catering services na kinuha ni River. Napakaraming magagandang bulaklak ang nakatanim doon dahil mahilig sa mga bulaklak ang lola ni River. "Si Claudine ba iyon? Iyong kausap ni River?" bulalas ni Ryan. Tiningnan niya kung saan nakaturo ang kanyang kaibigan. Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang asawang si Claudine. Masaya itong nakikipagtawanan kay River. Nadako ang tingin niya sa magandang katawan ni Claudine. Pati na rin ang tila nagliliwanag na ganda nito. Oo, maganda naman na talaga si Claudine ngunit hindi niya pansin iyon lalo pa't kinamumuhian niya ang kanyang asawa. At isa pa, palagi niya itong nakikita. Naging haggard din kasi si Claudine sa piling niya. Pero ngayong hindi na niya ito kasama, napansin niya na tila nag-glow ang kanyang asawa. "Wow! Napakaganda talaga ng asawa mo! Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nakatingin ang mga lalaki dito sa kanya!" dagdag pang sabi ni Ryan. Tiningnan ni Hunter ang mga lalaki doon. May asawa man o binata, napapsulyap kay Claudine. Nagtiim bagang si Hunter. Hindi niya alam kung bakit tila nakaramdam siya ng inis. "Tsk. Pakialam ko naman sa mga iyan. Hiwalay na kami ng babaeng iyan," iritable niyang sabi bago lumakad sa kinaroroonan ng dalawa. "River," tawag niya sa kaibigan. Saglit na nagtama ang tingin nilang dalawa ni Claudine ngunit unang nag-iwas ito. Napatingin siya kay Claudine nang hawakan sa kamay si River bago ngumiti ng matamis. "Hanap muna ako ng mauupuan sa loob. See you later," malambing ang tinig ni Claudine bago kinindatan si River. Napatingin siya sa kaibigan niyang malawak ang ngiti sa labi at tila namula pa ng bahagya ang mukha. "Mabuti nakarating kayo," sambit ni River nang pinukol nito ang tingin sa kanya. Umarko ang kilay ni River bago tumawa. "Anong klaseng itsura naman iyan, Hunter?" Doon napagtanto ni Hunter na magkasalubong pala ang kanyang mga kilay. Bumuga siya ng hangin bago umaliwalas ang kanyang mukha. "Mukhang na-miss niya yata ang asawa niya," mapang-asar na sabi ni Ryan. Siniko niya ito. "Tangina mo. Bakit ko naman mami-miss ang babaeng iyon? At puwede ba, Don't address her as "my wife." She isn't my wife anymore," mayabang niyang sabi. Tumango-tango si Ryan habang si River naman, sumeryoso ang mukha na nakatingin sa kanya. "Halina kayo sa loob. Kung gusto niyong kumain, pumunta lang kayo sa buffet. At kung gusto niyo namang uminom agad, ihahanda ko ang iinumin natin." "Gusto kong uminom. Hindi naman ako nagugutom," mabilis niyang sabi. "Okay fine. Sumunod kayo sa akin. May naka-reserve na table para sa ating tatlo," wika ni River sabay ngiti. Bumuntong hininga si Hunter bago tumango. Nahagip pa ng mata niya si Claudine na masayang nakikipag-usap sa isang binata. Lihim niyang kinuyom ang kanyang kamao.CLAUDINE Maulan ng araw na iyon. Walang magawa si Claudine kun'di ang magkulong muna sa kanyang kuwarto habang hindi pa tumitila ang ulan. At dahil wala siyang magawa, kinuha niya ang kanyang cellphone. Nag-scroll siya up and down hanggang sa makita niya ang post ni Hunter. Hindi niya ito bina-block dahil gusto niyang makapag-stalk pa rin sa kanyang asawa. Hindi naman talaga ang gusto niyang makuha kay Hunter ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nag-file ng annulment. Umaasa siyang mamahalin siya ni Hunter pagdating ng araw. "Kainis," mahinang usal niya sa sarili. Umagos ang butil na luha sa kanyang mga mata. Mahal na mahal niya talaga si Hunter. Ngunit kahit na mahal niya si Hunter, ayaw na niyang ng ipakitang mahina siya. Ayaw na niyang makita pa ni Hunter kung gaano niya ito kamahal. Gusto niyang ipakita kay Hunter na kaya niyang mag-isa kahit sa totoo lang, durog na durog na siya. "Claudine? Claudine!" rinig niyang sigaw ni River sa labas. Binuksan niya ang
HUNTER Dalawang araw na sa bahay ni River si Hunter at mamayang gabi pa lang siya uuwi. Tinitingnan niya kasi ang galaw ni Claudine. Pinagmamasdan niya ito mula sa malayo. At naiinis siyang makitang masaya si Claudine. Walang bakas ng lungkot sa mga mata nito. "Nakamasid ka na naman sa asawa mo. Este sa ex-wife mo. Mukhang miss mo na nga talaga siya," nakangising sabi ni Ryan. Asar siyang tumawa. "Gagò ka ba? Sinabi ko naman sa iyong hindi ko miss ang babaeng iyan. Bakit ko naman mararamdaman iyon? Matagal kong hiniling na mawala siya sa buhay ko. Kaya hindi ko siya nami-miss. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya. Mukhang masaya naman siya at walang bahid ng lungkot sa mukha niya. Kaya hindi ko na titigilan si Stella ngayon." Tumawa ang kaibigan niyang si Ryan. "Paanong hindi titigilan? Talagang nasisiraan ka na, ano? Ayaw nga sa iyo ng babaeng iyon dahil may iba siyang gusto. At walang iba kun'di ang kaibigan nating si River!" Bumuga siya ng hangin. "Alam ko pero ayos
CLAUDINE Masakit ang ulo ni Claudine nang magising siya kinabukasan dahil nakainom siya ng marami. Mabuti na lang, nandiyan si River at inihatid siya sa bahay niya kagabi. Bumangon siya sa kanyang kama. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng nilulutong almusal ni aling Liza. Kumalam ang kanyang sikmura at agad na nagtungo sa kusina. "Gising ka na pala. Mag-almusal ka na. Nakapagluto na ako," sabi ng matanda sa kanya. Nginitian niya ito. "Nag-almusal na po ba kayo? Kumuha po kayo ng almusal niyo ng mga apo niyo. Hindi mo naman po iyan mauubos," sabi niya sa matanda. "Salamat, Claudine. Doon na lang ako mag-aalmusal sa bahay para may kasama ang mga apo ko." "Sige lang po. Ayos lang ako dito. Kumain na po kayo," aniya sabay ngiti. Nang kumuha ang matanda ng kanilang pagkain, nagtungo na si aling Liza sa kanilang munting bahay. Kumain naman mag-isa si Claudine. At nang matapos siya sa pagkain, siya na ang naghugas at nagligpit. Naupo siya sa sala at saka sumilip sa
CLAUDINE Pinagmasdan ni Claudine ang kanyang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng fitted dress na may slit sa kanang bahagi ng hita niya. Kitang-kita ang magandang kurba ng kanyang katawan. Litaw din ang kanyang cleavage na talaga namang nakaaakit tingnan. Kaunting make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha ngunit napakaganda na niya. Tila isang modelo o sikat na artista ang gandang mayroon si Claudine. "Napakaganda mo talaga, Claudine. Ang ganda ng kombinasyon ng daddy at mommy mo. Sayang nga lang, nag-iisang anak ka lang nila. Kumalat na sana ang lahi niyo kung nagkaroon ka pa ng kahit isa o dalawang kapatid," wika ni aling Liza nang silipin siya nito sa kanyang kuwarto. Mahina siyang tumawa. "Kaya nga po eh. Malungkot ang maging only child. Pero 'di bale na, kapag bubuo ako ng pamilya, tatlo hanggang lima ang gusto kong anak." Tumawa si aling Liza. "Wala namang masamang magkaroon ng madaming anak basta kayang buhayin. Mas maigi ngang madaming anak kapag may pera. Mas
HUNTER Dalawang araw na ang lumipas simula nang umalis sa kanilang bahay si Claudine. Aminado si Hunter na ramdam niya ang pagbabago sa bahay na iyon. Naging tahimik. At mas gusto niya nga talaga iyon. Ngunit tila nawalan ng buhay ang malaking bahay na iyon. Pagkababa niya ng kusina, nakapagluto na ng almusal ang kanyang kasambahay. Kumuha siya ng katamtamang pagkain sa kanyang plato at saka kumain. Naalala niyang bigla ang mga nilulutong almusal ni Claudine para sa kanya. Ni minsan, hindi siya kumain ng luto ni Claudine. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, wala siyang luto ni Claudine na tinikman kahit isa. 'Tsk. Maigi ngang wala na siya dito sa bahay. Komportable na akong makagagalaw. Wala ng papansin pa sa akin,' wika niya sa kanyang isipan. Binilisan niya ang kanyang pagnguya. At nang matapos siyang kumain, dumiretso na siya sa banyo para makapag-asiko na sa kanyang sarili. Nang matapos siya, mabilis ang lakad niyang nagtungo sa kanyang sasakyan. Bumukas ang ma
CLAUDINE Kinabukasan, maagang nagising si Claudine. Nag-almusal muna siya sa bahay ni Sarah bago tuluyang umalis patungong Ilocos. Habang nagmamaneho siya, naiisip niya si Hunter. Umaasa siyang magme-message sa kanya ang asawa niya para pabalikin siya sa bahay nila pero wala talaga. Kahit na pinipilit niyang maging matapang at matatag, durog na durog pa rin siya sa loob niya. Mahal niya ang asawa niyang si Hunter Montenegro. Ngunit hindi naman siya nito minahal kahit minsan. Bagkus, mas lalo lang siyang kinamuhian nito. Kung buhay pa sana ang mga magulang niya, nakapgsasabi sana siya ng kanyang hinaing. Lalo na sa kanyang daddy. "Magandang araw po, ma'am Claudine!" magiliw na sabi ni aling Liza. Nasa edad seventy years old na si aling Liza na siyang caretaker ng malawak na lupain ng kanyang daddy sa Ilocos pati na rin ang malaking bahay nila doon. Malakas pa rin ang katawan ng matanda at hindi halata sa itsura niya ang edad niya. Palibhasa'y puro masustansyang pagkain