Share

Episode 5 -- Date

ELENA'SPOV--

Nahirapan siyang makatulog nang nakaraang gabi kaya late siyang nagising kinabukasan. Kulang nalang ay takbuhin niya ang kanto patungo sa Eatery.

Kasalanan ito nang lintik na lalaking yon!

Buti nalang ay hindi siya nahalata nang mga katrabaho na nangangalumata siya. Siya muna ang tumayong cashier dahil busy sa kusina si Isang. All around ang drama nila dito, kung sinong available na walang ginagawa ay matik na agad.

Kasalukuyan siyang nagbibigay nang sukli sa customer nang mahagip nang kanyang mata ang lalaking papasok sa Eatery nila. Muntik na siyang mahulog sa kina-uupuan nang makilala ang lalaking kakapasok lang. Nagyuko sya nang ulo at kulang nalang ay magtago sa ilalim nang luminga linga si Alvin na parang may hinahanap.

Pero huli na dahil nakita na niya itong papalapit sa kanya. Ngumiti pa ito sa kanya na parang ang ganda nang gising nito.

Matikas at malinis itong tingnan sa suot na black long sleeve button down na itinupi hanggang siko at black pants.

Nakakan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status