HUNTER
Dalawang araw na ang lumipas simula nang umalis sa kanilang bahay si Claudine. Aminado si Hunter na ramdam niya ang pagbabago sa bahay na iyon. Naging tahimik. At mas gusto niya nga talaga iyon. Ngunit tila nawalan ng buhay ang malaking bahay na iyon. Pagkababa niya ng kusina, nakapagluto na ng almusal ang kanyang kasambahay. Kumuha siya ng katamtamang pagkain sa kanyang plato at saka kumain. Naalala niyang bigla ang mga nilulutong almusal ni Claudine para sa kanya. Ni minsan, hindi siya kumain ng luto ni Claudine. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, wala siyang luto ni Claudine na tinikman kahit isa. 'Tsk. Maigi ngang wala na siya dito sa bahay. Komportable na akong makagagalaw. Wala ng papansin pa sa akin,' wika niya sa kanyang isipan. Binilisan niya ang kanyang pagnguya. At nang matapos siyang kumain, dumiretso na siya sa banyo para makapag-asiko na sa kanyang sarili. Nang matapos siya, mabilis ang lakad niyang nagtungo sa kanyang sasakyan. Bumukas ang malaking gate ng kanyang bahay at saka niya pinaharurot ang sasakyan niya paalis. "Nag-message sa akin si River. Naroon daw si Claudine sa bahay nila dati ng daddy niya. Mukhang doon na titira ang asawa mo," sabi sa kanya ni Ryan nang makapunta siya sa kanyang opisina. "Tsk. Hindi ko na siya asawa. Umalis na siya sa bahay kaya ang ibig sabihin lang no'n, hiwalay na kami," mayabang niyang sabi. Tinawanan siya ng kanyang kaibigan. "Wala namang divorce sa Pinas. Kaya mag-asawa pa rin kayo. Hindi pa yata siya nagpa-file ng annulment. Hiwalay lang kayo pero mag-asawa pa rin kayo." "Sa papel lang. Hanggang doon lang. Pero sa totoo lang, hindi. Siya lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa. Wala naman akong pakialam sa kanya. Kahit hindi pa siya mag-file ng annulment, ayos lang. Baka may hinahabol pa siyang yaman sa akin. Wala namang problema sa akin kung iyon ang habol niya. Dahil tinupad naman niya ang gusto ko. Ang maglaho siya at umalis sa bahay," nakangising sabi ni Hunter. Tumango-tango si Ryan. "Okay fine. Paano pala iyan? Nandoon pala sa Ilocos ang asawa mo. Pupunta ka pa ba sa birthday ng lola ni River?" Mahina siyang tumawa. "At bakit naman hindi? May dapat ba akong iwasan? Kung si Claudine ang tinutukoy mong dahilan para hindi ako magpunta, bakit? Sino ba siya? Wala naman siyang kwenta." Malakas na tumawa si Ryan. "Grabe ka naman kay Claudine! Baka naman isang araw, pagsisihan mo ang mga sinabi mong iyan? Baka isang araw, magulat na lang ako ikaw na itong naghahabol sa kanya at mahal na mahal siya? Bilog pa naman ang mundo." Napailing si Hunter sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Nagpapatawa ka ba? Hindi kasi ako natatawa sa joke mo. She is not someone I will ever fall in love with. To me, she is nothing. And I will not love her even if it means the end of this world." "Okay fine. Sige. Sinabi mo iyan, ha. At tatandaan ko ang sinabi mong iyan. Sa susunod na linggo, ha? Pupunta tayo sa birthday ng lola ni River. Baka bigla kang umatras diyan dahil takot kang makita si Claudine," sabi ni Ryan sabay halakhak. "Sino ba siya para katakutan ko? Gagò!" sigaw niya sa kaibigan. CLAUDINE SAMANTALA, abala sa pagtatanim ng gulay si Claudine. Nililibang niya ang kanyang sarili upang hindi maisip si Hunter. Nalaman niyang napakalawak pala ng lupain ng daddy niya. At may mga pananim doon si aling Liza. Ibinebenta ni aling Liza ang mga na-harvest niyang gulay at prutas sa malapit na palengke doon. May alaga ring hayop si aling Liza. At naisip ni Claudine na dagdagan ang mga alagang hayop para kumita sila ng malaki. "Masyado pa lang malaki ang lupa ni daddy. Mabuti na lang naasikaso niya ito bago niya ako tuluyang iniwan. Ayos lang ba sa inyo na ibenta ko ang ibang bahagi ng lupaing ito?" tanong niya kay aling Liza. Mabilis na tumango ang matanda. "Syempre naman po, ma'am.. Hindi naman sa amin ang lupang ito. Hindi sa akin. Nagbabantay lang ako dito. Kayo na ang nagmamay-ari ng lupang ito kaya kayo ang may karapatan kung ano ang gusto niyong gawin sa lupang ito." Nginitian niya ang matanda. "'Di bale kapag nakahanap ako ng bibili, bibigyan ko po kayo. Para may panggastos po kayo ng dalawa ninyong apo." "Naku! maraming salamat, Claudine! Napakabuti niyo talaga kahit kailan! Kayong buong pamilya!" masayang sabi ni aling Liza. Matapos makapagtanim ng talong, okra, sibuyas pati na kamatis, nagpahinga muna sandali si Claudine. At nang matapos si aling Liza sa pagluluto, magana siyang kumain. Napadami ang kain niya dahil napagod siya sa pagtatanim. Ngunit nalibang naman siya ng husto. "Ay busog! Salamat po sa masarap na ulam aling Liza!" masayang sabi niya sa matanda. "Walang anuman, Claudine," tugon ni aling Liza. Tumayo siya at saka mabagal na lumakad-lakad habang nakatingin sa mga tinanim niya upang bumaba ang kanyang kinain. Mayamaya pa, lumapit sa kanya si River. Halos magkapitbahay lang kasi sila. "Ang sipag mo yata ngayon. Ang dami mong tinanim na gulay," bulalas ng binata. Nakita kasi siya ni River na nagtatanim kanina. Simpleng ngiti lang ang tinugon niya sa binata kanina. "Nalilibang ako eh. Sa susunod, mag-aalaga naman ako ng hayop. Bukas, sisimulan ko ng pagawaan ng kulungan ng baboy doon tapos magpapagawa rin ako ng kulungan para sa mga manok. Para ito na ang pagkakakitaan ko. Kahit na may pera ako, gusto ko pa rin iyong may pinagkakakitaan ako," pahayag niya. Tumango-tango si River. "Mainam nga dahil mabilis lang maubos ang pera kung tutuusin. Ang mahalaga, nakakapaglibang ka dito. Wala ka na ba talagang balak bumalik sa bahay niyo ni Hunter?" "Wala na. Bakit pa ako babalik doon? Masaya na ako dito." Lihim na ngumiti si River. "Tama ka. Masaya naman talaga sa lugar na ito. Kaya hindi ko rin maiwan ang lugar na ito. Mas nakakapag-relax ako dito. Sariwa ang hangin. Walang polusyon. Puro luntian pa ang makikita." Bumuga ng hangin si Claudine. "Basta, paninindigan ko na ang desisyon kong ito. Tapos na ako kay Hunter. Sa ngayon, sarili ko naman ang uunahin ko. Sarili ko naman ang mamahalin ko," wika niya sabay ngiti ng tipid.CLAUDINE Maulan ng araw na iyon. Walang magawa si Claudine kun'di ang magkulong muna sa kanyang kuwarto habang hindi pa tumitila ang ulan. At dahil wala siyang magawa, kinuha niya ang kanyang cellphone. Nag-scroll siya up and down hanggang sa makita niya ang post ni Hunter. Hindi niya ito bina-block dahil gusto niyang makapag-stalk pa rin sa kanyang asawa. Hindi naman talaga ang gusto niyang makuha kay Hunter ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nag-file ng annulment. Umaasa siyang mamahalin siya ni Hunter pagdating ng araw. "Kainis," mahinang usal niya sa sarili. Umagos ang butil na luha sa kanyang mga mata. Mahal na mahal niya talaga si Hunter. Ngunit kahit na mahal niya si Hunter, ayaw na niyang ng ipakitang mahina siya. Ayaw na niyang makita pa ni Hunter kung gaano niya ito kamahal. Gusto niyang ipakita kay Hunter na kaya niyang mag-isa kahit sa totoo lang, durog na durog na siya. "Claudine? Claudine!" rinig niyang sigaw ni River sa labas. Binuksan niya ang
HUNTER Dalawang araw na sa bahay ni River si Hunter at mamayang gabi pa lang siya uuwi. Tinitingnan niya kasi ang galaw ni Claudine. Pinagmamasdan niya ito mula sa malayo. At naiinis siyang makitang masaya si Claudine. Walang bakas ng lungkot sa mga mata nito. "Nakamasid ka na naman sa asawa mo. Este sa ex-wife mo. Mukhang miss mo na nga talaga siya," nakangising sabi ni Ryan. Asar siyang tumawa. "Gagò ka ba? Sinabi ko naman sa iyong hindi ko miss ang babaeng iyan. Bakit ko naman mararamdaman iyon? Matagal kong hiniling na mawala siya sa buhay ko. Kaya hindi ko siya nami-miss. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya. Mukhang masaya naman siya at walang bahid ng lungkot sa mukha niya. Kaya hindi ko na titigilan si Stella ngayon." Tumawa ang kaibigan niyang si Ryan. "Paanong hindi titigilan? Talagang nasisiraan ka na, ano? Ayaw nga sa iyo ng babaeng iyon dahil may iba siyang gusto. At walang iba kun'di ang kaibigan nating si River!" Bumuga siya ng hangin. "Alam ko pero ayos
CLAUDINE Masakit ang ulo ni Claudine nang magising siya kinabukasan dahil nakainom siya ng marami. Mabuti na lang, nandiyan si River at inihatid siya sa bahay niya kagabi. Bumangon siya sa kanyang kama. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng nilulutong almusal ni aling Liza. Kumalam ang kanyang sikmura at agad na nagtungo sa kusina. "Gising ka na pala. Mag-almusal ka na. Nakapagluto na ako," sabi ng matanda sa kanya. Nginitian niya ito. "Nag-almusal na po ba kayo? Kumuha po kayo ng almusal niyo ng mga apo niyo. Hindi mo naman po iyan mauubos," sabi niya sa matanda. "Salamat, Claudine. Doon na lang ako mag-aalmusal sa bahay para may kasama ang mga apo ko." "Sige lang po. Ayos lang ako dito. Kumain na po kayo," aniya sabay ngiti. Nang kumuha ang matanda ng kanilang pagkain, nagtungo na si aling Liza sa kanilang munting bahay. Kumain naman mag-isa si Claudine. At nang matapos siya sa pagkain, siya na ang naghugas at nagligpit. Naupo siya sa sala at saka sumilip sa
CLAUDINE Pinagmasdan ni Claudine ang kanyang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng fitted dress na may slit sa kanang bahagi ng hita niya. Kitang-kita ang magandang kurba ng kanyang katawan. Litaw din ang kanyang cleavage na talaga namang nakaaakit tingnan. Kaunting make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha ngunit napakaganda na niya. Tila isang modelo o sikat na artista ang gandang mayroon si Claudine. "Napakaganda mo talaga, Claudine. Ang ganda ng kombinasyon ng daddy at mommy mo. Sayang nga lang, nag-iisang anak ka lang nila. Kumalat na sana ang lahi niyo kung nagkaroon ka pa ng kahit isa o dalawang kapatid," wika ni aling Liza nang silipin siya nito sa kanyang kuwarto. Mahina siyang tumawa. "Kaya nga po eh. Malungkot ang maging only child. Pero 'di bale na, kapag bubuo ako ng pamilya, tatlo hanggang lima ang gusto kong anak." Tumawa si aling Liza. "Wala namang masamang magkaroon ng madaming anak basta kayang buhayin. Mas maigi ngang madaming anak kapag may pera. Mas
HUNTER Dalawang araw na ang lumipas simula nang umalis sa kanilang bahay si Claudine. Aminado si Hunter na ramdam niya ang pagbabago sa bahay na iyon. Naging tahimik. At mas gusto niya nga talaga iyon. Ngunit tila nawalan ng buhay ang malaking bahay na iyon. Pagkababa niya ng kusina, nakapagluto na ng almusal ang kanyang kasambahay. Kumuha siya ng katamtamang pagkain sa kanyang plato at saka kumain. Naalala niyang bigla ang mga nilulutong almusal ni Claudine para sa kanya. Ni minsan, hindi siya kumain ng luto ni Claudine. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, wala siyang luto ni Claudine na tinikman kahit isa. 'Tsk. Maigi ngang wala na siya dito sa bahay. Komportable na akong makagagalaw. Wala ng papansin pa sa akin,' wika niya sa kanyang isipan. Binilisan niya ang kanyang pagnguya. At nang matapos siyang kumain, dumiretso na siya sa banyo para makapag-asiko na sa kanyang sarili. Nang matapos siya, mabilis ang lakad niyang nagtungo sa kanyang sasakyan. Bumukas ang ma
CLAUDINE Kinabukasan, maagang nagising si Claudine. Nag-almusal muna siya sa bahay ni Sarah bago tuluyang umalis patungong Ilocos. Habang nagmamaneho siya, naiisip niya si Hunter. Umaasa siyang magme-message sa kanya ang asawa niya para pabalikin siya sa bahay nila pero wala talaga. Kahit na pinipilit niyang maging matapang at matatag, durog na durog pa rin siya sa loob niya. Mahal niya ang asawa niyang si Hunter Montenegro. Ngunit hindi naman siya nito minahal kahit minsan. Bagkus, mas lalo lang siyang kinamuhian nito. Kung buhay pa sana ang mga magulang niya, nakapgsasabi sana siya ng kanyang hinaing. Lalo na sa kanyang daddy. "Magandang araw po, ma'am Claudine!" magiliw na sabi ni aling Liza. Nasa edad seventy years old na si aling Liza na siyang caretaker ng malawak na lupain ng kanyang daddy sa Ilocos pati na rin ang malaking bahay nila doon. Malakas pa rin ang katawan ng matanda at hindi halata sa itsura niya ang edad niya. Palibhasa'y puro masustansyang pagkain