LOGINCLAUDINE
Masakit ang ulo ni Claudine nang magising siya kinabukasan dahil nakainom siya ng marami. Mabuti na lang, nandiyan si River at inihatid siya sa bahay niya kagabi. Bumangon siya sa kanyang kama. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng nilulutong almusal ni aling Liza. Kumalam ang kanyang sikmura at agad na nagtungo sa kusina. "Gising ka na pala. Mag-almusal ka na. Nakapagluto na ako," sabi ng matanda sa kanya. Nginitian niya ito. "Nag-almusal na po ba kayo? Kumuha po kayo ng almusal niyo ng mga apo niyo. Hindi mo naman po iyan mauubos," sabi niya sa matanda. "Salamat, Claudine. Doon na lang ako mag-aalmusal sa bahay para may kasama ang mga apo ko." "Sige lang po. Ayos lang ako dito. Kumain na po kayo," aniya sabay ngiti. Nang kumuha ang matanda ng kanilang pagkain, nagtungo na si aling Liza sa kanilang munting bahay. Kumain naman mag-isa si Claudine. At nang matapos siya sa pagkain, siya na ang naghugas at nagligpit. Naupo siya sa sala at saka sumilip sa malaking bintana. Ang ganda ng view sa labas. Puro luntian. Malamig ang simoy ng hangin dahil puro puno. Naalala bigla ni Claudine ang naganap kagabi. "Tsk. Akala niya yata maghahabol pa ako sa kanya. 'Di na uy," inis na sabi ni Claudine sa sarili. Hindi kasi niya napigilang mainis kay Hunter kagabi. Lalo pa't niyayabangan siya nito na kunwari lang siyang matapang. Pero ang ending, hahabulin niya lang ito sa huli. Malakas siyang tumawa sa sinabing iyon ni Hunter. Inis na inis siya sa kayabangan nito. "Ano ba akala niya? Habambuhay akong baliw sa kanya? Gagò!" dagdag pa niyang sabi. Nagtungo siya sa kuwarto upang magpalit ng damit. Pupunta siya sa farm para bisitahin ang mga hayop doon na dumating kahapon. Titingnan niya rin ang ginawang kulungan ng mga hayop doon kung maayos ba ang pagkakagawa. "Good morning!" Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang sumulpot sa kanyang harapan si River. Natawa siya bago inirapan ang binata. "Daig mo pa ang kabuti na bigla na lang susulpot kung saan," aniya sabay hawi sa kanyang buhok. "I'm sorry kung nagulat kita. Saan ka pala pupunta?" "Sa farm. Titingnan ko kung maayos ba iyong pinagawa kong kulungan ng baboy pati na manok. Tapos may ipapagawa pa pala akong kulungan ng mga baka. Sana maging maayos ang lahat," wika ni Claudine sabay hingang malalim. Hindi naman kasi siya maalal sa pagkakaroon ng negosyo. At iyon ang unang negosyo niya at magiging libangan niya. "Magiging maayos ang lahat. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita," wika ni River. "Salamat, River. The best ka talaga. Ano? Sasama ka ba sa akin?" "Oo. Gusto ko ring makita ang pinagawa mo. Mainam iyan para pasok lang nang pasok ang pera sa iyo. Kaysa labas ka nang labas ng pera." Tumango siya bilang pagsang-ayon kay River. "Yes dahil mauubos din basta ang pera ko kapag panay lang ako gastos. At least ito, sarili ko na talagang pera ito. Negosyo ko na mismo. Mabuti na lang talaga malaking lupa ang iniwan sa akin ni daddy. Magagamit ko." Naglakad silang dalawa patungo sa kanyang malawak na lupain. Naroon na nga ang mga hayop na binili niya. Ilang inahin din ang binili niya. Sinabi sa kanya ni aling Liza na maayos na ang lahat. Pati na ang mga pagkain ng mga hayop doon. Nakita niya ngang maayos ang pagkakagawa ng kulungan. At sinisimulan na ring gawin ang kulungan ng baka. Para kapag umulan, may masisilungan ang lahat ng alaga niyang hayop sa kanyang farm. "Sabihan mo ako sa susunod kapag may naghanap ng supplier ng manok pati na itlog. Para ako ang magiging supplier nila," sabi niya kay River. "Oo sige. Marami akong kilala dito. Ako na ang bahala," saad ni River sabay kindat. Pinakain nilang dalawa ang mga hayop doon. Libang na libang si Claudine sa kanyang ginagawa. Wala siyang ibang naisiip kun'di ang pakainin ang mga hayop doon. Hindi pumasok sa isip niya si Hunter. Kaya naman pagbalik nila, tawa nang tawa si Claudine. At ganoon din si River. "Medyo mabaho pala talaga ang dumi ng baboy pero keri ko lang naman maglinis ng kulungan. Maigi ngang ma-experience ko para masaya," aniya sabay hagikhik. "Oo masaya naman maglinis ng kulungan. Malakas ang pressure ng tubig kaya madaling maaanod ang dumi." "Kaya nga. Sige, pasok na muna ako sa bahay. Magpapahinga muna ako. Mamayang hapon na ulit ako lalabas," paalam niya sa binata. Hindi muna agad pumasok sa loob ng kanyang bahay si Claudine dahil diniligan niya muna ang mga halamang tanim sa paligid ng malawak niyang bakuran. Pati na ang mga naggagandahang bulaklak doon. "Tapang-tapangan ka rin talaga, ano? Tingnan lang natin kung hindi ka maghabol sa akin paglipas ng ilang linggo o buwan." Tumigil si Claudine sa kanyang ginagawa at saka napairap sa hangin. Tiningnan niya ang lalaking nagsalita sa kanyang likuran at saka umirap. "Talaga lang, ha? Hindi ako sigurado. Wala na kasi akong pakialam sa iyo. Tama na ang ilang taong pagpapakatanga sa walang kwentang katulad mo," matapang niyang sabi. Tumawa si Hunter. "Ganoon ba? Eh bakit ayaw mo pang mag-file ng annulment?" "Simple lang, para may makuha naman ako sa iyo. Sayang naman ang araw-araw na pag-iyak ko kung wala akong makukuha sa iyo. Pero kahit sino pang babae ang kantutïn mo, wala akong pakialam." Nanlaki ang mata ni Hunter. "Bunganga mo. Bastos ka ng manalita." Tumawa siya. "Anong bastos doon? Iyon naman talaga ang tawag doon. Huwag kang feeling malinis diyan. Huwag ako. At isa pa, bakit nagpunta ka pa dito? Papansin ka lang? Hindi mo matanggap na kaya kitang iwan?" Malakas na tumawa si Hunter. "At bakit naman ako magpapapansin sa iyo? Masayang-masaya nga akong sumuko ka na. Wala na akong problema pa." Tumango-tango si Claudine. "Iyon naman pala. Eh 'di maigi. Ganoon din ako. Masaya rin akong nakahinga na ako sa iyo. Natatawa na nga lang ako sa sarili kong nagpakabaliw ako sa katulad mo. Marami naman pala siyang mas higit sa iyo." "Sino? Si River? Malandi ka rin pala 'no?" Asar siyang natawa. "Ni minsan hindi ako lumandi sa kahit na sino. Hindi ko na kasalanan kung may mga lalaking naaakit sa ganda ko. Hindi man ako maganda sa paningin mo, maganda naman ako sa paningin ng ibang lalaki," mayabang niyang sabi sabay kindat. Nakita niya ang pagtiim-bagang ni Hunter pero agad na siyang tumalikod. Ngayon, natutuwa na siyang inisin si Hunter.SUSIE Makalipas ang ilang araw, ilang araw na ring hindi dumadalaw si Dan sa café na iyon. Abala si Susie sa pag-aasikaso ng mga kustomer, pero kahit ganoon dama niyang may kulang. Hindi niya lang inaamin sa sarili niya o baka ayaw niya lang aminin. “Susie, ilang araw ka ng tuliro,” puna ni Joy na isa sa mga staff. “Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig.” Napakurap ng maraming beses si Susie. “Ha? Talaga? Pasensya na,” sagot niya habang nakatingin sa listahan ng mga order. “Si Dan ba iniisip mo?” tukso ng katrabaho niya. Agad na nangasim ang mukha ni Susie. “Ay naku! Hindi no! Ang kulit mo talaga. At bakit ko naman iisipin ang lalaking iyon? Wala naman akong pakialam sa lalaking iyon," mabilis niyang tanggi pero napansin ni Joy na namumula ang tainga niya. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi ni Joy. “Ahh, sure,” sabi ni Joy sabay kindat. “Hindi mo nga napansin, oh! Pumasok na pala siya.” Halos tumigil ang mundo ni Susie nang marinig ang tunog ng kampana sa pint
Maaga pa lang ay gising na si Dan. Hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay lalo na si Aireen pa ito. Ang babaeng minsan niyang minahal pero siya ring nag-iwan ng sugat sa kanya. Tahimik niyang pinagmamasdan mula sa sala ang direksyong papunta sa guest room. Naroon pa rin si Aireen, marahil ay tulog pa. Naka-init na siya ng tubig sa kettle at naglagay ng dalawang tasa ng kape sa mesa. Pero kahit amoy na amoy ang aroma ng kape, hindi siya makaramdam ng ginhawa. Iba ‘yung bigat sa dibdib niya ngayon. Hindi galit o hindi rin awa lang. Parang gusto niyang matapos agad ang araw na iyon. Parang gusto na niyang umalis si Aireen sa bahay niya. Ilang sandali pa, narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Lumabas si Aireen, suot pa rin ang lumang jacket na suot niya kagabi. Payat ito, maputla at may bahagyang pasa pa sa leeg. “Dan…” mahinahon nitong tawag. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa tasa ng kape at marahang tumango. "Umupo ka. May tinimpla akong kape diyan.”
Halos hindi nakatulog si Dan buong gabi. Kahit anong pihit niya sa kama, bumabalik pa rin sa isip niya ang text na natanggap kagabi. 'Hi, Dan. Ako si Aireen. Nabalitaan kong nandiyan ka pa rin sa Ilocos… pwede ba kitang puntahan?' Binasa niya ‘yon ng paulit-ulit na parang hindi makapaniwala na matapos ang ilang taon, bigla na lang babalik sa buhay niya ang babaeng halos wasakin siya. Kinuha niya ang cellphone sa mesa at saka tinitigan ulit ang mensahe. Wala na namang sumunod. Walang “seen,” walang “typing.” Pero sa bawat segundo, parang lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa bintana. Sumisikat na ang araw. Ibig sabihin, isa na namang araw ng pagtatrabaho sa farm. Pero kahit pa anong subok niyang ibalik ang focus niya, wala. Laging bumabalik si Aireen sa isip niya. Pagdating ni Hiro sa farm, agad nitong napansin ang hitsura ng kaibigan. Kumunot ang noo ni Hiro. “Boss, parang zombie ka ah. Hindi ka ba natulog?” biro ni Hiro kay Dan. Napah
Maaga pa lang ay abala na ang buong farm ni Dan. Tahimik ang paligid maliban sa tilaok ng mga manok at mga baboy na tila nag-aagawan sa pagkain. May mga trabahador siyang naglilinis ng kulungan at ang iba naman ay nag-aalaga ng mga sisiw. Nakatayo si Dan sa may harapan ng kulungan ng manok. Suot ang simpleng t-shirt at shorts. Bitbit ang kape at tinapay. “Boss Dan, maganda ang ani natin ngayon,” sabi ni Hiro, ang matagal na niyang tauhan at matalik na kaibigan. “Kung magtutuloy-tuloy ‘to, baka makabili ka na ulit ng bagong delivery van.” Ngumiti si Dan. Pero halatang may ibang iniisip. “Ayos ‘yan. Pero hindi van ang iniisip ko ngayon.” Napakunot ang noo ni Hiro. “Eh ano? ‘Yong manager sa café?” Natigilan si Dan sabay tawa. “Grabe ka talaga, Hiro. Mabilis ka pa sa wifi.” “Eh kasi naman, boss, halata! Araw-araw ka na lang sa café na ‘yon. Hindi ko alam kung negosyo pa o ligawan na.” Umupo si Dan sa may sako ng darak at tumawa pa ng mahina. “Hindi ko nga rin alam. Per
Dalawang araw ang lumipas, magaang nagising si Susie kahit na hindi naman siya pupunta sa coffee shop. Sa bagong bahay na ipinagawa sa kanya ni Stella, hindi pa rin siya makapaniwala. Katamtaman lang ang laki ng bahay. Isang bungalo na may dalawang kuwarto, maliit na sala at kusina na parang laging mabango at bagong linis. May bakuran pa itong puno ng santan at ilang paso ng orchids na si Stella mismo ang naglagay noong nakaraang linggo.Nakaupo siya sa terrace, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang paligid. Tahimik, malamig ang simoy ng hangin at pakiramdam niya parang isang panibagong simula para sa kanya.“Salamat talaga, ate,” bulong niya habang nakangiti. Wala ang ate Stella niya doon dahil nagpapakasaya itong lumibot kung saan-saan kasama ang asawa nitong si River. Kasama rin pala ng mag-asawa ang kaibigan nitong si Hunter at ang asawa nitong si Claudine.Matapos magkape, naisipan niyang mahiga ulit sa kama at matulog ulit. Mayamaya pa ay biglang nag-ring ang cellpho
Maaga pa lang ay abala na si Susie sa café. Siya ang manager at palaging nakaalalay sa mga staff, pero hindi rin siya nahihiyang sumabak sa harap ng counter. Hawak ang clipboard, nag-check siya ng mga stocks habang umuusok pa ang mainit na brewed coffee sa gilid ng mesa. “Dagdagan mo ng kaunting gatas. Reklamo na naman ’yan ng customer mamaya. Alam mo naman may mga reklamador tayong customer,” bilin niya sa barista. “Okay po, ma’am Susie,” mabilis na sagot ng binata. Mula sa gilid, napansin niyang papasok na naman si Dan. Bitbit nito ang basket ng itlog at karne ng manok. Palagi itong ganito. Parang hindi man lang nauubusan ng dahilan para dumalaw sa café. Kaya hindi nangangamba si Susie na maubos ang ingredients nila para sa cakes doon. Dahil nandiyan si Dan na taga-suplay at madalas libre pa. “Ayan na naman ang pasaway kong stalker,” mahina niyang bulong sa sarili bago tumikhim. “Good morning,” tipid na bati ni Dan habang inilapag ang basket sa kitchen door. “’Yong order







